• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 1st, 2021

National athletes komportable sa ‘Calambubble’

Posted on: February 1st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Komportable at walang anumang problema ang mga national teams ng boxing, taekwondo at karatedo sa loob ng ‘bubble’ sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

 

 

Dalawang linggo matapos pumasok sa ‘bubble’ training ay nasasanay na ang mga national boxers, taek­wondo jins at karatekas sa kanilang bagong kapaligiran.

 

 

“It’s great here po,” ani national karatedo team member Jamie Lim.

 

 

Nagsasanay ang nasabing tatlong national squads para sa mga lalahukang qualifying tournaments ng 2021 Olympic Games na gagawin sa Tokyo, Japan sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8.

 

 

Kasama ni Lim, ang 2019 Southeast Asian Games gold medalist, sa ‘Calambubble’ sina national karatekas Alwyn Batican, Ivan Agustin at Sharief Afif.

 

 

Nakatakdang sumabak ang national karatedo team sa Olympic qualifying tournament sa Paris, France sa Hunyo 11-13.

 

 

Kagaya ng mga karatekas ay wala ring reklamo ang mga national boxers at taekwondo jins sa kanilang ‘bubble’ training.

 

 

Tanging sina pole vaulter Ernest John Obiena, gymnast Carlos Edriel Yulo at boxers Eumir Felix Marcial at Irish Magno pa lamang ang mayroong Olympic berth.

Reunion movie nina JOHN LLOYD at BEA, matutuloy sa taong ito

Posted on: February 1st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

LAST Wednesday, January 27, sa isang virtual conference, ibinahagi ni Direk Olivia Lamasan, Managing director ng ABS-CBN Films, na tuloy na ang reunion movie nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.

 

 

“Right now, tuloy pa rin ang creative development under Carmi Raymundo,” ayon kay Direk Olive.

 

 

“Tuluy-tuloy na ito, at this time, it’s a collaboration between John Lloyd himself and Bea. So tuloy ang project na one of the few projects that we have.”

 

 

 

Ibig sabihin, magku-contribute sina John Lloyd at Bea ng kanilang creativity, since pareho na silang maraming experiences sa paggawa ng mga pelikula na pinagtambalan nila. Ayon pa kay Direk Olive, nag-mature na raw si John Lloyd as a person and as a creative person.

 

 

“With all the things being ironed out for the film, it’s something that excites us, it’s something that excites the writer Carmi Raymundo, likewise sa director na si Cathy Garcia Molina, so hinihintay ko na lamang mabasa ang script, dahil excited na kami sa project na ito.

 

 

Para sa naghihintay na mga fans nina John Lloyd at Bea, Direk Olive hinted the timeline of the movie: “We’re set to grind in the first quarter of this year.  Na-delay lang ng kaunti so now it’s going to happen this year!”

***

 

 

 

MAY kinatatakutan pala si Kapuso actress Heart Evangelista na mangyari sa buhay niya ngayon, na pinost niya sa kanyang social media.   Ito ay iyong mag-isa na lamang siya kapag dumating na ang kanyang oras na lisanin ang mundo.

 

 

“My husband, Sorsogon Governor Francis Escudero, ay laging sinasabing siya raw ang mauunang mawala sa mundo, kaya hindi ko maiwasang mag-isip ng ganoon,” pahayag ni Heart.

 

 

“My husband would always tell me to be strong.  He doesn’t baby me whatsoever because he would tell me he would go first – feel like crying everytime he says that.

 

 

      “I know I will one day die alone… it’s my biggest fear but I know by that time I will be happy with all the memories I have and I wil be stronger to face that one moment.

 

 

But I still believe, na totoo na may langit at hindi ako iiwan ng mahal kong alagang aso, si Panda, who promised me that she will be there waiting for me so I won’t be scared.”

 

 

Sa tanong kung si Gov. Chiz ba talaga ang lalaking para sa kanya?

