PARA makapaghatid ng kagalakan sa mga batang Valenzuelano na may espesyal na pangangailangan ngayong kapaskuhan, ipinagdiriwang ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang “SNED Holiday 2024” na ginanap sa Valenzuela City People’s Park Amphitheatre.
Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
PARA makapaghatid ng kagalakan sa mga batang Valenzuelano na may espesyal na pangangailangan ngayong kapaskuhan, ipinagdiriwang ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang “SNED Holiday 2024” na ginanap sa Valenzuela City People’s Park Amphitheatre.
TINIYAK ni National Capital Police Office (NCRPO) chief PBGen. Anthony A. Aberin na magiging ligtas ang holiday season kung saan inaasahan ang dagsa ng mga tao sa mga transport terminal, pamilihan at mga simbahan.
Ang paniniyak ay kasabay ng pagpapakalat ng nasa 8,000 pulis sa mga strategic na lugar sa Metro Manila.
Sinabi ni Aberin na malaking tulong pa rin ang pagpapaigting at pagpapatupad ng police visibility laban sa mga kriminal. Aniya, kadalasang umaatake ang mga criminal tuwing holiday season kung saan marami ang abala sa pamimili.
Ayon kay Aberin, maglalagay din sila ng mga “Able, Active, and Allied” police sa mga police assistance desk upang agad na maayudahan at marespondehan ang sinumang nangangailangan ng tulong.
Payo ni Aberin sa publiko, agad na makipag-ugnayan sa mga pulis at ibigay ang tiwala sa kanila.
“Kakampi niyo ang mga pulis at huwag katakutan”, ani Aberin.
Aniya, maging ang mga force multipliers ay magiging katuwang ng mga pulis sa pagbibigay seguridad ngayong Kapaskuhan.
Kasabay nito, hinimok ni Aberin ang publiko na manatiling mapagbantay, lalo na sa mga matataong lugar, at agad na iulat ang anumang kahina-hinalang aktibidad sa mga awtoridad.
Dagdag pa ni Aberin, nais nilang masiguro na maipagdiriwang ng lahat ang Pasko ng masaya at ligtas. (Daris Jose)
LIBRENG concert at tuluy-tuloy na ayuda ang handog ng Mayoral bet ng Pasig City na si Sara Discaya sa mga maralitang Pasigueños.
Tugon ito ni Discaya sa umano kampo ng kanyang makakalaban sa election matapos na tukuyin siyang nasa likod ng mga mapanirang balita laban kay Pasig City Mayor Vico Sotto.
“Wala kaming kinalaman at lalong wala kaming panahon sa mga isyung negatibo na ipinahihiwatig ng butihing alkalde na gawa namin… kasi abala kami sa pagbigay ng tulong sa kapus-palad nating kababayan… at kung paano natin sila mapasaya nitong Kapaskuhan,” ani Discaya.
Ani Discaya, kailanman ay hindi siya namigay ng milyong piso para manira ng kapwa at sa halip ay itinutulong na lamang niya sa mga taga-Pasig.
Hindi umano dapat na ikagalit ng alkalde ang pamimigay niya ng ayuda at tulong sa Pasigueño dahil iisa lamang ang kanilang hangarin na makapaglingkod.
Ani Discaya, kailanman ay hindi siya namigay ng milyong piso para manira ng kapwa at sa halip ay itinutulong na lamang niya sa mga taga-Pasig.
Hindi umano dapat na ikagalit ng alkalde ang pamimigay niya ng ayuda at tulong sa Pasigueño dahil iisa lamang ang kanilang hangarin na makapaglingkod.
Sa tala ng St. Gerrard Charity Foundation, libu-libong mga Pasigueño na ang nabiyayaan ng iba’t ibang ayuda gaya ng chairs, tables, kilo-kilong bigas at palugaw ng Kusina ni Ate Sarah bukod pa sa medical checkup, mga gamot at wheel chair. (ARA)
MAS pinaigting pa ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Quezon ang programa nito kontra dengue kung saan hinihikayat ang QCitizens na makipag-tulungan sa mga ginagawang clean-up drive upang mapanatili ang kalinisan at maiwasan pagdami ng mga lamok na may dalang sakit.
Bukod dito, tuloy din ang pamamahagi ng dengue flyers para sa iba’t ibang distrito sa lungsod para mabigyan ng higit na kaalaman ang publiko para makaiwas sa sakit.
Ayon sa pinakahuling datos ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Division, umabot sa 6,697 na kaso ng dengue ang naitala mula January 1 hanggang November 23, 2024.
Naitala sa District 2 ang may pinaka-mataas na kaso na umabot na sa 1,604 cases at District 3 naman ang pinaka-mababa na may 810 na kaso.
Pinapayuhan ng QC health Department ang lahat ng QCitizens na magtungo kaagad sa pinakamalapit na Health Center o pagamutan sakaling makaramdam ng mga sintomas ng dengue tulad ng pananakit ng kalamnan, pagsusuka,mataas na lagnat at panghihina.
HIMAS rehas ang isang construction worker na nakatala bilang top 5 most wanted person sa National Capital Region Police Office (NCRPO) dahil sa kasong rape matapos madakma ng pulisya sa ikinasang manhunt operation sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.
Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang narestong akusado na si alyas “Jun-Jun”, 26, ng Brgy. Longos na nakatala naman bilang No. 2 TMWP sa NPD.
Ayon kay Col. Baybayan, nakatangap sila ng impormasyon na naispatan ang presensya ng akusado sa kanilang lugar kaya inatasan niya ang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) na bumuo ng team para tugisin si ‘Jun-Jun’.
Katuwang ang mga tauhan ng NPD-DSOU, agad nagsagawa ang WSS ng Malabon police ng joint manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong ala-1:30 ng hapon sa Hiwas St., Brgy. Longos.
Ang akusado na nakatala naman bilang No. 3 top MWP sa Malabon ay binitbit ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Catherine Therese M. Tagle-Savador ng RTC Branch 73, Malabon City para sa kasong Rape na may petsang October 28, 2024.
Pansamantalang nakapiit ang akusado sa custodial facility unit ng Malabon police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa hukuman para sa paglilipat sa kanya sa City Jail. (Richard Mesa)
NAGPAALALA ang Quezon City Local Government sa mga mamamayan sa lungsod laban sa influenza-like illness o flu virus.
Ito ay kasunod ng ginagawang pagbabantay ng Department of Health sa posibleng pagtaas ng mga kaso ng influenza-like illness matapos i-anunsyo ng PAGASA ang pagpasok ng amihan sa bansa.
Ayon sa QC LGU, ang flu na dulot ng influenza virus na nakakaapekto sa ilong, lalamunan at baga na maaring magdulot ng mild hangang sa malubhang karamdaman ay nakakahawang sakit.
Sakaling hindi umano agad maagapan, posibleng ikamatay ng isang tao na nadapuan ng flu virus.
Dahil dito’y pinapayuhan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang mga residente sa lungsod na alamin ang mga sintomas ng flu virus at kung paano ito maiiwasan.
Aniya, ang sinumang makaranas ng mga sintomas gaya ng lagnat, ubo, sakit ng ulo, sipon, pamamaga o pananakit ng lalamunan, pananakit ng kalamnan, pagtatae at pagsusuka agad magpakonsulta sa doctor.
Iwasto ang pag-inom ng gamot na ibinigay ng doctor, manatili sa bahay at magkaroon ng sapat na pahinga, uminom ng wastong dami ng tubig upang maiwasan ang dehydration at ugaliin ang wastong paghuhugas ng kamay. (PAUL JOHN REYES)
NAGSAGAWA ang Pamahalaang Lungsod ng Caloocan, sa pamamagitan ng mga hakbangin ng City Health Department (CHD) ng summit na nakasentro sa human immunodeficiency virus (HIV) na dinaluhan ng mga opisyal at miyembro ng Sangguniang Kabataan mula sa iba’t ibang barangay sa lungsod.
Nakatuon ang nasabing kumperensya sa pagpapakalat ng tamang impormasyon hinggil sa HIV, kabilang ang mga preventive measures, myth-busting, at posibleng paggamot na may sukdulang layunin na payagan ang mga lider ng kabataan na maikalat ang tumpak na kamalayan tungkol sa virus sa kanilang sariling mga komunidad.
Binati ni Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang CHD para sa matagumpay na kaganapan, na binibigyang diin ang kahalagahan nito na madagdagan ang mga kasalukuyang programang pangkalusugan para sa mga may HIV at ang prayoridad ng pamahalaang lungsod sa pagbibigay ng pinakamataas na tulong medikal para sa lahat.
Pinasalamatan din ng alkalde ang CHD at lahat ng mga dumalo sa naturang programa para mapalago at maipakalat ang tamang kaalaman ukol sa HIV, para na rin sa kapakanan ng lahat ng mga Batang Kankaloo.
“Bilang mga opisyal ng Sangguniang Kabataan, kabahagi kayong lahat ng adbokasiya ng pamahalaang lungsod na bigyan ang lahat ng ating mga kababayan ng tama at angkop na serbisyo-medikal, lalo na laban sa mga ‘di-karaniwang sakit na dulot ng HIV,” aniya.
Kinilala rin niya ang pangangailangan para sa isang mas ligtas at mas inklusibong espasyo para sa mga HIV-positive na indibidwal, at tiniyak sa lahat na ang kanyang administrasyon ay patuloy na makikipagtulungan sa bawat stakeholder upang patuloy na i-upgrade ang mga programang inilatag upang matugunan ang nasabing isyu.
“Isa lamang po ito sa mga maliliit ngunit mabisang hakbang upang gawing mas ligtas at malayo sa diskriminasyon ang mga kababayan nating mayroong HIV, kaya asahan niyong patuloy tayong makikinig at makikipagtulungan upag mas mapaganda pa ang mga lahat ng ating mga programang pangkalusugan,” pahayag niya. (Richard Mesa)
KULONG ang labing dalawang katao matapos madakma ng pulisya sa magkakahiwalay na anti-illegal gambling operation kung saan pito sa kanila ay nakuhanan ng shabu sa Valenzuela City.
