• April 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January, 2025

Binuweltahan ang Tsina… Tigilan na ang agresibong aksyon sa WPS, kapalit ng pagpapabalik sa US missile system

Posted on: January 31st, 2025 by Peoples Balita No Comments
BINUWELTAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pambabatikos ng Tsina sa deployment ng Typhon missile system ng Estados Unidos sa Pilipinas kasabay ng alok na isang kasunduan.
Sinabi ni Pangulong Marcos na handa niyang tanggalin at alisin sa bansa ang Typhon missile launchers ng Estados Unidos kung ititigil na ng Tsina ang agresyon nito sa West Philippines Sea (WPS).
Sa ambush interview kay Pangulong Marcos sa sidelines ng pagpapasinaya sa Mactan-Cebu International Airport Alternate Runway, tinugunan ni Pangulong Marcos ang pagkontra ng Tsina sa missile system, binigyang diin na ang Pilipinas ay hindi man lamang nag-komento sa mas malaking missile arsenal ng Tsina.
“I don’t understand their comments on the Typhon missile system,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
“We don’t make any comments on their missile systems and their missile systems are a thousand times more powerful than what we have,” dagdag na wika nito.
Dahil dito, nag-alok ang Pangulo ng isang kasunduan sa Tsina, itigil ang agresibong aksyon at ang territorial claims sa Pilipinas kung saan , ang magiging kapalit ay pagkonsidera na bawiin ang missile system.
“Let’s make a deal with China—stop claiming our territory, stop harassing our fishermen and let them have a living, stop ramming our boats, stop water-cannoning our people, stop firing lasers at us, and stop your aggressive and coercive behavior, and I’ll return the Typhon missiles,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
“Tigil nila yung ginagawa nila, ibabalik ko lahat ‘yan,” ang pahayag pa rin ng Pangulo.
Samantala, napaulat na inilipat ng puwesto ng US military ang kanilang Typhon missile launcher na dating nasa Laoag airfield sa Pilipinas. Ang naturang missle launcher, kayang magpakawala ng mga multi-purpose missile na kayang umabot sa China at Russia.
Sa ulat ng Reuters, galing umano sa isang senior Philippine government source ang impormasyon tungkol sa ginawang paglilipat ng missile launcher.
Ayon pa sa ulat, ang Tomahawk cruise missiles na ilalagay sa launcher ay kayang tumama sa target na nasa China o Russia mula sa Pilipinas. Habang SM-6 missiles ay kayang tumama sa air or sea targets kahit sa layo na mahigit 200 kilometro (165 miles).
Batay umano sa impormasyon ng source na mula sa gobyerno ng Pilipinas, ginawa ang paglilipat para malaman kung gaano kabilis ang paglilipat ng missile battery sa bagong firing position. Paraan umano ito upang matiyak na magiging ligtas ang naturang armas kung magkakaroon ng kaguluhan.
Nakita sa mga satellite images na isinakay sa C-17 transport aircraft sa Laoag International Airport nitong mga nakaraang linggo ang mga battery at mga kaugnay na kagamitan, ayon kay Jeffrey Lewis ng Middlebury Institute of International Studies.
Inalis din ang mga puting canopy na ipinangtakip sa Typhon equipment, ayon sa mga larawan na nakita ng Reuters at hindi pa nai-report noon.
Ang Typhon system ay bahagi ng inisyatiba ng US na maglagay ng iba’t ibang anti-ship weapons sa Asya.
( Daris Jose)

