• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 23rd, 2024

Julia Barretto and Carlo Aquino team up anew to defy fate in ‘Hold Me Close’

Posted on: November 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

WHEN a restless traveler crosses paths with a clairvoyant girl, will the stars align in their favor or is heartbreak the only vision ahead?

 

This Christmas, let’s hold on to love as Julia Barretto and Carlo Aquino team up anew to defy fate in ‘Hold Me Close’. Written and directed by Jason Paul Laxamana, the romance-drama masterpiece hits theaters nationwide on December 25 as Viva Films official entry for the 50th Metro Manila Film Festival.

 

Carlo portrays Woody, a wandering soul who has traveled from one town to another for the past seven years, searching for a place he can finally call home. His journey leads him to the city of Karatsu in Saga, Japan.

 

There, he meets Lynlyn, played by Julia, a charismatic but enigmatic squid vendor at the local port market. They instantly connect, and Woody is starting to believe he has finally found home.

 

However, Lynlyn harbors a secret that has kept her isolated from the world— she possesses a unique psychic ability that allows her to detect whether a person will cause joy or pain in her life just by touching them. This gift has kept her wary of forming connections.

 

At first, Woody does not register anything to her, which she believes is better than registering negative. It’s also the first time that someone expresses interest in her, so she lets him court her. But one day, Woody suddenly registered negative to her. Her gift foretells that he will bring her pain. As a result, Lynlyn distances herself from Woody despite the undeniable connection between them.

 

But Woody is out to prove Lynlyn wrong. Can his persistence change her mind despite the warnings of fate? Does the heart truly know better than destiny? Find out if Lynlyn and Woody can defy what seems to be written in the stars.

 

Filmed in Japan, ‘Hold Me Close’ marks the second time Julia and Carlo are sharing the big screen following their 2022 movie, ‘Expensive Candy’, also helmed by Laxamana.

 

While ‘Expensive Candy’ tackled more daring themes, Julia and Carlo will surely tug our heartstrings in Hold Me Close, further proving their versatility as actors. And with the recent success of Julia Barretto’s romance movie with Joshua Garcia, ‘Un/happy For You’, movie fans can expect another compelling performance from her.

 

‘Hold Me Close’ also marks a much-anticipated MMFF return for both stars— Barrettos last appearance in the festival was in 2016 with ‘Vince and Kath and James’, while Aquinos was in the 2012 entry ‘Shake, Rattle, and Roll XIV’.

 

Laxamana is no stranger to the festival either, having competed last year with the action-adventure epic ‘Penduko’. Hes also known for his successful romantic dramas including ‘100 Tula Para Kay Stella’ and ‘Just a Stranger.’

 

Dont miss Julia and Carlo as they reunite once more to see if love can truly conquer the cautions of destiny.

 

‘Hold Me Close’ opens in cinemas nationwide on Christmas Day.

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Ginastusan para mabuo ang 50th MMFF entry… ‘Uninvited’ nina VILMA, never naisip ni BRYAN na magkakatotoo

Posted on: November 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

KALAT na ang tsikang nakatakdang mamaalam sa GMA station ang ABS CBN produced noontime show na “It’s Showtime.“

 

Pero from a source ay walang katotohanan daw na ang TAPE Inc. na dating producer ng “Eat Bulaga” ang gagawa ng isang noontime show kapalit ng “Its Showtime “ at makakatapat ng “EB”.

 

But may mga nakaplano ng gagawing shows pa rin for GMA 7 ang TAPE Inc. kung saan si Ms. Malou Choa-Fagar ang namamahala.

 

Well, anyway marami tiyak ang malulungkot sa mga avid televiewers ng “Its Showtime“ kapag tuluyan nang mawawala sa Siyete ang paborito nilang noon time show.

 

Na ayon sa tsika ay hanggang sa December 2024 na lamang mapapanood ang show hosted by Vice Ganda and co.

 

Magkaganunman, ay hindi dapat malungkot nang tuluyan ang mga Ito dahil tuloy pa rin naman at mapapanood pa rin ang ”It’s Showtime” sa A2Z, Kapamilya Channel, at ALL TV.

