• March 14, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December 13th, 2024

The trailer for ’28 Years Later’ has finally arrived

Posted on: December 13th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

IN 28 days, it began. In 28 weeks, it spread. Now, “28 Years Later” — it’s evolved

 

 

 

The highly anticipated continuation of the 28 Days Later saga has finally been revealed. Directed by Academy Award®-winner Danny Boyle and penned by Academy Award®-nominated writer Alex Garland, 28 Years Later promises a chilling new chapter in the iconic horror franchise.

 

 

 

The film features an all-star cast, including Jodie Comer, Aaron Taylor-Johnson, and Ralph Fiennes. Check out the spine-tingling trailer and let your imagination race with possibilities for humanity’s future.

 

 

Set nearly three decades after the devastating outbreak of the rage virus, 28 Years Later immerses audiences in a world both haunting and unrecognizable.

 

 

Survivors now live in isolated pockets, shielded from the infected.

 

One group has found refuge on a fortified island connected to the mainland by a single, heavily-guarded causeway.

 

But when a member of this community ventures into the mainland, they unearth horrifying mutations—both in the infected and in humanity itself.

 

What secrets have festered in 28 years of isolation and desperation?

 

 

The film explores themes of evolution, survival, and the choices that define humanity when civilization collapses.

 

 

Meet the Cast and Crew

 

The talent behind 28 Years Later promises an unforgettable cinematic experience:

 

 

Jodie Comer (Killing Eve), Aaron Taylor-Johnson (Bullet Train), and Ralph Fiennes (The Grand Budapest Hotel) lead the cast.

 

Jack O’Connell and rising star Alfie Williams round out the ensemble.

 

Produced by Andrew Macdonald, Peter Rice, Bernard Bellew, Danny Boyle, and Alex Garland.

 

Executive Producer Cillian Murphy, who starred in the original 28 Days Later.

 

 

“28 Years Later” Humanity’s Evolution Begins – Watch the First Trailer Now!

 

From the claustrophobic terror of 28 Days Later to the apocalyptic expansion of 28 Weeks Later, this franchise has redefined the horror genre. Now, with 28 Years Later, the story takes an audacious leap, blending heart-pounding horror with thought-provoking social commentary.

 

 

Mark your calendars! Will you survive to witness the evolution of humanity?(Photo & Video Credit: “Columbia Pictures”)

 

 

 

 

 

(Rohn Romulo)

Magaling na sa naging injury sa shooting: Sen. BONG, balik-aksyon na sa kanyang sitcom sa GMA

Posted on: December 13th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

BALIK-AKSYON na naman muli si Sen. Bong Revilla.

 

 

Kumbaga pagkatapos ng nangyaring injury sa kanya sa shooting ng supposed to be entry niya sa 50th Metro Manila Film Festival na “Alyas Pogi” ay kayang-kaya na niyang mag-aksyon muli.

 

 

Ayon pa kay katotong Gorgy Rula ay nakatakdang magsimula ang season 3 ng action-comedy na ‘Walang Matigas Na Pulis sa Matinik na Misis& this December 22.

 

Mabuti na lang daw at hindi natuloy si Sen. Bong sa pagsali sa MMFF dahil nga sa nangyaring aksidente sa kanya.

 

Pero marami ang nadismaya dahil walang Bong Revilla entry ang 50th MMFF.

 

Mabuti na lang at may “Topakk” na pinagbibidahan ni Cong. Arjo Atayde na ngayon pa lamang ay hinuhulaan na maging isa sa top grossing film sa December filmfest.

 

Ngayong okey na at magaling na ang naging injury ni Sen. Bong, malay natin baka maisipan na niyang ituloy ang “Alyas Pogi 4″

 

Basta abangan na lang daw kung alin ang una niyang gagawing pelikula.

 

Sa ngayon, panoorin na lang muna natin ang sitcom na kung saan bukod sa original cast ay kasama na rin sina Jillian Ward at Leo Martinez.

