• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 2nd, 2020

PBA lalayasan ng players; lilipat sa ibang bansa

Posted on: July 2nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Dapat na umanong kabahan ang Philippine Basketball Association (PBA) dahil sa pagpili ng ilang manlalaro na dalhin ang kanilang talento sa abroad kaysa maglaro sa liga.

 

Ito ang malaking hamon  sa  pamunuan ng PBA matapos pumirma bilang import sa Japan si Thirdy Ravena kaysa  lumahok sa PBA draft.

 

Sa ngayon, maraming bansa sa Asya ang nagbibigay ng offer sa mga mahuhusay na manlalarong Pinoy upang kuhaning import o manlalaro sa kanilang basketball league.

 

Ayon kay PBA chairman Ricky Vargas, hindi umano banta sa liga ang paglalaro ng mga Pinoy sa ibang bansa.

 

“Hindi naman. It’s just a delay [in the draft],” ani Vargas. “Our rules [states] two years from eligibility. They have two years to join the PBA.”

 

Ayon kay Vargas, nasa desisyon na mga manlalaro kung gusto nilang subukan ang kanilang husay sa foreign countries kahit pa maganda ang offers sa PBA.

 

Matatandaang pumirma si Thirdy Ravena ng kontrata sa San-En Neophoenix sa Japan Professional Basketball League (B.League) kung saan inaasahan na rin ang paglalaro ni Calvin Abueva sa ibang bansa dahil mahigit isang taon na ay hindi pa siya pinapayagang maglaro sa liga matapos patawan ng parusang indefinite suspension

Ilang UV Expess balik kalsada

Posted on: July 2nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Balik kalsada ang may 980 units na UV Express sa kanilang operasyon sa Metro Manila at karatig na mga probinsya noong Lunes matapos ang tatlong buwang pagkahinto ng kanilang operasyon.

 

Mayroon 47 routes ang binuksan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB )mula sa Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal papuntang Metro Manila.

 

Ayon sa LTFRB, ang operasyon ng UV Express ay mahigpit na ipapatupad ang terminal-to-terminal basis para sa pick up at drop off ng pasahero. Hindi rin sila papayagan ng dumaan ng EDSA at Commonwealth Avenue sa Quezon City.

 

“UV Express operators and drivers should comply with strict guidelines with the resumption of their operations,” wika ni LTFRB Chairman Martin Delgra.

 

Dapat din sundin ang iba pang provisions na nasasaad sa guidelines tulad ng regular examination ng mga drivers upang malaman kung sila ay may magandang kalusugan at ang pagsusuot ng masks at gloves sa lahat ng oras.

 

Habang ang mga pasahero naman ay kinakailangan din magsuot ng face masks at dapat ay may eksaktong pamasahe ang ibabayad bago pa man sumakay upang mabawasan ang personal transactions.

 

Kinakailangan din na ang isang pasahero ay mag fill-out ng forms na gagamitin sa contact tracing. Kailangan din na may mga barriers nailalagay sa pagitan ng driver at pasahero.

 

Diniin ng LTFRB na walang mangyayari ng pagtaas ng pamasahe at ito ay mananatiling P2 kada kilometro kahit na limited ang passenger capacity nito dahil sa pagpapatupad ng social distancing.

 

Ayon naman sa mga operators at drivers ng UV Express na kukunti lamang ang kanilang mga pasahero kahit na may sinusunod silang health protocols sa mga sasakyan. Subalit inaasahan din nila na dadami rin ang mga pasahero sa mga darating na araw kung malalaman ng karamihan na may UV Express na.

 

Samantala, ang mga “roadworthy” traditional jeepneys naman ay inaasahang magsisimula ng operasyon sa Metro Manila sa darating na lingo dahil ang mga routes ay pinag-aaralan pa rin ng LTFRB ngayon Linggo. Inaasahang magkakaroon ng 30 posibleng routes ang bubuksan ng LTFRB.

 

“We are still completing the list of routes of traditional  jeepneys. But we’re looking at Thursday or Friday for them to be deployed on the routes that will be identified. I would not put an exact number of routes, but it is necessary for us to release first the Memorandum Circular for the matter,” sabi ni Delgra.Pinaliwanag din niya na depende sa routes na mabubuksan ang bilang ng mga jeepney units na papayagang pumasada.

 

Habang ang operasyon naman ng traditional jeepneys sa ibang lugar ng bansa ay pinayagan ng magsimula tulad sa Northern Mindanao, Davao region, Cordillera Administrative Region, Ilocos, Eastern Visayas, SOCCSKSARGEN Regions; Bulacan, Pampanga, Cagayan de Oro, South Cotabato, at Siquijor.