PBBM sa petisyon sa SC laban sa 2025 budget, bahagi ng destabilisasyon

Posted on: January 31st, 2025 by Peoples Balita No Comments
BAHAGI ng destabilisasyon o i-destabilize ang gobyerno ang hakbang na hamunin ang ‘constitutionality’ ng 2025 General Appropriations Act (GAA) sa Korte Suprema.
Sa ambush interview kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa sidelines ng pagpapasinaya sa Mactan-Cebu International Airport Alternate Runway, inamin ng Chief Executive na “no contingency plan” ang nakahanda sakali’t katigan ng Korte Suprema ang nasabing petisyon.
“No, we shut down everything. I guess that’s what they want, they want the government to cease working so ‘yung matuloy yung kanilang mga destabilization na ginagawa,” ang sinabi ni Pangulong Marcos nang tanungin kung may nakaambang na contingency plan ang gobyerno kapag idineklarang ‘unconstitutional’ ang 2025 national budget.
Tinuran pa ng Chief Executive na si Solicitor General Menardo, sa ngalan ng gobyerno ng Pilipinas ang siyang makatutugon lamang sa petisyon na kumukuwestiyon sa legalidad ng 2025 national budget.
“The SolGen, of course, will be the one who will argue for the government, and he tells me, SolGen Meynard tells me that we are on a solid footing in terms of constitutionality,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
“I don’t know why they bother to file that because napakahirap ng kanilang assertion (their assertion is very difficult [to defend])… We’re very confident that our case is strong,” aniya pa rin.
Nauna rito, pormal nang isinumite sa Korte Suprema ang pagkwestyon sa constitutionality o legalidad ng 2025 national budget na nilagdaan ni Pangulong Marcos.
Pinangunahan nina dating Executive Secretary Vic Rodriguez at Davao City 3rd District Representative Isidro Ungab ang paghahain ng Petition for Certiorari and Prohibition laban sa ilang bahagi ng national budget.
Ayon kay Rodriguez, hinihiling ng petisyon na maisantabi at ipawalang bisa ang 2025 gaa dahil anya iligal at unconstitutional  ang pagkakaroon ng blangkong item sa naturaang panukala.
Binigyan-diin pa ng dating opisyal na kasabwat sa sinasabing biggest money heist, ang mga mambabatas na hindi tumutol sa pagpasa ng Bicam report.
Kasama sa tinukoy ng mga petitioner sa kanilang petisyon ang bahagi ng pondo ng Department of Agrarian Reform; National Irrigation Administration at philippine Coconut Authority na may blangkong item sa pondo.  (Daris Jose)

Ngayong Chinese New Year: “Pursue grand ambitions not only for ourselves but for the greater good”-PBBM

Posted on: January 31st, 2025 by Peoples Balita No Comments
HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Filipino-Chinese community na  ituloy lamang ang kanilang “grand ambitions” hindi lamang sa sarili kundi para sa mas ikabubuti ng lahat.
Nakiisa kasi  ang Pangulo sa  Filipino-Chinese community, araw ng Miyerkules, sa pagdiriwang ng mga ito ng  Chinese New Year, Isang maningning na pang-kultural na na sumisimbolo sa ‘pag-asa, pagbabago at pagiging masigasig.’
“As we welcome a new year of self-improvement and good fortune, let this event inspire us to boldly set our intentions and confidently pursue grand ambitions not only for ourselves but for the greater good,” ang sinabi ng Pangulo sa kanyang mensahe.
Ang Chinese New Year ang pinakahihintay na holiday ng mga Chinese, hindi lamang sa China kundi sa buong mundo.
Tinatawag itong “Spring Festival” at “Lunar Year” at ibinabase ang petsa ng pagdiriwang sa Chinese lunar calendar.
Ang unang araw ng Chinese New Year ngayong 2025 ay January 29 at ito ang simula ng Year of the Wood Snake.
Ang Chinese New Year ang pinakamahalaga na taunang festival para sa mga tao na may Chinese ancestry sa buong mundo, at marami silang mga tradisyon na sinusunod.
Para sa marami, ito ay isang religious holiday, puno ng panalangin, offerings at marami pang iba.
Ang Chinese New Year ay ipinagdiriwang ng 15 araw, subalit ang unang tatlong araw ang pinakamahalaga.
Sinabi pa ng Pangulo na ang itinatangi na okasyon ay “steeped in century-old tradition and joy” dapat ay maging paalala sa publiko na ikonsidera ang bawat hamon na isang pagkakarltaon para yumabong at bawat pagsisikap bilang oportunidad para matupad ang hinahangad na aspirasyon.
Hinikayat naman  ng Pangulo ang publiko na yakapin ang “promise of prosperity with courage and determination” sa  Year of the Snake, Isang simbolo ng  ‘wisdom, intuition, at transformation.’
“Let the vibrant lanterns that illuminate our celebration also brighten our purpose as a nation,” ang sinabi ng Pangulo.
“May this auspicious time rekindle our commitment to a Bagong Pilipinas-inspiring new beginnings, forging fruitful endeavors, and deepening our duty to strengthen the ties that bind us as a country,” aniya pa rin. (Daris Jose)

