• October 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 12th, 2024

Wimbledon tatanggalin na ang mga line judges

Posted on: October 12th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SA UNANG pagkakataon matapos ang 147 taon ay nagpasya ang Wimbledon an tanggalin na ang mga line judges sa lahat ng kanilang courts tuwing may tournaments.

 

 

Ayon sa All England Club na simula 2025 championships ay gagamit na sila ng electronic line calling (ELC).

 

 

Ang ELC ay siyang papalit sa mga line judges na nagtatawag ng “out” o “fault” tuwing may laro at gagamitin din to tuwing may Wimbledon qualifying match.

 

Sinabi ni All England Club chief executive Sally Burton na ang desisyon ay ikinonsidera matapos ang ilang konsultasyon.

 

Una ng gumamit ang Australian Open ng ELC sa lahat ng tennis court mula pa noong 2021 habang ang US Open ay ang ilang mga court lamang nila.

Mayor Albee Benitez beach volley tilt hataw sa Bacolod City

Posted on: October 12th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HAHATAW ang 91 teams sa Second Mayor Albee Benitez Beach Volleyball Tournament na magsisimula ngayon sa University of St. La Salle Sandbox sa Bacolod City.

 

Makakatapat ng mga top-notch teams mula sa Metro Manila ang mga provincial squads sa torneong kasama sa kalendaryo ng beach volleyball program ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) na pinamumunuan ni Ramon “Tats” Suzara.

 

Babandera ang Ateneo, University of the Philippines, University of Perpetual Help-Las Piñas, VMA Sturgeon, Far Eastern University, University of Santo Tomas (UST), De La Salle at National University ang mga tropa mula sa Metro Manila.

 

 

Ang Colegio de Santa Ana de Victorias at host venue St. La Salle ang mangunguna sa mga provincial teams sa torneong nag-aalok ng cash prizes sa mga podium finishers, ayon kay PNVF director Carmela Arcolas-Gamboa.

 

“It will be nine days of exciting beach volleyball action,” ani Gamboa. “And we expect this tournament to further propagate volleyball in line with our program and vision in the PNVF.”

 

May laro rin bukas at sa Oktubre 18 hanggang 24 sa men’s at women’s 17-under at open categories.

 

Sina Ran Ran Abdilla at Alexander Cabatuan ng Verayo’s Grill ang men’s open champion, habang sina Gen Eslapor at Sophia Pagara ng UST ang reigning women’s open titlists sa torneong inroganisa ng Volleyball Association of Negros Island na pinamumunuan ni Gamboa kasama si tournament director Reylin Verayo.

 

 

Ang champion team ay nag-uuwi ng P10,000 at ang losing finalist ay tatanggap ng P7,000, habang ang third at fourth placers ay may P4,000 at P2,000, ayon sa pagkakasunod.

Spanish tennis star Rafael Nadal inanunsiyo na ang pagreretiro

Posted on: October 12th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

INANUNSIYO ng tennis star na si Rafael Nadal ang nalalapit niyang pagreretiro sa paglalaro.

 

Sinabi ng 38-anyos na tennis player na huli na itong maglalaro sa Davis Cup Finals sa susunod na buwan at tuluyan ng magreretiro.

 

 

Dagdag panito na labis na ang kaniyang karanasan sa tennis at naisakatuparan na niya ang kaniyang pangarap sa tennis.

 

Ilan sa mga nakitang dahilan ng Spanish tennis star ay ang pagkakaroon niya ng mga injury na siyang nagiging dahilan din ng kaniyang hindi paglaro sa ibang torneo.

 

Aminado ito na nahirapan siya sa nasabing desisyon na magretiro.

Trabaho sa Korte, suspendido sa Oct 14 at 15

Posted on: October 12th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SUSPENDIDO ang trabaho sa mga Korte sa Manila at Pasay sa Okt.14 at 15 ,2024 .

 

Sa memorandum order na inilabas ni Acting Chief Justice Matvic M.V.F Leonen, inanunsyo na kasama sa suspendido ang trabaho sa Korte Suprema, Court of Appeals at lahat ng first at second level courts sa nabanggit ng dalawang lungsod .

 

Dahil ito sa inaasahang matinding trapiko sa pagbubukas ng 10th Session ng Asia-Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction in the Philippine International Convention Center.

