• April 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November, 2024

Tinanggihan din na tumakbong Senador: VILMA, umaming apat na beses na inalok na mag-Vice President

Posted on: November 29th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PERSONAL na dumalo ang Star for All Seasons sa inorganisang Vilma Santos: Woman, Artist, Icon (The Vilma Santos Retrospective) na ginanap sa UST.

 

 

Si Professor Augusto Antonio Aguila ng College of Liberal Arts ang the man behind sa nasabing proyekto kung saan ipinalabas ang mga restored movie ni Ate Vi na kagaya ng ‘Dekada 70′, ‘Ekstra’, ‘Bata, Bata Paano Ka Ginawa’ at ‘Tagos ng Dugo’.

 

 

Nang hapon na yun kung saan dumalo si Ate Vi ay ang pelikulang ‘Dekada 70’ ang ipinalabas.

 

Sa totoo lang kahit more than 20 years nang maipalabas ang nabanggit na movie directed ni Chito Roño ay napapanahon pa rin at parang akma pa rin sa kasalukuyang nangyayari sa ating lipunan.
Nagkaroon naman ng “talk back” after napanood ng lahat ang movie.

 

Game naman si original grand slam actress sa mga tanong ng mga istudyante ng University of Sto. Tomas at ng ilang movie press.

 

Deretsahang inamin ng bida ng pang-MMFF movie na “Uninvited“ na apat na beses siyang inalok para tumakbong Vice President noon.

 

Sina dating Pangulong Gloria Arroyo, Sec. of Defense Gibo Teodoro ay ang dalawa sa mga nag-alok sa kanya to run for Vice President. Pero tinanggihan lahat ng premyadong aktres at politician, pati na ang kung ilang beses na pag-alok sa kanya na tumakbong senador.

 

Katwiran pa ni Gov. Vi na ang Paglilingkod ay Hindi para sa kung anong posisyon o titulo kundi pagsasakripisyo para sa kanyang pinaglilingkuran.

 

Mas pinili pa rin na tumakbong gobernador ni Ate Vi para sa mga Batangueños at may mga project pa rin siya na tatapusin para sa mga ito.

 

***

 

SAMANTALA, tuwang-tuwa ang mga Thomasians lalo na ang mga GenZ sa mga sagot ni Ate Vi. At sa kuwento ng aktres sa mga naging karanasan niya sa paggawa ng pelikula at kung paano ang pamumuno niya sa probinsiya ng Batangas.

 

Kumbaga, ang daming lessons daw na natutunan nila sa itinuturing ng lahat na icon ng industriya ng pelikula.

 

Sabi pa nga nang nakausap naming mga grupo ng istudyante iba raw pala talaga magsalita si Ate Vi, kagagalang-galang at dapat mong bigyan ng respeto.

 

Sa totoo lang din naman si Ate Vi ang kauna-unahang babae na naging mayor ng Lipa at kauna-unahang gobernador ng Batangas.

 

Kilala naman natin ang tapang ng mga Batangueño pero pag si Ate Vi ang magsalita lahat sila nakikinig.

 

Dagdag pa rin ni Ate Vi, first and for most priority pa rin niya ang pamilya na kaya raw siya naging effective na public servant dahil naging mahusay siyang ina nina Ryan at Luis at asawa ni Sec. Ralph Recto.

 

 

 

 

(JIMI C. ESCALA)

Sulo, hindi na kasama sa BARMM

Posted on: November 29th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

IBINASURA ng Korte Suprema ang mosyon na humihiling na huwag ibukod ang lalawigan ng Sulu sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

 

 

Hindi pinaboran ng Korte Suprema ang mga motion for partial reconsideration na inihain ng BARMM government, Office of the Solicitor General, at iba pa noong September 9, 2024.

 

Pero dahil sa unang tinanggihan ng Sulu ang Bangsamoro Organic Law sa plebisito, hindi na ito dapat pang isama sa BARMM.

 

Kaugnay nito, pinal na ang desisyon kung saan ang lalawigan ng Sulu ay hindi na talaga kasama sa BARMM.

