• April 16, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December, 2024

BSP, nag-award ng P5-B kontrata para sa bagong polymer banknotes — COA

Posted on: December 30th, 2024 by Peoples Balita No Comments

NAG-AWARD ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng mga kontrata na nagkakahalaga ng halos P5 bilyon para sa bagong polymer o plastic banknotes.
Nakasaad sa annual report ng Commission on Audit (COA) na inaprubahan ng BSP ang limang supply contracts na nagkakahalaga ng P4.9 billion para sa bagong P50, P100, P500, at P1,000 banknotes.
Ang unang kontrata ay in-award sa De La Rue International Limited, sinasabing “lowest calculated responsive bidder” para sa supply at delivery ng 150,000 bundles ng P50 pinaganda at pinalakas na ‘generation currency outsourced finished banknotes.’
Ang kontrata ay nagkakahalaga ng P269.524 million o 4.497 million euros.
Sa ulat, September 2023, isang kontrata na nagkakahalaga ng P727.475 million o 11.751 million euros ang in-award sa Giesecke+Devrient Currency Technology para sa supply at delivery ng 200,000 bundles ng P500 ng pinaganda at pinalakas na banknotes.
Sinabi nito na ito’y “enhanced security features and tactile marks.”
Samantala, October 2023, isang kontrata ang in-award sa Papierfabrik Louisenthal GmbH para sa supply at delivery ng 75,200 ream na P100 na pinaganda at pinalakas na banknotes.
Ang halaga ng kontrata ay P2.605 billion o 42.431 million euros.
Ang parehong kompanya ay in-awardan ng kontrata na nagkakahalaga ng P1.113 billion o 18.542 million euros noong November 2023 para sa supply at delivery ng 51,020 reams ng P50 na pinaganda at pinalakas na banknotes.
Ang polymer banknote series ay smarter, cleaner, at stronger. Smarter dahil sa taglay nitong advanced anti-counterfeiting features at mas maliit na carbon footprint. Cleaner dahil mas mabilis na nawawala ang mga virus at bakterya sa polymer. Stronger dahil mas tumatagal ang mga ito sa sirkulasyon kaysa sa perang papel.
Nagsimulang ilabas sa sirkulasyon ang limitadong bilang ng bagong polymer banknotes noong Disyembre 23, 2024 sa Greater Manila Area at, kalaunan, sa ibang bahagi ng bansa.
Sa simula, maaaring makapag-withdraw ng polymer banknotes sa mga counter ng mga bangko. Sa hinaharap, ang 500-piso at 100-piso polymer banknotes ay maaari na ring makuha mula sa mga automated teller machine (ATM). Parehong pwedeng gamitin ang papel na banknote (na kilala bilang New Generation Currency Series) at polymer na banknote sa iba’t ibang transaksyong pampinansyal.
Tampok sa polymer banknotes ang natatangi, katutubo, at nangaganib na halaman at hayop sa bansa, kasama ang mga elementong nagpapakita ng pamanang kultural ng Pilipinas:
•    1000-piso:    Philippine eagle at sampaguita flower
•    500-piso:    Visayan spotted deer atAcanthephippium mantinianum
•    100-piso:    Palawan peacock-pheasant atCeratocentron fesselii
•    50-piso:    Visayan leopard cat at Vidal’s lanutan
Nanatili sa polymer banknotes ang mga kilalang sagisag mula sa NGC series na nagtatampok ng likas na kagandahan at mga katutubong disenyo sa Pilipinas:
•    1000-piso:    Tubbataha Reefs Natural Park, South Sea pearl, at  T’nalak weave design
•    500-piso:    Puerto Princesa Subterranean River National Park, blue-naped parrot, at southern Philippine weave design
•    100-piso:    Mayon Volcano, whale shark, at Bicol Region weave design
•    50-piso:    Taal Lake, native maliputo fish, at Batangas embroidery design
Samantala, tiniyak naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa publiko na ang paper banknotes “will continue to circulate and will remain valid.”
(Daris Jose)

