• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 24th, 2021

Sa pinakikita nina DEREK at ELLEN, mukhang may ‘something’ na talaga kahit maraming against

Posted on: February 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MUKHANG may ‘something’ na talaga between Derek Ramsay at Ellen Adarna. 

 

 

Ito na ang nakikita at halos pinaniniwalaan ng mga netizens.

 

 

Hindi masisisi nina Derek at Ellen ang netizens kahit pa “The Unbothered” ang tag sa kanila dahil sa mga ipino-post din naman nilang larawan na napaka-cozy sa isa’t-isa. Nandiyang tila nakayakap si Derek kay Ellen hanggang sa pagdya-jumping rope ng sabay.

 

 

Nasundan pa ito ng mga post ng kaibigan nila na ewan kung nabigla lang ba sa pagpu-post o sinadya talaga para ipaalam na sila na.

 

 

May pa-“So happy for both of you” na post at tila pambubuking na, “Galing… in-love ang bff ko @ramsayderek07 kay @maria.elena.adarna pero talo sa jumping rope.”

 

 

Yun nga lang, kung ang mga kaibigan nila, tila botong-boto naman sa dalawa. “Perfect match” nga raw, base sa post pa rin, sa mga netizens, mas maraming against.

 

 

Nandiyang kesyo papansin daw ang dalawa. May mga humuhula naman na hanggang 3 months lang ang mga ito then, break na.

 

 

May mga comments din na, “Ganyang-ganyan din nagsimula sina Ellen at JLC. Beach outing.”

 

 

Meron din naman na nagsasabing wala namang masama kung sila nga. Pareho naman silang single at may anak. If hindi man mag- work, at least, they tried.”

 

 

***

 

 

HINDI sa Pilipinas gustong maging artista ng panganay na anak nina Tanya Garcia at Mark Lapid na si Mischa Lapid, sa South Korea.

 

 

Fan din ito ng mga grupong BTS at Blackpink. Kaya ito agad ang sagot ni Tanya nang matanong namin kung may gustong sumunod sa yapak niya sa mga anak.

 

 

     “Naku, yung anak ko, gustong maging K-pop Idol. Yun ang gusto niya, gusto niyang mag-training sa Korea.

 

 

     “Eh, parang yun yata ang hindi ko kaya, yung mahihiwalay siya sa akin. Eh, ilang years ang training ‘di ba? At hindi naman dito yun, sa ibang bansa.”

 

 

     Pero kung talagang gustong-gusto raw at yun ang pangarap, lalo na ng panganay nilang anak na si Mischa, isa lang daw ang request niya.

 

 

     “Kung talagang papasukin niya ang pag-aartista, isa lang ang hiling ko, tapusin niya muna ang pag-aaral. Kasi, ako, hindi ko natapos ang pag-aaral ko.      “Although nakapag-college ako, pero hindi ko natapos. So, yun lang naman ang hinihingi ko, makapagtapos sila ng pag-college.”

 

 

Kung ano man daw ang naranasan niyang hirap sa pagiging isang artista na ayaw niyang maranasan ng anak, kahit konting hirap daw, gusto rin niyang makaranas ang mga ito.

 

 

     “Siyempre, as much as we want to give them the best, maganda rin yung kahit konting hirap lang na ma-experience nila para mas ma-enjoy nila yung success.

 

 

“Like ako, nag-audition ako for ‘Sana Ay Ikaw Na Nga’ at pati sa ‘Ang TV’, may mga ganun ako noon. So, sana sila rin. Hindi lahat, ibibigay na lang in a silver platter.”

 

 

Sa isang banda, magsisilbing comeback nga ni Tanya ang Babawiin Ko Ang Lahat as ang actress at bilang isang Kapuso.

 

 

Originally, maikli lang daw ang role niya pero dahil sa pandemic at hindi na sila natuloy na pumunta sa ibang bansa, pumayag na rin siya na tuloy-tuloy na siya sa buong serye na nagsisimula na noong Lunes sa GMA Afternoon Prime.

