• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 19th, 2024

Dahil sa sunod-sunod na bagyo: Pinas, aangkat ng 4.5-M tonelada ng bigas dahil sa pinsala sa agrikultura

Posted on: November 19th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na aangkat ang Pilipinas ng 4.5 milyong tonelada ng bigas matapos ang pinsalang natamo ng sektor ng agrikultura dahil sa sunod-sunod na bigwas ng bagyo na tumama sa bansa.

 

 

Ang pag-angkat ng bigas ay sapat para sa pangangailangan ng mga Filipino.

 

Sinabi ito ng Pangulo sa isang ambush interview matapos ang situation briefing ukol sa Bagyong Pepito.

 

 

Tinanong kasi ang Pangulo kung ang pinsala sa agrikultura sanhi ng mga bagyo sa nakalipas na tatlong linggo ay magreresulta ng rice importation, at ang tugon nito ay “Yes.”

 

“Yes, I think so. Unfortunately. I just received a report from DA [Department of Agriculture] that it looks like our importation will decrease,” ang sinabi ng Pangulo.

 

“We will import close to four and a half million tons. Nag 3.9 million tayo last year [ We reached 3.9 million last year],“ aniya pa rin.

 

Sa kabilang dako, tiniyak naman ng Chief Executive na ang ‘food security’ ng Pilipinas ay nananatiling maayos.

 

“In terms of food security, we’re alright, but a lot of rice fields and crops have been damaged. We will just have to compensate for that,”ang sinabi ng Punong Ehekutibo.
( Daris Jose)

Kai Sotto pinayagan ng makapaglaro sa FIBA Asia Cup qualifiers

Posted on: November 19th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MAAARI ng makapaglaro sa FIBA Asia Cup qualifiers window 2 si Kai Sotto.

 

 

Sinabi ni Gilas team manager Richard del Rosario, na nabigyan na ng clearance ng doctor ang 7-foot-3 pero hindi pa matiyak kung makakapaglaro na si AJ Edu.

 

 

Kasalukuyan pa kasing nagpapagaling ang 6-foot-10 na si Edu dahil sa pananakit ng kaniyang tuhod.

 

Ang dalawa rin ay dumalo sa ensayo ng Gilas Pilipinas na ginanap sa Laguna.

 

Nagtamo ang dalawa ng injury sa kanilang paglalaro sa mga koponan sa Japan B. League.

 

 

Magpapahinga muna ngayong araw ng Lunes ang Gilas at magsasagawa sila ng dalawang araw na ensayo bago ang kanilang laban sa Huwebes laban sa New Zealand sa lungsod ng Pasay atsa araw naman ng Linggo ay makakaharap nila ang Hong Kong.

 

 

Kapwa mayroong dalawang panalo at isang talo ang Gilas Pilipinas at New Zealand.

Cybercrime investigation, palalakasin ng NCRPO

Posted on: November 19th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MAS palalakasin at paiigtingin pa ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang kanilang kakayahan sa cybercrime investigation matapos ang pagtatapos ng Introduction to Cybercrime Investigation Course (ICIC).

 

Pinangunahan ni PBGen. Rolly Octavio,Chief Regional Staff sa NCRPO Grandstand, Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City ang pagtatapos ng ICIC ng nasa 50 pulis mula sa limang police districts, Regional Headquarters at Regional Mobile Force Battalion.

 

Nabatid na layon ng ICIC program na masawata ang cybercrime, matukoy ang mga nasa likod nito at paghimay sa mga kaso na naaayon sa batas.

 

Dahil sa makabagong panahon, sinabi ni Octavio na dapat nang tutukan ang cybercrime lalo pa’t mas ginagamit at isinasagawa na ng mga sindikato at kriminal ang panloloko at pananamantala online.

 

Ayon kay Octavio, sa pagtatapos ng 50 pulis, marami na ang hahawak at mag-iimbestiga sa mga cybercrimes na inilalapit sa PNP.

 

Aniya, kailangang malutas ang bawat kaso ng cybercrime na panga­nib sa bawat Pilipino.

 

“As you step forward with these new skills, remember that you carry the public’s trust and expectations. In line with the CPNP’s guiding principle, Sa Bagong Pilipinas, ang gusto ng pulis, Ligtas Ka,” ani Octavio.

 

Dagdag pa nito, hindi lamang pagpapatupad ng batas ang tungkulin ng pulis kundi pagbibigay seguridad sa publiko kabilang ang digital age.

Kelot na wanted sa carnapping, nadakma ng Valenzuela police

Posted on: November 19th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

KALABOSO ang isang lalaki na wanted sa kasong carnapping matapos maaresto ng pulisya sa ikinasang manhunt operation sa Valenzuela City.