P1.5M droga, nasabat sa checkpoint sa Caloocan, drug courier timbog

Posted on: January 31st, 2025 by Peoples Balita No Comments
MAHIGIT P1.5 milyong halaga ng ilegal na droga ang nasamsam sa isang rider na nagtangkang takasan ang mga pulis na nagsasagawa ng checkpoint makaraang masita dahil walang suot na helmet sa Caloocan City, Miyerkules ng gabi.
Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Edcille Canals, habang nagsasagawa ng COMELEC checkpoint ang mga tauhan ng Police Sub-Station (SS9) sa pangunguna ni P/Major Segundino Bulan Jr sa Brgy., 171, Bagumbong nang parahin nila ang isang lalaki na sakay ng isang Honda Beat motorcycle na may Lalamove bag dahil walang suot na helmet dakong alas-11:45 ng gabi.
Sa halip na huminto, tinangka umanong takbuhan ng rider ang mga pulis subalit, agad din naman napigilan at naaresto ang suspek na nakilala bilang si alyas ‘Jonathan’, 24.
Nang hanapan siya ng kanyang driver’s license ay wala itong naipakita at nadiskubre din ng mga pulis na hindi nakarehistro ang minamaneho niyang motorsiklo.
Nang tignan ang laman ng kanyang Lalamove bag, nadiskubre ng mga pulis sa loob ang 11 kilograms ng suspected marijuana bricks, isang kilogram ng pinatuyong dahon ng marijuana, 60 piraso ng hinihinalang ecstasy tablets, mga bote ng umano’y liquid marijuana, at isang sachet ng suspected cocaine na umaabot lahat sa P1,573,100 ang halaga.
Nakatakdang sampahan ng pulisya ang suspek ng kasong paglabag sa Article 151 of the Revised Penal Code (Resistance and Disobedience to a Person in Authority) at Section 11, Article II of Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) sa Caloocan City Prosecutor’s Office.
Pinuri naman ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan ang mga tauhan ni Col. Canals sa kanilang dedikasyon, professionalism, at mahusay na pagganap sa operation.
“This significant seizure is a direct result of our relentless efforts to dismantle illegal drug operations within our jurisdiction. Disrupting the supply chain and preventing these dangerous substances from reaching our communities are major achievements,” pahayag niya. (Richard Mesa)

DBM, target na gawing ‘No. 1’ ang Pilipinas sa buong mundo para sa budget transparency

Posted on: January 31st, 2025 by Peoples Balita No Comments
NANGAKO si Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman na gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya  para iposisyon ang Pilipinas bilang ‘top country’ sa buong mundo para sa  ‘budget transparency at oversight.’
Ito’y matapos na isatinig ng Kalihim ang achievement ng administrasyong Marcos habang pino-promote ang open governance.
Sabay sabing nakuha ng Pilipinas ang ‘ top spot’  para sa  budget transparency sa Asya  at pang-anim na spot sa buong mundo para sa  budget oversight, base sa 2023 Open Budget Survey results.
“Our goal is to make it as a number one for the world,” aniya sa isinagawang paglulunsad ng  2024 annual accomplishment report, legacy book at  inspiration gallery na ipinapakita ang Philippine Open Government Partnership (PH-OGP) sa Isang seremonya sa DBM’s central office in San Miguel, Manila.
Si Pangandaman, chairperson din ng  PH-OGP, nagpahayag na ang accomplishment report ay magbibigay diin sa key milestones ng gobyerno at pagsisikap na ilagay ang Pilipinas bilang  “a global leader in open governance space.”
Winika pa nito na ipinatupad ng administrasyong Marcos ang ilang ‘targeted initiatives’ para tugunan ang mga pangunahing ‘open government challenge areas.’
Aniya, ang paglulunsad ng  6th PH-OGP National Action Plan in 2024 ay nangangalaga sa ‘transparency, accountability, at citizen participation’ sa governance.
“As the department responsible for ensuring the efficient and sound utilization of our nation’s budget, the DBM ensures that budget documents are accessible and open to public scrutiny,” aniya pa rin.
Binigyang diin din ni Pangandaman na nilagdaan ang Republic Act 12009 o New Government Procurement Act (NGPA) noong nakaraang taon para tuparin ang commitment ng gobyerno na gawing modernisado ang procurement at tugunan ang pangangailangan ng mga tao.
Sinabi pa niya na ang NGPA ay itinuring na  “the country’s biggest anti-corruption measure in recent history.”
“The NGPA mitigates the risk of conflict of interest; introduces open contracting, a global standard enabling the public to access data and documents at all stages of procurement process; and also encourages public participation of our civil society members that can help us ensure prudent and judicious use of government resources,” ang sinabi ni Pangandaman.