 

Ayon pa sa Korte Suprema, ang Desisyon ay final and immediately executory at hindi na nito papansinin ang anumang ihahaing pleading. GENE ADSUARA

Disbarment kontra Bise Sara, inihain

Posted on: November 29th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGHAIN na ng disbarment case ngayong umaga sa Korte Suprema si Sec.Larry Gadon ng Office of the Presidential Adviser on Poverty Alleviation laban kay Vice President Sara Duterte-Carpio.

 

 

Sa kanyang paghahain ng reklamong disbarment na may kinalaman sa pagmumura at pagbabanta ni VP Sara laban kina Pang. Bongbong Marcos Jr, First Lady Liza Araneta-Marcos at House Speaker Martin Romualdez, hinamon ni Gadon ang SC na agad maglabas ng desisyon.

 

Ayon kay Gadon, maliwanag ang ginawang paglabag ni Duterte sa Cannon Law at Conduct of Ethical of Professional Responsibility bilang isang abogado.

 

Sinabi ni Gadon, dito masusubukan ang mga justices ng Korte Suprema na wala silang pinapanigan na inihalimbawa pa ang kanyang sarili na agaran siyang tinanggalan ng lisensiya bilang abogado matapos din siyang ireklamo ng disbarment ng kumalat ang video ng ginawa niyang pagmumura.

 

Sakaling hindi maglabas ng desisyon, handa si Gadon na sampahan ng impeachment ang mga justices kung saan maliban sa kaniyang reklamo ay may nakabinbin din sa Korte Suprema na isa pang disbarment ni VP Sara na may kaugnayan naman sa panununtok nito sa isang Sheriff noong siya ay alkalde pa ng Davao City.

 

Nauna nang inihayag ni Atty. Camille Ting, tagapagsalita ng Supreme Court na may natanggap na silang anonymous letter na pinapadisbar si VP Sara. GENE ADSUARA

Hindi pa rin makapaniwalang may wax figure na: ANNE, kahilera nina BRAD at ANGELINA sa Glamor Zone ng ‘Madam Tussauds Hong Kong’

Posted on: November 29th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HINDI pa rin makapaniwala ang Kapamilya actress at “It’s Showtime” host na si Anne Curtis sa bagong milestone sa kanyang career, matapos na i-unveil ang kanyang wax figure sa Madam Tussauds Hong Kong, na magsisimula nang makita ng kanyang fans sa December 9.

 

 

“I’m truly honored to be celebrating this moment, being immortalized by Madame Tussauds Hong Kong.

 

 

“Sobrang hindi ako makapaniwala na I was given this opportunity,” pahayag ni Anne sa isang interview ng ABS-CBN.

 

Sa wax figure ni Anne, kuhang-kuhang ang bawat detalye tulad ng kanyang nunal, makikitang binihisan elegant white gown at may hawak na microphone.

 

“Ganun din ako, sobrang tulala in disbelief,” kuwento pa niya.

 

“Parang ganito pala feeling na meron kang kakambal. Pati ilong, nunal, na-amaze ako kasi alam ko ‘yung process. Akala ko parang mummy na hihiga ka, pero hindi pala. Tumayo lang ako. I’m so amazed how precise! Kalokalike ko talaga!”

 

Gumawa rin ng history si Anne, dahil siya ang first Filipina actress and TV host na may wax figure naka-display sa prestigious Glamour Zone ng museum, na kung saan kahilera niya ang ang Hollywood A-listers tulad nina Brad Pitt at Angelina Jolie.

 

“It’s an honor for me to be the first Filipina actress and TV host to be featured.

 

“I’m even more proud because I’m representing the Philippines alongside my fellow Filipinos like Pia Wurtzbach, Catriona Gray, Manny Pacquiao, and Lea Salonga. This is a huge honor for me,” masayang tugon pa niya.

 

Excited din si Anne na ipakita ang naturang wax figure sa kanyang daughter na si Dahlia Amélie at may naisio na siya kung paano ito gagawin.

 

“Ang plano ko, mag-Hong Kong kami. Tapos hindi ko sasabihin sa kanya.

 

“Tingin-tingin doon para maka… you know, she might have to take a double look,” natatawa pang pagbabahagi ni Anne.

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

VP Sara, natawa

Posted on: November 29th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NATAWA na lamang si Vice President Sara Duterte nang malaman niya na iniimbestigahan na siya ng National Bureau of Investigation’s (NBI) hinggil sa paglabag niya di umano sa Anti-Terrorism Act na malinaw na para lamang ma-access ang kanyang ‘assets at mga ari-arian.’