 

 

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) OIC Director P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban na nakatanggap sila ng impormasyon na naispatan sa Brgy. Dalandanan ang presensya ng 29-anyos na akusado na residente ng Bulacan.

 

 

Agad inatasan ni Col. Cayaban ang mga tauhan ng Police Sub-Station (SS6) sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Capt. Doddie Aguirre na bumuo ng team para sa isasagawang pag-aresto sa akusado.

 

 

Kasama ang mga tauhan ni P/Major Randy Llanderal, hepe ng Station Intelligence Section (SIS), dinakip ng mg tauhan ng SS6 ang akusado dakong alas-9:30 ng umaga sa 3S Dalandanan, Barangay Dalandanan.

 

 

Ang akusado at inaresto ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Snooky Maria Ana Bareno Sagayo ng Regional Trial Court Branch 283, Valenzuela City na may petsang November 11, 2024, para sa kasong New Anti-Carnapping Act of 2016 (R.A. 10883) Carnapping.

 

 

Pinuri naman ni Col. Ligan ang Valenzuela police sa kanilang matagumpay na operation kontra wanted person na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

 

 

Pansamantalang nakapiit ang akusado sa custodial facility unit ng Valenzuela police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte para sa paglilipat sa kanya sa City Jail. (Richard Mesa)

6 na tulak nalambat sa Navotas drug bust, higit P.2M droga, nasamsam

Posted on: November 19th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

AABOT sa mahigit P.2 milyong halaga ng shabu ang nasabat sa anim na hinihinalang drug personalities, kabilang ang 55-anyos na ginang matapos matimbog ng pulisya sa magkakahiwalay na buy bust operation sa Navotas City.

 

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni Navotas plice chief P/Col. Mario Cortes na alas- 1:39 ng madaling araw nang maaresto ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa buy bust operation sa M. Naval St., Brgy. Bangkulasi, sina alyas “Apeng”, 38, at alyas “Jepoy”, 31, kapwa ng lungsod.

 

Ani SDEU chief P/Capt. Luis Rufo Jr., nakumpiska nila sa mga suspek ang abot 10.27 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P69,836.00 at buy bust money.

 

Dakong alas-12:55 ng hating gabi nang madakma naman ng kabilang team ng SDEU sa buy bust operation din sa Matangbaka St., Brgy. NBBS Dagat dagatan, sina alyas “Jun”, 34, at alyas “Vicky”, 55, at nakuha sa kanila ang nasa 10.48 grams ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng P71,264.00.

 

Nauna rito, nakalawit naman ng mga tauhan ni Capt. Rufo sa buy bust operation sa Lourdes Compound, Brgy. Daanghari bandang alas- 2:41 ng madaling araw sina alyas “Bay”, 32, at alyas “Chukoy”, 34. Nasamsam sa kanila ang humigi’t kumulang 10.28 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P69,904.00 at buy bust money.

 

Pinuri naman ni Col. Ligan ang Navotas police sa kanilang pinaigting na kampanya kontra illegal na droga na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek na pawang mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Trump nanood sa UFC kasama ang ilang gabinete

Posted on: November 19th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

IPINAGDIWANG ni US president-elect Donald Trump ang pagkapanalo nito sa halalan sa pamamagitan ng panonood ng Ultimate Fighting Championship (UFC).

 

 

Nanood ito sa UFC 309 sa New York kasama si Elon Musk at ilang mga gabinete nito gaya nina Robert F Kennedy Jr at Tulsi Gabbard ganun din si Vivek Ramaswamy.

 

 

Sa pagpasok pa lamang ni Trump ay nagpatugtog sila ng malakas na musika kung saan nagsigawan ang mga audience.

 

 

Pinanood nila ang laban ni Jon Jones kung saan tinalo nito si Stipe Miocic.

 

 

Matapos ang laban ay nilapitan ni Jones si Trump at ipinakita nito ang kaniyang belt.

Kumita ng $2.4M at pasok sa no. 8 spot: ‘Hello, Love, Again’, gumawa ng record para sa Filipino film na pinalabas sa America

Posted on: November 19th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAKAPAGTALA ng bagong kasaysayan ang “Hello, Love, Again”, ang reunion movie nina Alden Richards at Kathryn Bernardo na mula sa Star Cinema at GMA Pictures.

 

Showing na rin ngayon sa iba’t ibang sinehan sa United States ang sequel ng blockbuster movie noong 2019 na “Hello, Love, Goodbye.”

 

Ayon kasi sa ulat ng entertainment website na Deadline, ang “HLA” na ang may hawak ng record para sa “highest opening weekend for a Filipino film in the US.”