 

 

“Alam niyo, ang laking bagay na sila yung nakasama ko sa lock-in taping like sina Carmina Villarroel, John Estrada, yung mga bagets. Mas naging magaan yung lock-in, yung work. And sana kung may next man, sana sila pa rin yung kasama,” natawang sabi niya.

 

 

***

 

 

PUMAPATOL din daw si Mayor Vico Sotto sa bashers.

 

 

     “Minsan,” pag-amin niya.

 

 

“Pero dapat, hindi ka masyadong maapektuhan. Pero sa isang banda, naniniwala ako as a public servant, tinitingnan ko rin yung feedback.”

 

 

Nagpaunlak ito sa You Tube channel ni Alex Gonzaga at sumagot naman sa mga tanong sa kanya. Gaya ng lovelife na hindi raw niya priority ngayon.

 

 

“Well, sa ngayon hindi naman priority yan. Lalo na noong mag-pandemic, talagang wala pang time. Focused munan tayo sa trabaho.”

 

 

     “Supportive naman sila sa akin. Kahit medyo natakot sila para sa akin, supportive naman sila. Suwerte ako na yung parents ko, very down-to-earth din.”

 

 

     Alam na ang mga magulang nito ay sina Coney Reyes at Vic Sotto. (ROSE GARCIA)

Jesus; Matthew 6:25

Posted on: February 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Do not worry about your life.

Standing ng Pilipinas sa buong mundo ukol sa usapin ng case fatality rate dahil sa COVID-19, tumaas

Posted on: February 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TUMAAS ang standing ng Pilipinas sa ranking ng World Health Organization at Johns Hopkins kung pag- uusapan ay case fatality rate.

 

Sa isinagawang presentasyon ni Presidential spokesperson Harry Roque ay makikitang umangat sa 2.2 ang case fatality ng bansa.

 

Ani Sec. Roque, mula 67 ay nasa 60 na ngayon ang puwesto ng Pilipinas kung bilang ng mga namamatay sa bansa dahil sa COVID ang pinag- uusapan.

 

Bumaba naman aniya ang puwesto ng Pilipinas kung ang pag- uusapan ay pinakamaraming bilang ng kaso ng corona virus sa buong mundo.

 

Mula sa 41 ay nasa number 45 spot aniya ngayon ang Pilipinas.

 

“Sa COVID update naman po tayo, ito ang world rankings by country ayon sa World Health Organization at Johns Hopkins as of February 22, 2021: Total cases na 561,169, Number 31 pa rin po ang Pilipinas sa mundo. Sa active cases na 26,238, Number 45 po ang Pilipinas sa buong mundo – bumaba po tayo from Number 41, Number 45 na po tayo.

 

SA COVID cases naman per one million population, mayroon po tayong 510.39, Number 135 po tayo – hindi po gumalaw. Pero sa case fatality rate po ‘no, medyo tumaas po ang ating case fatality rate, naging 2.2 at naging Number 60 tayo from Number 67,” ang pahayag ni Sec. Roque.

Japanese tennis star Osaka umangat ang WTA ranking

Posted on: February 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Umangat ang WTA ranking ni Japanese tennis star Naomi Osaka matapos ang pag-kampeon nito sa Australian Open.

 

 

Mula sa dating pangatlong puwesto ay nasa pangalawang puwesto na ito isang araw matapos na makuha ang ikaapat na Grand Slam title.

 

 

Nahigitan ng 23-anyos na si Osaka si Simona Halep na nasa ikatlong puwesto.

 

 

Nanguna naman sa ranking si Ashleigh Barty ng Australia habang nasa pang-apat na puwesto si Sofia Kenin ng US at pang-lima si Elina Svitolina ng Ukraine.

 

 

Nasa pang-anim na puwesto si Karolina Pliskova ng Czech Republic at pang-pitong puwesto naman si US tennis star Serena Williams.

DOH nakaalerto sa bird flu na naililipat sa tao

Posted on: February 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nakaalerto ngayon ang Department of Health (DOH) kasama ang Bureau of Qua­rantine (BOQ) at Department of Agriculture (DA) sa bagong uri ng H5N8 avian flu na naiulat na naipapasa sa tao.

