• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 29th, 2024

NHA magpapatupad ng moratorium sa mga benepisyaryo dahil sa bagyong Kristine

Posted on: October 29th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MAGPAPATUPAD ang National Housing Authority (NHA) sa ilalim ng pamumuno ni General Manager Joeben Tai ng isang buwang moratorium sa pagbabayad ng amortization at lease para sa lahat ng mga benepisyaryo ng pabahay nito, dahil sa pinsalang dulot ng bagyong ‘Kristine’.

 

 

Ang Moratorium ay awtomatikong ipatutupad para sa mga benepisyaryo sa buong bansa mula Nobyembre 1-30, 2024. Magsisimula muli ang pagbabayad ng amortization at lease sa buwan ng Disyembre 1, 2024.

 

 

Dagdag pa rito, walang ipapataw na delinquency o karagdagang interes sa panahon ng moratorium hanggang Nobyembre 30, 2024. Anumang penalties at interes na naipon bago ang Nobyembre 1, 2024, ay muling magsisimula sa buwan ng Disyembre 1, 2024.

 

 

Ayon sa pahayag ni NHA GM Tai, “Ang layunin ng patakarang ito ay magbibigay ng ginhawa sa mga indibidwal at pamilyang naapektuhan ng matinding pinsala dulot ng bagyo.” Ang mga pamilya ay pinapaalalahanan na hindi na kailangan pang mag-apply para sa moratorium na ito.

 

 

Noong Hulyo ng taong ito, nagpatupad din ang NHA ng moratorium policy para sa mga benepisyaryong naapektuhan ng Typhoon Carina sa National Capital Region (NCR), sa mga Rehiyon III at IV.

 

 

Higit pa sa mga pagbibigay ng mga pabahay, nakatuon din ang NHA sa pagtulong sa mga komunidad na naapektuhan ng mga sakuna upang makabangon at mapabuti ang kanilang kalagayan. (PAUL JOHN REYES)

Halaga ng pinsalang iniwan ng STS ‘Kristine’ sa mga paaralan sa PH, umabot na sa P3.3-B –DepEd

Posted on: October 29th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

UMABOT na sa P3.3 billion imprastraktura ang halagang iniwang pinsala ni Severe Tropical Storm (STS) ‘Kristine’ sa kabuuang 38,333 na paaralan sa Pilipinas ang naapektuhan ayon sa Department of Education (DepEd).

 

Sa partial na datos ng DepEd aabot sa P2.7 billion ang pag-reconstruct ng mga naapektuhan na classroom at karagdagang P680 million para naman sa major repairs ng mga ito.

 

Ayon pa sa ahensya nasa 2,700 classrooms ang naapektuhan ng bagyong ‘Kristine’ habang 1,361 naman ang iba pang hinihinalang na damage dahil dito apektado ang nasa 19.4 million na mag-aaral at 786,726 na mga guro at non-teaching personnel.

 

1,047 paaralan pa kasi ang kasalukuyang ginagamit bilang evacuation center para sa mga nasalanta ng bagyong ‘Kristine’.

 

Isinailalim naman ang nasa 861 na paaralan bilang secondary hazards na naapektuhan ng pagbaha at pagguho ng lupa.

Nigerian National, inaresto ng BI sa cybercrime

Posted on: October 29th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAARESTO ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Nigerian national na wanted ng federal authorities sa US dahil sa cybercrimes kung saan ang mga biktima nila ang mga retired military servicemen na mga Amerikano.

 

Kinilala ni Immigration Commissioner Joel Anthony Viado ang suspek na si Ahmed Kamilu Alex, 35 na inresto sa Panay Avenue, Bgy. Paligsahan, Quezon City ng mga operratiba ng BI fugitive search unit sa bisa ng mission order na kanyang inisyu sa kahilingan ng US government na hiniling ang kanyang deportasyon sa US.

 

Si Alex ay nasa wanted list ng BI noong pang August nang ilagay ang kanyang panaglan sa immigration blacklist dahil sa pagtatago.

 

His illegal activities were earlier reported to the Department of Justice by the US Defense Criminal Investigative Services which was subsequently endorsed to the BI for law enforcement action.