 

Kumita ito ng $2.4 million gross at nakapasok sa no. 8 spot sa mga pelikula sa Amerika, base sa laki ng kinita.

 

Palabas na ngayon ang “Hello, Love, Again” sa 248 locations across the US and Canada.

 

Ayon sa deadline.com, “Hello, Love, Again is a great marketing story as Abramorama, in collaboration with AJMC (Amorette Jones Media Consulting), released the romantic drama in 248 locations across the U.S. and Canada. ABS-CBN Films and GMA Pictures’ sequel to Hello, Love, Goodbye starring Kathryn Bernardo and Alden Richards, saw strong turnout and engagement across key markets driven by a robust campaign by AJMC designed to engage core Filipino-American audiences while broadening its appeal to Asian-American, Hispanic, and general moviegoers.

 

 

“That included a highly targeted social media strategy was employed, featuring scripted content tailored for North American audiences, fan engagement initiatives, and grassroots outreach. The campaign leveraged the strong fan base of Bernardo and Richards, along with strategic partnerships with platforms like ABS-CBN’s TFC and Cinema One, creating a cohesive push across digital and social media.

 

 

Veteran Joe Garel developed a data-driven distribution strategy, said Abramorama’s Evan Saxon, president and head of International Distribution, with the rollout “highlighting to our exhibition partners the power of a vibrant audience they may have underestimated. This success underscores the immense potential for expanding cinema’s audiences through multicultural and event-driven content.”

 

 

“Bernardo and Richards reprise their characters, Joy and Ethan and Cathy Garcia-Sampana, returned to direct the sequel set five years after Joy says goodbye to Ethan and Hong Kong to pursue her dreams in Canada, where the two reunite.”

 

 

Kinumpirma ng Star Cinema at GMA Pictures na kumita na ang “Hello, Love, Again” ng P245 million sa Pilipinas sa loob lamang ng tatlong araw.

 

Ito’y mula sa direksyon ni Cathy Garcia-Sampana at kasama rin sa movie sina Joross Gamboa, Valerie Concepcion, Jennica Garcia, Jeff Tam, Kakai Bautista at marami pang iba.

 

 

Samantala, naglabas na rin ng warning ang mga producer ng movie sa pamamagitan ng social media laban sa mga sindikatong sangkot sa pangongopya at pagda-download ng naturang pelikula.

 

 

Ayon sa official statement ng ABS-CBN Studios, Star Cinema at GMA Pictures, hindi nila tino-tolerate ang anumang klase ng piracy at gagawin nila ang lahat upang maparusahan ang mga piratang ito.

 

“Star Cinema and GMA Pictures are in the process of pursuing legal action against people who have been selling, posting and sharing the film.

 

“Violators will face 9 years of imprisonment and P1.5 million penalty,” ang bahagi ng opisyal na pahayag ng mga producer ng “Hello, Love, Again.”

 

“To report pirated Hello, Love, Again videos, send an e-mail at Report-Piracy@abs-cbn.com with a link of the illegal content and the subject line Report Piracy (Hello Love Again),” ayon sa statement.

 

 

Samantala, pupunta sina Alden at Kathryn sa LA, Toronto, at Dubai para um-attend sa mga soldout special screenings doon. Dadalo rin sila sa 10th Asian World Film Festival, kung saan magiging feartured closing film ang “Hello Love Again”.

 

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

3 puganteng SOKOR, inaresto ng BI

Posted on: November 19th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

INARESTO ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlong South Koreans na wanted ng mga awtoridad sa Seoul dahil sa pag-operate ng illegal gambling site sa internet.

 

Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, ang mga dayuhan ay inaresto sa dalawang magkahiwalay na operasyon ng mga miembro ng bureau’s fugitive search unit (FSU) sa Metro Manila.

 

Unang inaresto si Kim Heechui, 36 sa BF Homes, Parañaque City habang si Seo Min, 30, at Kim Yongsu, 45, ay inaresto sa loob ng kanilang condominium unit sa Scout Grandia sa Diliman, Quezon City.

 

“They will also be placed in our blacklist of undesirable to make sure they won’t be able to come back to the Philippines,” ayon sa BI Chief.

 

Ayon sa BI-FSU, si Kim ay wanted ng Interpol, ay may arrest warrant na inisyu noong May 2021 ng Jeonju district court sa Korea sa paagbubukas at pag-operate ng isang online gambling site.

 

Inisyuhan naman ng warrant of arrest ng Incheon District court noong May 2023 dahil sa pagpapatakbo ng illegal gambling website sina Seo Min at Kim Yongsu.

