• September 2, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for the ‘Sports’ Category

Tatum: 7th 50 point game

Posted on: January 18th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Hindi umubra ang diskarte ng Charlotte Hornets matapos nitong malasap ang pagkatalo laban sa nangunguna pa rin sa Eastern Conference ng National Basketball Association na Boston Celtics ngayong araw.

 

Tinalo ng Celtics sa kanilang game 3 ang Hornets sa score na 130 – 118.

 

Pinangunahan ng star player ng Celtics na si Jayson Tatum ang kanyang team at umiskor ito ng solid season high 51 points at 9 rebounds.

 

Ito rin ika pitong pagkakataon na nakakuha si Tatum ng 50 points ngayong season.

 

Umariba ang Celtics sa unang quarter ng game habang lumamang naman ang Hornets sa ikalawa at ikatlong quarter habang nabawi ng Celtics ang ika-apat na quarter.

 

Nakapag ambag din ang power forward ng Hornets na si Jalen McDaniels ng kabuuang 26 points ngunit bigo pa rin itong ipanalo ang kanyang team.

 

Ginanap ang naturang laban sa Spectrum Center Arena na balwarte ng Hornets at pinanood ng mahigit 19,000 na NBA fans. (CARD)

Valdez, Palou at Ravena papalakasin ang Spiker’s Turf

Posted on: January 18th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

HANGAD nina Sports Vision President Ricky Palou, Spiker’s Turf President Alyssa Valdez pati si tournament director Mozzy Ravena na maging tuntungan tungo sa matagumpay na career ng mga lalaking volleyball player ang muling pagbomba ng Spiker’s Turf.

 

 

Hahataw muli ang men’s volleyball simula Enero 22 sa bagong season ng Spikers’ Turf na may 11 koponan sa Open Conference sa Paco Arena sa Maynila.

 

Markado ang National U-Sta. Elena squad na winalis ang Cignal HD sa finals noong nakaraang taon sa ligang tatlong taong napahinga dahil sa pandemya.

 

“It’s really a blessing that we’re getting more teams interested in joining the Spikers’ Turf. We’re growing and this is a good sign. It just shows everybody that there really is interest not only in women’s volley but also in the men’s side,” sabi ni Ricky Palou, pangulo ng nag-oorganisang Sports Vision sa PSA (Philippine Sportswriters Association) Forum sa ground floor ng Rizal Memorial Sports Complex, Martes.

 

“Our aim is to really look for new talents for the sport to hopefully come up with a really good national team. So far, it’s slowly happening and we’re happy with the results and we hope it’s going to get bigger and we’re hoping to bring the Spikers’ Turf to greater heights.”

 

Ang Bulldogs, na ngayon ay suportado ng Archipelago Builders, ay magbabalik para sa isa pang korona, ito ay puno ng hamon sa kanilang mga kamay dahil hindi makakasama ang mga star player na sina Joshua Retamar at Nico Almendras na pamumunuan ang kampanya ng NU sa UAAP Season 85 sa Pebrero.

 

Samantala ang Cignal, PGJC-Navy, Philippine Army, VNS Volleyball Club at Santa Rosa City ay bumalik din sa fold kasama ang Air Force, isa sa mga nanalong koponan sa liga na may tatlong titulo kasama ang HD Spikers.

 

Sasabak sa unang pagkakataon ang AMC Volleyball, City of Imus, D’ Navigators Iloilo at Vanguard Volleyball.

 

“Our tagline is “Where Power Meets Passion.” It’s very apt kasi ‘yung men’s volleyball alam naman natin hindi at par with popularity and support na nakukuha ng women’s volleyball so itong mga nakikita ninyo dito (sa forum), lahat ito very passionate people and even the players and the people behind Sports Vision,” sabi naman ni tournament director Mozzy.

