• March 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 18th, 2025

Ads March 18, 2025

Posted on: March 18th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

DOTr: Pinag-iisipan kung puputulin na ang kontrata sa BF Corp. na gumagawa ng Unified Grand Central Station ng MRT3, LRT2, at MRT 7

Posted on: March 18th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PINAG-IISIPAN at pinag-aaralan ng Department of Transportation (DOTr) sa pamumuno ng bagong talagang Secretary na si Vince Dizon dahil sa matagal ng pagkabalam ng pagtatayo ng nasabing istasyon.

 

     Sa isang pahayag ng DOTr, sinabi ng ahensya na kanilang nire-repaso ang termination ng kontrata ng una sa BF Corp.-Foresight Development and Surveying Co. na isang consortium.

 

     Sinabi ni Dizon na pinag-aaralan ng legal team ang final termination ng kontrata para maka-move on na ang proyekto at nang matapos na sa lalong madaling panahon.

 

     “Our legal team is now studying the final termination of the contract so we can move on and finally finish this project. The delay is unacceptable and this project should have been completed by now and already benefiting the people,” wika ni Dizon.

 

     Ang nasabing Unified Grand Central Station ay tinatayo upang pagdugtungin ang 3 pangunahing rail lines sa Metro Manila, ang LRT 1, MRT 3, at ang ginagawang MRT 7. Nagkaroon ng mga problema at setbacks ang pagtatayo kasama na ang epekto ng pandemya.

 

     Dapat sana ay tapos na ang proyekto  ngayon subalit dahil sa pagbabalam ng pagtatayo, ito ay inaasahang matatapos pa sa darating na 2028, kung ang konstruksyon ay masisimulan muli sa madaling panahon.

 

     Sa isang ambush interview kay Dizon ay kanyang sinabi na kailangan ng tapusin muna ang konstruksyon dahil ito ay nagiging sanhi ng inconvenience sa mga motorista at naglalakad na mga tao.

 

     Nakita ni Dizon na ang mga ibang bakal ay nagkalat sa lugar ng konstruksyon at kinakalawang na ang iba na siyang nagiging sanhi ng trapiko sa nasabing lugar sa North Avenue at EDSA. Dagdag pa niya ang maraming barriers na nakatengga sa lugar ay nakakabalam sa mga naglalakad dahil iniikot pa nila ang malayo at nakikipag-siksiksikan pa ang iba para lamang makatawid.

 

     “Some of the metal materials there are scattered and rusting, and no one is working. That is exactly the inconvenience for pedestrians because of the many obstructions and barriers from the construction site, which have been left idle wherein commuters and pedestrians have to take a long detour and squeeze through crowded areas,” saad ni Dizon.

 

     Hanggang ngayon ay wala pang pahayag na ibinibigay ang pamunuan ng BF Corp. tungkol sa nasabing problema ng Unified Grand Central Station.

 

     Ang UGCS ay isang joint project ng DOTr, SM Prime Holdings, Inc., Universal LRT Corporation Limited of the San Miguel Corporation, Light Rail Manila Corporation, North Triangle Depot Commercial Corporation, Department of Public Works and Highways (DPWH), at Light Rail Transit Authority (LRTA). LASACMAR

LTO, Transport groups, at iba pang stakeholders bumuo ng Alyansa para mapataas ang insurance benefits

Posted on: March 18th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PINANGUNAHAN ng Land Transportation Office (LTO) sa pamumuno ng kanilang Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, ang pagbubuo ng alyansa kasama ang iba’t ibang transport groups upang mapataas ang benepisyo ng insurance para sa mga sasakyan.

 

Sa ikalawang bahagi ng pampublikong konsultasyon kasama ang mga transport group at iba pang stakeholders, nangako rin si Asec Mendoza na agad na aaksyunan ang mga reklamo ng mga insurance company laban sa mga ilegal na nagbebenta ng Compulsory Third Party Liability o CTPL.