PBBM, nagpalabas ng EO na magpapatupad ng PH-S.Korea free trade deal

Posted on: December 30th, 2024 by Peoples Balita No Comments

NAGPALABAS si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng isang executive order (EO) na magpapatupad ng iskedyul ng tariff commitment ng Pilipinas sa ilalim ng Free Trade Agreement with South Korea (PH-KR FTA) ng bansa.
Ang direktiba ay nasa ilalim ng EO No. 80, nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, na may pahintulot naman ng Pangulo, ipinalabas noong Disyembre 23, 2024.
Sa isang kalatas, tinukoy ng Presidential Communications Office (PCO) ang EO 80, binigyang diin ng Pangulo ang pangangailangan na ayusin at baguhin ang rate ng import duty sa ilang imported articles para sa bansa upang makasunod sa Philippine Schedule of Tariff Commitments sa ilalim ng PH-KR FTA.
Nakasaad sa kautusan na ang lahat ng artikulo na nakalista sa Philippine Schedule of Tariff Commitments sa ilalim ng PH-KR FTA “shall be subject to the rates of import duties at the time of importation.”
“All originating goods from Republic of Korea listed in the aforementioned Philippine Schedule of Tariff Commitments under Section 1 hereof, that are entered into or withdrawn from warehouses or free zones in the Philippines for consumption or introduction to the customs territory, shall be levied the rates of duty as prescribed therein, subject to the submission of a Proof of Origin, in compliance with all applicable requirements under the PH-KR FTA,” dagdag na pahayag nito.
Sa kabilang dako, nakatakda namang sumipa ang FTA sa pagitan ng Pilipinas at Republic of Korea sa Disyembre 31, 2024.
Ang free trade deal ay tinintahan sa panahon ng 43rd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit na idinaos sa Indonesia noong September 2023.
Pinirmahan ang PH-KR FTA upang mas lalo pang palakasin ang economic partnership at bilateral trade sa pagitan ng Pilipinas at Republic of Korea sa pamamagitan ng pagbabawas at pag-aalis sa tariff restrictions bilang suporta sa pagsisikap ng pamahalaan na pangasiwaan ang ‘competitive exclusion’, hikayatin ang mas maraming foreign direct investments, at tiyakin ang mas ‘preferential concessions’ kaysa sa kasalukuyang available sa ilalim ng umiiral na kasunduan.
Matatandaang, niratipikahan ni Pangulong Marcos ang PH-KR FTA noong May 13, 2024, kung saan sinang-ayunan ng Senado ang nasabing ratipikasyon sa pamamagitan ng Senate Resolution No. 1188 na may petsang September 23, 2024. ( Daris Jose)

Para matigil na ang PRICE MANIPULATION:

