• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 13th, 2024

Pangarap ni EJ Obiena na magkaroon ng sariling pole vault facility natupad na

Posted on: November 13th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MASAYANG ibinahagi ni Pinoy pole vaulter EJ Obiena na ang pangarap niya ay malapit ng matupad.

 

 

Sinabi nito na sa darating na Nobyembre 22 ay bubuksan na ang kaniyang bagong pole vault facility.

 

 

Matatagpuan ito sa Marcos Stadium sa lungsod ng Laog, Ilocos Norte.

 

 

Dagdag pa ng 28-anyos na atelta, na higit pa sa pag-uwi ng Olympic medal sa bansa ay pangarap niyang makakita ng mas maraming mga Filipino ang nagtatagumpay sa pole vault.

 

 

Malaki ang paniniwala nito ang pole vault ay isa sa mga sports na maaaring magtagumpay ang maraming mga Pinoy.

PBBM, nilagdaan ang batas para sa paghihiwalay sa school extensions

Posted on: November 13th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NILAGDAAN ni Pangulong Ferdinand ‘Marcos Jr. ang ilang batas na maghihiwalay sa sa iba’t ibang school extensions at i-convert ang mga ito sa independent institutions.

 

Sa ilalim ng Republic Act No. 12057, ang Paulino Dari National High School (PDNHS) – Balong-balong Extension sa Pitogo, Zamboanga Del Sur ay ihihiwalay mula sa PDNHS at itatatag ito bilang isang independent school. Papangalanan ito bilang Balong-balong National High School.

 

Sa kabilang dako, ipinag-utos naman ng Republic Act No. 12058 na ihiwalay ang Bacungan National High School-Sipakong Extension sa Leon B. Postigo, Zamboanga Del Norte, na papangalanan naman bilang Sipakong National High School.

 

Sa pamamagitan naman ng Republic Act No. 12059, ihihiwalay ang Lapuyan NHS-Pampang Extension sa Lapuyan, Zamboanga Del Sur. Tatawagin itong Pampang NHS.

 

“The creation of the new and independent NHS shall absorb all of their personnel, assets, liabilities, and records,” ayon sa Presidential Communications Office (PCO).

 

“The initial funding of these schools shall be charged against its former institutions’ current year appropriation,” ang sinabi pa rin ng PCO.

 

Bukod dito, ang halagang kakailanganin para sa pagpapatuloy ng operasyon ng eskuwelahan ay isasama sa taunang General Appropriations Act (GAA).

 

Nagpalabas din ang Pangulo ng Republic Act No. 12060, pagtatatag sa Tiblawan NHS sa Davao Oriental. Ang pondo ay isasama sa taunang national budget.

 

Samantala, inatasan naman ni Pangulong Marcos ang Department of Education (DepEd) na kaagad na isama ang operationalization ng apat na eskuwelahan sa programa ng departamento.

 

Ang lahat ng batas ay tinintahan ng Punong Ehekutibo noong October 31, 2024 at magiging epektibo 15 araw matapos ang paglalathala sa Official Gazette o sa isang pahayagan na may general circulation. (Daris Jose)

PBBM ‘di na ikinagulat pag-alma ng China sa Maritime Zones Act at Archipelagic Sea Lanes Law

Posted on: November 13th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MAHALAGA rin umano ang dalawang batas dahil ito ang tumutukoy sa boundaries o teritoryong nasasakupan ng Pilipinas.

 

Kung maalala, tinawag na iligal at invalid ng Chinese Foreign Ministry ang umano’y tangkang pag-whitewash ng Pilipinas sa illegal claims at mga aksyon sa West Philippine Sea at ipinatawag na rin nito ang Ambassador ng Pilipinas sa China.

 

“Well, it’s not unexpected but we have to define closely… Marami tayong sinasabi that we have to protect our sovereign rights and our sovereignty.

 

 

So, it serves a purpose that we define closely what those boundaries are, and that’s what we are doing,” pahayag ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. (Daris Jose)

Remittance fee discount, libreng financial seminar para sa mga OFWs, pasado na sa ikalawang pagbasa sa Kamara

Posted on: November 13th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

INAPRUBAHAN na ng Kamara sa ikalawang pagbasa ang dalawang panukalang batas na nagsusulong na maglaan ng karagdagang benepisyo sa mga overseas Filipino workers (OFWs).

 

 

Sa HB 10959, na inihain ni Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr., layon nitong mabigyan ang mga ofws ng 50% discount sa fees o charges na ipinapataw sa remittances sa kanilang pamilya sa Pilipinas.

 

Paliwanag ni House Committee on Overseas Workers Affairs chairperson at Tingog Partylist Rep. Jude Acidre, na upang maeengayo ang mga remittance centers na magbigay ng diskuento sa padlang pera ay maaari itong ibawas sa buwis sa kanilang gross income.

