• April 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February, 2025

2 opisyal ng Manila LGU ipinaaaresto

Posted on: February 28th, 2025 by Peoples Balita No Comments

IPINAAARESTO  ng Manila Regional Trial Court (MRTC) ang dalawang mataas na opisyal ng Manila LGU  dahil sa kasong paglabag sa anti-graft law.

 

Sa inilabas na Order ni Judge Edilu P. Hayag ang Presiding Judge ng MRTC Branch 26, kabilang sa pinadarakip ay ang mga respondent  na sina Charlie DJ. Dungo head ng Department of Tourism, Culture and Arts at administrative officer Robert Steven Q. Principe.

 

Ayon sa kautusan ng hukom, ang dalawa ay kinasuhan nang paglabag sa Section 3 (e) ng Republic Act 3019 o anti graft and corrupt practices act na isinampa ni Dr. Flordeliz Villaseñor, dating head ng Manila tourism bureau at reserve colonel ng Philippine Navy .

 

Matapos ang evaluation s amga ebidensyang nakasumite sa Korte, sinabi ng hukom na may sapat na probable cause upang ikulong ang mg akusado.

 

Dahil dito, naglabas ng warrant of arrest si Judge Hayag para sa ikadarakip ng dalawang akusado. (Gene Adsuara)

Disqualification case ni Tulfo, reresolbahin

Posted on: February 28th, 2025 by Peoples Balita No Comments

RERESOLBAHIN  ang  disqualification cases na inihain laban kay ACT-CIS Rep.Erwin Tulfo na nangunguna sa senatorial race survey bago ang halalan.

 

Ito ayon kay Comelec Chairman George Garcia ngayong Huwebes.

 

Si Tulfo ay nahaharap sa dalawang disqualification cases, ang isa ay inihain noong Martes dahil sa mga batayan ng moral turpitude na nagmula sa kanyang libel conviction gayundin sa kanyang isyu sa citizenship.

 

Bukod kay Tulfo, ang kanyang kapatid at kapwa senatorial candidate na si Ben at ang natitirang tatlo pang miyembro ng Tulfo clan ay sinampahan ng disqualification case dahil sa mga akusasyon sa political dynasty.

 

Sinabi ni Garcia na ang kanilang pangako ay tulad sa mga kaso ng nuisance na lahat ng kaso ng disqualification ay gagawin sa unang pagkakataon bago ang halalan.

 

Binanggit din ni Garcia na ang dalawang disqualification cases laban kay Erwin ay hindi na i-consolidate.

 

Paliwanag ng poll chief, mayroong mas maliit na batayan na kasama sa bagong inhain na petsyon.

 

Paliwanag ni Garcia, magkaiba ang mga petitioners at hindi pare-pareho ang mga akusasyon at alegasyon.

 

Samantala, mayroon na ngayong 84 percent na “disposal rate” ng mga kaso ang Comelec.

 

Aniya, ang bilang na ito ang pinakamtaas sa kasaysayan ng poll body. (Gene Adsuara)

Malakanyang, paiigtingin ang seguridad matapos arestuhin ang mga Chinese spy

Posted on: February 28th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NAKATAKDANG paigtingin ng Malakanyang ang mga pamamaraan at puwersa kasunod ng pagkakadakip sa mga Chinese spy na sangkot sa surveillance activities kung saan target ang presidential palace, military, at mga pulis.

Inilarawan ni Presidential Communications Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro ang pag-aresto bilang “alarming,” binigyang-diin ang pangangailangan na paigtingin ang pagsisikap para tugunan ang usapin ng foreign espionage.

“Nakakaalarma po talaga iyang balita na iyan, at pagpupursigihin pa po natin at paiigtingin po natin ang ating puwersa para po masugpo ang mga sinasabi at napagbibintangang spies,” ang sinabi pa ni Castro.

Binigyang diin pa rin ni Castro na dapat palakasin ang seguridad ng Malakanyang at seguridad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa ulat, dalawang tsino at tatlong filipino ang inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) noong Feb. 20 para sa di umano’y page-espiya sa Malakayang, military, at pulis.