 

Base sa datos ng U authorities, si Alex at dalawang kasapakat nito ay nagsabwatan sa cyber fraud scheme sa pamagitan ng pekeng websites kung saan pinapagbayad nila ang kanilang mga biktima na karamihan ay mga military personnel ng halagang US500 hanggang US$48,500 kapalit ng kanilang pagpoproseso sa kanilang emergency leave requests. GENE ADSUARA

PBBM, pinuri ang METROBANK OUTSTANDING “BAGONG FILIPINOS”

Posted on: October 29th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PINURI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Metrobank Foundation Outstanding Filipinos ngayong taon, pinagkapurihan niya ang mga ito dahil sa pagpapakita ng kung ano talaga ang ibig sabihin ng “Bagong Pilipino.”

 

“You are the new faces of public service—dedicated, selfless, and committed to excellence—the living examples of what it truly means to be a Bagong Pilipino,” ang sinabi ni President Marcos sa kanyang naging talumpati sa awarding ceremony sa Palasyo ng Malakanyang.

 

Pinangunahan naman ni Pangulong Marcos ang awarding o pagbibigay-parangal ng Medallion of Excellence sa 10 Metrobank Foundation Outstanding Filipinos ngayong taon.

 

Ang 10 Outstanding Filipinos na pinarangalan ay ang mga guro na sina Ma. Ella Fabella at Franco Rino Apoyon; professors Dr. Maria Regina Hechanova-Alampay at Dr. Decibel Faustino-Eslava.

 

Philippine Navy (PN) SSG Michael Rayanon; at Philippine Army (PA) Major Ron Villarosa Jr.; PN Captain Salvador Sambalilo; Police Officers SSG Llena Sol-Josefa Jovita; Major Mark Ronan Balmaceda; at Lt.Col. Bryan Bernardino ay pinarangalan din.

 

“It is always a privilege to stand here and give credit to those who embody the finest qualities that we aspire for: patriotism, integrity, courage, and social responsibility,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

 

Pinaalalahanan din ng Pangulo ang mga awardees na ang kanilang medallion ay magsisilbi bilang kanilang determinasyon para sumulong habang nagtatakda ang mga ito ng kanilang ‘high standard’ sa public service.

 

“These honors are a testament to the remarkable heights each of you has reached. Whether you are educating our young, defending our borders, or keeping our communities safe, you have gone beyond what is ordinary. And for that, you deserve nothing less than our highest admiration,” ayon sa Pangulo.

 

Ang bawat awardee aniya ay makatatanggap ng P1 million cash prize, “The Flame” trophy, and a Medallion of Excellence. Non-winning finalists will be given P50,000 cash incentive, and certificate of recognition.” aniya pa rin.

 

Ang mga Non-winning semi-finalists naman ay makatatanggap ng cash incentive na nagkakahalaga ng P20,000 at certificate of recognition. (Daris Jose)

DOTR, handa sa ‘UNDAS’

Posted on: October 29th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAKAHANDA na ang transport sector ng bansa para sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa panahon ng pagdiriwang ng All Saints’ Day at All Souls’ Day ngayong linggo.

 

Sa press briefing sa Malaanyang, araw ng Lunes, sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista na ang Department of Transportation (DOTr) at iattached agencies nito ay nagsagawa ng kinakailangang paghahanda sa inaasahang pagtaas ng bilang ng mga byahero sa ‘airports, seaports, at bus terminals.’

 

“Ang Department of Transportation together with the other attached agencies – ang CAAP (Civil Aviation Authority of the Philippines), and PPA (Philippine Ports Authority), MIAA (Manila International Airport Authority), and Cebu International Airport – we are getting ready for the Undas Biyahe,”ayon kay Bautista.

 

“Every year we have this Oplan Biyaheng Ayos para sa ating mga mananakay. So, ready tayo. Katulong din natin diyan ang Philippine Coast Guard,” dagdag na wika nito.

 

Sinabi pa ng Kalihim na milyong pasahero ang inaasahan na magba-byahe sa iba’t ibang lalawigan ngayong linggo.

 

“Actually, millions ‘yung tinitingnan natin. Every year naman millions ‘yung estimate natin. Siguro ‘yun lang bus passengers lang natin aabutin ‘yan mga 1 to 1.5 million passengers. Airports and seaports siguro easy diyan mga three million ang magbi-biyahe,”ang sinabi pa ni Bautista.

 

Tinuran pa ni Bautista na ang lahat ng airports at seaports sa bansa ay kasalukuyang operational sa kabila ng epekto ng Severe Tropical Storm Kristine.

 

Gayunman, may ilang minor seaports sa Regions IV-A at V ang nagtamo ng pinsala na nagkakahalaga ng P100 million dahil sa bagyo. (Daris Jose)

PBBM, sa mga ahensiya ng pamahalaan: Nananatiling ‘on track’ sa pagtatapos ng transpo projects

Posted on: October 29th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand ‘Marcos Jr. sa mga kaugnay na ahensiya ng gobyerno na manatiling ‘on track” sa pagtatapos ng transportation projects ng pamahalaan.