 

Ayon kay Asec Mendoza, isinagawa ang pagpupulong upang makuha ang pananaw at rekomendasyon ng mas maraming stakeholders para sa pagpapabuti ng serbisyo sa pampublikong transportasyon, isa sa mga pangunahing prayoridad ni DOTr Secretary Vince Dizon.

 

Sa talakayan, nagkaisa ang mga dumalo sa pangangailangang taasan ang insurance benefits, gayundin ang pagpapatupad ng mas mabilis at mas maayos na proseso ng pag-claim kumpara sa kasalukuyang sistema.

 

Dalawa pang mahahalagang pagbabago ang kasalukuyang tinututukan, ang agarang pagwawasto ng maling encoding sa insurance at ang pagtanggal ng participation fee sa buong proseso ng pag-claim.

 

“Maganda ang kinalabasan ng pagpupulong at ito naman ang gusto natin, especially our new DOTr Secretary Dizon to reach out to the people so that we could craft and implement measures that are convenient to all our clients,” ani Asec Mendoza.

 

“Gagawa tayo ng mga huling pagsasaayos sa usaping ito, partikular sa legalidad nito, sa pakikipag-ugnayan sa Insurance Commission bago natin ito iharap kay DOTr Secretary at ipatupad ang mga pagbabagong ito,” dagdag niya.

 

Tiniyak din ni Asec Mendoza sa mga insurance company na personal niyang tututukan ang mga operasyon laban sa mga ilegal na nagbebenta ng CTPL nang walang pahintulot mula sa Insurance Commission.

 

Aniya, magpapadala sila ng mga mystery customer upang matukoy at mahuli ang mga nagbebenta ng CTPL ng walang tamang awtorisasyon, na isasailalim sa operasyon ng LTO at pulisya.

 

“Sa inyong tulong at patuloy na koordinasyon, sigurado akong malayo ang mararating natin sa pagpapatupad ng mga kinakailangang reporma upang mapabuti ang karanasan ng ating mga kababayan sa pampublikong transportasyon,” pahayag ni Asec Mendoza sa mga lider ng transport groups at iba pang stakeholders sa ginanap na pampublikong konsultasyon.

 

Dumalo sa pagpupulong sina Malyn Ramos, pangulo ng MAJETSCO/Busina; Angel Guevarra, kinatawan ng Sterling Insurance Company; Shierto Santillan ng BMIS; Juliet De Jesus ng Mega Manila Consortium; Leonardo Bautista, chairman ng PAGUNOVA Transport; Ariel Lim ng National Public Transport at NACTODA; Boy Vargas, pinuno ng ALTODAP; Jes Bañaga, pangulo ng Pro-movers Transport Alliance; Jojo Martin, pinuno ng Pasang Masda; Saturnino De Guzman ng Partner 7 Transport Operators; Vicky Antonio, chairperson ng Novadeci Transport Cooperative; Elbert Mozoe, pangulo ng BMIS; at Ka Obet Martin, chairman ng Pasang Masda. (PAUL JOHN REYES)

38 porsiyento botante pa lang ang may kumpletong 12 ibobotong senador

Posted on: March 18th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NASA 38 porsiyento pa lamang ng mga botante para sa nalalapit na May 12 midterm elections ang may kumpletong talaan ng 12 senador na kanilang iboboto sa darating na halalan, batay sa Pulse Asia survey nitong Pebrero 20-26, 2025.

Mas mababa ito sa 50 percent noong Enero na nagsabing kumpleto na ang kanilang listahan na iboboto para sa Senatoriables.

 

Sa survey, 4% ang nagsabing sila ay may 11 kandidato habang 8% ang nagsabing mayroon na silang 10 kandidato sa pagka-senador.

 

Sa mga respondents na may 1-9 na kandidato ay 8% ng respondents.

 

Ang survey ay ginawa ilang linggo makaraan ang impeachment kay Vice President Sara Duterte at bago ang ginawang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.