 

 

“Natatawa ako sa violations on the anti-terror law kasi sinusubukan nila to reach sa aking properties and assets,” ang sinabi ni VP Sara sa isang press conference.

 

Ganito rin aniya ang ginawa kay suspended Negros Oriental congressman Arnolfo “Arnie” Teves Jr.

 

Matatandaang taong 2023, idineklarang terorista ng Anti-Terrorism Council si Teves at 12 iba pa, tinukoy ang ilan na di umano’y pagpatay at harassment sa Negros Oriental.

 

Binansagan si Teves bilang mastermind sa pag-atake sa namayapang si Negros Oriental Governor Roel Degamo noong Marso 4, kung saan pinatay ang gobernador.

 

“Kasi itong violation na ito ng anti-terrorism law ginawa nila ito kay Congressman Arnie Teves so they have a playbook on what you do to a person na kakasuhan mo ng anti-terrorism,” ang sinabi ni VP Sara.

 

Aniya pa, ang pasaporte ng isang taong nahaharap sa paglabag sa anti-terrorism law ay kanselado. Ilalagay din ang mga ito sa Interpol red notice at mahaharap sa Anti-Money Laundering violation charges.

 

“Ipi-freeze nila ‘yung pera at properties mo. Hindi ka makakagasto ng pera at hindi ka makakapasok sa properties mo,” ang sinabi ni VP Sara.

 

Idinagdag pa nito na ang search warrant ay ihahain para makapasok sa properties ng taong hinainan nito at maaaring magtanim ng armas at ilegal na droga para gamitin bilang ebidensiya laban sa akusado.

 

“This is clearly oppression and harassment for remarks na pinipilit nila to take it out its logical context,” aniya pa rin.

 

“Yung grave assault, I believe pipilit nilang talaga gawan ng kaso yung mga remarks ko,” dagdag na wika ni VP Sara. (Daris Jose)

Dahil mas nag-grow bilang aktres nang maghiwalay: THEA, nagpapasalamat pa sa ex-boyfriend na si MIKOY

Posted on: November 29th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGPAPASALAMAT si Thea Tolentino sa ex-boyfriend na si Mikoy Morales dahil mas nag-grow pa raw siya bilang aktres noong maghiwalay sila.

 

 

 

“Nag-break kami because na-feel ko na I can grow more as a person, but not together,” sey ni Thea sa pag-guest niya sa programang ‘Lutong Bahay’ sa GTV.

 

 

Ayon pa sa Kapuso kontrabida, pareho raw sila ni Mikoy na gustong tapusin na ang relasyon nila. Naabot na raw nila ni Mikoy ang peak ng kanilang relasyon.

 

 

“Parang mutual eh. Ako ‘yung nag-initiate. Para sa akin okay siya,” sey ni Thea na in good terms pa rin with Mikoy bilang magkaibigan.

 

Nagkaroon ng relasyon sina Thea at Mikoy after matapos ang sinalihan nilang contest sa GMA-7 na ‘Protege: The Battle For The Big Artista Break’ noong 2012.

 

Naging on and off ang relasyon ng dalawa. Naghiwalay sila noong 2017 at nagkabalikan in 2019. Naghiwalay sila for good in 2020.

 

***

 

NI-LAUNCH ng GMA Playlist ang latest single ng Sparkle artist singer and actress na si Jeniffer Maravilla.

 

Ang single na ‘Di Na Puwede’, na composed ni Rina Mercado, ay isang emotional ballad na inspired sa breakup ni Jeniffer sa naging long-term relationship. Tungkol din ito sa love, loss, and healing.

 

“This song is a reflection of my journey through heartbreak. It’s a testament to the power of music to heal and connect with others on a profound level. Difficult and painful moments can happen to anyone, and it is during these times that we need to find ourselves. I hope that listeners can find solace and strength in its message,” sey ni Jeniffer.

 

Bukod sa pag-awit, na-enjoy na rin ng The Clash Season 2 alumna ang pag-arte sa teleserye. Lumabas na siya sa I Left My Heart in Sorsogon, Maria Clara at Ibarra, Asawa Ng Asawa Ko at Lilet Matias: Attorney-At-Law.