 

Ang mga website operator ay kumita umano ng 2 trillion won, o US$1.4 million mula sa kanilang illegal activities. (GENE ADSUARA)

Para sa typhoon-impacted communities: South Korea, nagbigay ng P30M sa Pinas

Posted on: November 19th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGBIGAY ang South Korean government ng P30 milyon bilang kontribusyon sa Pilipinas para magkaloob ng “critical cash assistance” sa mga typhoon-impacted communities habang ang bansa ay matapang na hinaharap ang marami at sunod-sunod na severe weather disturbances ngayong buwan, ayon sa United Nations World Food Programme (WFP).

 

Ang pondo ay idinaan sa pamamagitan ng WFP, kung saan kasama ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para iparating sa 14,500 pamilya na may anak na wala pang limang taong gulang na nakarehistro sa 4Ps (Pantawid Pamilyang Pilipino Program) social assistance program ng gobyerno.

 

“The ROK Government hopes that this assistance will support the recovery of the affected areas and help residents in those areas swiftly return to their daily lives,” ang sinabi ng WFP, tinukoy si
South Korean Ambassador to the Philippines Lee Sang-hwa.

 

Ayon sa WFP, ang pamilya na kasama sa pinaka-apektadong lalawigan ng Severe Tropical Storm Kristine ay ang Albay at Camarines Sur—makatatanggap ng P3,000 na cash para sa dalawang buwan para sa kanilang agarang pagkain at iba pang pangangailangan.

 

Ang cash assistance ay inaasahan na pandagdag sa food at non-food items na ipinagkaloob ng pamahalaan simula ng tumama ang bagyo.

 

““The Republic of Korea’s timely contribution has ensured WFP’s response, in partnership with DSWD, reaches affected communities and households in areas hardest hit by the latest consecutive typhoons within days,” ang sinabi ni WFP Philippines Representative and Country Director Regis Chapman.

 

“We are grateful for their timely support, enabling WFP to reach people within days through cash transfers,” aniya pa rin.

 

Sa isang kalatas, binigyang diin ng WFP ang papel nito na dagdagan ang government-led response sa pamamagitan ng ‘logistics, emergency telecommunications support, at damage assessments.’

 

Kinokonsiderang “key partner” ng Pilipinas, sinabi ng WFP na ito’y kabilang sa unang nakatulong sa pamahalaan na magdala ng mahalagang tulong sa mga apektadong komunidad.

 

Samantala, naabot na ng DSWD ang mahigit sa 764,500 katao sa Bicol region na may 152,900 family food packs, at transportation support mula sa WFP.

 

“It also co-designed Government Emergency Communications Systems—Mobile Operations Vehicles for Emergency units with the Department of Information and Communications Technology (DICT) “to ensure vital connectivity and support search and rescue efforts.”

 

The WFP also deployed additional Very Small Aperture Terminal—Low Earth Orbit (VSAT LEO) units to improve data connectivity at evacuation centers,” ayon sa ulat.

 

Binigyang diin naman ng WFP ang kahandaan nito na tumulong sa mga lugar na matinding naapektuhan ng mga bagyo lalo na sa Bicol region. (Daris Jose)

Malakanyang, pinalagan ang ‘hallucination’ ni Digong Duterte na attack dog ng admin si Trillanes

Posted on: November 19th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

AYAW patulan ng Malakanyang ang alegasyon ni dating Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte na isang ‘attack dog’ ng administrasyon si dating senator Antonio Trillanes IV dahil sa pinakabagong banat at atake ng huli sa una.

 

“Mahirap nang pumatol sa ganyan. Hallucination na ‘yan,” ang sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa mga mamamahayag sa isang media interview.

 

Lumutang ang hinala ni Duterte na attack dog ng Palasyo si Trillanes dahil hindi umano ito gagalaw kung walang nasa likod nito dahil wala na umanong itong pera.

 

Giit ng dating Pangulo na “Malacañang-sponsored” ang pag-atake sa kanya ni Trillanes.

 

Binanggit ito ni Digong Duterte sa isang phone call sa kanyang legal counsel Salvador Panelo, na naka-aired live sa social media.

 

Dahil dito, planong kasuhan ng libel ni Digong Duterte si Trillanes dahil sa patuloy na pag-atake sa kaniya at sa kaniyang pamilya kaugnay sa malaking pera nito sa bangko na mula umano sa illegal na droga.

 

Sa ulat, halagang uminit ang ulo ni dating pangulong Duterte sa pagdinig sa Kamara nitong Miyerkules matapos siyang akusahan ng isang dating senador na nagbenepisyo ng pera mula sa ilegal na droga.

 

Nilinaw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi tutulong bagamat hindi rin haharangin ng gobyerno ang International Criminal Court kung gustong magpaimbestiga ni Digong Duterte. (Daris Jose)