• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 6th, 2021

Pfizer vaccines darating sa Abril

Posted on: March 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Inaasahan na darating sa bansa ang inisyal na suplay ng bakuna buhat sa Pfizer-BioNTech na nasa ilalim ng COVAX Facility.

 

 

“Ang tingin po namin baka April na po ‘yung Pfizer kasi alam po natin na napakalaki ng demand ng Pfizer,” ayon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr.

 

 

Nasa 117,000 doses ng Pfizer ang darating sa pamamagitan ng COVAX Facility ng WHO at GAVI alliance na tumitiyak na lahat ng bansa ay mabibigyan ng bakuna.

 

 

Tiniyak naman umano kay Pangulong Rodrigo Duterte ng World Health Organization (WHO) na mabibigyan ang Pilipinas ng suplay sa kabila ng kakapusan at agawan sa bakuna ng mga bansa sa mundo. Inisyal na naka-iskedyul ang delivery nito noong Pebrero ngunit naantala.

 

 

Sa liham ng WHO sa Pangulo, makararating ang mga bakuna basta pipirma ang Pilipinas sa ‘indemnification agreement’.  Nais kasi ng mga manufacturer na walang sasagutin sakaling magkaroon ng seryosong side effects ang isang matuturukan ng kanilang bakuna at sasagutin ng host na bansa.

 

 

Nagpaalala naman si WHO country representative Dr. Rabindra Abeyasinghe sa Pilipinas na maaaring hindi matuloy ang pagpapadala ng donasyong bakuna kung hindi masusunod ang ‘prioritization list” kung saan mauunang bakunahan ang mga healthcare workers, kasunod ang mga senior citizens, at mga taong may ‘comorbidities’.

PRRD, pinasinayaan ang mga gusali ng paaralan na may 140 silid-aralan sa Bulacan

Posted on: March 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS– Pinasinayaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pitong gusaling pampaaralan na may 140 silid-aralan sa dalawang bayan sa Bulacan ngayong araw.

 

 

Personal na dinaluhan ng Pangulo ang inagurasyon ng dalawang yunit ng apat na palapag na may 24 silid-aralan at isang yunit ng apat na palapag na may 12 silid-aralan na bagong gusaling pamparaalan sa Gregorio Del Pilar High School sa Sta. Ana, Bulakan, Bulacan; habang birtwal na pinangunahan sa pamamagitan ng livestreaming ang paghahawi ng pananda ng apat na yunit ng apat na palapag na may 20 silid-aralan na gusaling pampaaralan sa Virginia Ramirez-Cruz High School sa Siling Bata, Pandi, Bulacan.

 

 

Siniguro ni Duterte sa mga Bulakenyo na ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng kanilang makakaya upang mapabilis ang COVID-19 Vaccination Program at masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral bago ang pagbabalik ng harapang klase.

 

 

“I truly appreciate the patience and understanding of the learners, the parents and teachers in your locality. We are hopeful that these newly-built classrooms will provide a more conducive learning environment even as we cope with the new normal,” anang Pangulo.

 

 

Sa kanyang bahagi, pinasalamatan ni Gobernador Daniel R. Fernando si Pangulong Duterte para sa kanyang mapanagutang liderato na naging gabay ng mga lokal na opisyal sa paglaban sa pandemya at sa mga suliranin na kaakibat nito.

 

 

“Ang mahalagang araw na ito ng pagbubukas ng minamahal nating paaralan ay may hatid na mensahe ng pag-asa para sa ating lahat. Ito ay patunay na narito ang ating pamahalaan, handang manguna at makaagapay natin,” anang gobernador.

 

 

Sinamahan si Duterte ng kanyang common-law partner na si Cielito “Honeylet” Avancena, Senador Christopher Lawrence “Bong” Go, Kalihim ng Department of Public Works and Highways Mark Villar, Department of Education-Central Luzon Regional Director May Eclar, Public School District Supervisor Teresita Alquiza, at iba pang lokal na opisyal ng Bulacan. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Mikey Garcia inaayos na ang laban kay Pacquiao

Posted on: March 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Ibinahagi ni American boxer Mikey Garcia na inaayos na nila ang laban niya kay Manny Pacquiao.

 

 

Sinabi nito na sa mga susunod na mga araw ay malalaman ang ilang detalye ng laban kung saan ito gaganapin.

 

 

Target kasi nila na isagawa ang laban hanggang sa buwan ng Mayo.

 

 

Dagdag pa nito na mula pa noong nakaraang taon ay patuloy ang ginagawang negosasyon para sa nasabing laban.

