PCG, hindi nag-iisa -PBBM
- Published on October 24, 2024
- by @peoplesbalita
TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Philippine Coast Guard (PCG) na palaging suportado ng gobyerno ang mga ito lalo na sa kanilang mga pagsubok at misyon para protektahan ang bansa, ang mga mamamayan, ang kanilang ari-arian at karapatan.
“Be assured you are never alone in carrying the weight of this mission,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang naging talumpati sa 123rd founding anniversary ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Port Area, Manila.
Ang pahayag na ito ng Chief Executive ay bilang pagkilala sa lumalagong mga hamon na kinahaharap ng maritime industry sa gitna ng umuusbong na ‘climate change, tumataas na sea levels, at geopolitical tensions.’
“As we look ahead, we must recognize that the challenges you face are growing more complex. Climate change, rising sea levels, and geopolitical tensions mean that the stakes have never been higher,” ang sinabi ng Pangulo.
“Monitoring the country’s Exclusive Economic Zone and patrolling a coastline spanning over 37 million kilometers is not an easy job for the PCG,” ayon pa rin sa Chief Executive.
“Carrying it out with the added weight of isolation, dangers of unpredictable seas, and the constant pressure to protect resources is more than just a job but a “responsibility that speaks to the core of what it means to serve this country,” ang winika nito.
Pagbubunyi at pagdakila sa dedikasyon at walang kapagurang serbisyo ng PCG, iginiit ng Pangulo ang patuloy na suporta para sa Philippine Coast Guard at mandato nito na tiyakin ang ‘maritime safety at security’ ng bansa.
“This Administration reaffirms its support to efforts that will improve your fleet and our air assets as well, to maritime domain awareness, weapons capability, and necessary infrastructure development. This will boost your capacity to respond to any operations,” ang litaniya ni Pangulong Marcos. (Daris Jose)
-
Pagpapaliban ng Brgy., SK polls lusot sa 2nd reading ng Senado
LUSOT na sa ikalawang pagbasa ang Senate Bill 1306 na nagpapaliban ng isang taon sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections. Dalawa lamang sa mga senador ang bumoto ng No sa panukala na sina Senators Koko Pimentel at Risa Hontiveros. Matapos ang ‘period of interpellation’ ay hindi na sumalang sa committee […]
-
VICTORY PARADE NG LAKERS, APRUB NA SA MAYOR NG LA
MISMONG si Los Angeles Lakers star LeBron James ang nakiusap kay LA City Mayor Eric Garcetti na makapagsagawa sila ng victory parade. Ito’y matapos ang kakaibang pangyayari kung saan sabay na nagkampeon ang Lakers sa NBA Finals at ang Los Angeles Dodger sa Major League Baseball (MLB) sa isang conference. Pumayag naman ang alkalde […]
-
31% ng mga Pinoy, naniniwalang lumala ang kalidad ng kanilang pamumuhay sa nakalipas na isang taon – survey
NANINIWALA ang nasa 31% ng mga Pilipino na lumala pa ang kalidad ng pamumuhay sa nakalipas na 12 buwan o isang taon. Base ito sa lumabas na survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) mula noong Hunyo 26 hanggang 29 sa 1,500 adults, tig-300 respondents mula sa Metro Manila, Visayas, atMindanao, at […]