 

Pero, ang work suspension ay hindi ilalapat sa mga Korte na kailangang magproseso ng mga piyansa, mga utos ng pagpapalaya o iba pang writ of liberty, o sa mga kailangang maghatid ng mga utos ng proteksyon sa loob ng araw. GENE ADSUARA

Lalaking nag-trip manaksak sa Valenzuela, kalaboso

Posted on: October 12th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang lalaki matapos umanong pagtripang pagsasaksakin ang isang mister na dumaan lamang sa kanyang harapan sa Valenzuela City.

 

 

Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban ang suspek na isang 32-anyos na residente ng Brgy. Bagbaguin habang ang biktima ay 40-anyos na residente naman ng Brgy. Canumay East.

 

 

Lumabas sa imbestigasyon ni PSSg Larry Legazpi, papasok na sa kanyang trabaho ang biktima sa Narciso St., East Service Road, Brgy., Canumay East nang bigla na lamang umanong pagsasaksakin ng suspek sa iba’t ibang parte ng katawan.

 

 

Sa kabila ng tinamong mga saksak, nagawang makalayo ng biktima hanggang sa makahingi ng tulong sa nagpapatrolyang mga tauhan ng Sub-Station (SS1) na sina PSSg Rosario Cruz Jr at Pat Ericson Bulahao.

 

 

Kaagad isinugod ang biktina sa Valenzuela Medical Center kung saan siya patuloy na ginagamot habang naaresto naman ang suspek ng mga tauhan ng SS1 at narekober sa kanya ang patalim na ginamit sa pananaksak.

 

 

Ayon kay P/Capt. Armando Delima, hepe ng Station Investigation Unit (SIU), tinitignan pa nila ang anggulong trip lang ang ginawang pananaksak ng suspek sa biktima at ang posibleng sakit nito sa pag-iisip.

 

 

Kasalukuyang nakapiit ang suspek sa custodial facility unit ng Valenzuela City Police habang inihahanda na ang kaukulang kaso na isasampa laban kanya. (Richard Mesa)

Rider na armado ng baril, nasabat sa Oplan Sita sa Valenzuela

Posted on: October 12th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

KALABOSO ang isang rider nang mabisto ang dalang baril makaraang makipaghabulan sa mga pulis na nagsasagawa ng Oplan Sita sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Sa tinanggap na ulat ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nagsasagawa ng “Oplan Sita” ang mga tauhan ni Valenzuela City Police Chief P/Col. Nixon Cayaban dakong alas-7:50 ng gabi sa harap ng bantog na botika sa Pio Valenzuela St. nang pahintuin nila ang isang rider na nakasuot ng tsinelas habang nagmomotorsiklo na labag sa umiiral na ordinansa ng lungsod.

 

 

Titikitan na lang sana ng mga tauhan ni Marulas Police Sub-Station (SS3) Commander P/Capt. Noelson Garcera ang pasaway na rider nang bumaba sa motorsiklo at itinulak ang mga pulis sabay kumaripas ng takbo patungong De Guia Street.

 

 

Hinabol ng mga pulis ang 28-anyos na rider na residente ng Maynila hanggang sa abutan at dito na nila natuklasan na may dala palang isang kalibre .9mm Taurus pistol na may 16 na bala sa magazine.

 

 

Nang kapkapan, nakumpiska pa sa suspek ang dalawa pang magazine na may tig-10 bala ng kalibre .9mm at nang hanapan siya ng kaukulang dokumento hinggil sa legalidad sa pagdadala ng naturang baril ay walang naipakita ang suspek na dahilan para siya arestuhin.

 

 

Ani Capt. Garcera, kasong paglabag sa R.A. 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition), Art. 151 ng Revised Penal Code (Disobedience to a Person in Authority), at paglabag pa sa ordinansa ang isinampa nila sa suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

Debate ng mga kandidato, ipapaubaya sa entity

Posted on: October 12th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ng Commission on Elections (Comelec) na ipapaubaya nila sa anumang entity ang pagsasagawa ng debate ng mga kandidatura para sa 2025 elections.

 

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, hindi rin nila pipilitin ang mga magiging kandidato na makibahagi sa mga isasagawang debate.

 

Hindi rin aniya nila pakikialaman kung ano ang mga itatanong sa mga debate ay hindi na pakikialaman ng Comelec.

 

Paliwanag ng poll chief, wala naman batas para obligahin ang mga kandidato na sumabak sa mga debate.

 

Pero, hinihimok naman ng Comelec ang mga kakandidato na kung kakayanin ay makibahagi sa mga isasagawang debate.

 

 

Ito’y upang malaman ng publiko partikular ang mga botante kung anong mga balak, plano at plataporma ng mga kandidato sakaling manalo sa halalan. GENE ADSUARA

Panukalang gawing heinous crime ang EJK, isinulong

Posted on: October 12th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ISINULONG ng mga mambabatas na iklasipikang heinous crimes ang extrajudicial killings (EJKs) sa kamara.