 

Malalaman sa mga susunod na araw ang katotohanan tungkol sa balitang ang “TiktoClock” ang ipapalit sa timeslot ng maiiwanan ng Kapamilya noontime show.

 

Inaasahan namang maglalabas ng opisyal na pahayag ang GMA Network Inc. management hinggil dito.

 

***

 

SI Sir Bryan Diamante ang pasimuno kung bakit nabuo ang pelikulang “Uninvited” para sa 50th anniversary of the Metro Manila Film Festival.

 

Siyempre ang Mentorque ang main producer ng “Uninvited,” kung saan bida si Star for All Seasons Vilma Santos kasama sina Aga Muhlach, Nadine Lustre at marami pang iba.

 

Ayon pa kay Sir Bryan masyadong malaki ang ginastos nila para mabuo at matapos ang movie in time for the 50th MMFF.

 

Katwiran pa niya ang makagawa raw ng makabuluhang pelikula na tiyak magugustuhan ng mga manonood ang nais niyang maging tatak ng movie outfit nila.

 

“Well, I’m really fortunate that every organization, company, and person na tinap namin to do this film, lahat naman sila nag-yes.

 

“We’re very fortunate of that. Kung expensive? Definitely. The Filipino audience deserves this type of caliber ng pelikula.” Sey pa ng producer ng “Mallari” na naging entry rin ng Mentorque sa nakaraang MMFF.

 

Ipinagmalaki naman ni Bryan na family friend nila ang mga Recto and when in fact naging trusted employee siya ng pamilya ni Ate Vi for many years.

 

Kung kaya isang dream project niya ang “Uninvited “ with the Star for all Seasons na bida sa pelikula.

 

“Itong pelikulang ito, never namin naisip na magkakatotoo. Kami ni Ate Vi, nung nag-uusap kami, she just wanted to create a film.

 

“Ako naman, gusto kong gumawa ng pelikula na ibibigay namin ang lahat. We were able to submit sa MMFF. Natanggap,” sabi pa rin ni Sir Bryan.

 

Dagdag pa ng young producer na sobra sobra raw ang suporta na ibinigay sa kanya ng pamilya ni Ate Vi.

 

“Very supportive sila. They just empower you. Matagal ko na silang mga boss. Very supportive si Sen. Ralph at sabi niya nga to keep myself sane kasi baka raw umay na umay na ako sa politics.

 

May personal po akong relasyon sa kanila. Halos doon na po ako sa kanila lumaki.” Pag-amin pa rin ng producer.

 

Happy naman si Bryan sa naging results ng kabuuan ng “Uninvited“.

 

“It’s overwhelming. The pressure is on. The other entries are really good too so we have to up our game. Ang lalim ng pelikulang ito. Nakita niyo ‘yung grandness.

 

“When you watch the film, makikita niyo kung gaano kalalim. Marami siyang sasabihin at marami siyang sinasabi,” pagmamalaki pa niya.

 

 

 

(JIMI C. ESCALA)

Parang ikalawang ama na ang pumanaw na aktor: ANDREW, binalikan ang magagandang alaala kasama si RONALDO

Posted on: November 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MARAHIL ay may mga hindi nakakaalam na malapit na magkaibigan sina Andrew Gan at Ronaldo Valdez.

 

 

Kaya naman labis ang pagdadalamhati ni Andrew noong pumanaw si Ronaldo sa loob ng kanyang tahanan sa New Manila noong Disyembre 17, 2023 dahil sa tama ng baril.

 

 

Tinanong namin si Andrew kung ano ang mga hindi niya makakalimutan tungkol sa beteranong aktor.

 

 

Lahad niya, “Sa mga hindi po nakakaalam kasi lumaki ako ng single parent yung mom ko, na siya yung bumuhay, siyempre with the help of my aunties and uncle, ganun.

 

 

“Si Tito Ron kasi for me parang second father ang tingin ko sa kanya.

 

 

“Nakaka-miss nga minsan kapag mag-aaya yun 5 pm pa lang, ‘Andrew, nasaan ka? Inom tayo’, tapos yung message niya jejemon pa,” at tumawa si Andrew.