 

Ang panawagan ng Pangulo ay matapos niyang personal na saksihan ang paglagda sa Laguindingan International Airport Public-Private Partnership (PPP) project concession agreement.

 

“To the officials and employees of the Department of Transportation (DOTr), Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), the Public-Private Partnership Center, and all concerned agencies, I urge you to remain on track in completing and implementing transportation projects,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang naging talumpati.

 

Welcome naman kay Pangulong Marcos ang mas marami pang players at investors na aniya’y ”equally dedicated to helping us deliver quality services to the Filipino people.”

 

Binanggit naman ni DOTr Secretary Jaime Bautista ang ilang plano ng departamento maliban sa airport projects. Partikular na binanggit ng Pangulo ang inaasahang pagsisimula ng LRT-1 extension.

 

‘Tinitingnan namin na magkaroon ng additional service dito sa Line-1 for additional five more stations. And we are looking at the middle of November for the start of operations noong Line-1 extension,”ang sinabi ni Bautista.

 

Sinabi pa ng Kalihim na hangad niya na magkakaroon ng award ang International Container Terminal, at posibleng inagurasyon o groundbreaking sa Taguig International Exchange Terminal.

 

Ang Laguindingan International Airport ay nagsisilbi bilang ‘access point sa Northern Mindanao. Binuksan noong 2013, kinokonsidera rin ito bilang Mindanao’s second busiest airport, kayang mag-cater ng 1.6 million pasahero taun-taon.

 

Inaasahan din na ang proyekto ay magpapalawig ng kapasidad ng airport sa 3.9 million kada taon sa unang phase at 6.3 milyong pasahero sa pagtatapos ng second phase.

 

Sinabi ni Pangulong Marcos, na ang public-private partnership ay magpo-provide ng isang oportunidad.

 

Ayon kay Pangulong Marcos, ang isang public-private partnership nagbibigay ng oportunidad para palawigin ang pasilidad, i- upgrade ang terminal, itaas ang kapasidad, at paghahatid ng serbisyo sa isang malinis at mas episyente at mas convenient na paraan.

 

Sinabi pa ni Pangulo na ipinapakita ng administrasyon ang ‘unwavering commitment’ para mag-invest sa development ng Northern Mindanao. (Daris Jose)

Bilang ng mga nasawi dahil sa bagyong Kristine, umabot na sa 116 —NDRRMC

Posted on: October 29th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

UMABOT na sa 116 katao ang nasawi sa kabila ng pananalasa ng bagyong Kristine (international name: Trami).

 

Sa pinakabagong National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), makikita na may 116 ang napaulat na nasawi, 10 naman ang validated na habang ang natitirang bilang ay ‘ subject to validation.’

 

Sinasabing 39 na indbidwal ang napaulat na nawawala at 109 naman ang sugatan.

 

Naapektuhan din ng bagyong Kristine ang 6.7 milyong katao o 1.6 milyong pamilya sa buong bansa, 980,355 indibiduwal naman ang na-displaced at 6,286 ang nasa evacuation centers.

 

May kabuuang 3,004 bahay ang totally damaged sa iba’t ibang bahagi ng bansa habang 41,533 ang nananatiling partially damage.

 

Mayroon namang 676 lansangan at 96 tulay ang naapektuhan at kasalukuyang nadaraanan ng mga motorista.

 

Sinabi naman ng NDRRMC na 160 lansangan at munisipalidad ang inilagay sa ilalim ng state of calamity kasunod ng pananalasa ng bagyong Kristine.

 

Mayroong kabuuang 1,167 lungsod at munisipalidad ang sinuspinde ang in-person classes, at 782 ang napatupad ng suspension.

 

Sa ngayon, mahigit sa P658.7 milyong halaga ng tulong ang naipagkaloob na sa mga apektadong residente. (Daris Jose)

158 lugar nasa ilalim ng State of Calamity dahil sa bagyong Kristine

Posted on: October 29th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MAY KABUUANG bilang na 158 lugar ang idineklarang state of calamity matapos ang pananalasa ng Severe Tropical Storm Kristine.

 

Base sa pinakabagong situational report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang Bicol Region ang mayroong ‘most cities at municipalities’ ang inilagay sa state of calamity. Nakapagtala ito ng 78.

 

Kabilang dito, ang buong lalawigan ng Albay, Camarines Sur, Camarines Norte, and Catanduanes, at maging ang Bulan, Sorsogon.

