NAKAGAWA ng panibagong milestone para sa Pilipinas ang award-winning actor at public servant na si Alfred Vargas dahil kanyang historic “three-peat” win bilang Best Actor para sa pelikulang ‘Pieta’.
Ang acclaimed full-length film na pinagbibidahan ng Pambansang Alagad ng Sining na si Nora Aunor, at multi-awarded actress at direktor na si Gina Alajar. Mula ito sa direksyon ni Adolf Alix.
Unang nanalo si Alfred bilang Best Actor para sa ‘Pieta’ sa 72nd FAMAS Awards at nasundan ito sa 3rd WuWei Taipei International Film Festival.
Pahayag ni Alfred sa kanyang ikatlong tropeo na natanggap, “I am very humbled and proud to receive this award! To God be the Glory!
“Ang daming nominees from other countries like Japan, Korea, Indonesia among others, at nakakataba ng puso na na-recognize yung performance natin for Pieta.
“I am very honored kasi international recognition ito at kahit papano ay na-represent natin ang Pilipinas dito at naiwagayway natin ang ating bandila together for other Pinoy awardees. Kayang-kaya talaga nating makipagsabayan sa world stage at ang creativity at talent ng Pilipino ay walang kaparis!
“Gusto kong pasalamatan ang ating superstar na si Ms. Nora Aunor sa pagtanggap sa proyektong ito. Kay direk Gina Alajar for guiding me and always supporting me pagdating sa improvement ng aking craft. And kay direk Adolf Alix for bringing everyone together for this film. Kung wala sila, wala ako dito ngayon.”
Ang kanyang ikatlong Best Actor award para sa mother-son suspense drama na ‘Pieta’ ay nagmula sa 2024 Ima Wa Ima Asian International Film Festival sa Osaka Japan, ay tiyak na nagpapakita ng positibong momentum ng kanyang pelikula at ang pagpasok ni Alfred sa rare at exclusive list ng “3-peat-in-one-movie-best-actors” tulad nina Piolo Pascual, Christopher de Leon, Allen Dizon, at Coco Martin.
Naganap ang awarding ceremony noong Disyembre 1, 2024 sa Sumiyoshi Main Hall sa Osaka, ang prestihiyosong City Hall nag Japan.
Sa kanyang talumpati, itinaas, kinilala, at pinuri niya ang mga manggagawa sa pelikula na responsable sa kanyang mga panalo. Pinasalamatan din niya ang kanyang asawa at pamilya sa kanilang taos-puso at napakahalagang suporta.
Isang nakaka-engganyong sandali ang nasaksihan ng mga manonood at makikita sa mga viral video, nang tawagin ni Alfred ang kanyang anak na si Cristiano sa entablado—upang bigyan siya ng inspirasyon at ialay ang parangal sa kanyang anak.
“Anak (Cristiano), para sa iyo ang award na ito. Pinaghirapan ito ni Daddy. Always remember be by your side no matter what. Reach for your dreams.
“At kung mangangarap ka na rin lang, mangarap ka nang malaki. Don’t forget, balang araw when you’re successful at nasa rurok na ng tagumpay, nasa itaas ka na, huwag mong kalimutan na lalong tumulong sa mga mas nangyari, yung mga nasa baba huwag mong kalimutan. Tsaka family is everything, anak,” emosyonal na mensahe ng aktor/pulitiki sa kanyang anak habang tinatanggap ang award.
Bukod sa Best Actor award, nakuha rin ng ‘Pieta’ ang Best Screenplay award para sa screenwriter na si Jerry Gracio.
Ang iba pang Asian stars ay dumalo sa Gabi ng Parangal kasama ang mga Filipino, Korean, at Japanese community. Ang mga aktor ng Japan na sina Shun Shioya (ang orihinal na Red Power Ranger), Adone Kudo, Son Yong Kuk at si Kim Ji Soo mula sa South Korea.
(ROHN ROMULO)