• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 22nd, 2024

Jonathan Roumie of ‘The Chosen is Finally’ coming to Manila in November!

Posted on: October 22nd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MANILA, Philippines – October 21, 2024 Jonathan Roumie, the actor beloved for his portrayal of Jesus in the ground-breaking series The Chosen, is set to visit Manila for a fan screening event on November 22, 2024.

 

This promises an early Christmas gift for Pinoy fans of the hit series The Chosen!

 

The event will showcase the much-anticipated Christmas special Christmas with The Chosen: Holy Night. This retelling of the birth of Jesus, as seen through the eyes of Mary and Joseph beautifully weaves the stories of The Messengers and The Shepherd into an all-new remastered feature in time for the holiday season.

 

Meant to be seen in theaters, the special screening of Christmas with The Chosen: Holy Night promises an unforgettable, highly inspiring experience, blending powerful storytelling with stirring music. It will also feature a live video message from The Chosen creator and director Dallas Jenkins, encouraging reflection on the deeper meaning of Christmas, along with captivating performances from renowned artists, including the legendary Andrea Bocelli and his son Matteo. Other musical performances in the featured screening will include The Feast Choir, adding a uniquely Filipino touch to the celebration.

 

Fans can expect not only to watch the Christmas special but also to experience the spirit of the season through community, music, inspiration—and, of course, to take some “selfies with Jesus” at the mall. A special live performance from Virlanie Voices, from Virlanie Foundation will also be part of the live fan event program. Virlanie Foundation, a non-profit and non-sectarian children’s foundation helps disadvantaged children reach their full potential by providing opportunities for their healing and development through a multi-disciplinary approach.

 

As part of the pre-screening program, fans will have the opportunity to have an up-close moment as Jonathan Roumie is set to walk the teal carpet. Roumie’s Jesus in The Chosen is a comforting balance of the human and the divine. Here, Jesus is a compassionate miracle worker who’s also a guy next door—laughing, eating, joking, and even getting frustrated like any human would.

 

Roumie’s warm and charismatic on-screen presence brings to life a relatable, approachable Jesus who can sit with you, share a meal, and talk about your day. In short, Roumie’s Jesus is a Jesus after the Filipinos’ own heart.

 

Roumie, who has become a global sensation through his role in The Chosen, expressed his excitement about coming to Manila, says in his video message while taking a walk, “Mabuhay Philippines, I’m Jonathan Roumie, I portray Jesus in The Chosen. I have some very exciting news for you. We are going to have a live fan event in the Philippines this November 22nd. Yes, I will be there personally. I wanna thank you so much for your love and support for our show and I’m so excited to meet our Filipino fans. You know we have a lot planned for the Philippines so be sure to follow us on Facebook, Instagram and TikTok @thechosentvph for updates.”

 

Christmas with The Chosen Holy Night is sure to be one of the year’s most memorable events in Manila, combining faith, music, and coming face to face with one of today’s most celebrated actors.
Join The Chosen in celebrating the magic of Christmas and the enduring message of hope this November. Watch all the series and more via the app and website – watch.thechosen.tv

 

The Chosen is a groundbreaking drama series based on the life of Jesus (played Jonathan Roumie), seen through the eyes of those who knew him. Set against the backdrop of Roman oppression in first-century Israel, the seven-season series shares an authentic and intimate look at Jesus’ revolutionary life and teachings.

 

With over 253 million viewers, written, directed and produced by Dallas Jenkins, The Chosen is one of the most-watched series in the world. The series is consistently a top performer across streaming platforms, including Prime Video, Peacock, Netflix and Hulu, plus a top-rated network series on The CW. What started as a crowd-funded project has now garnered over 800 million episode views and more than 16 million social media followers.

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Naalarma nang naaksidente ang kanyang ina: DEREK, thankful na mabilis naka-recover sa pinagdaanang surgery

Posted on: October 22nd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAALARMA kamakailan si Derek Ramsay dahil sa naaksidente ng kanyang inang si Remedios “Medy” Paggao.

 

 

Masama ang pagbagsak daw ng kanyang ina at nagka-fracture sa kanyang forearm. Agad nga raw inoperahan ang ina ng aktor.

