SINABI ng Government Service Insurance System (GSIS) na ‘immediately available’ ang emergency loan sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity sa gitna ng nagpapatuloy na pananalasa ng Severe Tropical Storm Kristine.
Sa isang kalatas, sinabi ng GSIS na ang financial assistance sa mga miyembro at pensiyonado na tinamaan ng masamang panahon ay ‘now open’ at maaari ng ma-avail ng mga taga- Albay at Naga City.
Ang emergency loan program ayon sa GSIS ay “ready to be activated in areas officially declared under a state of calamity.”
Sa ngayon ay patuloy na mino-monitor ng GSIS ang ibang lugar sa Bicol Region, CALABARZON, MIMAROPA, Central Visayas, Negros Island Region, Eastern Visayas, at Mindanao para naman sa deklarasyon ng state of calamity.
“Once an area is declared under a state of calamity, GSIS will immediately make the loan available to qualified members and pensioners,” ayon sa GSIS.
Sa kabilang dako, hinikayat naman ni GSIS president at general manager Wick Veloso ang mga miyembro at pensiyonado ng ahensiya ng pamahalaan na gamitin ang GSIS Touch sa paga-apply para sa loans para sa ligtas at mabilis na transaksyon.
“The GSIS Touch offers a secure, seamless, fast and more efficient way to apply for loans, keep track of premium remittances, loan and insurance payments, access membership and pension records, and enables them to manage their accounts through their mobile phone,” ayon kay Veloso.
Sinabi naman ng GSIS na ang mga miyembro na walang ‘existing emergency loan’ ay maaaring humiram ng hanggang P20,000, habang iyon namang may ‘existing balances’ ay maaaring mag-apply para sa hanggang P40,000.
Ang naturang emergency loan ay mayroong interest rate na 6% per annum at puwedeng bayaran sa loob ng tatlong taon.
Para maging kuwalipikado sa emergency loan, sinabi ng GSIS na ang mga miyembro ay kailangan na aktibong nagtatrabaho, hindi ‘naka-leave without pay’, walang nakabinbing administrative o legal cases, na may bayad na hindi bababa sa six months premiums, at may net take-home pay na kahit papaano ay P5,000.
Ang mga pensiyonado naman sa kabilang banda ay dapat na may natitirang net pensiyon na kahit papaano pa rin ay 25% ng kanilang pension matapos angloan amortization para maging kuwalipikado.
“If any member or pensioner requires assistance in using the GSIS Touch mobile app, its dedicated customer service is available 24/7 to help,” ayon sa GSIS.
“Members may call the GSIS Contact Center at 8847-4747 (Metro Manila) or 1-800-8-847-4747 (Globe and TM subscribers) or 1-800-10-847-4747 (Smart, Sun, and TNT subscribers),” ang sinabi pa rin nito.