• December 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December 24th, 2024

Online shopping scams ngayong holiday season, maaari ng isumbong sa pamamagitan ng eGov app – DICT

Posted on: December 24th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Maaari ng isumbong ang naglipanang online shopping scams ngayong holiday season sa pamamagitan ng eReport feature ng eGov Super App.

 

 

 

Sa isang statement, sinabi ni Department of Information and Communications Technology (DICT) USec. David Almirol na ang pinakabagong feature ay ang e-commerce reporting para sa consumer protection ng Department of Trade and Industry (DTI). Natatanggap umano ng DTI Consumer Protection Office ang real-time reports at agad itong inaaksyunan.

 

 

Pinapadali naman ng bagong e-Report feature ang proseso ng pagsusumbong ng scam numbers sa pamamagitan ng pag-capture ng screenshot ng kahina-hinalang text message kasama ang numero ng sender na maaaring isumite ng user sa gobyerno sa pamamagitan ng eGov App.

 

 

Kaugnay nito, hinihimok ng DICT ang publiko na gamitin ang e-Report at eTravel features ng eGov Super App sa gitna ng inaasahang pagtaas ng mga krimen ngayong Christmas holiday.

BI personnel, full force ngayong Christmas season

Posted on: December 24th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Tiniyak ng Bureau of Immigration na naka full alert ang lahat ng kanilang mga tauhan sa Ninoy Aquino International Airport at sa lahat ng ports of entry at exit sa buong bansa ngayong holiday season.

 

 

 

Ayon kay Immigration Commissioner Joel Anthony Viado, ito ay upang masiguro na magiging mapayapa at matiwasay ang biyahe ng mga pasahero sa mga paliparan at mga pantalan na hahabol na makauwi sa kani-kanilang mga probinsya.

 

 

 

Paliwanag ni Viado, handa na ang kanilang mga tauhan sa inaasahang buhos ng mga pasahero.

 

 

 

Nagpatupad na rin ang kanilang ahensya ng ‘No Leave Policy’ sa lahat ng kanilang mga frontline personnel mula noong December 15 at magtatapos hanggang January 15.

 

 

 

Naka-deploy na rin ang kanilang mga tauhan sa NAIA, paliparan sa Clark, Mactan, Davao at Kalibo at sa Zamboanga international seaport. (Daris Jose)

PBBM, nangako ng mabilis na rehabilitasyon ng storm-hit shelters sa Cagayan

Posted on: December 24th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NANGAKO si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng mabilis na rehabilitasyon ng mga bahay na winasak ng bagyong Marce sa Cagayan.

 

 

 

Sa naging talumpati ng Pangulo sa isinagawang distribusyon ng financial aid sa Buguey, Cagayan, sinabi ng Pangulo na isinama niya ang lahat ng mga mahahalagang ahensiya ng gobyerno para tiyakin na ang kanilang tulong ay makararating sa mga nawalan ng tahanan dahil kay Marce.
“Hindi kaya ng isang department gawin lahat. Kaya ang tinatawag po namin, ginagawa po namin ay what we call the whole-of-government approach. Ibig sabihin, lahat ng iba’t ibang departamento kahit papaano ay makakadala ng tulong at makakatulong para mabigyan ng relief, para ma-rescue ang ating mga tauhan, para mabigyan ng relief,”ang sinabi ni Pangulong Marcos.
“At ngayon, ngayon dito sa Cagayan, ang dapat talaga nating tingnan ay ang reconstruction dahil ‘yung sa… Sa public infrastructure, okay naman, not so bad. Pero ‘yung mga private na tirahan, ‘yun na nga, nasira. Kaya’t ‘yun ang tututukan natin,” aniya pa rin.
Sinabi ng Chief Executive na hindi aabandonahin ng gobyerno ang mga biktima hangga’t ganap na makabangon ang mga ito mula sa epekto ng bagyo.
Tinuran pa rin ng Pangulo na magpapatuloy naman ang tulong na ipinagkakaloob ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Samantala, pinangunahan ni Pangulong Marcos ang pag-aabot ng mahigit sa P10 milyon kada munisipalidad ng Aparri, Buguey, Sanchez-Mira, Santa Teresita, Baggao, Gattaran, Gonzaga, at Santa Ana.
Ang pondo ay tinanggap ng kani-kanilang local chief executives.
Sinaksihan din ng Pangulo ang pamamahagi ng tulong mula sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan gaya ng DSWD, the Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), National Irrigation Administration (NIA), at Department of Agriculture (DA). (Daris Jose)

 

PBBM, muling pinulong ang economic managers para sa review ng 2025 nat’l budget

Posted on: December 24th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MULING pinulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang economic managers na kinabibilangan nina Finance Sec. Ralph Recto, DBM Sec. Amenah Pangandaman at NEDA Sec. Arsenio Balisacan sa Malakanyang, kahapon Lunes.

 

 

Ito ay dahil sa patuloy na pinag-aaralan ni Pang. Marcos Jr. ang pambansang pondo para sa susunod na taon.

 

Kasama rin sa meeting sina Executive Sec. Lucas Bersamin at DPWH Sec. Manuel Bonoan.

 

Ayon kay Presidential Communications Sec. Cesar Chavez, noong Biyernes lang ng hapon natanggap ng Pangulo ang printed copy ng 2025 national budget.

 

Target ni Pang. Marcos na mapirmahan ang general appropriations act bago matapos ang taon.

 

Sabi ni Chavez, sa mga nakaraang pulong ay hindi naman nababanggit ang pagkakaroon ng reenacted budget.

 

Hindi naman masabi ni Chavez kung anong araw lalagdaan ito ng Pangulo. (Daris Jose)

Inabandonang bagong panganak na sanggol, na-rescue sa Malabon

Posted on: December 24th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MATAGUMPAY na nailigtas ng mga awtoridad ang isang inabandonang bagong panganak na sanggol sa gilid ng kalsada sa Malabon City, Lunes ng umaga.

 

 

 

Ayon kay Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, dakong alas-6:40 ng umaga nang mapansin ng saksing si Marlyn Amado, 20, Vendor ng Brgy. Potrero ang isang pulang eco bag sa kanto ng Santolan Road at McArthur Highway, Bgry. Potrero.

 

 

Nang kanyang tignan, laking gulat ni Amado nang madiskubre sa loob ang isang bagong panganak na sanggol na buhay pa kaya agad siyang humingi ng tulong sa mga nagpapatrol tauhan ng Malabon Police Sub-Station (SS1).

 

 

Agad namang dinala ng mga tauhan ng SS1 sa pangunguna ni P/Lt. Benedicto Zafra ang sanggol sa MakatTao Hospital kung saan ito patuloy na inoobserbahan upang tuluyang mailigtas sa panganib ang baby.

 

 

Pinuri naman ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan ang Malabon police sa mabilis na pagtugon, pati na ang babaing nakakita para mailigtas ang sanggol.

 

 

Iniutos na rin ni Col. Baybayan sa kanyang mga tauhan na rebisahin ang mga kuha ng CCTV sa lugar upang matukoy kung sino ang nag-abandona sa sanggol. (Richard Mesa)