 

 

“Tapos nag-Baguio pa kami nung birthday niya, apat kami.”

 

 

Ano ang mga hindi niya makakalimutan na mga nasabi nito sa kanya na mga payo?

 

 

Aniya, “Yung wisdom, at yung una-una dun yung matuto ka makisama, matuto kang makisama sa mga tao.

 

 

“Iyon yung talagang tumatak sa akin, kasi siyempre galing na kay Tito Ronaldo Valdez na ilang dekada na sa atin.

 

 

“Ang sinasabi niya laging mahalin mo yung family mo, kasi hindi every time nandiyan yan.”

 

 

Paano sila nagkaroon ng connection ni Ronaldo na humantong sa malapit na pagkakaibigan?

 

 

“Sa isang show, sa 2 Good 2 Be True, yung sa KathNiel.”

 

 

Ang ‘2 Good 2 Be True’ ay ang 2022 romance-drama series nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa Kapamilya Network.

 

 

Nasundan pa raw iyon ng isang pelikula kung saan muli silang nagkatrabaho ng beteranong aktor.

 

 

“Tapos after nun, Ikaw at Ako naman na dinistribute din ng Viva Films, Paolo Contis and Rhian Ramos.”

 

 

 

 

0

 

Asia’s Songbird, walang alam sa isyu at ayaw ng patulan.: Fans ni REGINE, umalma sa pambabastos ng ‘MYX Music Awards’ sa idolo nila

Posted on: November 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

UMALMA ang loyal fans ni Asia’s Songbird Regine Velasquez nang makita nila ang poster na inilabas para sa MYX Music Awards 2024.

 

 

Nakakaloka naman kasi na mas malaki pa ang larawan nina BINI members na sina Jhoana at Maloi, at “Pinoy Big Brother” big winners na sina James Reid st Fyang Smith kaysa kay Regine at pinuwesto pa sa pinahuli.

 

 

Kahilera naman baba ng Asia’s Songbird sina Elijah Canlas, Gloc 9, Chloe San Jose, Alexa Ilacad, at KD Estrada.

 

 

Kaya naman hindi ito pinalampas ng solid supporters ng singer-actress at naglabas ng sama ng loob sa X (dating Twitter):

 

 

“Yung Asia’s Songbird na nagbigay ng karangalan sa Pilipinas at isa sa nakipaglaban para sa network noong kasagsagan ng pandemya at shutdown nilagay lang sa ibaba samantalang yung isa na sumang-ayon pa sa pagpapasara ng ABSCBN nilagay sa taas. ANG TANGA LANG!”

 

 

“Myx is all about music and OPM tapos yung nasa taas is wala naman naambag sa OPM?! Grabe ang pangbabastos sa isang REGINE VELASQUEZ and GLOC-9!!!”

 

 

“Kahit hindi Regine fan or yung mga casuals, nabastusan din talaga sa ginawa na’to ng @myxglobal sa THE Regine Velasquez. Recipient ng MYX Magna Award si Regine, tapos babastusin lng ng ganyan. Wala akong pakialam kung binura nyo na yung photo. BASTOS kayo, Myx! BASTOS KAYO!”

 

 

Dahil dito, humingi naman ng sorry ang digital team ng ABS-CBN sa nangyari na ibinahagi sa kanilang Instagram post.

 

 

“Dear Ms. Regine, We would like to sincerely apologize the oversight in the promo material we released yesterday.

 

 

“We have deep respect and admiration for your craft and remarkable contribution you have given the music industry.

 

 

“We will strive to do better moving forward.

 

 

“Maraming salamat po sa inyong pag-unawa.

 

 

Sincerely. ABS-CBN Digital Team”

 

 

“Oh thank you very much didn’t have to but I appreciate it [smile emoji] #kalma [laughing in tears emoji],” sey pa ni Regine na parang deadma lang at walang alam sa isyu at ayaw nang patulan.

 

 

***

 

 

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang klasipikasyon ng mga pelikulang ipalalabas sa linggong ito.

 

 

Rated PG (Patnubay at Gabay ng Magulang) ang “Wicked,” na halaw sa isang musikal at pinagbibidahan nina pop icon Ariana Grande at Cynthia Erivo.