 

 

“Yes, ipinaglaban niya ako.  He was kind, supportive, understanding, he loves me unconditionally, he’s my best friend.”

 

 

Sa February 14, Heart will turn 36 years old.  February 15, 2015 naman sila ikinasal ni then Senator Chiz Escudero sa Balesin Island, sa Polilio, Quezon.

 

 

Sa ngayon, napapanood si Heart sa replay ng My Korean Jagiya with Alexander Lee, gabi-gabi sa GMA-7 after Love of My Life.  Naghahanda na rin si Heart ng susunod niyang teleserye sa GMA Network, ang I Left My Heart in Sorsogon, na isu-shoot ang kabuuan sa Sorsogon in Bicol, the hometown of Gov. Chiz. (NORA V. CALDERON)

Sinovac COVID 19 vaccine, parating na sa bansa sa ikatlong linggo ng Pebrero – Malakanyang

Posted on: February 1st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PARATING na sa Pilipinas ang bakuna mula sa China na inaasahang tatapos sa COVID 19.

 

Tiniyak ni Presidential Spokesperson Harry Roque na sa Pebreroo 20 ang dating ng Sinovac sa bansa.

 

Sa susunod naman na buwan o sa Marso ay inaasahang maituturok ang bakuna na kung saan ay prayoridad na mabigyan ang mga medical health workers.

 

“Ang sa akin po, sinisikap natin na masimulan iyan nang Pebrero bagamat ang bulto ng mga naunang mga bakuna ay talagang siguro maituturok na iyan nang Marso.

 

Pero puwede naman tayong magsimula at inaasahan natin na mayroon tayong matatanggap galing doon sa tinatawag na COVAX facility – puwedeng Pfizer, puwedeng AstraZeneca, pero sigurado naman po na sa a-beinte (20) ng Pebrero darating po iyong Sinovac,” ayon kay Sec. Roque.

 

Kaugnay nito’y siniguro ni Sec. Roque na handa na din naman ang paglalagyang refrigerator ng mga bakunang paparating sa bansa.

 

Maliban sa RITM ay may mga pribadong sektor kagaya ng Zuellig aniya ang nakausap na ng gobyerno para duon iimbak ang mga COVID 19 vaccine.

 

Sa lahat ng bakuna na paparating ay ang Pfizer naman ang nangangailangan ng sub-zero temperature habang ang iba’y ordinaryong refrigerator lamang ay kakayanin na paglagakan ng vaccine.

 

” Tama po iyan. Pfizer lang naman po iyong sub-zero ang kinakailangan at lahat ng mga bakuna ay ordinary refrigeration lamang. So, handa po tayo diyan lalung-lalo na iyong AstraZeneca at saka iyong Sinovac. Pero pati naman po sa Pfizer dahil kakaunti naman po ang darating mayroon naman po tayong sapat, diyan po sa RITM at hindi lang po sa RITM mayroon din po tayo sa mga pribadong sektor kagaya ng Zuellig at saka iyong tinatawag nating ORCA,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Sekyu sugatan sa pamamaril sa Malabon

Posted on: February 1st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Malubhang nasugatan ang isang 27-anyos na security guard matapos barilin ng hindi kilalang suspek makaraang komprontahin nito ang biktima sa Malabon city.

 

 

Kasalukuyang inoobserbahan sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong tama ng bala sa kaliwang braso na tumagos sa katawan ang biktimang si Ronnie Fernandez, ng Blk 48, Lot 31 Phase 3 Pampano St. Brgy. Longos.

 

 

Sa imbestigasyon nina PMSg Julius Mabasa at PSSg Ernie Baroy, dakong 3:30 ng madaling araw, galing ang biktima sa kalapit na tindahan upang bumili ng sigarilyo at nang iparada niya ang kanyang motorsiklo sa basketball court ay nilapitan siya ng suspek saka sinabihan “May problema ka ba, ang angas mo ah”.