 

***

 

HINDI man kami pinalad na manalo (as always naman lagi kaming umuuwing talunan sa Christmas Party ng GMA) pero sa totoo lang nag-enjoy kami sa christmas party for the media na ginanap sa GMA Annex Studio 7.

 

Ang sarap ng food with matching masarap na desert at mayb pa-red wine pa!

 

Siyempre ang GMA entry to the 50th MMFF ay gumawa ng pampaingay at nagkaroon ng hanapan ng promo material ng l“Green Bones”.

 

Sa ibabaw ng mesa kung saan ang ka PMPC at former president Julie Bonifacio ay naging mapalad na nag uwi ng GMA affordable box bilang premyo sa nahanap niyang sticker sa table namin,
Win din ng grand cash raffle ang current president namin na si Rodel Fernando at marami rin naman sa mga kasamahan namin ang nagwagi sa pina raffle na cash.

 

The party was hosted by Betong Sumaya and Shuvee Etrata kasama si Jojo Aquio, Asst. VP for Corporate Communications na in- charge sa raffle.

 

Nagbigay din ng kanilang awiting handog sa movie press ang The Clash Finalists: Alfred Bogabil, Angel D, Chloe Redondo and Naya Ambi, Lianna Castillo Seb Pajarilo at ang Tanghalan ng Kampeon Grand Winner Tala Gatchalian

 

Present rin naman sa party na kahit medyo masama ang pakiramdam ay nagbigay ng kanyang mensahe si GMA’s Vice President and Head of Corporate Affairs and Communications na si Ms. Angel Javier Cruz.

 

Natutuwa rin kami dahil may mga namataan kaming mga kasama sa nawalan ng trabaho sa ABS ay empleyado na ngayon ng GMA network

 

Kung marami ang nanalo meramı rin naman ang hindi pinalad at isa kami sa pumila sa mga pakunsuwelo na 1k para sa hindi nagwagi.

 

Salamat GMA at Maligayang Pasko!

 

 

 

 

(JIMI C. ESCALA)

Para na siyang si Lino Brocka o Ishmael Bernal: Direk ZIG, nape-pressure sa expectation ng mga artistang gusto siyang maka-work

Posted on: December 13th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MALAKING pressure nga raw kay Direk Zig Dulay ang expectations ng mga artistang gustong makatrabaho siya sa TV at pelikula.

 

 

Para na ngang si Lino Brocka o Ishmael Bernal si Direk Zig na gustong nakatrabaho ng maraming artista ngayon.

 

 

“Nakakataba ng puso kapag mapapakinggan mo na pangarap kang makatrabaho ng mga artista, at the same time, kinakabahan tayo dahil sa mga magiging expectations nila sa akin. Kaya I make sure na balanse lahat. I have my strengths and my weaknesses as a director. Gusto ko ay yung magtulungan kami ng mga katrabaho kong artista para makabuo kami ng something special sa isang project,” sey ni Direk Zig.

 

Aside sa MMFF 2024 official ng entry ng GMA Pictures na ‘Green Bones’, direktor din si Zig ng ‘Widows’ War’ ng GMA Prime at nagtuturo din siya sa University of the Philippines.

 

“Kinakaya ko mag-multi-task dahil importante silang lahat sa akin. Kahit na kapos tayo sa tulog, basta magawa natin ng maayos at tama ang ating trabaho dahil commitment natin ito,” diin pa niya.

 

***

 

NA-DIAGNOSE with narcissistic personality disorder ang The Masked Singer host na si Nick Cannon.

 

 

Ayon sa Wikipedia, ang naturang sakit ay “characterized by a life-long pattern of exaggerated feelings of self-importance, an excessive need for admiration, and a diminished ability to empathize with other people’s feelings.”

 

 

Bukod sa bagong personality disorder, na-diagnose din si Cannon with ADHD and dyslexia. Tanggap naman daw niya ang mga sakit na ito.

 

 

“I just embrace mental health and therapy in such a strong way. To be able to say I’m an example for others, but also be healing during the self-process works too.”

 

 

May isang dosenang anak si Cannon, kasama na rito ang kambal nila ng ex-wife na si Mariah Carey. Nagawa raw niyang mapuntahan ang mga anak niya noong nakaraang Thanksgiving Day.

