• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December, 2020

Santos, Lassiter bak-ap hinahanap ni Austria

Posted on: December 24th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

WALANG pili o pick ang San Miguel Beer sa 36th Philippine Basketball Association (PBA) Rookie Draft 2021 sa darating na Marso.

 

Kaya hahagilap ng ibang paraan si Leovino Austria para pasakan ang vacuum ng Beermen sa 46th PBA 2021 Philippine Cup sa Abril 9.

 

Isang malaking babak-ap kay Arwind Santos sa No. 4 para makumpleto ang 10 rotation, isa ring kahalili ni Marcio Lassiter sa 3 o 2 ang puntirya ng SMB coach.

 

Sa Pampanga bubble ng 45th PBA 2020 Philippine Cup nitong Oktubre 11-Disyembre 9, siyam lang ang nasa rotation ni Austria. No. 4 ang Beermen pagkatapos ng elimination round, pero dalawang beses kiuryente ng Meralco sa quarterfinals.

 

Si Moala Tautuaa ang pumalit kay June Mar Fajardo sa sentro na nagpagaling sa shin unjury. Wala rin sa bubble si Matt Rosser na mas pinili ang opt out, at napaaga namang  napaekssit  si Terrence Romeo bunsod ng dislocated shoulder.

 

Wala sa guni-guni ni Austria na ibahin na ang core ng kanyang starting five kina Alexaner Cabagnot, Jr., Christopher Ross, Fajardo, Santos at Lassiter.

 

Dahil wala ngang pick, maaring mangahoy ng available big ang Beermen sa free agency.

 

Makakabalik na si Fajardo sa susunod na season.

 

At may tagubilin ang six-time MVP sa kanyang coach.

 

“Ang sabi niya sa akin after our conference ended, ‘Pahinga ka lang, huwag mong isipin ‘yan. Bawi tayo next year,’” wakas na pahayag ni Austria. “So that means na confident siya.”(REC)

PANIBAGONG HOUSING PROJECT NG MANILA LGU, INILUNSAD SA BASECO

Posted on: December 24th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

INILUNSAD ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang isang panibagong housing project ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Maynila.

 

Pinangunahan nina Domagoso at Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan kasama ang mga konsehal sa Distrito 5 ng lungsod ang ground breaking ceremony kaugnay sa proyektong pabahay ng lokal na pamahalaan kung saan plano nila na magpatayo ng Townhouse type sa Baseco upang mabigyan ng sariling tahanan na matutuluyan ang mga mahihirap na pamilya dito.

 

Batay sa plano, nasa two storey ang itatayo na binubuo ng may 229 units ang nasabing BaseCommunity. 42-square meters ang nakalaan sa bawat pamilya na may dalawang kuwarto sa bawat pabahay.

 

“Ipakikita natin sa buong bansa paano magtatag ng tunay maaliwalas at sapat na espasyo na pabahay sa mahirap. Bakit po? Dahil alam ko ang pakiramdam ninyo na kapag umuulan na, lahat ng timba, tabo at planggana ay nasa higaan at nakabaluktot ang paa mo dahil tumutulo ang tubig sa bubong n’yo,” ani Domagoso.

 

“Mahirap sa pakiramdam na kapag galing ka sa trabaho, ang laging nasa isip ninyo ay kung ang bahay ninyo ay nakatirik pa dahil ang bahay na kinatitirikan niyo ay hindi sa inyo,” dagdag pa ng Alkalde.

 

Bukod sa BaseCommunity housing project, nauna nang inilunsad at sinimulan nang itayo ang Tondominium 1 & 2 at Binondominium. Layon ng mga nasabing proyektong pabahay na magkaroon ng sariling tahanan at maitaas ang kalidad ng pamumuhay ng mga mahihirap na isa sa mga pangarap ni Domagoso para sa mga Manilenyo. (GENE ADSUARA )

Notice to the Public

Posted on: December 24th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

We would like to inform the public that Ms. Weng Visagar is no longer connected with People’s Balita. Any advertising/legal notices transactions from her will no longer be valid.

Galatians 4:4

Posted on: December 24th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

When the fullness of time appeared, God sent his Son into the world.