 

***

 

HINDI mapigilang maiyak ni Taylor Swift dahil magtatapos na ang kanyang Eras Tour. Magaganap ang last show in Vancouver, Canada.

 

“Toronto, we’re at the very end of this tour so you doing that, you have no idea how much it means to me. This tour… I don’t even know what I’m saying anymore. That was… uh, I’m just having a bit of a moment. It’s not even the last show!

 

“My band, my crew, all of my fellow performers, we have put so much of our lives into this. And you’ve put so much of your lives into being with us tonight and to giving us that moment that we will never forget. I love you guys. Thanks so much for that.”

 

The Eras Tour will come to a record-breaking end after three sold-out shows at BC Place in Vancouver on December 6, 7, and 8.

 

Nakatanggap naman ng six Grammy nominations ang album ni Taylor na The Tortured Poets Department: Album of the Year, Best Pop Vocal Album, Record of the Year, Song of the Year, Best Music Video and Best Pop Duo/Group Performance.

 

 

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Malakanyang kay FPRRD: Don’t be selfish, follow constitution

Posted on: November 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TINAWAG ng Malakanyang na ‘selfish’ o sakim si dating Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Roa Duterte nang ipanawagan nito na patalsikin sa puwesto si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

 

 

“No motive is more selfish than calling for a sitting president to be overthrown so that your daughter (Vice President Sara Duterte) can take over,” ang sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa isang kalatas.

 

“And he (Duterte) will go to great and evil lengths, such as insulting our professional Armed Forces by asking them to betray their oath, for his plan to succeed,” aniya pa rin

 

Nagpahayag ng pagkagulat si Bersamin sa naging panawagan ni Digong Duterte sa military na maglunsad ng kudeta laban sa administrasyong Marcos.

 

Nanawagan si Bersamin sa ex-Philippine leader na sundin ang Saligang Batas.

 

Sinabi ni Bersamin na ipagpapatuloy ng administrasyon na gampanan ang tungkulin nito para ‘to govern and manage’ ang affairs ng bansa alinsunod sa Saligang Batas at rule of law.

 

Nauna rito, nanawagan si Digong Duterte sa Armed Forces na ikonsidera ang kanilang suporta para sa kasalukuyang administrasyon. (Daris Jose)

Gamot para sa cancer, diabetes, at mental health, aalisin na ang buwis —FDA

Posted on: November 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

INANUNSYO ng Food and Drugs Administration (FDA) ang abot kaya ng mga gamot para sa cancer, diabetes at mental health kung saan aalisin na ang buwis ng mga ito.

 

 

 

Batay sa Republic Act No. 11534 ng section 12 na kilala bilang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act, kung saan nabibigyan ng exemption sa Value Added Tax (VAT) ang mga piling gamot na pang lunas sa iba’t-ibang mga karamdaman.

 

 

Ayon sa Implementing Guidelines ng Value-Added Tax (VAT) Exemption para sa iba pang mga Health Products nakasaad sa joint administrative order ng ahensya magkakabisa lang ang mga pagbabago na ito sa oras na maglabas ang FDA ng opisyal na advisory na siya namang ipinapasa ng ahensya sa Bureau of Internal Revenue (BIR), Bureau of Customs, at Department of Trade and Industry para ipa-implement.

 

Kung kaya’t noong araw ng Lunes, Nobyembre 25, ay opisyal nang inilabas ng DFA ang kanilang pinalawig na listahan kasama ang mga sumusunod na gamot sa Cancer; Degarelix 80 mg, 120 mg, Tremelimumab 25 mg/1.25 mL (20 mg/mL), at Tremelimumab 300 mg/15 mL (20 mg/mL).

 

Para naman sa Diabetes; Sitagliptin 25 mg, Sitagliptin (bilang hydrochloride) + Metformin Hydrochloride 50 mg/1 g, Sitagliptin (bilang hydrochloride) + Metformin Hydrochloride (50 mg/850 mg), Sitagliptin (bilang Hydrochloride) 25 mg, Sitagliptin (bilang Hydrochloride) 50 mg, Sitagliptin (bilang Hydrochloride) 100 mg, Sitagliptin (bilang hydrochloride monohydrate) 25 mg, Sitagliptin (bilang hydrochloride monohydrate) 50 mg, at Linagliptin 5 mg.