Posted on: December 30th, 2024 by Peoples Balita No Comments
DA, tinitingnan ang pag-alis sa brand labels sa imported na bigas
INANUNSYO ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang plano nitong alisin ang brand labels sa imported na bigas sa layuning labanan ang price manipulation.
“After conducting a series of market visits, we now have reason to believe that some retailers and traders are intentionally confusing Filipino consumers with branded imports to justify the high prices of rice,” ang sinabi ni Tiu Laurel sa isang kalatas.
Ang hinala ni Tiu Laurel, may ilang industry players ang “manipulating the system to inflate prices and exploit Filipino consumers.”
Tinitingnan din ni Tiu Laurel ang pag-alis sa mga label gaya ng “premium” at “special” sa imported rice, sinasabing ang pagle-label ay ginagamit lamang para bigyang katarungan ang ‘inflated prices’ o pagpintog ng presyo.
Gayunman, sinabi ni Tiu Laurel na ang locally-produced rice ay exempted mula sa plano para protektahan ang mga magsasakang Filipino at mangangalakal.
“Importing rice is not a right but a privilege,” ang winika ni Tiu Laurel sabay sabing “if traders are unwilling to follow our regulations, we will withhold permits for rice importation.”
Tinukoy ang data na nakuha mula sa retailers, traders, at importers, tinuran ni Tiu Laurel na ” that markup of P6 to P8 per kilo from the landed cost of imported rice is sufficient to profitably sustain the operations of all parties involved in the supply chain.”
Binigyang halimbawa nito, kung ang bigas ay nabili mula sa Vietnam sa halagang P40 per kilo, ang consumer price ay hindi dapat lalagpas sa P48 per kilo.
Sinabi ni Tiu Laurel na kinokonsidera ng DA ang ilang hakbang para tugunan ang ‘rice price volatility’ kabilang na ang pag-invoke sa food security emergency sa ilalim ng inamiyendahang Rice Tariffication Law, pinahihintulutan ang pagpapalabas ng buffer stocks mula National Food Authority (NFA) para maging matatag ang presyo.
Tinitingna din ni Tiu Laurel ang opsyon na payagan ang mga government corporations gaya ng Food Terminal Inc., na umangkat ng mahalagang dami ng bigas para makipagkumpetensya ng direkta sa mga private importer.
“Despite President Ferdinand Marcos Jr.’s reduction of the rice tariff to 15% from 35% in July, prices of some rice brands have remained stubbornly high, frustrating both the government and consumers,” ayon sa DA.
Dahil dito, sinabi ni Tiu Laurel na tinitingnan niya na tapikin ang Department of Finance, partikular na ang Bureau of Internal Revenue, na i-audit ang financial records ng mga rice trader upang matiyak ang pagsunod ng mga ito sa ‘fair pricing practices’ at maging ang Department of Trade and Industry para mag-assist sa pagmo-monitor sa presyo ng bigas sa mga pamilihan at grocery. (Daris Jose)

‘Iwas paputok’ REP. TIANGCO NAGPAALALA NA PANATILIHIN ANG KALIGTASAN NG MGA BATA SA PAPUTOK

Posted on: December 30th, 2024 by Peoples Balita No Comments

HINIMOK ni Navotas Representative Toby Tiangco ang publiko na sundin ang mga regulasyon ng kanilang lokal na pamahalaan sa paggamit ng paputok sa darating na Bagong Taon.

Ang paalala na ito ay kasunod ng ulat Department of Health na aabot 43 indibidwal sa buong bansa ang nagtamo ng mga pinsalang may kaugnayan sa paputok mula  December 22 hanggang 25.
Sa Navotas, apat ang nagtamo ng minor injuries, kabilang ang dalawang batang edad 7 at 9.
“Nakakalungkot dahil karamihan ng mga naaaksidente sa paputok ay mga bata. Ayon sa report ng DOH, 20 sa mga naaksidente ay mga kabataang may edad na 19 pababa,” ani Tiangco.
“Nanawagan po tayo sa lahat na sumunod sa pamantayan ng ating mga LGUs at maging responsable sa paggamit ng paputok,” dagdag niya.
Nanawagan din ang kongresista sa Philippine National Police (PNP) na palakasin ang kanilang pagsisikap laban sa pagbebenta ng mga ilegal na paputok, partikular ang mga ibinkbentang online.
“Madiskarte na rin ang mga nagbebenta ng ilegal na paputok. Ang ilan, nagbebenta na rin online kaya dapat itong bantayan nang maigi ng ating kapulisan,” pahayag ng konresista.
“Magtulungan po tayo. Sa pangunguna ng kapulisan at ng mga LGUs, hinihimok ko po ang lahat na sumama sa pagmonitor at pag-report ng mga gumagamit at nagbebenta ng mga iligal at ipinagbabawal na paputok,”dagdag niya.
Ayon sa PNP, ang mga ilegal na paputok ay kinabibilangan ng Piccolo, Super Lolo, Atomic Triangle, Large Judas Belt, Large Bawang, Pillbox, Bosa, Goodbye Philippines, Bin Laden, Mother Rocket, Lolo Thunder, Coke In Can, Atomic Bomb, Five Star, Pla-Pla, Giant Whistle Bomb, Goodbye Napoles, Hello Columbia, Goodbye De Lima, Super Yolanda, Kingkong, Goodbye Bading, Kabasi, Hamas at Watusi. (Richard Mesa)

9 indibidwal, kulong sa sugal, droga at baril sa Valenzuela

Posted on: December 30th, 2024 by Peoples Balita No Comments

SA loob na ng kulungan sasalubungin ang Bagong Taon ng siyam katao, kabilang ang isang ginang matapos maaresto ng pulisya sa ilegal na sugal, droga at baril sa magkakahiwalay na lugar sa Valenzuela City.