Nito lamang Enero, inaresto ng NBI ang limang pinaghihinalaang Chinese spies para sa di umano’y monitoring sa aktibidad ng Philippine Coast Guard at Philippine Navy sa Palawan, kabilang na ang ‘resupply of troops’ sa West Philippine Sea.

Sinagot din ni Castro ang tanong hinggil sa citizenship ni Li Duan Wang, na pinagkalooban ng panukalang batas para sa naturalization kapuwa ng Senado at Kongreso.

 

 

Gayunman, sinabi ni Castro na may pagtutol sa batas, partikular na mula kay Senator Risa Hontiveros, pinalutang ang alalahanin sa posibleng pagkaka-ugnay nito sa Philippine offshore gaming operators (POGO).

Samantala, tiniyak naman ni Castro sa publiko na pag-aaralang mabuti ng Pangulo ang usaping ito bago pa magdesisyon kung lalagdaan o ibe-veto ang batas. (Daris Jose)

Para mapigilan ang maling paggamit sa gitna ng eleksyon … DSWD, tiniyak ang mas mahigpit na AKAP guidelines

Posted on: February 28th, 2025 by Peoples Balita No Comments

MULING tiniyak ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na magkakaroon ang ”Ayuda para sa Kapos ang Kita” Program (AKAP) ng mas mahigpit na safety protocols at mananatiling transparent, base sa panukalang guidelines.

 

 

Binigyang diin ni Gatchalian ang ‘collaborative effort’ sa pagitan ng DSWD, Department of Labor and Employment (DOLE), at National Economic Development Authority (NEDA) para palakasin ang mga alituntunin at tiyakin na nasa ayos ang mga pananggalang para mapigilan ang maling paggamit ng pondo.

 

Sa kanyang veto message matapos lagdaan ang General Appropriations Act (GAA) of 2025, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maaaring magpatuloy ang DSWD sa pag-rollout ng AKAP matapos na aprubahan ang ‘updated at clearer guidelines’ na binuo sa pakikipagtulungan sa DOLE, NEDA, at DSWD.

“The revised guidelines are currently under review by the Office of the President and the Department of Budget and Management, and reiterated that they were crafted to strengthen safeguards and prevent political partisanship ahead of the midterm elections,” ayon sa Kalihim.

Kabilang sa mga pangunahing safety measures ay ang paglalathala ng mga pangalan ng benepisaryo at mas mas mahigpit na pagbabawal sa mga political candidates na maugnay sa AKAP payout activities.

Sa kabilang dako, kumpiyansa naman si Gatchalian na ang updated guidelines ay makatatanggap ng pinal na pag-apruba mula kay Pangulong Marcos, na sa huli ay makapagpapalakas sa public trust sa programa.

Samantala, sinabi ni Gatchalian na napakinabangan ng 4 milyong Filipino ang AKAP noong 2024.

Layon ng programa na makapagbigay ng financial assistance sa low-income at minimum-wage earners, partikular na sa mga apektado ng inflation at economic challenges.

Target nito ang vulnerable sectors, kabilang na ang mga magsasaka, mangingisda at manggagawa mula sa informal economy, para mapagaan ang kanilang pasanin sa pananalapi. (Daris Jose)

Marbil, pagpapaliwanagin ukol sa paggamit ng EDSA busway- Remulla

Posted on: February 28th, 2025 by Peoples Balita No Comments

SINABI ni Interior Secretary Jonvic Remulla na hihingan niya ng paliwanag si Philippine National Police (PNP) chief Police General Rommel Marbil kaugnay sa usapin hinggil sa paggamit ng EDSA busway.

”I will ask him… I will ask him… Again, it was news to me that nangyari ‘yun [it happened. I have to confirm it with him and I will ask for an explanation,” ang sinabi ni Remulla sa press briefing sa Malakanyang.

Sa ulat, isang convoy na umano’y konektado kay Philippine National Police (PNP) chief Police General Rommel Marbil ang nahuling dumaan sa EDSA busway sa Ortigas noong Pebrero 25.

