• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December 11th, 2024

Binata na gumagala habang armado ng baril sa Malabon, kulong

Posted on: December 11th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang kelot matapos inguso sa pulisya na may bitbit na baril habang pagala-gala sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.

 

 

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) ActinG Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong suspek na si alyas “Leo”, 20, ng Brgy. Longos.

 

 

Batay sa imbestigasyon nina PMSg Mardelio Osting at PSSg Sandy Bodegon, bago ang pagkakaaresto sa suspek ay nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) hinggil sa isang lalaki na armado ng baril habang gumagala sa Labahita Street, Brgy. Longos na nagdulot ng pangamba sa mga tao sa lugar.

 

 

Kaagad nirespondehan ng mga tauhan ni SIS chief P/Capt. Richell Siñel ang naturang lugar kung saan nakita nila ang suspek na may hawak na baril sa kanyang kanang kamay dakong alas-2:50 ng hapon.

 

 

Maingat nilapitan ng mga operatiba ng SIS ang suspek saka sinunggaban at nakumpiska sa kanya ang hawak na isang caliber .38 revolver na kargado ng tatlong bala.

 

 

Nang wala siyang maipakitang kaukulang papeles hinggil sa legalidad ng naturang baril ay binitbit ng pulisya ang suspek para sampahan ng kasong paglabag sa R.A.10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Regulation Act). (Richard Mesa)

Utah Jazz, dumanas ng 44-pt loss sa kamay ng Kings

Posted on: December 11th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

DUMANAS ang Utah Jazz ng isa sa pinaka-matinding pagkatalo ngayong araw matapos itong tambakan ng Sacramento Kings ng 44 points.

 

 

Tinapos ng Kings ang laban, 141 – 97.

 

 

Sa unang quarter ng laban, sumabay pa ang Jazz at tanging tatlong puntos lamang ang naging lamang ng Kings. Pinilit ng Jazz na humabol ikalawang quarter ngunit lalo lamang tumaas ang kalamangan ng Kings sa 16 points

 

 

Pagpasok ng 3rd quarter, dinagdagan pa ng Kings ang kalamangan matapos magbuhos ng 43 points at tanging 29 points ang naiganti ng Utah. Sa pagtatapos ng naturang kwarter, hawak na ng Kings ang 31 points na kalamangan.

 

 

Hindi pa nakuntento ang Sacramento at pinaabot pa sa 44 points ang kalamangan sa pagtatapos ng huling quarter. Sa loob lamang ng 28 mins ay gumawa ng 19 pts, 12 rebs double-double performance ang sentrong si Domantas Sabonis. 26 points naman ang naging ambag ng shooter na si Kevin Huerter mula sa bench.

 

 

Hindi nakasabay ang Jazz sa magandang opensa ng Kings gamit ang 57% overall shooting percentage. Sa 3-pt line, naipasok ng koponan ang 50% ng mga tira nito (22/44).

 

 

Hindi rin naisalba ng 20 free throws ang Utah, sa kabila ng limang libre na iginawad sa Kings. Nasayang rin ang 25 na ginawa ni Collin Sexton sa pagkatalo ng naturang koponan.

 

 

Ito na ang ika-18 pagtalo ng Jazz ngayong season habang nananatili pa rin sa 500 ang Kings, hawak ang kartadang 12 – 13.

Sa ika-anim na pagkakataon… SEAL OF GOOD LOCAL GOVERNANCE, MULING NAKUHA NG NAVOTAS

Posted on: December 11th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MULING nasungkit ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang pinakaaasam na Seal of Good Local Governance mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) sa ikatlong magkakasunod na taon.

 

 

Personal na tinanggap ni Mayor John Rey Tiangco, kasama sina Vice Mayor Tito Sanchez at DILG Navotas City Director Jenifer Galorport, ang parangal noong Lunes sa ginanap na awarding ceremony sa Manila Hotel.

 

 

“Earning the Seal of Good Local Governance six times is proof that we can achieve the highest standards of public service as long as we work together and remain united. We are deeply honored and humbled by this recognition, as well as the trust and confidence our people have placed in our leadership,” ani Tiangco.

 

 

“Ang karangalang ito ay alay natin sa bawat Navoteño na naging katuwang namin sa pagbuo ng isang maunlad at masayang Navotas,” dagdag niya.

 

 

Ang SGLG ay isang institutionalized award, incentive, at recognition-based program ng pambansang pamahalaan na naglalayong itaas ang kultura ng mabuting pamamahala.