 

Tatawagin itong “Overseas Filipino Workers (OFWs) Remittance Protection Act,” kapag naging ganap na ipinasang batas.

 

Inaprubahan din ng kamara sa ikawalan pagbasa ang HB 10914, na maglalaan ng libreng financial education sa mga OFWs at kanilang pamilya.

 

Sa ilalim ng panukala, ang lahat ng OFWs ay sasailalim sa mandatory financial literacy training seminars, na magiging bahagi ng Pre-Departure Orientation Seminar (PDOS) ng mga papa-alis na OFWs, at Post Arrival Training Seminars (PATS) sa patutunguhang bansa.

 

 

Samantala, nanaagan naman si ACT-CIS Partylist Rep. Erwin Tulfo na amyendahan ang Philippine Rice Tariffication Law (RTL) upang ma-stabilize ang suplay ng bigas at presyo nito at mapigilan ang biglang pagtaas. (Vina de Guzman)

5 istasyon ng LRT 1-Cavite Extension bubuksan ngayon November

Posted on: November 13th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MAGANDANG balita sa mga pasahero sa southern na lugar ng Metro Manila dahil limang (5) estasyon ng Light Rail Transit Line 1 – Cavite Extension ang bubuksan ngayon katapusan ng buwan.

 

 

Ito ay ayon sa balita ng Department of Transportation (DOTr). Ayon kay DOTr Secretary Jaime Bautista na ang limang estasyon sa Phase 1 ng nasabing proyekto ay ang mga sumusunod: Redemptorist, MIA, Asia World (PITX), NAIA, at Dr. Santos (Sucat).

 

 

“We will open this line within the next maybe two to three weeks. This is within November. This will be the first railway project to be completed within the administration of President Ferdinand R. Marcos, Jr.,” wika ni Bautista.

 

 

Ayon sa Light Rail Manila Corp, na siyang pribadong operator ng LRT 1, ang nasabing limang (5) estasyon ay may railway alignment na anim (6) na kilometro kung kayat ang kabuohang distansya ay 26 kilometro.

 

 

“This will allow people to traverse the alignment within a span of less than an hour,” saad naman ni LRMC President at CEO Enrico Benipayo.

 

 

Sa ngayon, ang LRT 1 ay tumatakbo mula sa kahabaan ng estasyon sa FPJ o dating Roosevelt sa Quezon City hanggang Baclaran sa lungsod ng Pasay. Dahil sa bagong 5 estasyon, sinabi ni Benipayo na inaasahan nila na ang kauna-unahang transit system sa bansa ay tataas ang ridership ng 80,000 kada araw.

 

 

Ang LRT 1 ay nagsasakay ng may 320,000 na pasahero kada araw ngayon. Inaasahan din ng LRMC na ang 5 estasyon ay makakatulong upang tumaas ng hanggang 400,000 ang pasahero kada araw at mas inaasahan pa nilang tataas pa ang bilang ng mga pasahero ng hanggang 650,000 sa taong 2028 o 2029. Dahil dito kung kaya’t inaasahan rin na magkakaroon ng masiglang ekonomiya sa mga nakapaligid na lugar dito.

 

 

“We cannot give you an estimate yet of how much more or less is the economic benefit. But one thing for sure is that the travel time will be reduced. Easily, this can be reduced by 30 minutes from Baclaran to Santos Avenue,” dagdag ni Benipayo.

 

 

Samantala, ang Phase 2 ng LRT 1-Cavite Extension naman ay ang pabubukas ng estasyon ng Las Pinas at Zapote habang ang Phase 3 naman ay ang estasyon ng Niog sa Bacoor, Cavite. Wala pang anunsyo kung anong timeline sa pagbubukas ng nasabing mga estasyon.

 

 

Ang LRT 1 – Cavite Extension ay isang proyekto sa railway na naglalayon na pahahabain ang Light Rail Transit Line 1 (LRT1) mula sa estasyon ng Baclaran hanggang Niog sa Bacoor, Cavite kung saan ito ay tinaguyod bilang isang Public-Private Partnership (PPP) sa pagitan ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) at ng pamahalaan.

 

 

Ito ay may estimated na halagang P64.92 billion kung saan ang pondo ay galing sa pamamgitan ng hybrid scheme kasama ang Japanese loan, LRMC, at gobyerno ng Pilipinas. LASACMAR

Ads November 13, 2024

Posted on: November 13th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Gusto nilang iparating ang halaga ng edukasyon… FRANCINE, umaming mahirap pagsabayin ang trabaho at pag-aaral

Posted on: November 13th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SA mga eskuwelahan pala ipalalabas ang pelikulang ‘Silay’ na pinagbibidahan nina Francine Diaz at Malou de Guzman.