 

 

Sina Board Members JoAnn Bañaga, Eloisa Matias, at Neal Del Rosario ang nagrebyu ng pelikula.

 

 

Sa PG, kailangang kasama ng mga magulang o nakatatanda ang edad 12 at pababa sa loob ng sinehan.

 

 

Rated PG din ang “Conclave,” na sumentro sa moralidad at pulitika sa loob ng simbahang Katolika, at “Highlight,” na hango sa konsert ng kilalang Korean band na Highlight.

 

 

Ang “Kang Mak” mula Indonesia ay hango sa Thai horror comedy na “Pee Mak,” ay Rated R-13 (Restricted-13). Ibig sabihin, edad 13 at pataas lamang ang pwedeng manood ayon sa desisyon nina BMs Jerry Talavera, Juan Revilla, at Frances Hellene Abella.

 

 

“Ating hinihikayat ang mga magulang na responsableng gabayan ang mga bata para sila’y matutong makapili ng angkop na palabas sa ating mga sinehan,” sabi ni MTRCB Chairperson at CEO Sotto-Antonio.

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Pilipinas nadomina ang pagsisimula ng Davis Cup

Posted on: November 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Nadomina ng men’s tennis team ng bansa ang Mongolia sa pagsisimula ng Davis Cup na ginaganap sa Bahrain.

 

 

Nakuha ng Pilipnas ang 3-0 na record na isang magandang muling pagsisimula matapos ang apat na taon na pamamahing sa torneo.

 

 

Nanguna naman si Eric Jed Olivarez Jr sa first singles na tinalo si Sonompuntsag Enkhjargal, 6-0, 6-0.

 

 

Habang panalo rin si Alberto Lim laban kay Undrakh Purdevdorj with 6-1, 6-3.

 

 

Bumandera rin sa doubles sina Ruben Gonzalez at Francis Alcantara 6-1, 6-0 laban kina Tenuun Oyunbold at Zolbadar Urnukh.

 

 

Nasa Group V ang Pilipinas kung saan marapat na sila ay makapasok sa top 2 sa 15 bansa para makangat sa Group IV promotion.

 

 

Streaming service

 

 

Kasama ng Pilipinas sa Group V ang mga bansang Bahrain, Bangladesh, Bhutan, Brunei, Guam, Laos, Macau, Maldives, Mongolia, Nepal, Pacific Oceania, Tajikstan, Turkmenistan, at Yemen.

PBBM, hinikayat ang mga opisyal at empleyado ng gobyerno na iwasan ang marangyang pagdiriwang ngayong Pasko

Posted on: November 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan na iwasan ang marangyang pagdiriwang ngayong Pasko bilang pakikiisa na rin sa libo-libong Filipino na nagdurusa ngayon dahil sa sunod-sunod na bigwas ng bagyo na tumama sa bansa.

 

 

Sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na walang dahilan para magpalabas pa ng kautusan dahil naniniwala at nagtitiwala sila sa kabutihan ng mga government workers na “can unilaterally adopt austerity in their celebration.”

 

“Alinsunod sa panawagan ng ating Pangulo, hinihikayat namin ang lahat ng ahenysa ng pamahalaan na iwasan ang mga marangyang pagdiriwang ngayong Pasko,” ayon kay Bersamin.

 

“This call is in solidarity with the millions of our countrymen who continue to grieve over lives, homes and livelihoods lost during the six typhoons that pummeled us in a span of less than a month,” aniya pa rin.

 

Sa kabilang dako, hinikayat naman niya ang mga opisyal at empleyado ng gobyerno na mag-donate ng naipon o naitabi nilang pera sa mga biktima ng bagyo para makapagdiwang ang mga ito ng simpleng Pasko.

 

“The true spirit of Christmas implores us to celebrate with compassion, to share our blessings, and to spread cheer. As a people united by love for our fellow men, we can cast away bleakness as we celebrate in this season of joy,” ang sinabi pa rin ni Bersamin.

 

“On the part of the government, we will make sure that the Christmas spirit will be felt early by all the affected areas in the form of relief goods and assistance, of infrastructure rebuilt, and of livelihoods restored,” dagdag na pahayag nito.