 

 

Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na kabilang sa mga sintomas ng sakit ay lagnat, ubo, pananakit ng lalamunan, pananakit o pamamanhid ng kalamnan, gayundin ang pagduduwal, pananakit ng tiyan, pagtatae at pagsusuka, sa ilang kaso.

 

 

Unang ipinaalam ng Russia sa World Health Organization (WHO) ang transmisyon ng naturang strain sa tao.

 

 

Ito ay makaraan na natukoy sa pitong manggagawa sa isang poultry farm sa southern Russia ngunit wala naman silang naranasang anumang seryosong epekto sa kanilang kalusugan.

 

 

Dahil dito, maigting na bi­nabantayan ng BOQ ang mga border ng bansa habang hinigpitan na rin ng DA ang surveillance sa mga manok na pumapasok sa bansa.

Zack Snyder’s ‘Army of The Dead’ Unveils Poster Ahead of Trailer, Set May 21st Release at Netflix

Posted on: February 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

WORLDWIDE fans of SNYDER were given a special treat last week with the release of the full trailer for Zack Snyder’s Justice League.

 

 

It featured Jared Leto’s Joker, giving life to the “We live in a society…” meme.

 

 

Now, the director drops more details for his other upcoming film, Army of The Dead, including its official poster, its release date, and an upcoming teaser trailer.

 

 

Snyder dropped the poster on social media, which depicted a bloodied safe and the dead trying to come out from the other side. “Survivors take all. #ArmyOfTheDead on Netflix May 21. Teaser this Thursday,” the director stated in the caption.

 

 

Written by Snyder, Shay Hatten, and Joby Harold and based on an original story by Snyder, Army of the Dead combines the zombie apocalypse genre with the heist genre.

 

 

The story revolves around a group of mercenaries who decide to risk their lives by venturing into the quarantined city of Las Vegas – the site of a zombie outbreak – to pull off the greatest heist ever attempted.

 

 

The ensemble cast features Dave BautistaElla PurnellOmari HardwickAna De La RegueraTheo RossiMatthias SchweighöferNora ArnezederHiroyuki Sanada, and Garret Dillahunt.

 

 

The film also stars Raúl CastilloHuma QuereshiSamantha WinRichard Cetrone, and Michael Cassidy.

 

 

A spin-off anime series titled Army of The Dead: Lost Vegas is also in the works.

 

 

Army of the Dead returns Snyder to the zombie genre for the first time since his feature directorial debut, the well-received Dawn of the Dead remake written by James Gunn. After that film, Snyder solidified himself as a gifted visual stylist with films like the aforementioned 300 and Sucker Punch.

 

 

Of course, he was tasked with building out a connected DCEU with Man of Steel and Batman v Superman: Dawn of Justice.

 

 

Snyder recently completed putting the finishing touches on his cut of Justice League after Warner Bros. gave him a budget to shoot a new scene and add additional VFX following his exit from the film early in post-production. “The Snyder Cut” of Justice League will premiere on HBO Max on March 18th.

 

 

Meanwhile, in Army of the Dead finds Snyder working as his own cinematographer for the first time, which adds a unique angle of interest for the Netflix original. (ROHN ROMULO)

Bumubuo ng ‘Prima Donnas’, binigyan ng commendation ng GMA Network dahil sa successful and record-breaking run

Posted on: February 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MATULOY na kaya sa middle of March ang lock-in shoot ng first team-up nina Bea Alonzo at Alden Richards, na ipu-produce ng Viva Films at GMA Network? 

 

 

     Matagal nang pinag-usapan ang shoot ng A Moment To Remember na based sa Japanese movie at Korean drama, ready na rin pareho sina Bea at Alden na magtrabaho, dahil after ng shooting ng movie ay may kani-kaniya na ring naghihintay sa kanila na projects na gagawin, after ng shooting nila.

 

 

Naghihintay na rin ang GMA Network para sa sa susunod na teleserye ni Alden na dapat ay masimulan na nila ang taping by April, dahil may schedule na rin ito ng airing.

 

 

At si John Lloyd Cruz ay naghihintay na rin kay Bea na matapos ang project nila ni Alden para masimulan ang balik-tambalan nilang movie sa Star Cinema.