 

“Gusto po nating maipakita kung gaano ka-exciting and fun ‘yung men’s volleyball. We’re just really happy na hindi nagsasawa ‘yung mga teams and sponsors to be here, to be part of the Spikers’ Turf. Gusto po namin na makita na magkaroon ng career sa volleyball pagkatapos ng college,” sabi ni volleyball icon at league president Alyssa Valdez.

 

Dumalo din sa PSA Forum na hatid ng San Miguel Corporation, Milo, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) sina Cignal head coach Dexter Clamor, Imus head coach Sammy Acaylar, Santa Rosa assistant coach Carlos Cantor, D’ Navigators coordinator Francis Babon, Navy head coach Cecille Cruzada, Air Force head coach Jhim Merza, Army player Ken Baloaloa, Vanguard head coach Edjet Mabbayad, VNS head coach Ralph Ocampo, at NU’s Ariel Dela Cruz. (CARD)

Kyrgios di muna makakalaro dahil sa injury

Posted on: January 18th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Si Nick Kyrgios ay umatras sa Australian Open ngayon Lunes dahil sa injury nang hindi nito natamaan ang bola at masama ang kanyang loob at hindi siya makakalaban sa Grand Slam na ginanap sa kanyang bansa.

 

Ang talentadong ngunit masungit na Australian, na itinuturing na isang panlabas na pagkakataon na manalo ng titulo, ay nakipaglaban sa isang isyu sa bukung-bukong na humahantong sa kaganapan.

 

Ngunit ang kakulangan sa ginhawa sa tuhod ang nagtulak sa Wimbledon finalist na lumabas, isang araw bago siya nakatakdang harapin ang Russian Roman Safiullin sa unang round. Mangangailangan siya ng minor surgery.

 

Pinaplano rin ni Kyrgios na ipagtanggol ang kanyang titulo sa doubles kasama si Thanasi Kokkinakis.

 

Sumali siya sa dumaraming listahan ng mga manlalaro na aalis sa pagbubukas ng Grand Slam ng taon, kabilang ang world number one na si Carlos Alcaraz at two-time women’s champion na si Naomi Osaka.

 

“I’m devastated, obviously,” aniya sa isang mabilis na inayos na press conference sa Melbourne Park, na naglalarawan sa sakit bilang isang “patuloy na pagpintig”.

 

“Nagkaroon ako ng ilang magagandang paligsahan dito, nanalo sa doubles noong nakaraang taon at naglalaro ng tennis ng aking buhay na malamang na pupunta sa kaganapang ito.

 

Sinabi ng kanyang physio na si Will Maher na ang isang pag-scan ay nagpakita ng isang cyst bilang resulta ng isang maliit na punit sa kanyang lateral meniscus, ngunit hindi ito isang pinsala na nagbabanta sa karera. (CARD)

Rachel Anne Daquis sumilip sa bahay-ampunan

Posted on: January 18th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PATULOY na nagpapakalat ng inspirasyon at kawang-gawa si Cignal HD Spikers team captain Rachel Anne Daquis kasunod ng pagbisita nito sa isang bahay-ampunan sa Tanay, Rizal.

 

Nakipagkulitan at nakipag-bonding ang 34-anyos na tinaguriang “Queen Tamaraw” sa mga kabataan ng Destiny’s Promise Home for Children Foundation.

 

Namahagi rin ito ng pagkain mula sa isang sikat na fast-food chain, mga gatas at bitamina na galing sa isang malapit na kaibigan.

 

Kilalang tagasulong ng pampalakasan ang multi-titlist outside at open hitter na nagawang magpalaganap ng larong volleyball sa kanyang itinulak na RAD Volleyball Camp noong Nobyembre 2022.

 

“Weekend with our angels, I’m super happy knowing our older kids are active in sports. They just came from a football practice (every Saturday they have practice and games). Good job kiddos!” pahayag ni Daquis sa kanyang Instagram post. “Special thanks to Aguinaldo Family for donating milks and vitamins for our angels.”

 

Puro papuri ang natanggap ng Taytay, Rizal native.