 

Pinara ito ng Department of Transportation-Special Action and Intelligence Committee for Transportation (DOTr-SAICT) kung saan sinabi ng isang pulis na may emergency si Marbil at kailangang makarating agad sa Camp Crame sa Quezon City.

 

 

Agad na umalis ang convoy nang hindi nabibigyan ng tiket, ngunit bumalik ang isa sa mga sasakyan para tanggapin ang violation ticket.

Samantala, kinumpirma ni PNP spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo ang insidente, sinabing kinailangan ng convoy na gamitin ang restricted lane dahil sa isang agarang closed-door meeting sa Camp Crame.

 

 

“For security reasons, we will not disclose the identities of those in the convoy. What we can confirm is that they are senior officers holding sensitive positions,” ani Fajardo.

Bagama’t sinubukang ipaliwanag ang sitwasyon, hindi pumayag ang DOTr-SAICT enforcers kaya’t tinanggap na lang ng convoy ang violation ticket.

Nilinaw din ng PNP na iginagalang nila ang batas-trapiko, habang hindi isinapubliko ang pangalan ng mga opisyal sa convoy para sa seguridad. (Daris Jose)

Pekeng balita kay Pope Francis, kinondena

Posted on: February 28th, 2025 by Peoples Balita No Comments

KONONDENA ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang pagkalat ng pekeng balita na yumao na umano si Pope Francis, na maituturing na isang nakakabahalang pagpapakita ng “reckless misinformation” kasabay ng panawagan sa publiko na maging mapagbantay laban sa fake news.

 

“This is a troubling reminder of how ruthless and irresponsible fake news has become. Spreading false information about the Holy Father not only causes unnecessary alarm but also undermines the truth at a time when facts matter more than ever,” ani Romualdez.

 

Reaksyon ito ng speaker sa lumabas na viral post ukol sa pekeng balita na yumao na umano si Pope Francis sa Rome’s Agostino Gemelli University Hospital sa Rome, na agad namang pinasinungalingan ng Vatican.

 

Hinikayat ni Romualdez ang publiko na beripikain ang impormasyon bago ito ipakalat o ipamahagi dail importante ang pagkakaroon ng digital responsibility upang maiwasan ang pagkalat ng maling impormsyon.

 

“Social media must not be a tool for deception. We all have a duty to be responsible with the information we consume and share. Misinformation can erode trust, create confusion, and cause distress, especially when it involves a leader as deeply respected as Pope Francis,” dagdag nito.

 

Hinikayat din nito ang lahat na maglaan ng panalangin para sa agarang paggaling ng Santo papa sa halip na magpakalat ng pekeng balita.

 

“Rather than spreading baseless rumors, let us turn our energy toward prayer and goodwill. Pope Francis inspires millions with his wisdom and compassion, and we pray for his continued strength and good health,” pagtatapos nito.

(Vina de Guzman)

Lolo, kalaboso sa baril at bato sa Malabon

Posted on: February 28th, 2025 by Peoples Balita No Comments

BAGSAK sa kulungan ang 62-anyos na lolo nang mahuli sa akto na may bitbit na baril habang pagala-gala sa kanilang lugar at makuhanan pa ng droga sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Malabon Police Chief P/Col. Jay Baybayan, itinawag ng kanyang mga kalugar sa Police Sub-Station 2 ng Malabon police ang pabalik-balik na paglalakad ng suspek na si Lolo ‘Divino’, sa kanilang lugar sa Concepcion St. Brgy. Tugatog habang may bitbit na baril na tila may inaabanga na kaaway.

Kaagad namang nagresponde sa lugar sina P/SSg Marty Vilbar, P/Cpl. Leo Dave Legaspi, at Pat. Philmark Tongco kung saan naabutan nila ang suspek na may hawak ngang baril dakong ala-1:50 ng madaling araw.

Hindi na pinaporma ng mga tauhan ni Col. Baybayan si lolo Divino at agad dinamba kung saan nakumpiska sa kanya ang hawa na isang kalibre .40 Jericho pistola na may sampung bala sa magazine.