Sa ulat ni PMSg Carlos Erasquin Jr kay Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban, alas-8:15 ng gabi nang maaresto ng mga tauhan ng Sub-Station 8 ng Valenzuela police sina alyas “Perlita”, 47, alyas “Jeremy”, 25, at alyas “John”, 19, sa illegal na sugal na “Loteng” sa Kabuhayan St. Brgy. Mapulang Lupa.
Nasamsam sa kanila ang Loteng booklet, ballpen at P300 bet money habang ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P3,400 ay nakuha sa ginang.
          Nauna rito, nadakip din ng mga tauhan ng SS9 sina alyas “Ricky”, 49, at alyas Rolando”, 41, matapos maaktuhang naglalaro ng sugal na ‘cara y cruz’ sa N. De Galicia St., Brgy. Maysan dakong alas-3:40 ng hapon.
          Nakumpiska sa dalawa ang tatlong peso coins na gamit bilang ‘pangara’ at P350 bet money habang nakuha nakuha naman kay ‘Rolando’ ang isang heat sealed transparent plastic sachet ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng P3,944.00.
          Sa Brgy. Bignay, naaresto naman ng mga tauhan ng SS7 sina alyas “Bejamin”, alyas “Ariel” at alyas “Adan” matapos maaktuhang nagsusugal ng ‘cara y cruz’ sa Blk 35 Northville 2 bandang alas-11:50 ng gabi.
          Nakuha sa kanila ang tatlong peso coins na gamit bilang ‘pangara’ at P250 bet money habang ang dalawang plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang pinatuyonmg dahon ng marijuana ay nasabat kay ‘Benjamin’.
          Samantala, nakuhanan naman ng isang sachet ng hinihinalang shabu at isang cal. 22 revolver na kargado ng isang bala si alyas “Jobert” nang tangkain takasan ang mga tauhan ng SS6 na mag-iisyu sana ng tiket sa kanya dahil sa paglabag sa city ordinance (smoking in public) sa I. Fernando St., Brgy. Malanday dakong alas-3:45 ng madaling araw. (Richard Mesa)

Sa kabuuang 181, patay ang 179 at 2 lang ang nakaligtas… Jeju Air, nag ‘sorry’ matapos ang kalunos-lunos na aksidente ng plane crash sa SoKor

Posted on: December 30th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HUMINGI ng paumanhin ang pamunuan ng Jeju Air, may ari ng Jeju Air flight kung saan sinapit ang kalunos-lunos na aksidente na kinasasangkutan ng kumpanya.
‘We at Jeju Air will do everything in our power in response to this accident. We sincerely apologize for causing concern,’ Pahayag ng airline company sa kanilang social media post.

Matatandaan lulan ng 181 na pasahero ang Jeju Air flight na bumangga sa pader pagdating nito sa Muan International Airport sa South Korea kung saan dalawa ang nakaligtas—isang miyembro ng crew at isang pasahero at 179 naman ang itinuturing nang nasawi sa naturang aksidente.
Ang Boeing 737-8AS ay galing Bangkok patungong South Korea. Ayon sa paunang imbestigasyon, posibleng sanhi ng aksidente ang pagbangga ng eroplano sa ibon, kasabay ng masamang kondisyon ng panahon.
The cause of the accident is presumed to be a bird strike combined with adverse weather conditions. However, the exact cause will be announced following a joint investigation,’ Ani Lee Jeong-hyun, chief ng Muan fire station.