 

“Ms. Rachel I really admire how kind hearted and generous you are. May our God continue to bless you and your family,” saad ng isang fan.

 

“Kaya po lodi ko kayo eh. Beautiful inside and out. Thank you captain ganda for always sharing your time and blessings to people who are in need. God bless you po always,” wika naman ng isa.

 

Naghahanda ang koponan ng Cignal upang sumabak sa darating na 2023 season ng Premier Volleyball League (PVL) Open Conference sa susunod na buwan.

 

Back-to-back bronze medal at runner-up finish sa nagdaang 2022 season ng Open at Invitational Conference at Reinforced, ayon sa pagkakasunod, ang Cignal ni Daquis. (CARD)

Isabela muling maghohost ng Patafa Open

Posted on: January 18th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ISASAGAWA muli ang taunang Philippine Athletic Track and Field Association (Patafa) National Open sa mistulang bahay nito sa mga nakalipas na taon bago naganap ang malawakang COVID-19 pandemic sa tinaguriang “Corn Capital of the Philippines” na Ilagan, Isabela.

 

“Watch out for this historic sporting event happening again in our beloved City of Ilagan this 2023 !,” post ng MyCity PIO ng local government unit ng Isabela.

 

Una nang itinakda ng Patafa ang muling pagsasagawa ng kada taong torneo sa Marso 21 hanggang 26.

“Save the date 21-26 March 2023. LGUs, School Teams, and Gov’t Agency Teams may send their request for invitation to participate to patafa_nsa@yahoo.com by providing the name, designation, and complete address of the invitation addressee,” post ng Patafa.

 

Pangunahin ang Patafa National Open sa mga torneo na gagamitin ng asosassyon para masubok ang lahat ng mga miyembro ng pambansang koponan habang hangad din nito na makahanap ng mga bagong sibol at papaangat na mga atleta. (CARD)

Opisyal ng PSC Chairman si Dickie Bachmann

Posted on: January 17th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PATULOY na susulong ang pamunuan ng Philippine Sports Commission (PSC) sa ilalim ng bagong hinirang na chairman na si Richard Bachmann.

 

 

Sa simpleng turnover ceremony na ginanap sa Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila kahapon, pormal nang ipinasa ni dating PSC chief Jose Emmanuel “Noli” Eala ang PSC chairmanship kay Bachmann, dahil ganap na tinanggap ng huli ang hamon bilang bagong pinuno ng nasabing ahensiya.

 

 

Ipinahayag ni Bachmann ang kanyang pasasalamat sa kanyang hinalinhan na nagsilbing ika-11 chairman ng komisyon at nanguna sa matagumpay na pagbabalik ng Batang Pinoy National Championships grassroots program sa face-to-face competition noong 2022.

 

 

“I would like to thank and honor former Chairman Noli Eala for his service and dedication to support our National Sports Associations and national athletes. I look forward to learning more about the programs that are in the pipeline, as well as those that are already being implemented,” ani Bachmann.

 

 

Gayundin, pinasalamatan ni Eala si Bachmann sa pagbibigay sa kanya ng pagkakataong ibahagi ang kanyang kaalaman na natamo sa panunungkulan bilang PSC chairman. Tiniyak niya sa bagong pinuno ng ahensiya ang kanyang buong suporta.

 

 

Pinasalamatan din ni Bachmann ang PSC workforce na patuloy na gumaganap ng mahalagang bahagi sa pangkalahatang papel ng ahensiya sa Philippine sports, habang ipinagdiriwang ng PSC ang ika-33 anibersaryo nito ngayong buwan.

 

 

Ang PSC ay itinatag bilang pambansang ahensiya ng palakasan sa bisa ng Republic Act 6847 noong Enero 24, 1990, na pinalitan ang Project Gintong Alay. (CARD)

Jordan Clarkson nagparamdam ng kasabikan na maglaro sa Gilas Pilipinas

Posted on: January 17th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Nagpahayag ng kasabikan si Filipino-American NBA player Jordan Clarkson para sa paglalaro niya sa 2023 FIBA World Cup sa buwan ng Agosto.