 

Nagkaroon ng red carpet premiere ang pelikula kamakailan at natanong si Francine kung ano ang reaksyon niya matapos mapanood ang kanilang pelikula.

 

Lahad ni Francine, “Hindi ko po mahanap yung tamang salita.

 

“Iba po yung pakiramdam na makita rin ng ibang tao iyong mga pinaghirapan namin.

 

“At hindi lang siya basta, e kasi gusto lang naming umarte, kasi gusto lang naming mag-produce ng movie, isa siyang, kumbaga, inspiration and a life lesson for everyone.

 

“Iyon po talaga yung gusto namin na tumatak sa mga tao na makakapanood ng Silay.

 

“At sana po, gaya ng sinabi ng character ko yung edukasyon sana ipagpatuloy nila iyon kasi iyon ang hindi makukuha sa kanila kahit kailan.”

 

Dagdag pa niya, “Ako po as a student myself and as someone na nasa industriyang ito, masasabi ko rin naman po na mahirap talagang pagsabayin yung trabaho at pag-aaral.

 

“Katulad ni Nana Silay [Malou] sa pelikula namin na pinagsasabay niya yung pagtitinda at pag-aaral, sana kumuha din tayo din fun tip na huwag masyadong seryosohin ang buhay, magsaya din kahit konti, mag-spa with your friends, so iyon po.

 

“Iyon ang reaksyon ko na sana maging malapit din sa puso ng mga manonood yung pelikula namin na ito.”

 

Pagpapatuloy pa niya, “Actually po, yung character ko sa Silay pareho lang din naman po actually sa totoong buhay.

 

“Ang pinagkaiba lang si Leslie kasi sobrang ano talaga siya e, caring talaga, sobrang lambing niya.

 

“Iba yung way ng paglambing ko sa lola ko. Madalas inaasar ko siya, kasi nangangagat.

 

“Hindi. Pero ganun po kaya rin po nung nabigay po sa akin yung kuwento wala pong pag-aalinlangan tinanggap din po namin kasi, actually po isa rin sa mga reasons ko kasi para din kay lola.

 

“Huy,” ang tumatawa sabay-tingin ni Francine sa kanyang lola, “mababaw ang luha.

 

“Pero ganun ko po masasabi na ganun kalapit si Leslie sa akin sa totoong buhay.”

 

Ang ‘Silay’ ay mula sa MACE Ascending Entertainment Productions ni Rachelle Umandap at sa direksyon ni Greg Colasito.

 

Nasa cast rin ng Silay sina Ramon Christopher, Yul Servo, Rob Sy, Long Mejia, Krista Miller, Joni Mcnab, Jervin Mendoza, Rain Perez, Emilio Garcia, at introducing naman sina Merab Soriano, Russel Umandap, Pao Umandap, at Jopher Martin.

 

Samantala, magkasama man sila sa Silay ay magkakatunggali naman sina Francine at Malu sa darating na 50th Metro Manila Film Festival dahil bida si Francine (with Zeth Fedelin) sa Regal Entertainment Inc. entry na ‘My Future You’ samantalang kasama si Malu sa ‘And The Breadwinner Is’ ni Vice Ganda.

 

 

 

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

PBBM, pinawi ang pangamba ukol sa di umano’y ‘loopholes’ o ‘mga butas’ sa EO na nagbabawal na sa POGOs

Posted on: November 13th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PINAWI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pangamba ng ilang mambabatas ukol sa di umano’y ‘mga butas’ sa Executive Order No. 74, ang agarang pagbabawal o pag-ban sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), internet gaming at iba pang uri ng offshore gaming operation sa bansa.

 

Pinuna kasi ni Senadora Risa Hontiveros ang ilang umano’y mga butas sa EO ni Pangulong Marcos laban sa POGO ops.

 

Ang mga ‘napunang butas’ ng senador sa EO ay ‘mga butas’ na nagbibigay pagkakataon sa mga POGOs na makapagpatuloy ng operasyon sa loob ng mga casino at freeports.

 

Sinabi ni Hontiveros na hindi kasi hayagang idineklara ng Executive Order No. 74, na pirmado ni Pangulong Marcos Jr. noong Nobyembre 5, ang ban sa mga POGO na sakop ang lahat ng mga establisimyento na wala sa ilalim ng pangangasiwa ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor).

 

Ang buweltang tugon naman ng Pangulo,“They cannot. There’s just no way because it’s the nature of the operation that we are banning.”

 

“Basta’t POGO yan, basta’t ganyan ang operasyon nila, they’re banned,” diving pahayag ng Pangulo.