Nagpadala naman ang National Fire Agency ng South Korea ng 32 fire trucks at maraming bumbero upang apulahin ang apoy at magsagawa ng search and rescue operations.
Ipinahayag ng Jeju Air ang malalim na pakikiramay at paumanhin sa malungkot na insidenteng sinapit ng mga nauling pamilya, at nagpasya silang tutukan ang imbestigasyon at tutulungan ang mga pamilya ng mga nasawing biktima.
‘We at Jeju Air will do everything in our power in response to this accident. We sincerely apologize for causing concern,’ dagdag ng airline company sa kanilang statement post sa kanilang social media.

 

Tax collection ng gobyerno pumalo sa P3.55-T ngayong 2024 – DOF

Posted on: December 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
Nasa kabuuang P3.55 trillion ang nakolektang buwis ng gobyerno ngayong taon.
Ayon sa Department of Finance (DOF), ito ang naitalang total tax collections  hanggang noong buwan ng Nobyembre, at mas mataas ito ng 15% mula sa kaparehong panahon noong 2023.
Sinabi ng DOF nakalikom ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ng P2.67 trillion pesos na tumaas ng 13.9%.
Nasa P850 billion pesos naman ang koleksyon ng Bureau of Customs (BOC) na mas mataas ng 4.7%.
Kaugnay dito, inaasahang aabot sa P3.82 trillion pesos ang kabuuang koleksyon ng buwis ngayong taon, mas mataas ng 11.4% noong 2023.
Ito ay magiging katumbas ng 14.4% ng gross domestic product. (Daris Jose)

Bebot na wanted sa carnapping sa Pangasinan, nalambat sa Navotas

Posted on: December 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
ISINILBI ng pulisya sa loob ng piitan ng Navotas City Police Station ang warrant of arrest laban sa 27-anyos na bebot na wanted sa kasong carnapping sa lalawigan ng Pangasinan.
Nakakulong sa Navotas police si alyas “Rose Ann”, 27, nang mahuli ng pinagsanib na puwersa ng Navotas CPS SDEU team at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) noong Disyembre 16, kasama ang isang Chinese national sa buy bust operation dakong alas-6:16 ng umaga sa Road 10, Brgy. NBBN ng lungsod.
Ayon kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, nakumpiska sa mga suspek ang 2.226.6 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P15.1 million.
Sinabi ni Col. Cortes na nakakuha sila warrant of arrest na inilabas ng Lingayen, Pangasinan First Judicial Region Presiding Judge Rixon M. Garong ng Branch 37 laban kay alyas Rose Ann para sa kasong carnapping na may inilaang piyansa na P300,000.00 na isinilbi sa akusado ng mga tauhan ng SIS sa pangunguna P/Capt. Luis Rufo Jr sa loob ng selda.
Ayon kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, isa itong patunay na epektibo ang programa ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director P/BGen. Anthony Aberin na AAA Strategy o ang Able, Active and Allied na nagpapalawak sa kaalaman ng kapulisan sa police operation.
“I commends the Navotas City Police Station for their dedication and swift action in executing the warrant. This achievement highlights the unwavering commitment of the Northern Police District to uphold the law and ensure public safety,” pahayag pa ni Col. Ligan. (Richard Mesa)

Firecracker-related injuries umakyat na sa 69 –DOH

Posted on: December 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 26 na bagong kaso ng mga sugat dulot ng paputok sa buong bansa nitong Huwebes, na nagdala sa kabuuang bilang sa 69.
Sinimulan ng DOH ang pag-monitor ng mga insidente kaugnay ng paputok noong Disyembre 22 ngayong taon.
Sa tala ng ahensya, 58 sa mga biktima ay mga menor de edad na may edad 19 pababa, habang ang natitira ay nasa edad 20 pataas.
Iniulat din na karamihan ng mga biktima ay mga bata o kabataan na pangunahing gumagamit ng mga paputok.
Ayon sa DOH, 86% ng mga nasaktan ay gumamit ng iligal na paputok tulad ng “boga” o PVC cannon. Dagdag pa rito, 74% ng mga biktima ay aktibong gumagamit ng paputok nang mangyari ang insidente.
Batay sa datos, 65 sa mga biktima ay lalaki habang apat naman ay babae.
Nagpaalala ang DOH na ang paggamit ng paputok ay maaaring magdulot ng seryosong pinsala tulad ng pagkaputol ng bahagi ng katawan, pagkabulag, pagkabingi, pagkalason, paso, permanenteng pinsala sa baga, at maging kamatayan.
Dagdag ng ahensya, karaniwang tumataas ang bilang ng mga sugat dulot ng paputok sa mga araw bago at sa mismong pagdiriwang ng Bagong Taon.
Noong nakaraang taon, daan-daang insidente ng mga firecracker-related injuries ang naitala matapos ang selebrasyon ng Bagong Taon. (Daris Jose)