 

 

***

 

 

BINIGYAN ng commendation ni GMA Network, Inc. Chairman and CEO Atty. Felipe L. Gozon ang buong cast, creative team, at production crew ng katatapos na top-rated afternoon drama, Prima Donnas, dahil sa successful, record-breaking run ng serye.

 

 

Nagsimulang mapanood muli ang serye noong August 19, 2019 hanggang February 19, 2021, at madalas na tumanggap ang show ng mataas na rating among the Philippine afternoon TV ratings, at noong February 11, nakakuha ito ng record-high na 14.2% rating.

 

 

Kahit noong nasa height ng pandemic, patuloy na napanood ang serye at nang payagan na ng IATF na pwede nang mag-taping ang mga TV shows, isa ang Prima Donnas sa mga unang pinayagan ng lock-in taping, at pagkatapos ng two safe lock-in tapings, zero COVID-19 ang kanilang mga artista, staff at crew.

 

 

Part ng commendation ni Atty. Gozon: “The GMA Management recognizes your hard work and passion for excellence, overcoming production difficulties set before you during this time of the pandemic, to ensure that ‘Prima Donnas’ consistently embodies the Kapuso’s mission and commitment of providing only the best entertainment programs for the Filipino views worldwide and across media platforms.

 

 

     “On behalf of GMA Network, Inc, please accept my heartfelt congratulations to all of you for a job well done and for constantly bringing pride to our country. You are truly our best assets. Mabuhay kayo, mga Kapuso!”

 

 

***

 

 

SA pagtatapos ng Prima Donnas, magkakaroon ito ng book 2 at pinaghahandaan na ito ng creative team.       Ito kasi ang request ng maraming netizens and viewers ng serye, kaya bitin ang ending.  Tanong nila ano ang nangyari kay Kendra (Aiko Melendez) na matapos sabihin ng doctor na comatose siya at hindi alam kung kailan magigising, pero sa teaser bigla siyang nagising.

 

 

Paano na rin daw si Ruben (James Blanco), basta na lamang ba siya iniwan ni Lilian (Katrina Halili) at sumama na kay Jaime (Wendell Ramos)?

 

 

Kaya sa book 2, tiyak na makakasama na muli nina Mayi at Ella si Lenlen (Sofia Pablo) dahil sa April 10, she will turn 15 years old na.  Binawalan kasi si Sofia as per IATF directive, na magtrabaho dahil 14 years old pa lamang siya noon. (NORA V. CALDERON)

Kapalaran ng Pacquiao-Crawford bout malalaman ngayong linggo – Arum

Posted on: February 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Malalaman umano ngayong linggo kung matutuloy ba o hindi ang nilulutong bakbakan sa pagitan nina Sen. Manny Pacquiao at Terence Crawford.

 

 

Ayon kay Top Rank Promotions CEO Bob Arum, mayroon daw investor na handang maglabas ng pera para sagutin ang napakamahal na site fee matuloy lamang ang nasabing megafight.

 

 

“Somebody is willing to spend big money to get the Crawford-Pacquiao fight and the site fee, that then distorts everything,” wika ni Arum.

 

 

Kung maaalala, nasa pangangalaga ni Arum si Pacquiao bago ito kumalas sa Top Rank noong 2017.

 

 

Una rito, humingi ang Fighting Senator ng $40-million para sa laban nito kay Crawford.

 

 

Maliban kay Crawford, inihayag pa ni Arum na ilan pa sa posibleng makaharap ni Pacquiao ay sina unified welterweight champion Errol Spence at si Mikey Garcia.

PDu30, walang sinisisi sa pagkaantala ng pagdating sa bansa ng mga bakuna laban sa Covid 19

Posted on: February 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

WALANG sinisisi kahit na sinuman si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkaantala ng pagdating sa bansa ng COVID-19 vaccines.

 

Naniniwala kasi ang Pangulo na ang pagpapadala sa bansa ng mga bakuna ay responsibilidad ng manufacturers.