 

 

Ang mga tatanggap ng seal ay kailangang pumasa sa pagtatasa sa lahat ng sampung lugar ng pamamahala tulad ng Financial Administration and Sustainability; Disaster Preparedness; Social Protection and Sensitivity; Health Compliance and Responsiveness; Sustainable Education; Business Friendliness and Competitiveness; Safety, Peace and Order; Environmental Management; Tourism, Heritage Development, Culture and Arts; and Youth Development.

 

 

Ang mga SGLG awardees ngayong taon ay pinagkalooban ng incentive fund subsidy na nagkakahalaga ng P2 milyon.

 

 

Ang Navotas ay nakatanggap din ng SGLG noong 2015, 2017, 2019, 2022, at 2023 mula sa DILG. (Richard Mesa)

Mga negosyante kinontra ang plano ng MMDA na pagbawalan ang mga pagsasagawa ng Sales

Posted on: December 11th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

KINONTRA ng Philippine Retailers Association (PRA) ang panukala ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na pagbawalan ang pagsasagwa ng mall-wide sales ngayong Christmas season.

 

 

 

Sinabi ni PRA President Roberto Claudio na tuwing ngayong panahon lamang nakakabawai ang mga store owners kung saan hindi lamang ang mga malalaking negosyante at maging ang mga medium-sized at maliliit na negosyante.

 

 

Maging ang gobyerno aniya ay makikinabang dahil sa Value Added Tax na mga nababayaran ng bawat mamimili.

 

 

Hindi naman nila ikinaila ang nararaanasang matinding trapiko sa kahabaaan ng EDSA kung saan mayroong mahigit 20 malls ang matatagpuan dito subalit may kaparaaanan naman para maresolba ang nasabing trapiko.

 

 

Una ng binigyang linaw ng MMDA na maaari pa ring magkaroon ng mga sales basta walang anumangmalaking promotions para hindi sila tunguhin ng mga tao.

2 FILIPINA NA BIKTIMA NG SURROGATE TRAFFICKING, NASABAT

Posted on: December 11th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAPIGIL ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang Filipina sa tangkang surrogacy trafficking sa Georgia matapo nasabat s Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

 

 

 

Ang dalawang biktima na di pinangalanan ay n-recruit noong November 27 sa pamagitan ng Facebook ng isang online recruiter.

 

 

 

Unaa silang nagpanggap na bibiyehe ang mga ito sa Tbilisi, Georgia subait nabuking sila sa kanilang mga dokumento na peke na sa bandang huli ay inamin nila na maging surrogate mothers na may buwanang suweldo na P700,000

 

 

Sinabi ng mga biktma na sasailalim sila sa isang physical medical examination bagi sila bumiyehe ng Georgia.

 

 

 

“We remain vigilant to protect individuals and prevent the trafficking of victims,” ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado. “We urge the public to exercise caution and stay alert to this form of victimization,” dagdag pa nito.

 

 

Ang mga pasahero ay nasa kustodiy na ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sa imbestigasyon. GENE ADSUARA

Mahigit sa 400 umano’y recipients sa listahan ng mga benepisyaryo ng confidential funds walang record sa PSA

Posted on: December 11th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MAHIGIT sa 400 umano’y recipients sa listahan ng mga benepisaryo ng confidential funds na ipinamahagi

 

 

 

Department of Education (DepEd) na pinamumunuan noon ni Vice President Sara Duterte ay walang birth records, ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA).

 

 

inihayag ito ni Manila Rep. Joel Chua, chairman ng House Committee on Good Government and Public Accountability, sa isinagawang committee hearing nitong lunes.

 

 

Nasa 405 sa 667 pangalan na isinumite para sa verification ay walang birth records.

 

 

“Tayo po ay sumulat upang isumite ang 677 pang pangalan na nakalagay sa acknowledgment receipts (ARs) ng DepEd kung saan tayo po ay binigyan ng tugon ng [PSA], dated December 8, 2024,” ani Chua.

 

 

“At dito, kanila pong sinasabi na out of 677 individuals, 405 ay walang birth certificate o walang record of birth o pwede nating sabihin na non-existent,” dagdag nito.

 

 

ayon sa panel, ang PSA report, na nilagdaan ni National Statistician and Civil Registrar General Claire Dennis Mapa, lumalabas na 445 individuals ay wala ring marriage certificates, habang 508 ang walang no death certificates.