 

 

“My mom took a bad fall and broke her forearm. Seeing her fall and seeing her in so much pain was the scariest moment of my life. My mom is a strong woman, so it was difficult to see her screaming and crying due to the pain,” post ni Derek sa social media.

 

 

Thankful si Derek na mabilis na naka-recover ang kanyang ina sa pinagdaanan nitong surgery. Kaya ngayon ay todo ang pag-alaga nito sa ina.

 

 

“The day after, my mom had her surgery, and it was a successful one. Thank you to all the doctors and nurses who took care of her. Thank you, guys, for all your prayers and well wishes. Thank you, Lord, for answering all our prayers! Mom is back to putting on her own makeup, which is definitely a good sign!!” post pa niya.

 

 

Noong 2011 ay sumailalim sa surgery si Derek dahil nabalian din siya ng braso dahil sa sinalihan na frisbee tournament.

 

 

***

 

 

MAGSASAMA sa isang musical film ang mga Sparkle stars na sina Glaiza de Castro, Rayver Cruz, Matt Lozano, at Rhian Ramos. May titulo ito na ‘Sinagtala’ at si Sigrid Bernardo ang direktor.

 

 

May official Instagram account ang Sinagtala at sa pinost na reel, makikita ang rehearsal ng buong cast.

 

 

May kanya-kanya rin silang pinapatugtog na musical instruments. Si Rhian ay nagda-drums, sina Glaiza at Matt ay nasa guitars at si Rayver ang lead vocalist.

 

 

Kasama rin sa cast si Arci Muñoz na mahusay maggitara. Lead vocalist si Arci ng kanyang sariling rock band na Philia.

 

 

Kuwento ng isang pamosong college band na biglang nag-reunite ang Sinagtala.

 

 

***

 

 

MALUNGKOT ang comedian at talkshow host na si Rosie O’Donnell dahil sa pagkakaaresto ng kanyang 27-year old adopted daughter na si Chelsea Belle O’Donnell.

 

 

Inaresto sa Wisconsin si Chelsea at sinampahan ng kasong felony child neglect and drug possession.

 

 

Post ni Rosie on IG: “Sadly this is not new for our family – chelsea has struggled with drug addiction for a decade – we r all hopeful she will find her way out of this deadly disease #💔#love#alanon 10.19.24.”

 

 

Sa Oconto County Jail naka-detain si Chelsea last October 11. Ang mga kaso niya ay neglecting a child, possession of methamphetamine, maintaining a drug-trafficking place, possession of THC, drug paraphernalia and illegally obtained prescription drugs, disorderly conduct, possession of meth, possession of narcotic drugs, jumping bail, resisting/obstructing an officer, and possession of drug paraphernalia.

 

 

Haharap si Chelsea sa korte on November 4.

 

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Isusumpa ng manonood sa bago nilang serye: JENNICA, puring-puri si SHARON sa pagiging humble sa kabila ng kasikatan

Posted on: October 22nd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

IKATUTUWA mo, my dear entertainment editor Rohn Romulo ang mga papuri ni Jennica Garcia sa mahal mong Megastar na si Sharon Cuneta.

 

Nabanggit kasi ni Jennica na kasali siya sa teleseryeng ‘Saving Grace’ na pinagbibidahan nina Sharon.

 

Lahad ni Jennica, “So ang susunod po natin, Saving Grace, Ms. Sharon Cuneta po ito.“Kung minahal tayo ng mga tao sa Dirty Linen bilang Lala, siguro po ngayon isusumpa na nila ako.

 

“Buti na lang nakapirma na ako sa Bioessence, “ at muling natawa si Jennica na ang tinutukoy ay ang pagiging bago niyang celebrity endorser ng Bioessence na isang beauty and wellness clinic.

 

Tinanong namin si Jennica kung kamusta ka-eksena si Sharon.

 

“Naku, sobrang saya,” ang masayang bulalas ng anak ni Jean Garcia.

 

“Naiintindihan ko na ngayon kung bakit nauso yung mga Megastar, Diamond Star, iba pala talaga.

 

“Meron silang… parang si Megastar parang meron siyang kasamang ring light, alam mo yun?