 

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Nagsimula lang mag-detox two years ago: JUDY ANN, nawalan ng gana na mag-exercise pero binalik dahil sa mga anak

Posted on: December 13th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

KAHIT forty six na si Judy Ann Santos na may anak ng dalaga, si Yohan at binatilyo, si Lucho at ang lumalaki na ring si Luna, nakaka-impress ang dedikasyon niya sa pagpapanatili ng kanyang magandang pangangatawan.

 

 

Marami nga ang nagsasabi, mas seksi at mas maganda siya ngayon kaysa noong dalaga siya.

 

 

Ano ba ang exercise at diet regimen ng isang Judy Ann Santos?

 

“Okay, nakakatuwa naman yung ‘fitspiration’,” reaksyon ni Judy Ann.

 

“Hindi ko naman inisip na, alam mo yun, magpaka-healthy and all para sa iba,” at muli siyang tumawa, “mostly, siyempre nandun yung sa edad natin, o sa edad ko, siyempre nandun na yung iisipin mo yung mas healthy eating, more clean.

 

“Nagsimula ako mag-start ng detox mga two years ago, so I’m on, most of the time, naka-supply yung food ko by Chechel [Joson].

 

“So ginagawan niya ako ng food na talagang for my chakras, for Ayurvedic. Naniniwala kasi ako sa ganun, yung what works for your body, ano yung food na madaling ma-digest ng katawan mo.

 

“So basically, nagsimula yan for more on gut cleansing. So nag-fill up ako ng maraming probiotics, gut health talaga, kasi maganda yung naging effect niya sa akin. “Gumanda yung pakiramdam ko, maayos yung gising ko sa umaga, nakakatulog ako ng maayos.

 

“So basically, yung exercise, natigil ako ng matagal na panahon diyan, as in matagal, siguro mga ilang taon,” pagbabahagi pa ni Judy Ann.

 

Bakit siya nahinto sa pag-e-exercise?

 

“Wala lang,” bulalas ni Judy Ann, “parang wala lang akong drive na mag-exercise. Dumating ako sa point na kung gaano ako kasipag mag-exercise dati, wala akong drive.

 

“Wala lang akong gana, and then, na-realize ko baka kailangan kong mag-detox, mag-cleansing, kasi ang cloudy ko mag-isip.

 

“Feeling ko pagod ako palagi, hindi naman ako malungkot, pero parang wala lang akong drive to move a lot.

 

“So, nag-start akong mag-detox, nag-start akong mag-gut cleanse. More clean eating, meaning, more fiber first in the morning.

 

“Marami akong mga tinanggal na mga normal na kinakain ko during the day, nagpalit lang ako ng mga ganap sa buhay, and then, yun na, gumagaan na yung pakiramdam ko.

 

“Nagsimula na lang ako uli mag-exercise nung bumalik kami from Madrid. After…everyday kasi for almost a month, halos 10,000 steps talaga kami ng mga bata at tsaka ni Rye dun dahil sa activities ni Lucho.”

 

Nagtungo sa Madrid, Spain si Juday, ang mister niyang si Ryan Agoncillo at mga anak na sina Lucho at Luna nitong Hunyo ng taong kasalukuyan para sa football event na sinalihan ni Lucho.

 

Pagpapatuloy ni Juday, “Nung pagbalik ko wala pa rin masyado, pero nakuha ko na yung rhythm na, ‘Ah okay kaya ko palang mag-10,000 steps.’

 

“Nag-lose ako ng ilang pounds when we were in Madrid, and then, si Rye encouraged me na yun nga, sinabi niya sa akin na, ‘You have to move already.’

 

“Kasi nandito na tayo sa age na yung bone mass and muscle mass natin kailangan i-increase na, kasi iyan yung unang nagdi-deplete as we age, e.

 

“So doon ko naano na okay, kailangan ko ng ikilos ‘to, kailangan ko ng igalaw ‘to, kasi kailangan ko ng pawisan.