Sa ulat, nadakip ng mga tauhan ng Valenzuela Police Sub-Station (SS6) si alyas “Amado” nang maaktuhang nagpapataya ng sugal na ‘Ending’ sa Brgy. Malanday at nakuha sa kanya ang ending card, ballpen, P260 bet money at isang sachet ng hinihinalang shabu.
Alas-4 ng madaling araw nang maaktuhan naman ng mga tauhan ng SS1 sina alyas “Darwin”, at alyas “Jeff” na nagsusugal ng cara y cruz sa De Castro Subdivision, Brgy., Paso De Blas. Nakuha sa kanila ang tatlong peso coins na gamit bilang ‘pangara’, at P220 bet money habang isang sachet ng umano’y shabu ay nasamsam sa isa sa mga suspek.
Sa Pinalagad, Brgy. Malinta, huli naman ng mga tauhan ng SS4 alas-2:30 ng hapon sina alyas “Chris” at alyas “Jerome” dahil sa pagsusugal ng cara y cruz kung saan nakumpiska sa kanila ang tatlong peso coins na gamit bilang pangara, P250 bet money at isang sachet ng suspected shabu na nakuha sa isa sa mga suspek.
Dakong alas-3:30 ng madaling araw nang maaktuhan naman ng mga tauhan ng SS1 sina alyas “Nelmar” at alyas “Rey” na nagsusugal din ng cara y cruz sa Valenzuela Gateway Complex, Brgy. Paso De Blas. Nasamsam sa kanila ang tatlong peso coins pangara, P200 bet money at isang sachet ng hinihinalang shabu na nakuha sa isa sa mga suspek.
Samantala, naaktuhan naman ng mga tauhan ng SS9 sina alyas “Neil’ at alyas “Rey” na nagsusugal din ng cara y cruz sa Brgy. Maysan alas-11:40 ng gabi at nakuha sa kanila ang tatlong peso coins pangara, P230 bet money at isang sachet ng umano’y shabu na nasamsam sa isa sa mga suspek.
Dinakip naman ng mga tauhan ng SS5 si alyas “Ferdi” nang maaktuhang nagpapataya ng lotteng sa Kabesang Imo St., Brgy. Balangkas alas-12:10 ng hating gabi at nakuha sa kanya ang lotteng booklet, ballpen, P200 bet money at isang sachet ng hinihinalang shabu.
Habang naaktuhan naman ng mga tauhan ng SS2 sina alyas “Romeo” at alyas “Jeremy” na nagsusugal din ng cara y cruz sa Angeles St., Brgy. Gen T De Leon alas-9:15 ng umaga. Nakuha sa kanila ang tatlong peso coins pangara, P330 bet money at isang sachet ng suspected shabu na nasamsam sa isa sa mga suspek. (Richard Mesa)
TIMBOG ang dalawang drug suspects, kabilang ang itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos makuhanan ng mahigit P.3 milyong halaga ng shabu sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, Linggo ng gabi.
Kinilala ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) chief P/Lt. Col. Robert Sales ang naarestong mga suspek na sina alyas “Roger”, 46, tricycle driver at alyas “Juan”, 61, kapwa residente ng Brgy. Ugong.
Sa kanyang report kay Northern Police Ditrict (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni Lt Col. Sales na ikinasa ng kanyang mga tauhan sa pangunguna na P/Capt. Regie Pobadora ang buy bust operation nang magpositibo ang natanggap nila na impormasyon hinggil sa umano’y pagbebenta ni alyas Roger ng shabu.
Matapos matanggap ang signal mula sa isa nilang kasama na nagpanggap na buyer na hudyat na nakabili na ito ng shabu sa kanilang target, agad pinasok ng mga operatiba ng DDEU ang isang bahay sa No. 1135 A. Bernardino St., Brgy. Ugong saka dinamba ang mga suspek dakong alas-9:31 ng gabi.
Nakumpiska kay alyas Roger ang humgi’t kumulang 50 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P340,000, at buy bust money na isang tunay na P1,000 bill at anim pirasong P1,0000 boodle money.
Ani Capt. Pobadora, sasampahan nila ang mga suspek ng kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) inrelation to Sectiom 26 (Conspiracy) and Section 11 (Possession of Dangerous Drug) under Article II of R.A 9165 sa Valenzuela City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)
MULING bumisita si Mayor Jeannie Sandoval sa Malabon City Evacuation Center para mamahagi ng ikalawang batch ng tulong sa 21 mga pamilya na nasunugan, kamakailan sa lungsod.
Ang mga benepisyaryo na tottaly damaged ay nakatanggap ng tig P10,000 tulong pinansyal, hygiene kits, at food packs.
“Alam ko ho ang dagok na naranasan ninyo matapos ang naging insidente. Wala naman ho sa atin ang may nais na mangyari o maapektuhan ng sunog kaya o ang pamahalaang lungsod ng Malabon ay handang tumulong sa inyo para sa inyong mga pangangailangan para makabangon. Nandito kami para umalalay. Lahat ng pwedeng ibigay, ibibigay namin sa inyo. Hindi namin kayo pababayaan,” ani Mayor Jeannie. (Richard Mesa)