 

 

Ayon sa Utah Jazz player na patuloy ang kaniyang ginagawang ensayo para sa manguna ang basketball team ng Pilipinas sa nasabing torneo.

 

 

Pagtitiyak nito na agad itong uuwi sa Pilipinas kapag sinimulan na ng Gilas Pilipinas ang ensayo para sa world cup.

 

 

Magugunitang dalawang beses na naglaro si Clarkson noong Agosto sa window ng Asian Qualifiers ng FIBA World Cup. (CARD)

Adelaide 36ers talo kontra Perth Wildcats

Posted on: January 17th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Nanghina muli si Kai Zachary Sotto sa pagsabak bilang starter nang malasap ng Adelaide 36ers ang kalunos-luos na 112-97 pagsemplang laban sa Perth Wildcats sa Australia’s 45th National Basketball League 2022-23 regular season game noong Sabado ng gabi sa RAC Arena.

 

 

Umiskor lang ang 7-foot-3 Pinoy import ng apat na puntos mula sa 2-of-6 shooting dagdag ang tig-2 rebounds at blocks sa 10 minutong salang para sa pagbagsak ng 36ers sa ikatlong sunod na olats.

 

 

Naging starter sa nakaraang taon, bumulusok ding paibaba ang dating Ateneo de Manila University Blue Eaglets center sa huling dalawa salang.

 

 

Nagpabibo naman ang Wildcats laban 36ers na tumalon sa mabilis na double-digit na abante, na umabot pa sa 32-17 pagkatapos ng unang 10 minuto ng paligsahan. Naiwanang Adelaide ng hanggang 32. (CARD)

Barangay Ginebra kampeon na naman laban sa Dragons

Posted on: January 17th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Nakuha ng Barangay Ginebra ang kampeonato ng 2022 PBA Commissioner’s Cup matapos na talunin ang Bay Area Dragons 114-99 sa kanilang Game 7.

 

 

Mula sa simula ay hindi na pinaporma ng Gin Kings ang kalaban sa harap ng 54,589 fans sa Philippine Arena sa Bulacan.

 

 

Ito na ang itinuturing na p inakamahirap na laban ng Ginebra para makuha ang ika-15 na championship title sa kanilang franchise.

 

 

Nanguna sa panalo ng Ginebra si Justin Brownlee na nagtala ng 34 points, walong rebounds at 12 assist habang mayroong 18 points at siyam na rebounds si Scottie Thompson.

 

 

Naging sulit din ang unang finals ni Jamie Malonzo na mayroong 22 points at 17 rebounds.

 

 

Tinanghal naman bilang Finals Mos Valuable Player si Christian Standhardinger. (CARD)

James malapit ng malampasan ang record ni Kareem Abdul-Jabbar

Posted on: January 17th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Naging pangalawang manlalaro si LeBron James ngayong Linggo (Lunes sa Manila) sa kasaysayan ng NBA na umiskor ng mahigit 38,000 puntos, kasama si Kareem Abdul-Jabbar sa isang elite club.

 

 

Naabot ni James ang milestone sa laro ng Los Angeles Lakers laban sa Philadelphia 76ers.

 

 

Sumalpak ang  apat na beses na NBA Most Valuable Player ng isang jump shot mula sa tuktok upang maabot ang 38,001 puntos sa kanyang kumikinang na karera.

 

 

Hinahabol ng “King” ang all-time NBA scoring record na hawak ni Abdul-Jabbar, na may kabuuang 38,367 puntos sa kanyang sariling maalamat na karera.

 

 

Sa pagpasok ng laro noong Linggo, si James ay nag-average ng 29.0 points sa 50.3% shooting para sa Lakers.

 

 

Isang four-time champion, si James ay may career average na 27.2 points, 7.5 rebounds, at 7.3 assists kada laro. (CARD)