Nang kapkapan, nakuha pa kay Lolo Divino ang dalawang transparent plastic sachets na naglalaman ng 15.92 gramo ng shabu na nagkakalahaga ng P108,256.00.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa R.A 10591 o ang Comprehensive Law on Firearms and Ammunition in relation to Omnibus Election Code matapos mabigong makapagpakita ng dokumento na magpapatunay na legal ang pagkakaroon at pagdadala niya ng baril, pati na rin sa paglabag sa R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa Malabon City Prosecutor’s Office.

Pinuri NPD Acting District Director PCOL Josefino Ligan ang mabilis na aksyon ng mga tauhan ni Col. Baybayan sa pagpapanatili ng kaligtasan ng komunidad. (Richard Mesa)

Notoryus holdaper na nambiktima sa Caloocan, Bulacan at QC, nalambat ng NPD

Posted on: February 28th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NAKORNER ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) sa ikinasang follow-up operation sa Parañaque City ang isang notoryus na holdaper na sangkot sa panghoholdap sa Lungsod ng Caloocan.

Hindi na nakapalag ang 31-anyos na lalaking suspek nang dambahin ng mga tauhan ni NPD Acting District Director P/Col. Josefino Ligan sa kanyang lugar sa G.G. Cruz, Barangay Baclaran, Parañaque City dakong alas-7:20 ng gabi.

Ayon kay Col. Ligan, bandang alas-5:30 ng madaling araw nang tutukan ng baril at holdapin ng suspek ang 24-anyos na biktima na residente ng Brgy., 176-8, Bagong Silang, sa Sto. Cristo St., Brgy. 187, Tala at kinuha ang kanyang wallet na naglalaman ng P2,820 bago mabilis na tumakas.

I-nireport ng biktima at ng saksi na 40-anyos na tricycle driver ang insidente sa mga tauhan ni Caloocan Police Chief P/Col. Edcille Canlas sa Sub-Station (SS14) kung saan natukoy ang pagkakakilanlan ng suspek sa pamamagitan ng CCTV footage na nag-uugnay sa kanya sa magkakasunod na insidente ng pagnanakaw sa North Caloocan, Bulacan, at Quezon City.

Agad namang naglunsad ng manhunt operation ang pinagsamang team mula sa District Special Operations Unit (DSOU-NPD), Quezon City Police Station 5 (QCPS-PS5), Cyber Patrol Unit, at tracker team sa ilalim ng Office of the Chief Regional Staff (OCRS), NCRPO, sa koordinasyon sa Parañaque Police Station na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Narekober sa suspek ang ninakaw na wallet at isang hand grenade habang hindi nakuha ang ginamit niyang baril sa panghoholdap.

Pinuri ni Col. Ligan ang mga pagsisikap ng DSOU-NPD, na binibigyang-diin ang kahalagahan ng maagap na policing at intelligence-driven operations para tiyakin ang kaligtasan ng publiko.

Mahaharap ang suspek sa kasong Robbery (Hold-up), paglabag sa RA 9516 (Illegal Possession of Explosives), at Batas Pambansa 881 (Omnibus Election Code). (Richard Mesa)

Pagtatayo ng Regional Center Hospital sa Cavite, ipanukala

Posted on: February 28th, 2025 by Peoples Balita No Comments

HINDI na kinakailangan lumawas pa ng Maynila ang isang pasyente upang magpagamot kung may nakatayong isang Regional Specialty Center Hospital sa mga probinsiya.

 

Bunsod nito, sinabi ni  Senator Imee Marcos na pabor siyang  pondohan ang pagpapatayo ng isang  Regional Specialty Center  Hospital sa kanyang talumpati bilang guest of honor sa Parada ng Bayan at 111th Founding Anniversary  sa bayan ng Tanza, Cavite.

 

Ayon pa sa Senadora,  makakabuti ang pagtatayo ng Regional Speciality Center  Hospital sa Cavite upang hindi na kinakailangang lumuwas pa ang pasyente sa Maynila o ibang lugar upang magpagamot.