HELPER PINAGSASAKSAK NG TAXI DRIVER

Posted on: December 24th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

KRITIKAL ang isang 38-anyos na helper matapos pagsasaksin ng taxi driver marakaang maghinala ito na ka-relasyon ng kanyang ka-live-in ang biktima nang  mahuli niya sa loob ng kanilang silid ang dalawa sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

 

Ginagamot sa Valenzuela Medical Center sanhi ng mga tinamong saksak sa katawan ang biktimang si Randy Dejac, ng No. 5 Goldendale St. Brgy. Tinajeros.

 

Naaresto naman ng mga nagrespondeng tauhan ng Northern Police District (NPD) Mobile Force Battalion ang suspek na si Hipolito Gelicame, 49 sa kanilang tirahan sa 143 Pangulo Road, Brgy. Panghulo at isinuko pa ang ginamit niyang patalim sa pananaksak sa biktima.

 

Sa report nina police investigators P/SSgt. Diego Ngippol at P/Cpl. Michael Oben kay Malabon police chief Col. Angela Rejano, pumapasada ang suspek ng minamanehong taksi nang maisipan nitong gumarahe muna dakong ala-1:35 ng madaling araw nang lingid sa kaalaman ng kanyang kinakasama.

 

Nakapasok sa loob ng kanilang bahay si Gelicame nang hindi namamalayan ng ka-live-in subalit nang pumasok siya sa kanilang silid, dito niya naabutan ang biktima at ang kinakasama.

 

Sa tindi ng galit at panibugho, kinuha ng suspek ang balisong na nakapatong sa kanilang refrigerator at sunod-sunod na inundayan ng saksak si Dejac habang nagtatakbo naman palabas ng bahay ang kanyang kinakasama upang humingi ng saklolo sa mga nagpa-patrulyang mga pulis.

 

I-prisinta ng mga pulis ang suspek sa piskalya ng lungsod ng Malabon para sa kakaharaping kasong frustrated homicide. (Richard Mesa)

StarStruck season 5 First Princess Diva Montelaba na-trauma nang ma-infect ng COVID-19

Posted on: December 24th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Kahit sa gitna ng COVID-19 pandemic, naglakas-loob ang host ng GMA infotainment show Ang Pinaka na si Rovilson Fernandez na bumiyahe sa US para makapiling ang kanyang pamilya ngayong Pasko.

 

Lumipad siya patungong San Jose, California last December 5 dahil naging tradisyon na raw ng kanilang pamilya na magkakasama silang lahat tuwing Pasko.

 

Kaya sa pag-travel ni Rovilson to the US, sinigurado niya na magiging safe siya sa mga airport na papasukan at lalabasan niya. Pinalakas nga raw ni Rovilson ang kanyang sarili, physically and mentally. Siniguro rin niya na matibay din ang resistensya ng katawan niya sa anumang sakit.

 

“Well, I’m taking more (natural) Vitamin C more than ever. Getting a lot of sun, like running outside.

 

“I also do lots of reading, caring for my plants, watching stand-up comedy, podcasts and zoom calls with family cause’ mental health is just as important as physical health.

 

Sa kanyang Facebook page, inamin ng TV host na lumaki silang magkakapatid na hindi masyadong close sa kanilang ama. Kaya wala raw silang masyadong alam tungkol sa buhay nito.

 

Dahil nagkaroon ng maraming time si Rovilson to bond with family, perfect moment daw ang pagkakataong ito to get to know his father.

 

Heto ang pinost niya sa Facebook last December 9:

 

