• July 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August, 2020

Pagsasabatas ng bayanihan 2, malaking tulong sa TUPAD program ng DOLE

Posted on: August 3rd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NANANALIG ang Department of Labor and Employment (DOLE) na sakaling maisabatas na ng Kongreso ang Bayanihan II o Bayanihan to Recover as One Bill, ay magkakaroon din ng malaking tsansang maaprubahan ang kanilang mga proyekto,partikular na ang TUPAD Program na magsisilbing emergency employment at subsidy program para sa mga nawalan ng trabaho dahil sa covid19.

Sinabi ni Department of Labor and Employment Undersecretary, Usec. Joji Aragon, malaki ang maitutulong ng programang ito sa DOLE upang mabigyan ng mapagkakakitaan ang mga mamamayan na wala ng binalikang trabaho dahil sa pagsasara ng kanilang mga kompanya o mga pinapasukang business establishments.

Sinabi pa ni Aragon, kapag naipatupad na ang emergency employment sa ilalim ng tupad program, agad na nilang masisimulan ang tinatawag na community-based emergency employment na magbibigay ng trabaho sa mga kababayan na nawalan ng mapagkakakitaan.

Aniya pa, sisimulan ang implementasyon ng programa sa mga rural areas hanggang sa mga urban places.

Sinasabing, ilan lamang sa mga maaring maitulong ng TUPAD program ay ang pagLikha ng mga trabahong may kaugnayan sa paglaban sa covid19, tulad aniya ng pagiging contact tracer, data encoDer Sakaling mayroon backlog sa mga pag-input ng mga COVID cases at ang occupational safety and health. (Daris Jose)

2 million target COVID test, kayang maabot hanggang sa susunod na buwan

Posted on: August 3rd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

KUMPIYANSA ang gobyerno na aabot sa dalawang milyon ang kabuuang datos na sumailalim na sa PCR test sa susunod na buwan.

Ayon kay Testing Czar Secretary Vince Dizon, ito’y dahil na rin sa mas marami ng test laboratories na mayroon sa buong bansa na ngayon ay nasa 94 na.

“As of July 26”, sinabi ni Dizon na nasa 1.4 milyong test na ang nasa kanilang talaan na sumalang sa COVID 19 test.

Puntirya ng gobyerno na makapagsagawa ng 10 milyong test hanggang 2021 sa harap ng pagsisikap ng gobyernong matukoy, ma- trace at magamot ang mga tinamaan ng coronavirus disease.

Nauna rito, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque na ang 10 percent lamang ng population ng bansa ang kakayaning maisalang sa test na kaya aniyang maisakatuparan hanggang sa susunod na taon. (Daris Jose)

Mahigit 700 OFWs sa SoKor na labis na naapektuhan ng Covid- 19 pandemic,nakatanggap ng ayuda mula sa AKAP program ng DoLE

Posted on: August 3rd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

TINATAYANG aabot sa 703 Overseas Filipino Workers (OFWs) sa South Korea (SoKor) na labis na naapektuhan ng covid19 pandemic ang napagkalooban na ng tulong pinansyal ng pamahalaan sa pamamagitan ng AKAP Program ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Sa Laging Handa public press briefing ay sinabi ni South Korea Charge D’Affaires Christian De Jesus, na pawang mga documented at undocumented OFWs ang nabigyan ng nasabing ayuda kung saan nakatanggap ang bawat isa ng tig-200 US dOllar.

Aniya, nagpapasalamat naman sa pamahalaan ang mga mga kababayang filipino sa SoKor na nabiyayaan ng tulong pinansyal ngayong panahon ng pandemya.

Nauna nang inihayag ni De Jesus na nasa 78 OFWs ang tinamaan ng covid19 sa SoKor kung saan 34 dito ang naKalabas na ng pagamutan habang 44 naman ang patuloy na ginagamot sa ospital. (Daris Jose)

NLEX MAG-AABANG LANG KAY NIETTO

Posted on: August 3rd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

HANDANG maghintay ang North Luzon Expressway o NLEX kay Matt Nieto.

Ang 22-anyos na basketbolista ang third pick ng Road Warriors at isa sa kambal na panalpok ng Ateneo de Manila University, hinugot siya sa Gilas Pilipinas Special Draft -Philippine Basketball Associatiopn (PBA) Rookie Draft 2019.

NLEX ang pro team niya, pero magsisilbi muna sa national squad si Nieto, pati ang apat na iba pang kasama niya sa special draft. Pagkatapos ng tour of duty sa PH 5, saka pa lang sila makakapaglaro sa propesyonal na liga.