Mayorya ng mga Pinoy suportado ang ‘polymerization’ ng banknotes ng Pinas-BSP

Posted on: December 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
SUPORTADO ng mayorya ng mga filipino ang polymerization ng Philippine banknotes.
Ito ang makikita sa survey na isinagawa ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Ayon sa BSP, natuklasan sa isinagawa nitong Consumer Expectation Survey sa first quarter ng taon na may 61.3% ng mga respondent ang suportado ang overall initiative ng Philippine banknotes polymerization, mas mataas kaysa sa 10.9% sa nakalipas na taon.
Nito lamang unang bahagi ng buwan, isinapubliko ng BSP ang bagong polymer banknotes sa denominations ng P500, P100, at P50, ipinakikita ang mga imahe ng mga katutubo at protektadong species, at maging ng local weave designs.
Ang bagong polymer banknote denominations ay magiging available sa limitadong dami sa Greater Manila Area (GMA) ngayong Disyembre subalit nakatakda namang maging ganap na pumasok sa sirkulasyon sa first quarter ng 2025.
Sa kabilang dako, hayagan naman ang naging pagtutol ng August Twenty-One Movement (ATOM) sa naging desisyon na palitan ang imahe ng mga Bayan ng Pilipinas ng mga ‘local wildlife’, kinuwestiyon nito ang implikasyon sa pag-alis sa mga mahahalagang tao sa kasaysayan mula sa banknotes.
Nagpahayag naman ng pagkadismaya si Kiko Aquino Dee, apo ng namayapa at dating Senador Ninoy Aquino Jr. at dating Pangulong Corazon “Cory” Aquino, kaugnay sa pag-redesign, sabay sabing “they are changing our banknotes — a move initiated by the Duterte administration — so they don’t have to face our heroes while betraying their sacrifices.”
Para naman sa BSP, pinanatili nito ang Philippine paper banknotes, na nagtatampok ng mga Bayani sa sirkulasyon kasama ng bagong polymer bills.
“The introduction this month of new polymer banknote denominations — namely, 500- 100-, and 50-piso notes — followed studies that show the smarter, cleaner, and stronger characteristics of polymer banknotes,” ang nakasaad sa kalatas ng BSP .
Winika pa rin ng BSP na “polymer banknotes are “smarter” as these incorporate advanced security features and that counterfeits of such bills were harder to manufacture.”
Sinabi pa rin nito na ang global warming potential nito ay 38.36% na mas mababa kaysa sa paper counterpart nito.
Makikita sa data ng BSP na mayroon lamang 10 counterfeits mula sa 825.4 million polymer banknotes na nasa sirkulasyon mula 2022 hanggang November 2024, kontra sa 98,316 counterfeits mula sa 1.86-billion paper banknotes.
Natuklasan pa rin sa survey ng BSP na may 68.3% ng respondents na aprubado ang P1,000 polymer banknote, tumaas mula sa 38% sa kaparehong panahon noong 2023.
“Since the release of the 1,000-piso polymer denomination in April 2022, public acceptance has steadily grown,”ang sinabi ng BSP.
Tinuran pa rin ng BSP na ang polymer banknotes ay “cleaner” dahil “they are less likely to get damaged or dirty due to water, oil, and dirt, at “stronger” dahil “they have a lifespan of as long as 7.5 years versus the paper banknotes’ 1.5 years.”