 

Giit pa ng Pangulo, ipinatupad ang POGO ban ”not because it’s under PAGCOR or not.”

 

Matatandaang, sa Executive Order No. 74 kasi na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin na may petsang Nob­yembre 5, 2024, nakasaad dito na hindi papayagan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na aprubahan ang mga bagong lisensya at hindi na rin papayagan ang renewal o extension ng lisensya.

 

Nakasaad din sa EO ang tuluyang paghinto ng operasyon sa Disyembre 31, 2024 o mas maaga pa dito.

 

At nang tanungin kung kakailanganin ang batas maliban sa EO, sinabi ni Pangulong Marcos na ang pinakabagong pagpapakabas ng kautusan ay sapat na para ipagbawal ang POGOs sa bansa. (Daris Jose)

Navotas Solon sa publiko; mag-ingat sa holidy text scams

Posted on: November 13th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGBABALA si Navotas Representative Toby Tiangco sa publiko na manatiling mapagbantay sa gitna ng dumaraming sopistikadong text scam na nagta-target sa mga gumagamit ng e-wallet.

 

Binigyang-diin ni Tiangco, chair ng House Committee on Information and Communication Technology, ang pagtaas ng mga mensahe ng scam na itinago bilang mga lehitimong e-wallet advisories.

 

 

“Marami po sa ating mga kababayan ang nabiktima na ng mga text scams na nagpapanggap na mula sa mga e-wallets. Maging mapagmatyag po tayo sa modus na ito at huwag mag-click ng links mula sa text messages,” pahayag ni Tiangco.

 

 

Nanawagan din si Tiangco sa Department of Information and Technology (DICT) na pag-ibayuhin ang pagsisikap laban sa mga scammer habang papalapit ang kapaskuhan.

 

“Alam naman natin na habang papalapit ang kapaskuhan, lalong nagiging masipag ang mga scammers,” ani Cong. Tiangco.

 

“Hindi sapat na minomonitor lang natin ang sitwasyon. Dapat matunton ang mga masasamang loob sa lalong madaling panahon bago pa dumami ang kanilang mga biktima,” dagdag niya.

 

 

Ayon sa DICT, ang mga mensahe ng phishing ay ipinapadala sa pamamagitan ng isang International Mobile Subscriber Identity (IMSI) catcher, isang device na sumusubaybay, humaharang, at gumagaya sa mga lehitimong komunikasyon sa mobile.

 

 

Pinaalalahanan din ng mga provider ng e-wallet na sina Maya at GCash ang mga user na huwag mag-click sa mga link mula sa hindi kilalang mga text.

 

“After the Marcos administration’s ban on POGO, scammers have intensified their tactics to target unsuspecting Filipinos,” sabi pa ng mambabatas.

 

“Let us remain vigilant. Report cybercrime incidents to the Inter-Agency Response Center (IARC) Hotline 1326,” dagdag niya. (Richard Mesa)

Pangako ni ex-PRRD sa PNP puro daldal at drawing – House leaders

Posted on: November 13th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HINDI natupad ang naging pangako ni dating Pangulo Rodrigpo Duterte sa PNP na nagkasa ng kanyang madugong war on drugs na bigyan ng sapat na proteksiyon at suporta.

 

 

Ito’y matapos sabihin ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil na walang pruweba na naisakatuparan ng dating pangulo ang kaniyang pangako.

 

 

Ayon kina Deputy Majority Leader at Tingog Partylist Rep. Jude Acidre at Sta Rosa Laguna Rep.Dan Fernandez puro daldal lamang ang ginawa ng dating pangulo na protektahan ang mga pulis.

 

 

Sa ngayon nahaharap sa legal at administrative charges ang mga pulis na nagkasa ng madugong war on drugs.

 

 

Ayon kay Acidre dapat sabihin ng dating Pangulo sa ICC na siya ang responsable sa kaniyang kampanya laban sa war on drugs.

 

 

Sinabi ni Fernandez na nangako din si Duterte na bigyan ng abogado ang mga pulis na nagkasa ng anti-drug campaign na nag resulta sa extra judicial killings.

 

 

Ayon kay Fernandez nabudol ang mga pulis sa pangako ni Duterte.

 

 

Pinuri naman ni Fernandez si Pangulong Ferdinand Marcos Jr na nangakong bubuo ng legal team sa PNP magbibigay ng tulong sa mga pulis na nahaharap sa kaso.

 

 

Inihayag naman ni Marbil na batay sa kanilang datos mula July 2016 hanggang June 2022 sa ilalim ng Duterte administration nasa 312 pulis ang nasawi sa operasyon habang 974 ang sugatan. (Daris Jose)