 

 

Habang sa Mental health na gamot; Clomipramine Hydrochloride 25 mg, Chlorpromazine (bilang hydrochloride) 200 mg, at Midazolam 15 mg.

VAW, hadlang sa economic dev’t -DBM

Posted on: November 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na ang violence against women (VAW) ay isang “significant impediment” sa socioeconomic development.

 

 

Ipinalabas ni Pangandaman ang kalatas kasabay ng paggunita sa 18-Day Campaign to End Violence Against Women.

 

“As a staunch advocate of women empowerment, gender equality and children’s rights, I stand firm in my belief that VAW is a profound violation of human rights, a barrier to gender equality, and a significant impediment to socioeconomic development,” ayon kay Pangandaman.

 

“It takes many forms, resulting in physical, sexual, and emotional harm to women,” dagdag na wika nito.

 

Idineklara ang 18-Day Campaign to End VAW, sa Ilalim ng Proclamation 1172, ginunita taun-taun mula Nov. 25 hanggang Dec. 12.

 

Tinukoy ang 2022 National Demographic and Health Survey, sinabi ng Kalihim na ang 17.5% ng mga Filipina na may edad na 15-49 ang nakaranas ng anumang uri ng karahasan mula sa kanilang ‘intimate partners.’

 

Samantala, mayroong 8,399 ang napaulat na kaso ng physical violence, 1,791 kaso ng rape o panggagahasa at 1,505 kasoi ng acts of lasciviousness noong 2021.

 

“This, serves as a painful reminder of the work that lies ahead.”ayon kay Pangandaman.

 

“Hence, let us remember that our commitment to ending violence against women must extend beyond rhetoric. It requires us to take concrete actions to address the root causes that perpetuate this insidious cycle of violence,” aniya pa rin.

 

Nanawagan naman si Pangandaman sa publiko na huwag kunsintihin ang anumang excuse para sa VAW.

 

“We must continue fostering an environment where women feel safe and empowered because VAW has no place in our society,” aniya pa rin.

 

“During this 18-day campaign, let us unite in our commitment to creating a world where women can live free from fear and where their potential can be fully realized,” dagdag na wika nito.

 

Si Pangandaman ay nasa ‘forefront’ ng pagsisikap ng gobyerno para sa women empowerment.

 

Pinangunahan ng Kalihim ang delegasyon ng Pilipinas sa 68th annual Commission on the Status of Women sa unang bahagi ng taon at tanyag na pigura sa recently-held International Conference on Women, Peace, and Security sa Maynila. (Daris Jose)

VICE PRESIDENT SARA, PINAPA-DISBAR

Posted on: November 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

KINUMPIRMA ng Korte Suprema na nakatanggap sila ng isang anonymous letter para ipadisbar si Vice President Sara Duterte.

 

 

Sa isang press conference ngayong hapon ng SC, sinabi ni Atty.Camille Ting, ang tagapagsalita ng Korte Suprema na ang naturang sulat ay may petsang October 24 ngunit nitong ikalawang linggo ng Nobyembre lamang nila natanggap.

 

Ang nasabing reklamo ay kaugnay sa naging pahayag ni VP Sara kay dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

 

Sa nakaraang pahayag, una nang sinabi ni VP Sara na ipapahukay niya ang labi ng dating Pangulo At ipatatapon sa West Philippine Sea .

 

Sinabi rin ni Atty.Ting na bukod sa anonymous complaint ay mayroon pang nakabinbing disbarment case sa Kataas-taasang Hukuman laban kay VP Sara.

 

Ang nakabinbing kaso sa disbarment ni VP Sara ay inihain pa noong siya ay mayor pa ng Davao na may kaugnayan sa panununtok niya sa isang sheriff sa Davao City.

 

Samantala, sa huling naging pahayag ni VP Sara laban sa first couple at House Speaker Martin Romualdez sinabi nii Atty.Ting na wala pa silang natatanggap na disbarment complaint .

 

Ngunit si Presidential Adviser for Poverty Alleviation Sec. Larry Gadon ay nakatakdang magsumite ng disbarment complaint laban sa bise presidente bukas.

 

Ayon kay Gadon ang mga naging pahayag ni VP Sara na pangalawang pinakamataas na opisyal sa bansa ay iligal, imoral at dapat kondenahin. GENE ADSUARA