 

 

Nasasabik na rin ito sa pagharap niya sa fighting senator.

 

 

Huling lumaban ang 33-anyos na boksingero noong Pebrero 2020 ng talunin sa pamamagitan ng unanimous decision si Jessie Vargas.

LUNGSOD NG ANTIPOLO, UNANG LGU SA LABAS NG NCR NA NAGLUNSAD NG COVID-19 VACCINATION

Posted on: March 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments
Inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo ang programa nito sa pagbabakuna laban sa COVID-19 kasabay ng seremonya ng pagbabakuna ng DOH para sa roll-out ng COVID-19 vaccine sa lalawigan nitong Marso 4, 2021 na ginanap sa Antipolo City Hospital System-Annex 4.
Tumanggap ng 300 doses ng CoronaVac vaccine ang Antipolo – ang unang vaccine na dumating sa bansa. Mga hospital chiefs at health workers mula sa 4 na pampublikong ospital ng lungsod ang unang tumanggap ng vaccine, na hudyat upang maging unang LGU ang Antipolo sa labas ng Metro Manila na nagsagawa ng kanilang COVID-19 vaccination program.
Si dating governor at mayor Dr. Jun Ynares ang nagbigay ng unang bakuna kay city health officer Dr. Lat. Tinunghayan ang makasaysayang araw nina NTF Implementer at Testing Czar Vince Dizon, MMDA General Manager Jojo Garcia, DILG ASec Felix, DOH ASec Laxamana at RD Janairo.
Magpapatuloy ang pagbabakuna sa lalawigan ng Rizal ayon sa listahan ng mga prayoridad ng DOH.

Pinay skater Margielyn Didal tinanghal bilang Women’s Asia Skater of the Year

Posted on: March 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Tinanghal bilang Women’s Asia Skater of the Year si Margielyn Didal.

 

 

Tinalo ng 21-anyos na Tokyo Olympic hopefuls ang pitong iba kung saan naibulsa niya ang $1,500 na premyo.

 

 

Kabilang din na nominado sa award ang isang Pinay skater na si Cindy Lou Serna.

 

 

Nakuha rin ni Didal ang Style for Miles at Fastest Feest na nagdagdag ng $300 na premyo.

 

 

Nabigo naman ang mga Filipino skaters na sin Mark Feliciano, Daryl Dominguez at Daniel Ledermann na makuha ang Men’s Asia Skater of the Year dahil tinanghal si Auto Horigome ng Japan.

SOLENN, sincere na nag-apologize matapos ma-bash; hindi intensyon na maka-offend

Posted on: March 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAG-APOLOGIZE na si Solenn Heussaff matapos na ma-bash ng netizens dahil sa ipinost niyang photo sa social media para i-promote ang kanyang art exhibit na may titulong ‘Kundiman’.

 

 

Deleted na ang naturang IG post ng Kapuso actress/host na kung saan nakaupo siya sa wooden chair at nasa ilalim nito ang kanyang ginawang bonggang rug at ang backdrop niya ang isang magandang acrylic painting na tungkol sa nature.

 

 

Nasa likod naman ng photo shoot ang lumang bahay at sari-sari store, na bagay na inalman ng netizens dahil ginagamit daw ng aktres ang kahirapan ng ating mga kababayan.

 

 

Caption niya, “Happy to share that after almost 3 years in the making, I will be having my 3rd solo exhibit. Mixing massive acrylic paintings and my new found love for rug designing.

 

 

Isa nga sa naging comment ng kanyang IG follower, “You’re a great artist but this photo was done in poor taste. Using poverty to promote your art is very insensitive. Rich people and their poverty porn.”

 

 

Sincere naman na nag-apologize si Solenn nang mabasa ang mga comments at nagsabing maglalabas siya ng statement bilang pagpapaliwanag.

 

 

At noong March 4, pinost niya ito sa kanyang IG account, I’ve been thinking a lot about the comments you guys left on the photo I posted. I know it sparked some debate and there were both good and bad takes on it.

 

 

While I appreciate the encouragement some shared, I also want to apologize to those I have hurt. Wanted to shoot it in a typical street, those we drive by everyday. Streets full of life, since all my paintings are about the people we see. Not the rich or the poor but people for who they are. Humanity.      “The choice of painting was to show the environmental side. The abundance and balance of what life was, but also growth and hope. Though yes, art is subjective, and your thoughts made me more sensitive to different perspectives on my choice of setting (it wasnt a terrible marketing team, it was me, no one else to blame) and this really was a learning experience for me.