 

 

Hindi siya pinansin ng biktima na bumaba ng motorsiklo subalit, nang papunta na ito sa kanyang boarding house ay binaril siya ng suspek bago mabilis na tumakas sa hindi matukoy na direksyon.

 

 

Humingi naman ng tulong ang biktima sa kanyang mga kapitbahay saka inireport ang insidente sa Sub-Station 5 bago siya dinala sa naturang pagamutan.

 

 

Ipinag-utos na ni Malabon police chief Col. Angela Rejano sa kanyang mga tauhan ang follow up imbestigasyon sa posibleng pagkakilanlan at pagkakaaresto sa suspek. (Richard Mesa)

Malakayang, nilinaw na mga OFW lang ang hindi magbabayad ng hotel quarantine sa kanilang pagdating sa bansa

Posted on: February 1st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

BINIGYANG-linaw ng Malakanyag na ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) lamang ang mabibigyan ng libreng hotel quarantine sa harap ng bagong testing at quarantine protocol na ipinatutupad sa mga umuuwing Pinoy sa bansa.

 

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, bagamat ikakarga sa PHILHEALTH ang bayarin sa swab test ng mga magbabalik bayang OFWs ay hindi naman babalikatin ng pamahalaan ang hotel accomodation ng mga non- OFW.

 

Tanging ang mga OFWs lang aniya ang sasagutin ng gobyerno para makapag- quarantine ng limang araw sa hotel na may accreditation mula sa pamahalaan.

 

“Oo, sa mga OFWs dati na pong libre iyan ‘no— Opo, sagot po natin iyan dahil sagot naman po iyan ng PhilHealth din ‘no. So, wala naman po silang iintindihin,” aniya pa rin.

 

” Well, iyong quarantine hotel, talagang sila po ang magso-shoulder. Iyong swab test, kung mayroon naman po silang PhilHealth at kung sila po eligible doon sa expanded testing protocols natin ay pupuwede mapasagot din po iyan sa PhilHealth,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

 

Sa ilalim ng bagong panuntunan para sa mga umuuwing balikbayan, otomatikong diretso ang mga ito sa quarantine pagdating ng Pilipinas at pagdating ng ika – anim na araw ay sasalang na ito sa swab test.

 

Kapag nag- negatibo ay ieendorso sa LGU para sa tuloy tuloy na quarantine para makumpleto ang 14-day quarantine. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Ads February 1, 2021

Posted on: February 1st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

‘Sports Summit 2021 napapanahon upang pag-usapan ang hamon sa mga atleta’

Posted on: February 1st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Binuksan ngayon ang National Sports Summit 2021 na naglalayong makabalangkas ng mga polisiya para sa mga atletang Pinoy sa panahon ng pandemya.

 

 

Ang summit ay ginaganap anim na buwan bago naman ang Tokyo Olympics kung saan hanggang sa ngayon ay pangarap pa rin ng Pilipinas ang kahit isang gold medal sa Olimpiyada.

 

 

Kabilang sa nagbigay ng kani-kanilang mensahe para sa matagumapay na summit ay sina Pangulong Rodrigo Duterte, Senator Christopher Lawrence Go, chair ng Senate Committee on Youth and Sports, Rep. Yul Servo, chair ng House Committee on Youth and Sports at Department of Education Secretary Leonor Briones.

 

 

Sa kanyang mensahe, inamin ni PSC Chairman William “Butch” Ramirez ang malaking hamon na kinakaharap ngayon ng sports bunsod ng COVID pandemic.

 

 

Ang tinaguriang Sports Conversations ay serye ng weekly conference-type online sessions na hinohost ng (PSC).

 

 

Gagawin ito simula ngayong araw via Zoom at tatakbo hanggang Mayo ng taong ito.

 

 

“We know how much they value the role of sports in nation-building.” ani Ramirez. “We hope that they will inspire our participants to excel also and make a difference.”

Ilang opisyal ng DFA, positibo sa COVID-19

Posted on: February 1st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Sarado muna ang punong tanggapan ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang sa Martes, Pebrero 2, 2021, para sa pag-disinfect.