 

“Hindi ako puwedeng lagi na lang nagbabawas ng pagkain, and dun na lang ako nagsimula uling mag-treadmill, mag-walking, marami na rin kasing hindi ako puwedeng gawin.

 

“Hindi na ako puwedeng magbuhat masyado because of my back, ang puwede ko na lang basically activities gawin swimming, pilates, yoga, walking.

 

“Wala na talaga yung mga ginagawa kong activities nung kabataan na puwede akong mag kung anu-ano, mag-trampoline, mag-weights, heavy lifting talaga.

 

“Ano na lang, basically, yung inspiration na lang on being healthy. Hindi na nga yung losing weight, yung losing weight naging bonus na lang siya.

 

“Yung being healthy yung naging ano ko talaga, motivation ko. I wanna be healthy, I wanna be stronger, kasi gusto kong makasabay sa activities ng mga anak namin.

 

“Gusto kong makipaglaro sa kanila, I want to spend more time with them. Gusto ko kahit pagod akong umuwi sa bahay, kinabukasan I can still wake them up in the morning, kasi routine ko yun, e.

 

“Sila ang routine ko. Kahit anong oras ako umuwi from work, gigising ako ng alas-singko, gusto ko ako yung gumigising sa kanila, ako gagawa ng baon nila, nandun ako sa breakfast nila.”

 

Samantala, bida si Judy Ann, kasama sina Lorna Tolentino at Chanda Romero, sa “Espantaho” na entry sa 50th Metro Manila Film Festival sa December 25.

 

Ang naturang horror film ay sa direksyon ni Chito Roño at panulat ni Chris Martinez.

 

Kasama rin sina Janice de Belen, JC Santos, Donna Cariaga, Nico Antonio, Kian Co, Mon Confiado, with the special participation of Tommy Abuel at Eugene Domingo.

 

Mula ito sa Quantum Films, Cineko Productions, at Purple Bunny Productions na pag-aari mismo ni Judy Ann.

 

 

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Oftana binuhat ang TNT para lusutan ang Magnolia 103-100

Posted on: December 13th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Dinala ni Calvin Oftana ang TNT Tropang Giga matapos talunin ang Magnolia 103-100 sa nagpapatuloy na PBA Season 49 Commissioners’ Cup.

 

 

Mayroong kabuuang 42 points ang naitala ni Oftana habang mayroong 41 points at 13 rebounds si Rondae Hollis-Jefferson sa laro na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium.

 

Nakontrol ng TNT ang huling bahagi ng laro kung saan mayroong 12 points ang naitala ni Hollis-Jefferson at nakuha ang kalamangan 89-77 sa pamamagitan ng kaniyang dunk.

 

 

Nasayang naman ang nagawang 27 points ni Ricardo Ratliffe habang mayroong tig-18 points naman ang nagawa nina Calvin Abueva, Mark Barroca at Jerom Lastimosa para sa Hotshots.

Ads December 13, 2024

Posted on: December 13th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAVOTAS, NASUNGKIT ANG PANG-APAT GAWAD KALASAG SEAL

Posted on: December 13th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MINARKAHAN ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas na minsan nang nakilala bilang Beyond Compliant sa Gawad KALASAG Search for Excellence in Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) at Humanitarian Assistance matapos masungkit nito ang pang-apat na prestigious award.

 

 

Itinampok ng Kalasag seal ang pambihirang pagsisikap ng lungsod sa pagpapatupad ng mga proactive disaster risk reduction strategies at pagbibigay ng mahahalagang tulong sa panahon ng disasters at emergencies.

 

Ipinahayag naman ni Mayor John Rey Tiangco ang kanyang pasasalamat at pagmamalaki para sa parangal na iniuugnay sa collective efforts ng pamahalaang lungsod, local stakeholders, at Navoteños.

 

“This award reflects our unwavering commitment to building a safer and more resilient Navotas. We dedicate this achievement to every Navoteño who continues to work hand-in-hand with us in fostering disaster preparedness and community resilience,” pahayag ni Mayor Tiangco.