 

“Tuloy pa rin ang pagdiriwang ng Pasko, kasama ang ating mga kababayang nasalanta ng mga sunodsunod na kalamidad,” ayon kay Bersamin.

 

Ang gobyerno ng Pilipinas ay kaisa ng mga mamamayang filipino na isinasaisip ang pagdurusa ng mga tinamaan ng mga bagyong Kristine, Leon, Marce, Nika, Ofel at Pepito.

 

Sinabi naman ni Pangulong Marcos na “the government is now working double time to start rebuilding calamity-hit communities while relief operations continue.” (Daris Jose)

Huwag gamiting bulletproof vest ang OVP staff at sagutin ang alegasyon ng ₱612.5M fund misuse

Posted on: November 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TINULIGSA ng mga lider ng kongreso si Vice President Sara Duterte ang lantaran umano nitong pagtatangka na iwasan na sagutin at managot sa alegasyon ng iregularidad sa paggamit umano ng ₱612.5 milyong confidential funds sa pamamagitan ng paggamit bilang “buffer” sa kanyang staff.

 

 

“The Vice President must stop hiding behind her staff. They are not her bulletproof vest. Only she holds the answers to how these funds were spent, and it’s time for her to face Congress and take responsibility,” ayon kay House Deputy Majority Leader Paolo Ortega V ng La Union.

 

 

Inakusahan naman ni House Assistant Majority Leader Jay Khonghun ng Zambales ang bise na ‘ nilaglag’ nito ang mga tauhan para protektahan ang sarili mula sa tumitinding backlash laban sa kanya.

 

 

“Her staff are not scapegoats for her to sacrifice whenever things get tough. If she truly believes in accountability, she must stop passing the burden to others and come clean to the Filipino people,” ani Khonghun.

 

 

kinondena pa ng dalawang mambabatas si Duterte sa pagpapadala ng mga career officials upang sagutin ang mga pagtatanong ng mga miyembro mula sa House Blue Ribbon Committee, na sumagot na walang direktang kinalaman sa pangangasiwa sa nasabing pondo.

 

 

“Linawin natin: hindi mga tauhan ni VP Sara ang gumawa ng desisyon. Siya ang may pananagutan. Sa pagpapadala ng ibang tao para sagutin ang mga tanong, hindi lang siya umiiwas sa responsibilidad—ipinapakita rin niya ang kakulangan niya bilang pinuno,” dagdag ni Ortega.

 

 

Iniimbestigahan ng House Blue Ribbon Committee ang alegasyon ng maling paggamit ng ₱500 milyong confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at ₱112.5 million ng Department of Education (DepEd) sa ilalim ng pamunuan ni Duterte.

 

 

Dumalo si Duterte sa unang pagdinig ng komite subalit tumangging manumpa, nagbigay lamang prepared statement na tumutuligsa sa imbestigasyon at umalis ng hindi sinagot ang mga pagtatanong mula sa mga mambabatas.

 

 

Nanawagan pa si Ortega kay Duterte na itigil ang pag iwas at harapin ang kamara.

 

 

“Walang lider na karapat-dapat sa kanyang posisyon ang gagamit ng kanyang tauhan bilang pader para iwasan ang mahihirap na tanong. Siya ang may pananagutan, at siya ang dapat magpaliwanag,” giit nito. (Vina de Guzman)

AKAP budget, ilalaban ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez

Posted on: November 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NANGAKO si Speaker Ferdinand Martin Romualdez na ilalaban ng Kamara ang paglalaan ng pondo sa Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) 2025 budget.

 

 

Mahigit sa apat na milyong “near poor” Pilipino sa buong bansa ang apektado nito.

 

“AKAP is not just a safety net; it is a lifeline for millions of Filipino families teetering on the edge of poverty. This initiative has proven its value by providing immediate relief to struggling households, empowering them to weather economic challenges, and ensuring their resilience against inflation and other shocks,” anang speaker.

 

Ang programa ay maglalaan ng one-time cash assistance na P3,000-P5,000 sa mga kuwalipikadong beneficiaries na ang kita ay mababa sa poverty threshold at hindi sakop ng alinmang government aid programs.