 

“Parang sa Pinoy Henyo ang word na pinapahula sa kanya ‘respeto’, yung parang pag naglakad ka talagang mapapa-bow ka kasi iba, iba yung elegance and makikita mo rin na she is the Megastar, because despite it all she continues to be humble talaga, grabe,” pakli pa ni Jennica.

 

***

 

AT bilang mas ma-wine ka kaysa beer, my dear editor, ikatutuwa mo rin marahil kung ang makakainuman mo ay ang hunk actor na si Tony Labrusca!

 

Nakatsikahan namin si Tony sa Wine & Liquor Expo media launch sa Landers Alabang West sa Daang Hari Road, Almanza Dos, Las Piñas City kamakailan.

 

“I feel like you learn to appreciate wine with age, not everybody appreciates it right off the bat.

 

“Like personally me speaking, my entry into wine was that my mom like always drank Moscato while I was growing up, and so like I first started drinking just like all the sweet wines.

 

“I like sweet-tasting things, that’s the thing, and now, I don’t know if it’s my age, but I’m starting to really appreciate more of a like full-bodied red wine.

 

“So, I don’t know, like me on my downtime, I personally like dining alone and I don’t mind drinking alone.

 

“So yeah, I feel like a nice glass of wine with like a good steak is always like… it’s always like steak and wine, eating that on my own on like my day off is always like a nice treat for myself, that I give myself sometimes after like a hard week of work.”

 

Isa sa tinanong namin kay Tony ay kung mas gusto ba niyang uminom kapag may mga kasamang kaibigan o mas bet niyang uminom mag-isa?

 

“I… well it’s more fun if I drink with friends, but sometimes I’ll just have like a beer or a glass of wine alone, like I don’t have a problem doing that.”

 

Nasa event rin sina Rhian Ramos, Nicole Hernandez, Kelly Misa at ang Chief Transformation Officer ng Landers na si Bill Cummings.

 

 

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Cancer free na at ‘di susuko sa paglaban sa sakit: KRIS, may pahiwatig na tuloy ang muling pagpapakasal

Posted on: October 22nd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SA latest Instagram post ni Queen of All Media Kris Aquino ay mukhang may katotohanan ang lumabas na balita na muli siyang magpapakasal.

 

 

May caption ito ng… My story. My life. My new reality…

 

 

#bawalsumuko #tuloyanglaban #lovelovelove

 

 

 

Sa last part kasi ng mahabang post ng TV host-actress ay nagbigay siya ng pahiwatig sa pagpapakasal niya sa karelasyon niya ngayon na si Dr. Michael Padlan.

 

 

“Apologies, but until my groom and I exchange vows, in that very small wedding (but surely not held outdoors) I’m choosing to keep my relationship private.

 

 

“Ibalato n’yo na sa kin yun. Invited naman kayong lahat if and when sa kasal,” pakiusap ni Kris sa kanyang social media followers.

 

 

Isiniwalat din ni Kris ang napipinto niyang pagbabalik sa ABS-CBN bago matapos ang 2024.

 

 

“Para hindi kayo magsawang magdasal Sabi nyo, you miss watching me. I want to thank my former ABS-CBN bosses for allowing Jasmin and Darla to work with me on a show which will launch before 2024 ends,” pahayag niya.

 

 

“Secret muna ‘yung concept, but you will get to see my present day journey and as much as possible the reality of Kris, Bimb, and my ‘through the years” best friends (my extended family) and definitely my team of doctors who are now among my most trusted friends.”

 

 

Bilang bahagi ng update sa kanyang health condition, kinumpirma ni Kris cancer free na siya dahil clear ang intestines niya.

 

 

Pero nananatili ang kanyang autoimmune diseases.

 

 

Ayon kay Kris, sumailalim siya sa mga medical test kasama na ang PET (Positron emission tomography) scan.

 

 

Ngunit delikado pa rin ang tatlong autoimmune condition niya na “life-threatening” – ang Churg Strauss na ang tawag ngayon ay EGPA, Systemic Sclerosis or SCLERODERMA at ang LUPUS o Systemic Lupus Erythematosus (SLE).