 


     Pagdidiin pa ni Solenn, It wasn’t my intention to hurt or offend anyone. It was my hope that I could lend my voice and my art to show the reality of Filipinos.

 

 

This is the heart and inspiration of all my paintings, both old and new. I did not want to romanticize the poverty of the everyday Pinoy or the resiliency that we naturally have. I really hoped to honor our people by being truthful about the kind of life a lot of Filipinos live today and to show that Filipinos deserve better.

 


     “Thank you for letting this be an eye-opener for me as well. And to those that I have offended, I am sorry.

 

 

Isa naman sa agad ng nagpakita ng pagsuporta ay ang kaibigang aktres na si Angel Loscin, Looking forward to seeing more of your work, Sos, personally, I love the honesty in your art. Ang daming emotions na mararamdaman mo just by looking at your painting. Mapapa-reality check ka. I know you have good intentions. You were one of the very first to help the people sa start ng pandemic.”

 

 

Sagot naman niya, @therealangellocsin thank you Angel! Always looking up to you, the amazing human being you are and all the things you work hard for and do!

 

 

Pinuri naman ng netizens ang ginawa niyang pagso-sorry at tamang pagharap sa criticism na dapat daw matutunan ng ibang celebrities.

 

 

Magaganap nga ang third solo exhibit ni Solenn sa Modeka Art sa Makati City simula sa March 26 hanggang April 24 (ROHN ROMULO)

Vaccine rollout sa Quezon City, umarangkada na rin

Posted on: March 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Sinimulan na rin ang pagbabakuna sa mga health workers sa Quezon City  General Hospital, ang isa sa QC run hospital na tumanggap ng 300 doses ng Sinovac vaccines mula sa pamahalaan.

 

 

Pinangunahan ni QC mayor Joy Belmonte ang pagbabakuna sa may 300 healthcare workers na lu­magda sa programa. Ang mga healthcare workers lamang na may edad 18 -anyos hanggang 59-anyos at nasa maayos na kalusugan ang nabakunahan.

 

 

“This is a milestone in our COVID-19 response. We have begun the vaccination process starting with our health workers whose lives have been constantly at risk since the pandemic began last year,” pahayag ni QC Mayor Joy Belmonte.

 

 

Ayon kay QCGH Director Josephine Sabando na karamihan ng kanilang healthcare workers ay gustong pabakuna pero nang malaman na Sinovac vaccine ang gagamitin ay may ilan ang umatras magpabakuna.

 

 

Pero makaraang mapagpaliwanagan sa naipakitang mga pag-aaral tungkol sa bakuna, maraming mga doktor ,nurse at iba pang medical staff ang nagbago ng isip ang nagparehistro na rin para mabakunahan.

 

 

“I want our doctors and healthcare workers to be protected in any way possible. This vaccine is the best vaccine right now considering that this is what is available to us,” sabi ni Belmonte.

 

 

Ang second dose ng bakuna ay ipagkakaloob makaraan ang isang buwan. Binisita rin at nakiisa si Mayor Belmonte sa vaccination program ng East Avenue Medical Hospital, St. Lukes Medical Center – Quezon City, at National Kidney and Transplant Institute

 

 

Samantala, mismong ang medical chief ng East Avenue Medical Center ang unang  nagpabakuna ng Sinovac vaccine kahapon ng umaga sa naturang ospital.  Sinabi ni EAMC chief Dr. Alfonso Nuñez, nais niyang ipakita sa lahat ng health workers, hindi lang sa East Avenue Medical Center, na walang pinakamabisang armas laban sa corona virus kundi ang pagpapabakuna.  Si Health Secretary Francisco Duque III ang nagbakuna kay Dr. Nuñez. Habang 160 mga frontliners ng hospital ang nakalinya para mabakunahan kahapon. (ARA ROMERO)

Ads March 6, 2021

Posted on: March 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

ROSANNA, ‘di pa rin makapaniwalang tinanggap siya ni SHARON at ‘di hinusgahan; hoping na maging friends kahit tapos na ang ‘Revirginized’

Posted on: March 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

EXCITED si Rossana Roces na makatrabaho si Sharon Cuneta sa Revirginized mula sa Viva Films.

 

 

Bihirang dumating ang ganitong pagkakataon na makasama sa isang proyekto ang Megastar. Sa story conference ay kita na ang masayang rapport nina Sharon at Osang kaya tiyak na magiging masaya ang shoot ng Revirginized na nagsimula na this week.

 

 

Hindi nga mapigilan ni Osang ang maluha habang nagsasalita sa tabi ni Sharon. Hindi raw niya kasi akalain na tatanggapin siya ni Sharon for what she is.