 

Nakapaloob ito sa House Bill (HB) No. 10986 o Anti-Extrajudicial Killing Act, na inihain nina Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr., Deputy Speaker David “Jayjay” Suarez at Quad Committee co-chairmen Reps. Robert Ace Barbers, Bienvenido “Benny” Abante, Dan Fernandez at Stephen Joseph “Caraps” Paduano.

 

Ang iba pang author ay sina Reps. Romeo Acop, Johnny Pimentel, Gerville “Jinky” Luistro, Rodge Gutierrez, Paolo Ortega, Jay Khonghun at Jonathan Keith Flores.

 

Ibinase ang panukala sa naging findings at recommendations ng Quad Committee na nagsasagawa ng imbestigasyon sa EJKs in aid of legislation at naglalayong magkaroon ng mas mahigpit ang legal standards para tugunan ang krimen at mapanagot ang mga may sala.

 

“Extrajudicial killing or the killing of individuals without judicial proceedings or legal authority, poses a grave threat to the rule of law, democracy and the protection of human rights. These acts bypass established judicial procedures, undermining public trust in the justice system and violating the basic rights to life and due process guaranteed by the Constitution,” nakasaad sa explanatory note ng panukala.

 

“The lack of accountability for such crimes contributes to a culture of impunity, where perpetrators believe they can act without fear of legal consequences. This bill seeks to explicitly criminalize EJK, ensuring that any individual, regardless of rank or position, who is found guilty of participating in, authorizing, or condoning such acts will face appropriate criminal penalties,” nakasaad pa.

 

Sa ilalim ng panukala, ang extrajudicial killings ay ika-klasipika bilang heinous crimes, na nangangahulugan na kapag napatunayang nagkasala ay kakaharap sa hatol na habangbuhay na pagkabilanggo o reclusion perpetua ng walang posibilidad ng parole.

 

Tinukoy niito ang pagpatay na ginawa ng state agents o inatasano kinunsinti ng nasa otoridad.

 

“Extrajudicial killing (EJK) refers to any killing other than that imposed by the State pursuant to the provisions of the Constitution on heinous crimes or a deliberate and arbitrary killing of any person not authorized by a previous judgment pronounced by a competent court affording all the judicial guarantees which are recognized as indispensable by civilized peoples. It may be committed a public officer, person in authority, agent of a person in authority, or any person who is acting under the actual or apparent authority of the State,” saad pa sa panukala. (Vina de Guzman)

Ads October 12, 2024

Posted on: October 12th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Top 8 most wanted person sa Valenzuela, nabitag sa Pangasinan

Posted on: October 12th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGWAKAS na ang mahigit sampung taon na pagtatago sa batas ng isang lalaki na nasa top 8 most wanted person ng Valenzuela City Police Station (VCPS) matapos kumagat sa pain ng pulisya na makipag-date na dahilan ng pagkakaaresto sa kanya sa Pangasinan.

 

 

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, kinilala ni VCPS chief P/Col. Nixon Cayaban ang naarestong akusado na si alyas Nelson, 36, residente ng Asingan, Pangasinan.

 

Dakong alas-5:20 ng hapon nang maaresto ang akusado sa Zone 1, Brgy. Carosucan Sur, Asingan, Pangasinan ng pinagsamang mga tauhan ng VCPS Intelligence Section (SIS) at Asingan Municipal Police Station.

 

Nauna rito, nakatanggap ng tip ang SIS na nagtatago umano ang akusado sa Pangasinan hanggang sa magawa nilang malaman ang Facebook account nito kaya isang pulis ang nakipag-chat sa kanya.

 

 

Ayon kay P/Major Randy Llanderal, hepe ng SIS, ilang araw din umanong magka-chat ang akusado at isa niyang tauhan hanggang sa kumagat ito sa pakikipag-date sa pulis kaya nalaman nila ang pinagtataguan ni ‘Nelson’ sa Pangasinan na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanya.

 

 

Si ‘Nelson’ ay binitbit sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong frustrated murder na inilabas ni Presiding Judge Evangeline Francisco ng Valenzuela City Regional Trial Court Branch 270, noong March 18, 2021.

 

 

Sinabi ni Major Llanderal na nasangkot si ‘Nelson’ sa pananaksak sa rambulan sa Brgy. Dalandana ng lungsod at nasentensiyahan umano ng korte noong 2013. (Richard Mesa)