Solon, hinimok ang DepEd na magtatag ng ethical AI guidelines para sa tech-driven learning

Posted on: January 31st, 2025 by Peoples Balita No Comments
NANAWAGAN si Navotas City Congressman Toby Tiangco sa Department of Education (DepEd) na magtatag ng ethical guidelines habang isinasama nito ang Artificial Intelligence (AI) at teknolohiya sa paghahatid ng edukasyon.
“We have to accept that AI is already part of our lives, so we must ensure it is utilized properly. While technology is an empowering tool for Filipino students, we also need to protect them from its potential risks,” ani mambabatas.
“I welcome the efforts of DepEd to utilize AI in its learning modalities and delivery. This is a much-needed step to modernize learning in our schools,” dagdag niya.
Binigyang-diin ng mambabatas ang kahalagahan ng mga alituntunin upang maprotektahan ang mga guro at mag-aaral mula sa hindi tumpak na impormasyon at potensyal na nakakapinsalang pakikipag-ugnayan.
“Marami ring nakababahalang aspeto ang teknolohiya, kaya mahalaga ang DepEd sa pag-siguro na matuturuan ang kabataang Pinoy ng tamang paggamit ng AI technology,” sabi niya.
“We don’t want these tech tools to hamper their development in any form or expose them to predatory online practices,” sabi pa niya.
Binigyang-diin din ni Tiangco ang pangangailangang magbigay ng tamang kaalaman sa mga tagapagturo kung paano pangasiwaan ang AI at mga kaugnay na teknolohiya.
“Pero syempre, kaakibat ng mga ganitong pagbabago ay ang pagsiguro na matuturuan din natin ang mga guro at estudyante ng tamang paggamit ng AI. Kasi kahit nandyan ang AI tools, kung hindi alam gamitin, masasayang lang din,” paliwanag ni Tiangco.
Hinikayat din ng solon ang DepEd na tiyakin na ang mga teknolohiyang AI na ipinakilala sa mga paaralan ay nagbibigay kapangyarihan sa mga mag-aaral at isulong ang pagpapaunlad ng sarili.
“If our public education system can successfully harness EdTech and integrate technology into our curriculum, I am certain we will produce globally-competitive graduates,” aniya. (Richard Mesa)