 

 

“Nakakataba ng puso na tinanggap ako ni Shawie. Alam ninyo naman ang naging buhay ko pero ang maganda kay Ate Shawie ay hindi siya judgmental.

 

 

Hindi niya hinusgahan ang pagkatao ko. Totoong tao rin siya tulad ko,” pahayag ni Osang.

 

 

Sabi naman ni Ate Shawie, “Hindi ako judgmental na tao. I’d rather see kung ano ka talaga, ‘yung pagiging totoo, I don’t expect from people what I can’t give.

 

 

I hope na magkaroon kami ni friendship ni Osang while doing the film at maging friends pa rin kami after the movie is finished.”

 

 

Sabi pa ni Ate Shawie, nirerespeto niya si Osang dahil sa pagiging totoo nito sa kanyang sarili.

 

 

“Nakatutuwa makita ang isang tulad ni Ate Shawie na kahit na sikat na sikat eh kayang sumabay sa tulad ko. Gusto ko rin na maging friend si Ate Shawie at sana maging close din kami,” dagdag ni Osang.

 

 

***

 

 

ISa si Charles Nathan na mapalad na kasama sa pelikulang Kontrabida na pinagbibidahan ni Superstar Nora Aunor.

 

 

Bago pumasok ng showbiz ay may business si Charles at ito ang pinagkakaabalahan niya.

 

 

Charles said he was 14 noong unang sumagi sa isip niya na mag-artista. Pero hindi niya naituloy ang pagpasok sa showbiz kasi tumaba. Pero when he decided to lose weight, marami ang nakapansin sa kanya at ang mga taong ito ang nag-udyok sa kanya to give showbiz a try.

 

 

Idol ni Charles si John Lloyd Cruz dahil sa mahusay itong umarte. Impressed siya sa husay ni Lloydie sa drama.

 

 

Sobrang na-excite si Charles nang malaman na kabilang siya sa cast ng Kontrabida kung saan tampok sa lead role si Ate Guy.Tapos kasama rin sa movie ang mga batikang performers na sina Jaclyn Jose, Rosanna Roces at Bembol Roco.

 

 

“Siyempre excited ako at kabado when I learned na makakasama ko sa movie si Ate Guy. Hindi ko maiwasan na makaramdam ng kaba kasi superstar siya at isang napakahusay na aktres. Pero excited ako talaga kasi may mahabang eksena kaming dalawa sa movie,” natutuwang pahayag ni Charles.

 

 

“Inaabangan ko yung mabigat namin eksena kasi breakdown scene iyon. Tiyak na mapapalaban ako sa acting. Kailangan pagbutihan ko kasi si Ate Guy ang kaeksena ko.”

 

 

Ilulunsad na rin si Charles bilang bida sa Matinee Idol.

 

 

Ano ang role sa movie at paano mo ito pinaghahandaan?

 

 

“Ang role ko dito sa ‘Matinee Idol isa akong assistant ng isang sikat na artist/singer at biglang magbabago, magiging sikat na din ako dito at magiging karibal ko yung dati kong pinagsisilbihan na artista,” kwento ni Charles (RICKY CALDERON)

Polidario, Magdato wagi

Posted on: March 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

IBINAON  nina Alexa Polidario at Erjane Magdato ng Abanse Negrense A sina DM Demontano at Jackie Estoquia, 21-15, 21-17, upang magreyna nitong Linggo sa Gatorade 7th Philippine Super Liga (PSL) Beach Volleyball Challenge Cup 2021 sa Subic Bay Freeport.

 

 

“Sobrang saya. It’s a blessing kasi kahit first time namin mag-join ng ganitong league nakuha namin ang championship.” wika ni Polidario. “Sabi namin kanina, ‘pag championship all out na talaga kami kaya dahil all out talaga ginawa sa bawat puntos . Basta championship bigay na talaga kasi go for gold, yun talaga ang pinunta namin dito.”

 

 

Idinugtong naman ni Magdato: “Napakasaya sa feeling hindi ko ma-explain ang nararamdaman ko especially ng partner ko. Thank you so much talaga Lord and thank you so much sa lahat ng sumuporta sa amin. Hindi namin pinagkaila na malakas din sila kalaban, but of course bilog din ang bola so lahat posible mangyari sa loob ng court saka ginawa lang namin ang best namin.”

 

 

Ang Abanse Negrense B nina Jennifer Cosas at Gelimae Villanueva rin ang nag-bronze nang bulagain din ang Sta. Lucia Realty B nina Shiela Marie ‘Bang’ Pineda at Jonah Sabete, 21-13, 22-20. (REC)