 

Sumunod naman ang Calabarzon na may 63 lungsod at munisipalidad na nasa ilalim ng state of calamity:

Cavite (province-wide)

Batangas (province-wide)

Quezon

Tagkawayan

Mulanay

General Luna

Laguna

Santa Cruz

San Pedro City

Victoria

 

May 13 lugar naman ang inilagay sa ilalim ng state of calamity sa Eastern Visayas:

Samar

Calbayog

Eastern Samar

Jipapad

Arteche

San Policarpo

Oras

Maslog

Dolores

Can-avid

Taft

Sulat

San Julian

Borongan

Maydolong

 

Tig-isa naman ang inilagay sa state of calamity sa Ilocos Region, Soccsksargen, Cordillera Administrative Region, at National Capital Region:

Dagupan City

Magpet, Cotabato

Alfonso Lista (Potia), Ifugao

Quezon City

 

Samantala, sinabi ng NDRRMC na ang pinsala ni Kristine sa agrikultura ay pumalo sa P1.4 billion, habang ang pinsala sa imprastraktura ay P825 million.

 

Mayroon ding namang 25,591 na bahay ang partially damaged habang 2,049 naman ang totally damaged.

 

Tinatayang 40 na tulay at 218 lansangan ang nananatiling napinsala dahil sa bagyo.

 

Sinasabing, naapektuhan din ng bagyong Kristine 5,784,298 katao o 1,415,438 pamilya sa 8,895 barangay sa buong bansa.

 

Sa naturang bilang, 382,154 ang nananatiling nasa evacuation centers, habang 178,742 ang nasa temporary shelter .

 

Iniulat pa rin ng NDRRMC na may 79 katao ang nasawi, siyam ang kumpirmado at 70 naman ang bina-validate pa. (Daris Jose)

Ex-Pres. Duterte, inaming iniutos ang pagpatay sa nanlalabang kriminal

Posted on: October 29th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na noong siya ay mayor sa Davao ay inuutos nitong patayin ang mga kriminal kapag nanlalaban.

 

Aniya, hindi naman maaaring hayaan na ang mga pulis ang mapaslang ng criminal elements.

 

Gayunman, mariin nitong itinanggi ang pagkakaroon ng ‘Davao Death Squad’ (DDS).

 

Giit naman ni former Senator Leila De Lima, may mga ebidensya na nagsasabing totoo ang ‘DDS’.

 

Ang nasabing grupo ang siya umanong responsable sa pamamaslang, alinsunod sa utos ni Duterte.

 

Samantala, ipinagtanggol naman ni dating chief presidential counsel Atty. Salvador Panelo si Duterte.

 

Sinabi nitong hindi illegal ang nangyaring ‘war on drugs’ ng nakaraang administrasyon.

 

Aniya, ginawa lang ng dating pangulo ang kanyang trabaho para protektahan ang mga Pilipino laban sa ipinagbabawal na gamot. (Daris Jose)

Ukol sa drug war… Mga pasabog ni Digong sa Senado, pinalagan ng Malakanyang

Posted on: October 29th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PINALAGAN ng Malakanyang ang mga sinabi ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na nananatiling malaganap pa rin ang krimen sa bansa.

 

Sa kalatas na ipinalabas ni Executive Secretary Lucas Bersamin, sinabi nito na “With due respect to former President Rodrigo Duterte- there is no truth to his statement that crime remains rampant in the country. ”

 

Sa katunayan, makikita sa statistics mula Philippine National Police (PNP) ang ganap na kabaligtaran. Mayroon aniyang malawakang pagbaba sa krimen sa iba’t ibang panig ng bansa.

 

“Moreover, we have achieved stability and maintained peace and order in our country without foregoing due process nor setting aside the basic human rights of any Filipino,” ang sinabi ni Bersamin.

 

Idagdag pa rito, ang insidente aniya na sinasabi ni Pangulong Marcos hinggil sa drug raid sa San Miguel, Manila- ay base sa outdated information. Sa nasabing kaso, isang suspek ang inaresto, ang dala nitong drug paraphernalia ay nakumpiska at ang kasabwat nito ay patuloy at kasalukuyang hinahabol ng mga tagapagpatupad ng batas.

 

Ipinapakita lamang ayon kay Bersamin na ang lahat ng ito, ang bansa ay ligtas, secure ang mas maraming Pinoy at ang hinaharap ay “more assured than ever before” sa ilalim ng pamamalakad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.” (Daris Jose)