 

Paliwanag pa ni Marcos ang paga-allocate ng pondo ng gobiyerno sa isang State University and Colleges na may kursong Medisina upang may mga Doctors  sa tutulong dito.

 

Kasabay din ito sa plano ni Tanza Vice Mayor Archangelo “SM” Matro ang pagpapatayo ng isang pampublikong ospital sa bayan kung saan ang magsisilbing ospital  ang kasalukuyang munisipiyo na plano namang ilipat sa mas maluwag  na lugar upang mapagsilbihan ang mamamayan ng bayan ng Tanza. (Gene Adsuara)   

Isko Moreno, ibabalik ang kalinisan at katatagan sa Maynila

Posted on: February 28th, 2025 by Peoples Balita No Comments

KUNG nagawa namin noon, kaya pa rin namin gawin muli.

Ito ang pangako ni Francisco “Isko Moreno” Domagoso, kandidatong alkalde ng Maynila, sa mga negosyante ng lungsod habang ipinangako niyang ibabalik ang kalinisan at katatagan sa kabisera ng bansa.

Sa isang talumpati sa harap ng Federation of Filipino-Chinese Chamber of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII), ipinangako ni Domagoso na ibabalik ang kanyang tax amnesty program at ang epektibong sistema ng pangangalap ng basura.

 

Ipinagmalaki ng kandidatong alkalde na nang umupo siya sa pwesto noong 2019, hindi lamang niya pinanatili ang mga rate ng buwis, kundi ipinatupad din ang pinakamahabang tax amnesty sa kasaysayan ng Maynila.

 

“Ngayon nandito ako, hayaan niyo pong tiyakin sa inyo, para may kasiguraduhan, para kayo’y makapaghanda ng maayos patungkol sa inyong negosyo sa Lungsod ng Maynila, ito’y magpapatuloy sa susunod na limang taon sa Lungsod ng Maynila,” sabi ni Domagoso sa mga miyembro ng FFCCCII noong Martes.

 

Ipinaliwanag ni Domagoso na ang anim na buwang tax amnesty na nagsimula noong Hulyo 1, 2019, ay nagbigay pagkakataon sa mga negosyo at residente na ayusin ang kanilang mga obligasyon nang walang mga parusa.

 

Binigyang-diin din niya na ang pagiging consistent sa mga polisiya ng buwis ay magpapalago sa ekonomiya at magbibigay ng magandang kapaligiran para sa negosyo sa kabisera.

 

“Kung matatandaan niyo, nung ako’y umupo sa pwesto, nag-issue ako at hiniling ko sa Sangguniang Panlungsod, gumawa ng isang batas: ang pinakamahabang tax amnesty sa kasaysayan ng Maynila. ‘Yung anim na buwan na tax amnesty noong ako’y umupo noong Hulyo 1, 2019, at nangyari ’yung pinangako ko at naganap at hanggang ngayon, hindi pa rin nababago ang tax code ng Lungsod ng Maynila,” sabi niya.

 

Tila nakapagbigay ng kasiyahan ang mga pahayag ni Domagoso sa mga miyembro ng FFCCCII, na matagal nang nagtataguyod ng isang matatag at transparent na kapaligiran para sa negosyo sa Maynila.

 

Tumugon din siya sa panawagan ng mga residente at negosyante ng Maynila na ipagpatuloy ang kanyang matagumpay na kampanya sa kalinisan.

 

Ang pagpapanatiling malinis ng Maynila ay hindi lamang isang pangako kundi isang pangako na natupad niya noong siya ay alkalde, ayon sa kanya.

 

“Garantisado ko sa inyo, ‘yung nangyari sa simula, garantiya ko sa inyo, gagawin natin ulit, upang mapanatili ang kalinisan ng ating lungsod at ang pangangalap ng basura ay maayos at tamang oras nang walang karagdagang bayad mula sa ating mga komunidad,” wika ng kandidatong alkalde. (Gene Adsuara)