 

Pinayagan silang pumasada dahil sa kakulangan ng transportasyon sa mga nasabing regions sa bansa. (LASACMAR)

 

Jordan positibo sa Covid-19

Posted on: July 2nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

UNITED STATES – Pakiramdam  ng isang National Basketball Association (NBA) star ay  timaan siya ng malas matapos magpositibo sa novel coronavirus isang buwan bago magsimula ang muling pagbubukas ng liga.

 

Ayon kay  Brooklyn Nets star DeAndre Jordan na na-diagnosed siya na positibo sa Covid-19 ilang araw bago tumulak papuntang Florida para sumabak sa training camp.

 

Sinabi ni Jordan malabo na siyang makapaglaro sa pagbubukas ng liga sa July 31 (Manila time).

 

“Hindi ko akalain na magpositibo ako  sa pangalawang confirmation,” ani ng 31-anyos na dating NBA All-Star sa kanyang social media account.

 

Hawak ng Nets ang pang-pitong pwesto sa  NBA Eastern Conference kaya malaki ang posilibidad na makapasok sila sa playoffs.

 

Nitong nakaraang season ay kumakamada si Jordan ng average na 8 points at 10 rebounds.

 

Pitong manlalaro ng Nets ang hindi makakasali sa muling pagbubukas ng liga gaya nina Spencer Dinwiddle at Kevin Durant dahil sa novel coronavirus.

Ads July 2, 2020

Posted on: July 2nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Pondo ng OFW, huwag gamitin upang makatulong – Bello

Posted on: July 2nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Hindi pabor si Labor Secretary Silvestre Bello III sa ilang panawagan na paggamit ng trust fund na pinamamahalaan ng Overseas Workers Welfare Administration upang magbigay ng tulong sa mga nawalan ng trabaho at napauwing Pilipinong migranteng manggagawa.

 

“Nakapagbibigay sila sa atin ng $30 bilyong dolyar kada taon. Nakakatulong sa ekonomiya natin. Kaya naman, kahit ngayon lamang ay ibalik natin ito sa kanila, ‘wag nating galawin yung pera nila,” wika ni Bello.

 

Humihingi ang OWWA ng P5 bilyon pisong supplemental budget mula sa kongreso upang mapalawig ang kanilang pondo dahil sa banta ng bankruptcy kung magpapatuloy sa paggastos para sa pagkain, accommodation at transportasyon ng mga napauwing manggagawa hanggang taong 2021.

 

Sa isinagawang Senate hearing noong nakaraang linggo, sinabi ni OWWA chief Hans Leo Cacdac na ang pondo ng ahensya na P18.79 bilyon ay inaasahang babagsak sa P10 bilyong hanggang matapos ang taon hanggang sa bumaba ito ng P1 bilyon hanggang matapos ang 2021 kung patuloy na magkakaroon ng mga OFW na mawawalan ng trabaho at mapapauwi.

 

Batay sa tala, gumastos na ang OWWA ng P800 milyon para sa repatriation, accommodation at tulong pinansyal para sa mga umuwing OFW na apektado ng Covid 19,  ayon kay Cacdac.

 

Sinabi pa ni Bello na ang pondo ng OWWA ay dapat na ginagastos para sa pangangailangan ng mga miyembro tulad ng livelihood o kung balakin nilang magtayo ng sariling negosyo at para sa edukasyon ng kanilang mga anak.

 

“Dapat gobyerno ang magbigay ng pera para matiyak natin na lahat ng kailangan ng ating mga OFW ay matugunan natin… Bakit naman, for the first time na hihingi naman sila ng tulong, nangangailangan sila ng tulong, bakit naman kailangan nating galawin yung pondo nila?… ‘Wag natin gamitin ang pera na ‘yan sa panahong ito,” ayon sa kalihim.

 

“Ang gobyerno ay dapat na gumawa ng pamamaraan upang matiyak ang karagdagang pondo upang matulungan ang ating mga OFW,” dagdag pa niya.

 

Sinabi rin niya na, “Huwag nating hayaan na maramdaman ng OFW na tinitipid sila sa kabila ng napakalaki nilang naitulong sa ekonomiya natin in the good and in the best of times.”

 

Ayon kay Bello, tinatayang nasa 90,000 OFW ang stranded sa ibang bansa, naghihintay ng repatriation, habang ang nasa 63,000 ay napauwi na sa bansa. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Mga NBA players posibleng payagan ng magsuot ng mga ‘statement’ jerseys

Posted on: July 2nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Posibleng payagan na ang ilang NBA players na magsuot ng mga uniporme na may nakakargang slogan na sumusuporta sa social justice o charities imbes ang kanilang mga pangalan kapag nagsimula na ang liga.