 

Ang Gawad KALASAG Search for Excellence in DRRM and Humanitarian Assistance ay ang pangunahing programa ng pagkilala sa bansa para sa mga stakeholder na mahusay sa disaster preparedness, climate change adaptation, at humanitarian initiatives.

 

 

Ang Qualified entries para sa Gawad KALASAG Seal ay sumailalim sa isang mahigpit na proseso ng pagsusuri na isinagawa ng inter-agency Regional Validation Committee and Regional Selection Committee mula June hanggang August 2024. (Richard Mesa)

Matapos ang 42 taon na adopsyon: Commitment ng Pinas sa UNCLOS, solido

Posted on: December 13th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SOLIDO ang commitment ng Pilipinas sa United Nations Convention on the Law of the Sea makaraan ang 42 taon.

 

 

Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ang UNCLOS ay ‘universal and indeed a constitution of the oceans that serves as a comprehensive legal framework for law and order in the seas within which all activities in the oceans must be carried out”.

 

 

“The Philippines takes immense pride in its contributions to the negotiation and the promotion of UNCLOS,” ayon pa rin sa departamento.

 

 

“Just as we played an indelible role in advancing the archipelagic doctrine, we will continue to build upon our significant footprint in enriching the law of the sea, through its three implementing agreements, including the BBNJ (UN High Seas Treaty) Agreement,” ang sinabi pa rin ng DFA.

 

 

Sinabi pa rin nito na ang Pilipinas ay mayroong mahalagang papel na gawing malalim ang pakikipagtulungan sa ibang bansa at organisasyon na naka-angkla sa ‘common interests’ sa ‘ocean protection, conservation, management at governance.’

 

Winika pa ng DFA na ang commitment ng Maynila sa UNCLOS ay ipinakita sa pamamagitan ng konkretong aksyon sa nakalipas na dekada.

 

Mula sa pagiging isa sa mga lumagda at nagratipika, sinabi ng DFA na inihanay ng Pilipinas ang domestic legal framework nito sa convention sa pamamagitan ng pagsasabatas ng Philippine Baselines Act, at ang kamakailan lamang na Philippine Maritime Zones Act at Philippine Archipelagic Sea Lanes Act.

 

Habang patuloy na pinanindigan ang karapatan sa karagatan, nakibahagi rin ang Pilipinas sa mga coastal states sa pamamagitan ng pagtalakay ukol sa delimitasyon ng exclusive economic zone, continental shelf, at extended continental shelf.

 

“This readiness to engage fully within the parameters set by UNCLOS is a testament to our unwavering belief in the peaceful means of settling disputes, and the rule of law and the rules-based international order,” ang sinabi ng DFA.

 

Sumusunod din ang Maynila sa dispute resolution mechanisms ng UNCLOS sa pamamagitan ng 2016 South China Sea Arbitration, na may kautusan na ang claims na lampas sa geographic at substantive limits ng maritime entitlements ay ‘without legal effect.’

 

Muli namang inulit ng DFA ang panawagan nito sa mga partido na sumunod sa kapasyahan habang kinikilala ang lumalagong acknowledgment nito bilang “an unassailable part of the corpus of international law”.

 

“Today, UNCLOS continues to serve as the cornerstone for a peaceful and prosperous maritime domain, where the rights and interests of all States are respected and protected,” ang tinuran ng departamento.

 

“As we mark this annual celebration, the Philippines reaffirms its dedication to uphold the provisions and the principles enshrined in UNCLOS in furtherance of our national interest and humanity’s aspiration for peace and prosperity.” ayon pa rin sa DFA. (Daris Jose)

DILG, tutugisin ang mga nasa likod ng operasyon ng Guerilla POGO

Posted on: December 13th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Interior Secretary Juanito Victor ”Jonvic” Remulla Jr. na tutugisin ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga nasa likod ng pagpapatakbo ng mga POGO guerilla operations.

 

 

Ito’y sa kabila ng maaaring ideklara na POGO free ang bansa sa susunod na taon.

 

Subalit ang paglilinaw ni Sec. Remulla, ” Ganito iyan, two parts iyan: all licenses are cancelled – so POGO-free tayo; guerilla operations will flourish but we will go after them.”