Malabon LGU, inilunsad ang AHON 24/7 alert app

Posted on: January 31st, 2025 by Peoples Balita No Comments
UPANG mapabilis ang koordinasyon sa pagitan ng lokal na pamahalaan at mga Malabueno sa panahon ng mga kalamidad, inilunsad ni Mayor Jeannie Sandoval at Malabon Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ang bagong Malabon All Hazards One Network (AHON) 24/7 Alert Application.
“Sa panahon po ngayon na halos lahat ng mga mamamayan ay may cellphone at may access sa internet, minabuti po natin na mas ilapit sa kanila ang ating dekalidad, tapat na serbisyo para sa lahat. Atin pong inilunsad ang Malabon AHON 24/7 Alert App na siyang magpapabilis ng koordinasyon at pagtutulungan nating mga Malabueno lalo na sa panahon ng sakuna. Kaya po i-download na natin ito at gamitin dahil sigurado pong nakahanda ang pamahalaang lungsod sa pagsiguro ng inyong kaligtasan at kapakanan,” ani Mayor Jeannie.
Ani Mr. Roderick Tongol, Officer-in-Charge ng MDRRMO, ang app ay nagbibigay sa mga residente ng direktang access sa iba’t ibang mahahalagang serbisyo ng pamahalaang lungsod, kabilang ang medical emergencies, safety and security, fire response, traffic enforcement, engineering, waste management at iba pa. Ang app ay magagamit sa pamamagitan ng pag-download sa Google Playstore at malapit na rin ilunsad sa iOS.
Ang app ay mayroon ding feature kung saan ang mga residente ay maaaring makipag-ugnayan sa mga numero ng emergency hotline, tingnan ang mga ordinansa ng lungsod, police watch list, traffic at weather updates.
Kapag na-download na sa kanilang mga device, dapat magparehistro ang mga residente sa pamamagitan ng pagsusumite ng kanilang larawan kasama ng isang valid ID, at sa pamamagitan ng pagbibigay ng kanilang personal at contact information, kasama ang numero ng kanilang telepono at email kung saan maaprubahan ito sa loob ng 24 na oras.
 Sinabi pa ni Tongol na ang City Command and Control Center kasama ang city department, ay mayroon na ngayong mga dashboard na nagpapahintulot sa kanila na madaling masubaybayan ang mga kahilingan at ulat na ipinadala ng mga residente sa pamamagitan ng app. Nagbibigay-daan ito sa kanila na tumugon kaagad, hindi tulad ng lumang bersyon ng “Let’s Connect,TXT MJS” kung saan kailangan munang gumawa ng ulat ang operator at ipadala ito sa kinauukulang opisina bago gumawa ng aksyon.
Hinihikayat natin ang mga Malabueno na i-download ang Malabon AHON 24/7 application dahil mas pinapabuti at pinapadali nito ang mga serbisyo para sa inyo. Kahit saang parte ka man ng ating lungsod ay madali nating malalaman at matutugunan ang inyong pangangailangan. Ito ay isa sa mga hakbang ng ating Mayor Jeannie sa pagtupad ng pangakong pagpapalakas ng mga programa para sa kaligtasan ng bawat mamamayan at kaayusan sa Malabon,” pahayag naman ni City Adminstrator Dr. Alexander Rosete. (Richard Mesa)

Panukalang P200 across the board wage hike aprubado na sa house panel

Posted on: January 31st, 2025 by Peoples Balita No Comments
APRUBADO na sa House Committee on Labor and Employment na pinangunahan ni Rep. Fidel Nograles ang panukalang batas na layong magpatupad ng P200 across the board wage hike.
Sa pagdinig ng Komite ngayong araw pinagtibay ng house panel ang substitute bill para sa House Bill 514, 756, 7871 at 10319 na pawang mga panukala para magpatupad ng umento sa sahod.
Batay sa P200 Daily Across-the-Board Wage Increase Act, lahat ng employers sa pribadong sektor, agricultural man o hindi, gaano man ang kalaki ang capitalization at bilang ng empleyado ay babayaran ang kanilang mga manggagawa ng dagdag na P200.
Nakapalood sa panukalang batas na sinomang indibidwal, korporasyon, trust, firm, partnership, association o entity na lalabag at maaaring patawan ng P50,000 hanggang P100,000 o pagkakakulong ng 2 hanggang apat na taon.
Inaatasan din ang employer na bayaran ang kaniyang tauhan ng doble ng halaga ng hindi nabayarang benepisyo.
Ang Department of Labor and Employment ang mangunguna sa pag-buo ng implementing rules and regulations ng batas.
Samantala nitong Martes nakipagpulong si House Speaker Martin Romualdez sa labor groups at nangako na madaliin ang pagtalakau ng Kamara sa panukalang dagdag sahod.

Ads January 30, 2025

Posted on: January 30th, 2025 by Peoples Balita No Comments

Alex Eala bigong makausad sa next round ng Singapore Tennis Open

Posted on: January 29th, 2025 by Peoples Balita No Comments

Nabigo sa qualifying round ng  Singapore  Tennis Open si Pinay tennis ace Alex Eala.

Hindi nito ng nakayanan ang lakas ni Simona Waltert ng Switlzerland sa score na 6-3,6-2.

Ang panalo sana para kay Eala ay tiyak na ang pagpasok nito sa main draw ng torneo subalit ginulat siya ng world number 167 na Swiss star ang 19-anyos na Asian Games bronze medalist.

Nagtala si Walterte ng siyam na aces kumpara sa dalawang aces na nagawa ni Eala at mayroon din itong 29 receiving points kontra sa 14 lamang ni Eala.

Susunod na makakaharap naman ng 24-anyos na si Waltert si Alja Tomljanovic ng Australia para sa round of 32.

Magugunitang sa unang round ay tinalo ni Eala si Sara Saito ng Japan.