 

 

“I now have 5, possibly 6 autoimmune conditions. But the scary part is that 3 of the diagnosed ones are life threatening in other words- pwedeng ma-damage my vital organs or my blood vessels, specifically my artery connecting my lungs to my heart- to the extent na I can die immediately from a stroke or aneurysm or cardiac arrest.

 

 

“I am now suffering from a Lupus Arthritis flare. Deep bone pain. Hirap ako to walk without assistance. I’ll start my physical rehabilitation therapy in a few days. But I need to do so with a walker.

 

 

“My immunity is zero. Ang ubo for me can easily be pneumonia and ICU confinement. Strict rule, no direct even indirect sun exposure or my lupus flares will be triggered as well as my Scleroderma,” pagbabahagi ni Kris.

 

 

Dagdag pa niya, “I promised myself BAWAL SUMUKO. I need a goal, something for all of us to look forward to. #tuloyanglaban

 

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Womens football team mas pinapalakas pa lalo sa bansa

Posted on: October 22nd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PATULOY ang ginagawang pagpapalakas ng sports na football para sa mga kababaihan.

 

 

Sinabi ni Philippine Football Federation (PFF) senior national teams director Freddy Gonzalez, na sa pagsisimula ng 2024 PFF Women’s Cup ay nagpapakital lamang na mayroong magandang programa ang bansa larangan ng football.

 

 

Isa rin itong paraan para makapili ang Womens nationa football team ng bansa na kanilang isasabak sa mga international event.

 

 

Bumandera naman ang ilang mga koponan gaya ng Kaya Football Club (FC) Iloilo, Stallion Laguna FC, Manila Digger FC, Beach Hut, Tuloy FC, at Azzuri SC.

 

 

Kasama rin makikita ang mga manlalaro na sumabak sa FIFA Women’s World Cup 2023 kung saan nagtala ng makasaysayang panalo na 1-0 ang women’s national footballl team laban sa co-host na New Zealand.

Ngannou nagwagi sa kanyang comeback fight

Posted on: October 22nd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGING matagumpay ang pagbabalik ni Cameroonian fighter Francis Ngannou sa mixed martial arts.

 

 

Ito ay matapos na mapagbagsak si Renan Ferreria sa unang round pa lamang sa kanilang heavyweight fight sa Professional Fighters League (PFL).

 

 

Ang nasabing laban na “Battle Of the Giants” na ginanap sa Saudi Arabia.

 

 

Sa simula pa lamang ay pinaulanan ni Ngannou ng mga suntok at sipa si Ferreria.

 

Inialay naman ni Ngannou ang kaniyang panalo sa namayapang anak niya.

Djokovic naging emosyonal sa paghaharap muli niya kay Nadal

Posted on: October 22nd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGING emosyonal si Novak Djokovic ng talunin ang matagal na niyang karbal na si Rafael Nadal sa Six Kings Slam exhibition game sa Saudi Arabia.

 

 

Sinab ni Djokovic kay Nadal na dapat ay hindi muna niya iwan ang tennis.

 

 

Dagdag pa nito na nais niyang makasama ito habang sila ay retireado at nag-rerelax na lamang sa buhay.

 

 

Magugunitang inanunsiyo ng 38-anyos na si Nadal na ito ay magreretiro sa tennis pag natapos na ang Davis Cup Finals sa susunod na buwan.

 

 

Ang dalawa ay nagharap na ng 60 beses kung saan sa exhibition match sa Saudi ay nahigitan na ni Djokovic si Nadal na mayroon na itong 31 panalo kontra 29.

 

 

Mayroong 24 Grand Slam title si Djokovic habang si Nadal ay mayroong 22 Grand Slam title lamang.

 

 

Nalungkot si Djokovic dahil sa nasaksihan niya ang pagreretiro ni Andy Murray at Roger Federer at ngayon si Nadal na kaniyang itinuturing na matinding karibal.

PAOCC, nagpasaklolo sa PAGCOR para masakote ang mga foreign workers ng pinatigil na POGO para maibalik sa kanilang bansa

Posted on: October 22nd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGPASAKLOLO na ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na tumulong sa pagsakote sa mga foreign workers sa pinatigil na Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) para maibalik ang mga ito sa kani-kanilang bansa.