 

Nagsasagawa na ng pag-uusap sina Oklahoma City Thunder guard Chris Paul ang pangulo ng National Basketball Players Association at ang mga opisyal ng NBA tungkol sa nasabing inisyatibo.

 

Ang nasabing mga basketball jersey ay maaaring maikarga ang mensahe ng “Black Lives Matter” o “I Can’t Breathe”.

 

Ang nasabing dalawang kataga ay siyang pinagsisigawan ng mga protesters matapos na masawi ang black American na si George Floyd sa kamay ng mga kapulisan sa Minneapolis.

NCR mananatili sa GCQ – Duterte

Posted on: July 2nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

INANUNSYO ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na mananatili sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang Cebu City.

Sa public address ng Pangulo ay nauna nang binasa ni Health Secretary Francisco Duque ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force na klasipikasyon ng quarantine sa iba’t ibang bahagi ng bansa na inulit naman ng Chief Executive.

“Ang ECQ ang pinakamataas kasi marami na ang taong may infection sa hospitals. Cebu city. Kayo lang,” ayon sa Pangulo.

Sa kabilang dako, mananatili pa rin ang Metro Manila sa General Community Quarantine (GCQ) hanggang Hulyo 15 kasama ang mga lalawigan ng Benguet, Cavite, Rizal, Leyte at Southern Leyte, at ang cities of Lapu-Lapu, Mandaue at Ormoc ay nasa ilalim din ng general community quarantine.

Ang Talisay City, na nauna nang nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine, ay isinailalim sa general community quarantine, kasama ang mga bayan ng Minglanilla at Consolacion.

Habang isinailalim naman sa Modified General Community
Quarantine (MGCQ) ang mga sumusunod.

CAR: Abra, Baguio City, Ifugao, Kalinga

Region 1: Ilocos Norte, La Union, Pangasinan

Region 2: Cagayan, Isabela

Region 3: Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Angeles City

Region 4A: Batangas, Laguna, Quezon, Lucena City

Region 4B: Palawan, Puerto Prinsesa City

Region5: Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Naga City

Region 6: Capiz, Iloilo, Iloilo City, Negros Occidental, Bacolod City

Region 7: Cebu Province, Bohol, Negros Oriental

Region 8: Tacloban City, Western Samar

Region 9: Zamboanga City, Zamboanga del Sur

Region 10: Bukidnon, Misamis Occidental, Misamis Oriental, Cagayan de Oro

Region 11: Davao del Norte, Davao del Sur, Davao City, Davao de Oro

Region 12: Cotabato, South Cotabato

Region 13: Agusan del Norte, Butuan City  (Daris Jose)

ANG PINAKAMAHALAGANG BOTO NI HON. BONG SUNTAY

Posted on: July 2nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Si Congressman Jesus “Bong” C. Suntay ay ang Congressman ng District 4 ng Quezon City at Chairman ng Committee on Human Rights sa House of Representatives.

 

‘NO’ ang boto nya sa Anti-Terrorism Bill.

 

Kung ang Chairman mismo ng Human Rights Committee sa Kongreso ay ni-reject ang Bill na ito, ano ang ibig sabihin? May balita rin sa isang dyaryo na si Congressman Ruffy Biazon ng Muntinlupa, anak ng isang heneral, at original author ng terror bill ay umatras din at binawi ang suporta sa bill.

 

Ano ang kinatatakot ng tao at ang matinding tinututulan laban sa terror bill na ito–‘warrantless arrest, detention for up to 24 hours without a warrant, to be placed under surveillance for 60 to 90 days’.

 

Sino ang hindi matatakot. Lalo na dahil sa panahon ng quarantine na limitado ang galaw ng tao, at ang daming naging kaso ng violation ng human rights at violation ng mga batas at ordinansa na ilan sa mga lumabag ay mismong mga tao sa gobyerno at mga awtoridad – at ang terror bill ay magbigay ng sandata at kapangyarihan pa sa mga taong ito laban sa simpleng mamamayan.

 

Ang sabi ng iba – bakit tayo matatakot sa anti-terrorism bill kung hindi naman tayo terorista?

 

Ang tanong – sino ang magde-determina kung isa kang ‘terorista”?  Kung halimbawa nagreklamo ka dahil hindi ka nakatanggap ng ayuda galing sa iyong barangay captain at dahil na-offend si Kapitan sa reklamo mo at binansagan kang terorista. Huhulihin ka agad. Walang warrant of arrest at pwede ka ikulong ng 24 araw. Wala pa nga ang batas may mga nangyayari nang ganito!

 

At ano ang kinalaman nito sa sektor ng Transportasyon! Malaki at marami!