 

 

Ito ang naging anunsyo ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr., matapos na magpositibo sa COVID-19 ang ilan sa kanilang mga opisyal.

 

 

Agad namang nilinaw ni Locsin na negatibo na siya sa virus, subalit kailangan pa ring tapusin ang quarantine period, lalo’t may bagong variant na nade-detect lamang matapos ang ilang araw.

 

 

Hindi naman binanggit ng kalihim kung sino ang mga tinamaan ng virus sa kanilang opisina.

 

 

Simulan noong Biyernes ay kapansin-pansin na halos wala nang makikitang mga tauhan sa loob ng DFA building sa Pasay City. (Daris Jose)

SEN. MANNY, inalala ang mapanghamon na 26 years ng kanyang boxing career

Posted on: February 1st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MALAYO na nga ang narating ni MannyPacman Pacquiao o Emmanuel Dapidran Pacquiao sa tunay na buhay. 

 

 

Mula sa binatilyong nangarap na maging magaling na boksingero, natupad niya ito at higit pa!

 

 

Kaya naman bilang pag-alala sa 26 na taon ng kanyang pagiging professional boxer, proud na proud na ibinahagi ni Pacquiao ang kanyang mga narating sa larangan ng sports sa kanyang recent social media post.

 

 

(https://www.facebook.com/MannyPacquiao/videos/1311706672537110,

https://www.instagram.com/p/CKVWnccJq7t/)

 

 

Ayon kay Senator Pacquiao, 26 years. 62 wins. 39 KOs. 12 major world titles. I had to punch my way to victory every time. Before that, I had to train. More days than that, bugbog ako…

 

 

Hindi lingid sa kaalaman ng marami ang kuwento ng makulay na buhay ni Pacquiao.

 

 

Ilang beses na rin itong naging paksa sa kanyang mga interviews kung saan ikinukuwento niya ang hirap ng kanilang buhay habang lumalaki at nagkakaisip siya sa General Santos City.

 

 

Unang nagpakita ng interes sa boxing si Pacquiao dahil sa sa premyong nagkakahalaga ng P50.00. Nang mga panahong iyon, ang kilo ng bigas ay nasa P6.00. Naging motivation ito ni Pacquiao dahil nais niyang makatulong sa gastusin ng kanilang pamilya.

 

 

Isang tiyuhin ang nagpaliwanag sa batang Pacquiao kung ano ang boxing.

 

 

“Wala talaga akong alam sa boxing. ‘Yung uncle ko ang nagsabi sa akin na boxing ‘yun na may world champion, may Philippine champion…

 

 

“Pinapanood namin ‘yung laban ni Mike Tyson noong araw. Sabi sa akin, ‘Ano kaya maging ganyan ka, may belt ka rin, makilala ka. Mag-champion ka sa buong mundo.’”

 

 

Bagay na nagkatotoo na nga! Kahit Hollywood stars at sikat na athletes napabilib niya. Ang kanyang tagumpay ay nagbigay ng hindi matatawarang karangalan sa bansa.    Banggitin mo lang ang katagang “PacMan” sa sino mang banyagang kausap mo at awtomatikong kasunod na pag-uusapan ay ang Pilipinas.

 

 

Hindi biro ang haba ng taon na tinakbo ng karera ni Pacquiao. Mas lalong hindi biro ang hirap ng training at sakit ng katawan niya sa tuwing tutungtong siya sa loob ng boxing ring.

 

 

Pero paano ba niya nagawa at patuloy na ginagawa ang lahat ng ito?

 

 

Isang tanong na sinagot din Pacquiao sa kanyang post.

 

 

“My secret is speed – in my punches and pain recovery. Most of all, it’s my family and friends, my fans, my coach and team, and my partner Ibuprofen + Paracetamol (Alaxan FR), kasama ko sa laban since 1995,” sagot niya.