 

 

Sinabi ni PAOCC spokesperson Winston John Casio, nananatiling may 38 POGOs ang legal na nago-operate sa bansa sa gitna ng POGO ban.

 

 

Sa katunayan, may mga foreign workers mula POGOs ang binigyan ng hanggang October 15 para i-downgrade ang kanilang 9G visas sa tourist visa. Mayroon lamang ng hanggang katapusan ng taon ang mga ito para umalis ng Pilipinas.

 

 

Kami ay nananawagan, sa pakikipagtulungan ng ibang mga ahensya, lalo na sa regulatory authority ng PAGCOR, dapat kalampagin nila itong mga ito na umalis na ngayon. Bakit po? Kapag hindi umalis ang mga iyan ngayon, ang marami sa mga ‘yan ay naghahanap ng paraan paano makapag-underground at maging mga iligal,” ang sinabi ni Casio.

 

 

“So ‘yun ang problema, habang pinatatagal po natin ang mga iyan, ay nakakahanap ng paraan ang mga ‘yan para manatili pa rin sa bansa natin. There are so many regulatory loopholes as far is gambling is concerned kaya nagmamakaawa ho kami para masunod natin ‘yung direktiba ng Pangulo na mapaalis na ito nang tuluyan,” dagdag na wika nito.

 

 

Samantala, binigyang diin ni Casio na may mga foreign POGO workers ang dapat nang umalis ng bansa dahil na rin sa wala ng working visa ang mga ito.

 

 

“Maraming matitigas ang ulo, kasing titigas ng marmol ang ulo ng mga ‘yan” ang sinabi ni Casio. ( Daris Jose)

Sen. Pimentel, nakahandang pangunahan ang imbestigasyon sa Duterte drug war

Posted on: October 22nd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Nakahanda umano si Senate Minority Leader Koko Pimentel na pangunahan ang imbestigasyon ng Senado sa madugong drug war na pinangunahan di dating Pang. Rodrigo Duterte.

 

 

Una nang sinabi ni Senate President Francis Escudero na ang Senate Blue Ribbon Committee ang magsasagawa ng parallel investigation kung saan ang naturang komite ay pangungunahan ni Pimentel.

 

 

Ayon kay Pimentel, tatanggapin niya ang kaniyang bagong assignment.

 

 

Ang Blue Ribbon Comm ang tanging may motu proprio authority na magsagawa ng imbestigasyon ngayon habang naka-break ang Kongreso.

 

 

Ayon kay SP Escudero, mas nakabubuting makapagsagawa o masimulan na ang pagdinig bago ang pagbabalik-sesyon sa Nobiyembre 4 dahil tiyak na aniyang magiging abala ang Senado sa pagtalakay sa P6.352-trillion national budget para sa 2025.

 

 

Sa kasalukuyan, wala pang eksaktong araw kung kailan sisimulan ng Blue Ribbon ang imbestigasyon. (Daris Jose)

BOC ipinagmalaki ang laki ng koleksyon sa loob ng 10 buwan

Posted on: October 22nd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Mayroong nakumpiska ang Bureau of Customs ng kabuuang P72.091 bilyon halaga ng mga smuggled goods mula Enero hanggang Oktubre 2024.

 

 

Ayon sa BOC na ang nasabing halaga ay nahigitan nila ang halaga noong 2023 na mayroon lamang na P43.29 -B.

 

 

Ang nasabing mga counterfeit na mga produkto na kanilang nakumpiska noong Oktubre ay binubuo ng P2.3 bilyon na halaga ng mga iba’t-ibang produkto, P22.3 milyon na halaga na mga sigarilyo, P323-M na halaga ng mga bigas at mga sasakyang pandagat na may kargang mga produktong petrolyo.

 

 

Mayroong P42.16 milyon din na halaga ng iligal na droga ang nasabat sa Ninoy Aquino International Airport.

 

 

Ipinagmalaki pa ni BOC Commissioner Bien Rubio , na ang nasabing akomplishment nila sa loob ng 10 buwan ay isang record-breaking.
( Daris Jose)