 

Tandaan na dahil ang transport sector ay kinabibilangan ng mahihirap nating mga kababayan na nagbibigay serbisyo sa mahihirap din nating mga mananakay, sila ang maraming hinaing at kahilingan sa gobyerno. At marami sa kanila ay mga matatapang na ‘aktibista’.

 

At ang batas na ito ay kinatatakutan dahil ang mga aktibista ay binabansagang terorista!

 

Kung may nag-violate ng quarantine regulation, kulong. Kung may mga pinaghihinalaang susuway sa utos ng awtoridad, kulong, at pwedeng bansagang terorista.  Mas malala pa ito sa – “nanlaban kasi”.

 

Hindi ko inasahan ang botong ito ni Cong. Bong pero nagpapasalamat ako at humahanga sa kanyang paninindigan.

 

Abangan ang mga susunod na mga mangyayari. Maging mapagbantay tayo. Mag-isip.  Hindi terorismo ang kalaban natin ngayon, kundi ang COVID-19!  Huwag na sana madagdagan pa ang paghihirap at takot ng ating mga kababayan.

 

Protektahan natin ang mga taong walang kakayahang protektahan ang sarili. Yan ang pagiging makabayan. Hindi ang terror bill na ito.

 

NO to ANTI-TERRORISM BILL. (ARIEL ENRILE-INTON)

Pres. Duterte may tulong na ibibigay sa mga locally stranded individuals

Posted on: July 2nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Department of Transportation (DoTr) Secretary Arthur Tugade, na gumawa ng paraan para magkaroon ng maraming upuan sa mga Ninoy Aquino International Airport para ang mga stranded na pasahero na gusto ng umuwi.

 

May kaugnayan ito sa maraming mga locally stranded individuals na doon na sa gilid ng kalsada natutulog sa labas ng airport terminals.

Sa kaniyang talumpati nitong Martes ng gabi, napansin ng pangulo ang kaawa-awang kalagayan ng mga LSI na doon na sa gilid ng kalsada natutulog.

 

Kung maaari aniya na matanggal ang mga establishimento sa harap ng paliparan para malagyan ng mga upuan.

 

Ipinag-utos din ng pagulo kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Ano na kausapin ang lahat ng mga locally stranded individuals at sasagutin na ng pangulo ang mga pagkain at matutuluyan ng mga ito. (Daris Jose)

Spot report ng Sulu PNP sa pagpatay sa 4 sundalo ‘fabricated’ – army chief

Posted on: July 2nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Hindi katanggap-tanggap at nakakagalit ang inilabas na spot report ng Sulu PNP hinggil sa pagkakapatay sa dalawang army officers at dalawang enlisted personnel ng mga pulis sa Jolo,Sulu.

 

Tinawag ni Philippine Army Commanding General, Lt Gen. Gilbert Gapay na fabricated ang report at “full of inconsistencies at very misleading.”

 

Naniniwala si Gapay na pinatay ang kanyang mga tauhan at hindi misencounter ang nangyari.

 

Walang armas ang mga sundalo ng pagbabarilin ng lima sa siyam na pulis at saka tumakas.

 

” We find the report fabricated, full of inconsistences parang sine and very misleading, it happens, we could accept it because this is a part of our job, we get killed in performing our job, we get killed in performing our job but getting unnecessarily killed in the hands of your partners its different, its something that that can be prevented,” pahayag ni Gapay.

 

Aniya, walang sagupaan na nangyari at hindi nagpaputok ang mga sundalo.

 

Hindi napigilan ni Gapay ang kaniyang galit at inaming masama ang kaniyang loob hinggil sa insidente.

 

Aniya, gagawin nila ang lahat para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng apat na sundalo

 

Ayon kay Gapay, nawalan siya ng apat na magagaling at beteranong army intelligence officer.

 

Nagbigay na ng kanilang testimonya ang mga testigo.

 

Binigyang-diin ni Gapay, batid ng mga sundalo na parte sa kanila na sila ay mamamatay dahil sa kanilang trabaho pero kapag pinatay ng walang katuturan, ibang usapan aniya ito na sana ay maaaring maiwasan.

 

Nakakuha na rin ng kopya ang militar ng CCTV footage.

 

Naka sibilyan ang apat na sundalo dahil sa may minamanmanan ang mga ito na terorista.

 

Kinumpirma ni Gapay na may sinusundang dalawang suicide bombers ang mga ito at kanila ng natukoy ang location at kanila na lamang tinutumbok ang eksaktong lugar.

 

Dahil sa insidente, mataas ang tensiyon ngayon sa Jolo kung saan nais sana maghiganti ng mga sundalo pero pinakalma na ang mga ito ng mga military commanders.

 

Siyam na pulis ang tinukoy na responsable sa pamamaril sa apat na sundalo. (Daris Jose)