 

 

lumilitaw din na ang iba pang indibidwal na isinailalim sa verification ay may isa o mahigit pa na matching records sa civil registry.

 

 

ang findings ng PSA ay bilang tugon sa kahilingan ng komite na nagsasagawa ng imbestigasyon sa naging disbursement ng P612.5 million na confidential funds—P500 million mula sa Office of the Vice President (OVP) at P112.5 million mula sa DepEd—na napa ulat na ginamit sa pagitan ng 2022 at 2023. (Vina de Guzman)

PBBM, maaaring payagan ang rice imports sa mas mababang tariff rate sa ilalim ng bagong Agri law

Posted on: December 11th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MALAKI ang posibilidad na payagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pag-angkat ng bigas sa mas mababang

 

 

 

Ini-apply na tariff rate sa panahon ng anumang nalalapit o hinuhulaang kakapusan o anumang sitwasyon na nangangailangan ng interbensyon ng gobyerno.

 

 

 

Ito ang nakapaloob sa Republic Act No. 120278 o Amendments to Agricultural Tariffication Act.

 

 

 

Ayon sa Seksyon 9 ng bagong batas, nagsasaad ng kapangyarihan ng Pangulo, ipinahihiwatig na sa bawat kaso ng pambihirang pagbagsak sa local rice prices, maaaring suspendihin ng Pangulo ang rice imports para sa limitadong panahon at/ o dami hanggang ang suplay ng bigas at presyo ay maging matatag.

 

 

 

”Such order shall take effect immediately and can only be issued when Congress is not in session,” ang nakasaad sa batas.

 

 

 

Sinasabing, pinalawak ng bagong batas ang buhay ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) hanggang 2031. Ang pondo ay huhugutin mula sa taripa na makokolekta mula sa rice importation.

 

 

 

Idagdag pa, ang pagtaas sa annual allocation sa RCEF ay magsisimula mula sa kasalukuyang P10 billion hanggang P30 billion hanggang sa 2031.

 

 

 

Sinabi pa ng Pangulo na sa pamamagitan ng RCEF, nagawa ng bansa na mag-invest sa ‘high-quality seeds, mechanization, at pagsasanay ng mga lokal na magsasaka, isang hakbang na magga-garantiya na may taglay ang mga ito ng tamang kasanayan at gamit para itaas ang productivity.

 

 

 

”With the expiration of the original six-year plan for RCEF fast approaching, it became clear that we needed to extend and strengthen the program. And this is where this law comes in, extending the program to 2031, and significantly increasing its funding from the original P10 billion to P30 billion annually,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang naging talumpati sa ceremonial signing.

 

 

 

Samantala, palalakasin din ng bagong batas ang regulatory functions ng Department of Agriculture (DA) sa pamamagitan ng paglikha at pagpapanatili ng database para i-monitor ang rice reserves ng bansa. (Daris Jose)

Coast Guard, naka- heightened alert

Posted on: December 11th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAKA-hightened alert ang Philippine Coast Guard (PCG) mula Disyembre 13,2024 hanggang Enero 6,2025 dahil sa inaasahang pagbuhos ng mga manlalakbay sa panahon ng Kapaskuhan.

 

 

 

Inatasan ni Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan ang mga Coast Guard districts, stations, at sub-stations na paigtingin ang seguridad at safety measures sa mga daungan at terminal sa bansa.

 

 

Sinabi ng PCG na ito ay para sa maayos na sea travel operations at seguridad ng mga turista sa mga beach at pribadong resort sa buong bansa.

 

 

 

Kabilang sa Western seaboard ang Batangas ,Occidental Mindoro,Oriental Mindoro,Aklan,Iloilo at Zamboanga regions, habang sakop ng Eastern seaboard ang Manila, Bicol region, Samar, Leyte, at Surigao provinces.

 

 

Isasagawa ang mahigpit na inspeksyon sa pasahero, luggages, terminals, at mga barko upang masiguro ang kaligtasan at kumbinyenteng port operations.

 

 

Magde-deploy din ng medical teams na tutulong sa mga manlalakbay sakaling may emerhensiya . Lifeguards, first responders, at marami pang PCG personnel ay magsasagawa ng pagpaptrolya sa maritime tourist destinations.

 

 

Katuwang ng PCG ang Philippine Ports Authority (PPA) at Maritime Industry Authority (MARINA) para sa safety and security inspections sa mga barko.