 

 

Nakatutuwang isipin na hindi nakalilimutan ni Pacquiao ang mga tumulong sa kanya sa simula pa lang ng kanyang karera.

 

 

Ang Alaxan FR ay isang pain reliever na gawa ng Unilab, Inc. (Unilab). Ito ay kombinasyon ng Ibuprofen at Paracetamol na panlaban sa sakit ng katawan – bagay na alam na alam ni Pacquiao at patuloy niyang nilalabanan.

 

 

Kaya sobrang relatable ang katagang #LabanLang na kasama sa post ni Pacquiao. Bukod sa ito ang tagline ng nasabing gamot, ito rin ang kanyang mantra sa kanyang mga pinagdaanan. Si Pacman ay animo isang mandirigma na marami nang naaning tagumpay sa mga hamon ng buhay.

 

 

Speaking of hamon, wala pa ring opisyal na anunsiyo tungkol sa pinag-uusapang laban ni Pacquiao kay Conor McGregor ngunit marami na ang nag-aabang nito.

 

 

Huling laban ni Pacquaio ay noong Hulyo 2020 kay Keith Thurman kung saan naiuwi niya ang WBA welterweight crown.

 

 

Nito namang Enero 25 ay may lumabas na balita sa CNN Philippines tungkol sa possible fight niya laban sa Amerikanong boksingero na si Ryan Garcia na nag-post sa kanyang social media account.

 

 

Ang kampo naman ni Sen. Pacquiao ay nagsabi na kasalukuyang abala at nakatuon ito sa pagtulong sa mga Pilipino upang makabangon mula sa pandemya.

 

 

Samantala, tuloy man o hindi ang inaabangang match, isa lang ang sigurado, tuloy ang laban sa buhay ni Pacquiao, para sa sarili, para sa pamilya, at para sa Pilipinas. (ROHN ROMULO)

Garcia namumuro na kay Pacquiao?

Posted on: February 1st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Maugong ang pangalan ni World Boxing Council (WBC) interim lightweight champion Ryan Garcia sa posibleng makalaban ni eight-division world champion Manny Pacquiao.

 

 

Mismong ang tatay ni Garcia na si Henry ang nagkumpirma na gumugulong na ang negosasyon para sa laban na inaasahan nitong maikakasa anumang araw ngayong linggo.

 

 

“It’s not bizarre, it’s just two people who want to fight each other; Ryan’s fighting a legend and Pacquiao’s fighting a rising star, so it’s not awkward at all,” ani Henry sa Sky Sports.

 

 

Ikinuwento pa ni Henry na isang 10-round boxing match lamang ang nakapaloob sa kasunduan.

 

 

Hindi rin itataya sa natu­rang laban ang World Bo­xing Association (WBA) welterweight title ni Pacquiao.

 

 

Kaya naman tila nabig­yang linaw ang nauna nang pahayag ni Pacquiao na posibleng matuloy ang laban nito sa 22-anyos boxer ngunit magsisilbi lamang itong exhibition match.

 

 

“Nandyan din si (Ryan) Garcia pero parang exhibition lang yan, 22 years old pa lang parang anak ko na yan. Pero ok lang yan parang ako ang professor (niya),” ani Pacquiao sa naunang ulat ng PSN.

 

 

Naghihintay na lamang ng go signal ang kampo ni Garcia kung matutuloy ito o hindi.

 

 

“What I do know is both fighters want to fight each other and it’s going to be for real – it’s going to be a real fight,” ani Henry.

 

 

Sa kabilang banda, umaasa pa rin si Ultimate Fghting Championship superstar Conor McGregor na matutuloy ang laban nito kay Pacquiao.

 

 

Halos kasado na ang Pacquiao-McGregor fight na napaulat na gaganapin sana sa Abril 23 sa Dubai, United Arab Emirates.

 

 

Subalit naging matamlay ang usapan matapos matalo si McGregor kay Dustin Poirier via second-round knockout sa Abu Dhabi.