“I’ll remember 2020 as the time I got to spend, hang, learn and just bond with my dad. We were never close, he was always the “strong, silent” type. A military man. I’m amazed at all his incredible stories of hardship, growth, sacrifice and pure luck; from scavenging for scraps of food as a child during the Japanese occupation of the Philippines and eluding soldiers, to supporting the family at a young age (grandfather died in the Bataan Death March) sending/paying for his sisters to attend college and running the household, to fighting the relentless North Vietnamese Army in the Mekong River Delta, to almost missing his wedding in Dagupan cause he was quarantined for days in Manila for Agent Orange exposure and had no way of calling my mom to let her know he was alive! (But he made it, just hours before the wedding. That’s another incredible story 😳) to the great American cliché of “arriving in America with just $10 in his pocket” (he had $10 but sleeping in the YMCA took $2 his first night). I swear my dad’s life is Forrest Gump. But replace shrimp boat captain with Electrical Engineer(in a fledgling town full of dreams and cherry orchards later to be known as “Silicon Valley”), replace ping pong champ with Chess champion and making an incredibly fortuitous windfall from @apple stocks. Just like Forrest Gump. And just like Forrest Gump, my dad has the biggest heart and is the most generous man I’ve ever known. So many people have gone to school/college because of my dad(and I don’t just mean his four spoiled sons). You know when you always say to yourself, “I swear my life is a movie,” well my dad’s life story is definitely my favorite adventure film. Oh, and next year he’ll be celebrating his 50th Wedding anniversary with my mom. They don’t make guys like him like they used to anymore(he still rolls his sleeves up like a Navy man). So ya, that’s my dad. What a bad ass. ❤️🎥 🍿🍎”

 

Maraming raw natutunan si Rovilson sa buhay ng kanyang ama na ngayon lang niya nalaman. Kaya thankful siya na nagkaroon ng chance para ma-appreciate ang mga naging sakrpisyo nito.

 

For 2021, wish ni Rovilson “to be more brave” and “for the Philippines to be the great country it is destined to be and its citizens to realize that.”

 

*****

 

Ramdam pa rin daw ni StarStruck season 5 First Princess Diva Montelaba ang trauma nang ma-infect siya with COVID-19 noong nakaraang September.

 

Sa pamamagitan ng kanyang YouTube vlog, inamin ng 29-year old Cebuana na na-diagnose siya with COVID-19. Hinala niya na nakuha niya ang virus sa pagpunta niya sa grocery store para mamili ng mga essential goods.

 

Tulad ng nakakarami, isa raw sa nilalabanan niya ay ang anxiety.

 

“The whole experience was very traumatic. It seems like any asymptomatic with strong personality such as myself can handle it very well but its really mental torture than physical.

 

“Having to fight my anxiety is an everyday struggle. I can’t sleep, can’t function well, it’s just horrifying.

 

“Even after the experience, it was so hard to go back to the normal routine.

 

“As I’ve said, trauma is still there and it’s hard to fight. With the help of family and friends, day by day, I try to overcome it and try to move on.

 

“My family has been very supportive. They’re the reasons why I got through it. If anything, they were more supportive than ever. I am very grateful.”

 

Kaya pinapayuhan at pinakikiusapan ni Diva ang maraming kabataan ngayon na mag-ingat sa sakit na COVID-19. Marami pa rin daw ang hindi sumusunod sa pagsuot ng face mask at face shield. Yung iba ay isinasawalang-bahala ang social distancing sa public places.

 

“This pandemic has to be taken seriously. Because it’s not all about you, it’s our family and friends that we need to think about especially their safety and wellness.”

 

Tulad ng marami, wish ni Diva ang pagbaba ng COVID-19 cases sa buong mundo at maging maganda ang pagpasok ng 2021 para sa lahat.

 

“May 2021 be a better year for everyone and for our COVID-19 cases to at least go down especially here in the Philippines. Stopping it is a bit hard as of the moment, so at least lessening down the cases would still be better.

 

“Maybe if the situation is already okay and we will be given the vaccine, I would love to travel again, spend more time with my family and friends and just explore life again but with the new norm and new lessons that we’ve learned during this pandemic.”

 

*****

 

Na-touch ang maraming netizens sa pa-throwback photo ng Hollywood actress na si Michelle Pfeiffer on Instagram bilang pag-celebrate niya ng pagiging isang mother.

 

Pinost ni Michelle ang photo niya habang hinahalikan ang kanyang adopted daughter na si Claudia Rose noong baby pa ito.

 

“#TBT. 1993. This little nugget started our family and rocked my world,” caption pa ng 62-year old actress.

 

Bago nakilala ni Michelle ang kanyang husband na si David E. Kelley, in the process na siya sa pag-ampon kay Claudia Rose. Nagkaroon din ng anak sina Michelle at David na si John Henry.