 

Ang pahayag na ito ni Cabinet Secretary Karlo Nograles ay tugon sa tanong kung may dapat bang panagutin ang Pangulo sa pagkakaantala ng pagdating Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccines mula COVAX at Sinovac COVID-19 vaccines na dapat sana’y dumating noong Pebrero 15 at ngayong araw, Pebrero 23.

 

“Alam mo, si Pangulo, he understands that we are at the receiving end of these vaccines. As much as we want to…as practicable as possible…ginagawa  naman po natin ang lahat ng kinakailangan based on requirements,” ang pahayag ni CabSec. Nograles

 

“But at the end of the day, it is the vaccine manufacturers’ obligation, responsibility to ship it to us at a time that was promised,” dagdag na pahayag nito.

 

Ang mga petsa kung saan ay inaasahan ang pagdating ng Pfizer-BioNTech at Sinovac vaccines ay una nang inanunsyo nina presidential spokesperson Harry Roque at vaccine czar Carlito Galvez Jr.

 

Ang Philippine Food and Drug Administration (FDA) ay nagbigay na ng emergency use authorization sa Pfizer-BioNTech noong Enero 14 subalit sinabi ni Galvez sa Senate hearing a naibigay ang EUA noong Pebrero 11 at ang kawalan ng indemnification law sa bansa ang dahilan kung bakit naantala ang pagdating ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccines  sa bansa. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Pilipinas, hindi lumagda ng indemnification deal para sa COVID-19 vaccine na Sinovac

Posted on: February 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

HINDI lumagda ang Pilipinas ng indemnification deal para sa COVID-19 vaccine sa Beijing-based Sinovac Biotech.

 

Ang indemnification agreement ay magsisilbing kalasag ng vaccine makers mula sa legal claims na magmumula sa kanilang emergency use.

 

At sa tanong kung ang mga awtoridad ay lumagda sa nasabing kasunduan sa Sinovac, ay mabilis na “No” ang sagot ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

Aniya, ang Kongreso ay nakatakdang magpasa ng batas na magbibigay ng indemnity o bayad-pinsala sa mga vaccine makers at magpupundar ng pondo para bayaran ang “claims for damages” sa oras na makaroon ng adverse effects mula sa pagbabakuna.

 

“The law is applicable to all vaccines,” ang pahayag ni Sec. Roque.

 

Aabot sa 600,000 doses ng bakuna laban sa COVID-19 na gawa ng Sinovac Biotech ng China ang darating sa bansa ngayong linggo.

 

Ayon pa kay Sec. Roque, 100,000 doses ang donasyon ng gobyerno ng China sa Department of National Defense (DND) habang ang 500,000 doses naman ay ilalaan para sa medical frontliners.

 

Lumagda naman ang Pilipinas ng indemnity deal para makakuha ng COVID-19 vaccines mula sa US pharmaceutical giant Pfizer at United Kingdom’s AstraZeneca sa ilalim ng COVAX Facility.

 

Samantala, pinabulaanan ng Malakanyang na tanging Pilipinas lang ang bansa na hinihingan ng mga vaccine manufacturers ng indemnification agreement.

 

Ani Sec. Roque, walang katotohanan ang naturang impormasyon at nakasaad aniya sa COVAX Facility na sadyang kailangang magkaroon ng kasunduan sa panig ng COVAX, mga gumagawa ng mga bakuna, at ng mga bibigyan ng COVAX na talagang kinakailangang magkaroon ng indemnity agreement.

 

Ito ang pagbibigay ng danyos na babalikatin ng gobyerno at hindi ng manufacturer sakalit makitaan ng side effect ang isang nabakunahan.

 

Ganunpaman, inamin ni Roque na mas maingat ang mga manufacturers pagdating sa Pilipinas dahil sa naging kontrobersya tungkol sa Dengvaxia na bagama’t nabigyan ng General Use Authorization ay naharap ang Sanofi sa mga iba’t ibang mga kaso na kumalat sa mga drug manufacturers sa buong mundo.

 

Hindi naman nila maaalis sa mga multinational pharmaceutical companies na gumagawa ng bakuna na maging mas maingat pagdating sa Pilipinas. (Daris Jose)