 

Nauna rito, nanunsyo ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na wala nang makapag-o-operate na Philippine Offshore Gaming Operators o POGOs sa Pilipinas sa pagtatapos ng Disyembre.

 

Ayon kay PAGCOR Chairperson Alejandro Tengco, nagsimua silang ipasara ang mga ilegal na POGO noong manungkulan siya sa puwesto noong 2022.

 

Mula sa 298 na online gambling hubs na nagkakaroon ng operasyon, naging 48 na lamang ito bago pa man ipag-utos ni Pangulong Bongbong Marcos ang POGO ban.

 

 

Pagsapit din aniya ng November 30, naging 13 na lamang ito.

 

Ani Tengco, pagdating ng December 15 – wala nang POGO.

 

Sa huli, nilinaw ng PAGCOR head na pagpasok ng January 1, 2025, ang mga POGOs na nagpapatuloy pa rin sa kanilang operasyon ay tuluyan nang magiging ilegal dahil sa kanselasyon ng kanilang lisensya.

 

Matatandaang, ipinag-utos ng Malakanyang ang agarang pagbabawal o pag-ban sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), internet gaming at iba pang uri ng offshore gaming operation sa bansa.

 

Sa Executive Order No. 74 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin na may petsang Nob­yembre 5, 2024, nakasaad dito na hindi papayagan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na aprubahan ang mga bagong lisensya at hindi na rin papayagan ang renewal o extension ng lisensya.

 

Nakasaad din sa EO ang tuluyang paghinto ng operasyon sa Disyembre 31, 2024 o mas maaga pa dito.

 

Inaatasan ang PAOCC, PDEA, PNP, NBI at iba pang law enforcement agencies na palakasin ang kampanya laban sa illegal POGO habang hiniling ang pakikipagtulungan ng mga lokal na pamahalaan at pribadong sektor. (Daris Jose)

Pagsasara ng POGO, walang epekto sa ekonomiya- DILG

Posted on: December 13th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

WALANG masamang epekto sa ekonomiya ng bansa ang ganap na pagsasara ng Philippine offshore gaming operators (POGOs) sa bansa.

 

 

 

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na “As per NEDA, .25 of 1 percent of total GDP (gross domestic product) ang maaapektuhan. We don’t see a significant dent sa economy natin.”

 

 

“I think ma-make up naman ‘yan sa mga iba pang mga revenue enhancing measures ng Department of Finance,” dagdag na wika nito.

 

Nauna rito, sinabi kasi ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor), na inaasahan na ng pamahalaan na mawawalan ito ng P20 billion taun-taon sa inaasahang pagsasara ng mga POGO.

 

Sa ulat, matatandaang, ipinag-utos ng Malakanyang ang agarang pagbabawal o pag-ban sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), internet gaming at iba pang uri ng offshore gaming operation sa bansa.

 

Sa Executive Order No. 74 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin na may petsang Nob­yembre 5, 2024, nakasaad dito na hindi papayagan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na aprubahan ang mga bagong lisensya at hindi na rin papayagan ang renewal o extension ng lisensya.

 

Nakasaad din sa EO ang tuluyang paghinto ng operasyon sa Disyembre 31, 2024 o mas maaga pa dito.

 

 

Inaatasan ang PAOCC, PDEA, PNP, NBI at iba pang law enforcement agencies na palakasin ang kampanya laban sa illegal POGO habang hiniling ang pakikipagtulungan ng mga lokal na pamahalaan at pribadong sektor.

 

Samantala, binalaan naman ni Remulla ang mga POGOs na dapat ay mag- “wind down” na simula December 15 , dahil isasara at tutuldukan ang operasyon ng mga ito sa Dec. 31.

 

 

Tiniyak naman ni Remulla na personal niyang pangangasiwaan ang pagsasara ng POGO hub sa Island Cove sa Kawit, Cavite sa Disyembre 15 para ipakita ang paglutas ng gobyerno sa pagsasara ng POGO operations sa bansa. (Dari Jose)