Top choice ng Terrafirma (dating Columbian) si Isaac Go, nambulaga ang Blackwater sa No. 2 nang tapikin si Rey Suerte ng University of the East. No. 4 ng Alaska Milk si Allyn Bulanadi ng San Sebastian College, puminid ang round nang kalabitin ng Rain or Shine sa No. 5 ang kambal ni Matt na si Mike.

“Si Matt Nieto obvious naman (kung bakit kinuha),” komento kahapon sa people’s BALITA ni Road Warriors coach Joseller ‘Yeng’ Guiao.

Magkakakampi sa ADMU Blue Eagles sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP)  sina Go, Matt at Mike. Kasama si Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III, importanteng piyesa sila sa three-peat championship ng koponan noong 2017-2019 sa liga.

“Alam natin siya ‘yung isa sa mga leader ng Ateneo na nag-champion,” dagdag ng NLEX bench strategist. “Maganda ‘yung background niya, maganda ‘yung upbringing n’ya not only as a player but as a person. Ako nakakasigurado ako na makakadagdag din ‘yan sa team namin.” (REC) 

Solons sa LTFRB: Kaawaan ang mga traditional jeepney drivers sa gitna ng COVID-19 pandemic

Posted on: August 3rd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Hinimok ng mga miyembro ng minorya sa Kamara ang Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) na ikonsidera ang sitwasyon ng ilang libong traditional jeepney drivers sa ilalim ng kanilang public transport modernization program.

 

Umapela si House Minority Leader Bienvenido Abante Jr. sa LTFRB at Malacañang na kaawaan naman ang solusyunan ang sitwasyon ng mga jeepney drivers na hindi makabiyahe ngayong mayroong COVID-19 pandemic.

 

Ayon kay Abante, dapat ikonsidera naman ng LTFRB ang mga suhestyon sektor ng mga jeepney drivers.

 

Marami na kasi silang mga mambabatas na natatanggap na rekamo laban sa regulasyon ng LTFRB para sa jeepney operations.

 

Kung maari aniya, huwag naman bigyan masyado ng mahigpit na mga requirements ang mga jeepney drivers para makabalik sa biyahe sa kalsada.

 

Sa ngayon, marami nang mga nagugutom na jeepney drivers at sa halip aniya na bigyan sila ng amelioration program ay mas makabubuti kung pahintulutan na lang ang mga ito na makabalik sa kanilang trabaho. (Ara Romero)

PANDEMIA. HINDI HADLANG SA KAMPANYA LABAN SA SA HUMAN TRAFFICKING- AYON SA BI

Posted on: August 3rd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

HINDI naging hadlang ang nararanasang pandemia na hidi ipagpatuloy ng Bureau of Immigration (BI) ang kanilang kampanya laban sa human trafficking.

 

“As the world observes the World Day Against Trafficking in Persons today, 30 July 2020, we, in the BI, reaffirm and declare our unwavering resolve to combat human trafficking in our ports by preventing the departure of suspected victims of this menace to our society,” pahayag ni Morente.

 

Sinabi pa ni Morente na bagama’t nag-lie low” din ang mga human traffickers dahil sa pagbabawal ng international travel “these syndicates will always take advantage of every opportunity that may arise to spirit their victims out of the country.”

 

Naniniwala si Morente na ang mga sindikato ay nas apali-paligid lang at  nag-aantay lamang ng tiyempo

 

“I have thus directed our port personnel to be vigilant and prepared to conduct stricter screening of departing passengers now that the government is eyeing less restrictions on outbound travel of Filipinos,” ayn kay  Morente.

 

Nauna ditto, nag-isyu ng statement ang BI Chief  matapos na nag-anunsiyo ang US Government na napanatili ng Pilipinas ang Tier 1 ranking noong 2019 Trafficking in Person report of the State Department.

 

Ibig sabihin ng Tier 1 rating ay  napanatili ng Philippine government ang minimum standard at ang patuloy nito sa kampanya para masawata ito. (GENE ADSUARA)

Eric Gordon, baka mawala ng 2 weeks dahil sa ankle injury – sources

Posted on: August 3rd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Pinangangambahan ngayon na posible umanong abutin ng hanggang dalawang linggo ang pagkawala ni Houston Rockets guard Eric Gordon makaraang magtamo ito ng ankle injury.

Ayon sa mga impormante, inaasahang bukas malalaman ng koponan ang lala ng pinsalang natamo ng Rockets guard.

Pero sinabi ni Houston coach Mike D’Antoni, negatibo naman daw ang lumabas sa X-ray.

Sa ngayon, pinag-iisipan na ni D’Antoni kung papaano nito papalitan si Gordon sa starting lineup sakaling hindi ito maglaro sa opening game ng koponan laban sa Dallas Mavericks sa Sabado.

Ilan sa mga pinagpipilian ni D’Antoni na posibleng humalili muna kay Gordon sina Ben McLemore at Danuel House Jr.