 

Ayon pa kay Romualdez, nasa mahigit sa 589,000 pamilya sa National Capital Region (NCR) ang nakinabang sa AKAP bukod pa sa iba pang benepisaryo mula sa iba pang mga rehiyon na nabiyayaan ng P20.7 billion sa P26.7 billion allocation.

 

“Programs like AKAP demonstrate what effective government intervention looks like. It stabilizes households, strengthens communities, and contributes to the country’s overall economic resilience. Cutting its funding would be a disservice to the millions who rely on this vital assistance,” dagdag nito.

 

Nanawagan pa ang speaker sa senado na ikunsidera ang panukalang i- defund ang AKAP.

 

“We stand with Secretary Gatchalian in urging our colleagues in the Senate to uphold the AKAP budget. This is about ensuring that no Filipino family falls back into poverty because of insufficient support. The House of Representatives is ready to champion this cause in the bicameral discussions if necessary,” ani Romualdez. (Vina de Guzman)

Gilas Pilipinas nalusutan ang New Zealand 93-89

Posted on: November 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Ginulat ng Gilas Pilipnas ang New Zealand 93-89 sa 2nd window ng FIBA Asia Cup Qualifiers.

 

Ito ang unang pagkakataon na tinalo ng Pilipinas ang New Zealand sa laban na ginanap sa Mall of Asia Arena.
Dumaan sa 16-0 run ang Gilas para mabaligtad ang apat na puntos na kalmaangan ng Tall Blacks at makuha nila ang 72-60 na kalamangan sa third quarter.
Bumida sa panalo ng Gilas si Justin Brownlee na nagtala ng 26 points, 11 rebounds at apat na assists habang mayroong 19 points, 10 rebounds at pitong assists si Kai Sotto.
Dahil sa panalo ay nananatiling wala pa ring talo ang Gilas 3-0 win-loss record sa Group B.
Sakaling manalo sila sa Hong Kong sa araw ng Linggo ay tiyak na ang pagpasok nila sa Asia Cup na gaganapin sa Jeddah Saudi Arabia.
Tinalo kasi ng Chinese-Taipei ang Hong Kong 85-55 na ginanap nitong Huwebes din ng gabi.

Mapabilis ang kanselasyon ng birth certificates na nakuha sa iligal na paraan, isinusulong ng Quad Comm

Posted on: November 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ISINUSULONG ng mga lider ng House Quad Comm na mapabilis ang kanselasyon ng birth certificates na nakuha sa iligal na paraan ng mga foreign nationals, kabilang na yaon sangkot sa illegal drug operations at iba pang criminal activities na may kaugnayan sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).

 

Ang House Bill (HB) No. 11117 o “Fraudulent Birth Certificate Cancellation Law,” ay ikatlong panukala na inihain ng Quad Comm na nagmula sa imbestigasyon sa umano’y criminal activities ng dayuhan, partikular na yaong gamit ang pinekeng dokumento.

 

Inihain ito nina Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr., Deputy Speaker David Suarez, Quad Comm Chairs Robert Ace Barbers, Bienvenido Abante Jr., Dan Fernandez at Joseph Stephen Paduano at Vice Chair Romeo Acop.

 

Ang iba pang awtor ng panukala ay sina Reps. Johnny Ty Pimentel, Gerville Luistro, Rodge Gutierrez, Francisco Paolo Ortega V, Jay Khonghun, Jonathan Keith Flores, Jil Bongalon, Margarita Nograles, Ernesto Dionisio Jr., Joel Chua, Zia Alonto Adiong, Lordan Suan at Cheeno Miguel Almario.

 

“A birth certificate is the most basic document a Filipino citizen must have. It is a document which provides the imprimatur of the State that an individual is a Filipino and opens to the individual vast opportunities unavailable to foreigners, such as practicing a profession, pursuit of certain businesses, or even to run for public office,” nakasaad sa explanatory note.

 

Ang hakbang ay hinawa kasunod na rin sa pagkakabunyag na libong foreign nationals ang nakakuha ng Philippine birth certificates gamit ang iligal o kuwestiyonableng paraan. (Vina de Guzman)