 

Ngayon ay 27-years old na si Claudia at 26 naman si John.

 

Proud si Michelle sa kanyang mga anak na ginabayan niya ang paglaki at pag-aaral ng mga ito kaya nagawa niyang iwan pansamantala ang acting for four years (2004-2007).

 

Ngayon at mga professionals na ang mga anak niya, nag-full blast ulit si Michelle sa kanyang acting career. Kasalukuyang ginagawa niya ang pelikulang French Exit at sisimulan niya next year ang Ant-Man and The Wasp: Quantumania for Marvel Studios. (RUEL MENDOZA)

Pagdanganan tabla sa ika-68, nakapagsubi pa rin ng P249K

Posted on: December 23rd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

HULI na ang pag-init ni Bianca Pagdanganan sa binirang two-under 69 para sa nine-over 297 na naglagak lang sa kanya kabuhol si American Angela Stanford sa 68th place na may tig-$5,189 (₱249K) prize sa pagtiklop ng 10th CME Group Tour Championship 2020 sa Tiburon Golf Club Gold course sa Naples, Florida na pinangunahan ni Ko Jin-young ang 1-2 finish ng South Korea nitong Linggo (Lunes sa Pilipinas).

 

Iyon ang pinakamagarang nilaro ng 23-anyos na bagitong professional golfer ng Pilipinas sa 72-player field, four-day event makaraan ang 73-79-76 dito, na nagtampok sa 66-270 ni Jin-young para sa five-stroke win sa kalahing si Kim Sei-young  (72) at kay Hannah Green ng Australia (67) na nagsosyo sa 275s.

 

Iniuwi ng 25-anyos, 5-6 ang taas at buhat sa Seoul na si Jin-young ang $1.1M (₱52.8M) champion purse habang may grasya naman sina Sei-young at Green na $209,555 (₱10M) bawat isa.

 

Ang torneo ang ika-18 yugto at nababa na rin sa telon ng 71st Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour 2020 ng Estados Unidos. (REC)

 

DTI, nanawagan sa publiko na huwag bumitiw sa pagsunod sa mga health protocols

Posted on: December 23rd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NANAWAGAN ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga Christmas shoppers na huwag bumitiw sa pagsunod sa mga health protocols para hindi na muling sumirit  ang bilang ng mga mahahawaan ng Covid-19.

 

Sa Laging Handa briefing sinabi ni DTI sec. Ramon Lopez, na kapag lalabas ng bahay ngayong holiday season ay dapat na laging magsuot ng face mask, face shield, sumunod sa physical distancing, maghugas ng kamay, mag-disinfect  at iwasan ang pagtungo sa matataong lugar.

 

Aniya, inilunsad ngayong holiday season ng kanilang ahensya ang staysafeph app na ang layunin ay magabayan at maipaalam agad sa publiko ang mga lugar na may Covid positive  o kayay may mga Na-exposed na mga indibiduwal.

 

Sa kabilang dako, hinikayat naman ng kalihim ang lahat ng private establishments pati na ang mga indiBidwal na pumapasok sa mga establisyimento na i-download ang StaySafePh sa mga cellphone, dahil Ito lamang aniya ang government owned at pinayagan ng IATF. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

John 3:16

Posted on: December 23rd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

God gave his only son.

Dagdag gastos sa Tokyo Olympics, pinaplantsa na

Posted on: December 23rd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Magpupulong ngayong araw ang organizing committee ng Tokyo Olympics 2021 para pag-usapan ang karagdagang gagastusin nila sa opening at closing ceremonies.

 

Plano kasi ng organizer na gumastos ng karagadang $33.7 million.

 

Nauna ng mayroong $82 million ang inilaan na budget sa opening ceremony subalit dahil sa coronavirus pandemic ay hindi ito ipinagpatuloy.

 

Magugunitang nagpatupad na ng 50 cost-cutting measures ang Inernational Olympic Committee at organizers gaya ng iniksian na lamang ang pamamalagi ng mga manlalaro sa athletes village para hindi na kumalat pa ang virus.

 

Gaganapin ang nasabing Olympics sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8, 2021.