 

 

Pinaalalahanan din ang mga port passengers na manatilinh bigilante at alerto sa panahon ng paglalakbay. GENE ADSUARA

Mga sasakyan, inararo ng SUV sa Maynila

Posted on: December 11th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

INARARO ng isang SUV ang ilang mga sasakyan sa United Nations Avenue sa Maynila , Lunes ng umaga.

 

 

 

 

Sa imbestigasyon, isang tricycle driver at ilang motor rider ang nadamay sa insidente na kapwa isinailalim sa paunang lunas matapos magtamo ng mga sugat.

 

 

Sa impormasyon, naunang tumama ang puting SUV sa concrete barrier nang bigla na lamang umano itong umangat at nagdire-diretso sa kanto ng UN at Taft Avenue.

 

 

Limang motorsiklo ,isang tricycle at dalawang sasakyan ang nadamay sa insidente.

 

 

Itinanggi naman ng may-ari ng SUV na nakainom ang kanyang driver.

 

 

Ayon sa may-ari, kasasakay lamang niya sa SUV nang bigla na lamang itong “nag-wild” at humarurot.

 

 

Iniimbestigahan na ng pulisya ang driver ng SUV .

 

 

Samantala, umapela ang mga nadamay na motorista na sagutin o bayaran ang napinsala nilang sasakyan .

 

 

Nagpahayag naman ng kahandaan ang may-ari ng SUV na sagutin ang danyos. GENE ADSUARA

P7.8-billion North Luzon Expressway Candaba 3rd viaduct makatutulong para sumigla ang gitnang Luzon- PBBM

Posted on: December 11th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na makatutulong ang P7.8-billion North Luzon Expressway Candaba 3rd Viaduct para mas lalong umunlad at sumigla ang Gitnang Luzon.

 

 

Ito’y bunsod na rin ng pinataas na ‘connectivity at business opportunities at tourism activity.

 

“As we mark its completion, we show what can be achieved when we work together as one—fueled by our commitment to enriching connectivity, opportunity, and the brighter future that we continue to create together,” ang sinabi ni Pangulong Marcos Jr. sa isinagawang inagurasyon ng viaduct sa Pulilan, Bulacan, araw ng Martes.

 

 

“The 3rd Viaduct enhances the capacity of this expressway, reduces congestion, and ensures faster, more efficient travel. Standing as a testament to this Administration’s commitment to the ‘Build Better More’ program, this also shows that we are building the foundation to nurture the development of our countryside,” aniya pa rin.

 

 

“The country can steer economic growth, expand opportunities for trade and tourism, and drive regional development by improving the movement of goods, services, and people,” ang sinabi pa ng Pangulo sabay sabing “Designed with the latest in engineering innovation, the structure attests to the government’s dedication to safety, durability, and progress.”

 

 

“The viaduct is built to withstand the challenges of nature, the demands of time, and is poised to serve the people for decades,” dagdag na wika ng Chief Executive.

 

 

Kinilala naman ng Pangulo ang pagsisikap ng NLEX Corp. at Metro Pacific Tollways Corp., sabay sabing ang kanilang trabaho ay naglalarawan ng uri ng bansa na hangad ng bawat isa na maging ‘consistent, synergistic, at forward-looking.’

 

 

“Let us build infrastructure projects with future challenges in mind. Remain focused on pursuing initiatives that uplift lives, build communities, and most importantly, meet the needs of future that we hope to build for our children and their children,” aniya pa rin.

 

 

Ang Candaba Viaduct ay isa sa mga landmark projects na pinasimulan ng namayapa at dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr. Nananatili itong ‘vital link’ o mahalagang hugpong sa pagitan ng North Luzon at Kalakhang Maynila.

 

 

Mula nang magbukas ito noong 1977, ang five-kilometer bridge ay mahalagang link o hugpong na nagkokonekta sa mga bayan ng Pulilan, Bulacan at Apalit, Pampanga.

 

 

Ito ay dinebelop (develop) para matugunan ang pangangailangan ng lumalagong populasyon at ekonomiya.

 

Mula sa two-lane design, pinalawak ito sa three lanes sa bawat diresyon noong 2017, ngayon ay kaya na nitong mag-accommodate ng mahigit sa 80,000 motorista araw-araw.

 

 

Ang NLEX Candaba 3rd Viaduct, nagsimula noong nakaraang taon, ay isang five-kilometer-long infrastructure na itinayo sa pagitan ng dalawang umiiral na tulay na nagkokonekta sa Pulilan at Apalit. (Daris Jose)