• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 19th, 2021

PDu30, gustong dalhin ang bakuna laban sa Covid- 19 sa squatters area

Posted on: March 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

GUSTO ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na dalhin ang mga government vaccinators sa mga bahay ng indigent communities o sa squatters area para mabigyan ng COVID-19 doses.

 

“We are thinking of going mobile . . . my order now is for the team to give you the vaccine,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang public address, Lunes ng gabi.

 

“We will use all government assets . . .everybody must contribute and all departments must take note of this, this is not just a fight against COVID-19, but a fight against despair and hopelessness,” dagdag na pahayag nito.

 

Iyon nga lamang, tila kinontra naman ni Health Secretary Francisco Duque III ang direktibang ito ng Chief Executive sa dahilang mangangailangan ng mas maraming tauhan kapag inimplementa ito.

 

Aniya, ginagawa naman ito sa tinatawag na fixed sites para maobserbahan mabuti ang posibleng side effects sa mababakunahan.

 

“Ang problema lang po, Mr. President, na nakikita ko po ngayon, iyon po kasing mga — kung dadalhin po ‘yong bakuna sa kanila, kakailanganin po nang napakamaraming taong mag — magmo-monitor for adverse effects following immunization. Iyan po ang very important step — final step in the vaccination process. After you are vaccinated, you have to be observed for about 30 minutes to about one hour individually for a possible side — serious side effects. And nakita niyo naman — naman po, sir, may mga reports talaga na mga serious side effects na nangyayari. And also monitoring even the minor side effects at mabigyan po ng lunas,” paliwanag ni Sec. Duque.

 

“Kaya po ang ginagawa natin sa fixed site implementing units like RHUs and hospitals, at least doon po mababantayan maramihan. Kasi kung isa-isahin po natin sa mga lugar nila, ang dami pong — kulang po tayo sa tao para mag-monitor, sir,” dagdag na pahayag nito.

 

Inihalintulad pa ng Kalihim ang bagay na ito sa list of voters tuwing eleksyon . ang gobyerno nia ay magkakroon ng listahan ng mga indibiduwal na babakunahan, lugar ung aan sila babakunahan at iba pang mahahalagang detalye.

 

“If the vaccines are readily available, the Heath department targets to vaccinate at least 70 million Filipinos in five to six months,” aniya pa rin.

 

“So nakaplano na po lahat ito, Mr. President. So execution na lang po, implementation na lang po, sir. Para hong sa Comelec na mayroon ng precinct, parang voting precincts, doon na lang po sila pupunta, may listahan na po doon lahat po ng pangalan nila,” ayon sa Kalihim. (Daris Jose)

JODI, tahimik lang at wala pang inaamin sa relasyon nila ni RAYMART kahit na patuloy ang pahaging ni CLAUDINE

Posted on: March 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KAHIT na patuloy na may pahaging sa kanya si Claudine Barretto, tahimik lang si Jodi Sta. Maria.

 

 

In fairness, wala pa naman inaamin sina Jodi at Raymart Santiago, ang ex ni Claudine, sa kung ano ang tunay na estado ng kanilang relasyon.

 

 

Trabaho lang ang inaasikaso ni Jodi sa ngayon. Magtatapos na ngayong gabi ang Ang Sa Iyo Ay Akin, na pinagbibidahan niya kasama sina Sam Milby at Iza Calzado.

 

 

For seven months ay tinutukan ng mga Kapamilya viewers dahil sa magandang kwento nito at mahusay na performances ng mga artista.

 

 

Matapos man ang show, matinding impact naman in terms of acting ang hatid ng artista nito. Wala kang itulak-kabigin sa cast. Lahat ay mahuhusay.

 

 

The series prides itself sa matinding tagisan sa acting nina Jodi at Iza, na tiyak na maglalaban bilang best actress sa TV series, kasama rin sina Ms. Maricel Soriano at Rita Avila.

 

 

Hindi rin dapat kalimutan ang suportang ibinigay ni Simon Ibarra na sobrang husay sa kanyang papel bilang main kontrabida.

 

 

Inaasahan na mas mataas na viewership ang makukuha ng Ang Sa Iyo ay Akin sa ending nito ngayong gabi.

 

 

Curious siyempre ang audience kung ano ang magiging ending ng tapatan ng karakters nina Jodi at Iza? Sino sa kanilang dalawa ang mananaig sa huli?

 

 

Certainly, Ang Sa Iyo ay Akin ay isa sa mga paboritong serye ng Kapamilya Channel sa panahon ng pandemya.

 

 

***

 

 

BUKOD sa superb acting ng cast, hindi rin malilimutan ang nabuong loveteam nina Grae Fernandez at Kira Balinger sa Ang Sa Iyo Ay Akin.

 

 

Isa naman dependable na loveteam ang nabuo ng Kapamilya network kina Grae at Kira.

 

 

Hindi mapagkakaila ang remarkable chemistry ng dalawang bagets. At kapwa rin mahusay umarte kaya mas lalong enjoy silang panoorin.

 

 

Marami na nga nagwi-wish ma magkaroon ng romantic relationship sina Grae at Kira. Pero sabi nila they are just enjoying the friendship and each other’s company.

 

 

For sure, mami-miss nina Kita at Grae ang isa’t-isa now that magtatapos na ang kanilang show.  (RICKY CALDERON)

Malakanyang, kumpiyansa sa mahigpit na pagpapatupad ng curfew ng mga nasa LGU

Posted on: March 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAKASALALAY na sa Local Government Units (LGUs) ang ikapagtatagumpay ng ipinatutupad na unified curfew hours na ang layunin ay mapababa ang numero ng mga tinatamaan ng COVID 19.

 

Umaarangkada na kasi ngayon ang dalawang linggong unified curfew hours na 10pm to 5am sa buong NCR.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson HarryRoque na ang LGU naman ang nagpapatupad ng mga polisiyang binubuo ng IATF para huwag ng tumaas pa at mapigilan ang naitatalang pagsipa pa sana ng virus.

 

Ang mga ito rin ang may kapangyarihan na magdikta ng mga regulasyong nabubuo ng Inter-Agency Task Force (IATF) .

 

“binabalanse po talaga natin iyong pagkakaroon ng hanapbuhay doon sa pagkukontrol ng paglaganap pa ng coronavirus at suportado naman po iyan ng IATF dahil iyan po talaga ay katungkulan din ng LGU,” ang pahayag ni Sec. Roque.

 

“Sila naman po ang nagpapatupad ng mga polisiya na binubuo ng IATF para mapababa itong mga numerong ito at sila po iyong may kapangyarihan din na magdikta ng ganitong mga regulasyon,” aniya pa rin.

 

Samantala, walang kapangyarihan ang IATF na magpataw ng anomang direktiba sa mga Local Government Units base na din sa isinasaad ng local government code.

 

“Dahil ang IATF naman po ay walang ganiyang kapangyarihan na nakasaad po sa local government code,” giit ni Sec. Roque.

DOH ayaw pa irekomenda Metro Manila-wide lockdown ‘sa ngayon’

Posted on: March 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Hindi pa maimumungkahi ng Department of Health ang pagpapatupad ng mahihigpit na lockdown sa Kamaynilaan sa ngayon, pero hindi nila isasantabi ang posibilidad kung magpapatuloy pa rin sa paglala ang pagkalat ng coronavirus disease sa gitna ng mga localized restrictions.

 

 

‘Yan ang sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III sa panayam ng ANC, Miyerkules, ngayong 23,518 ang new COVID-19 cases ng National Capital Region sa nakaraang 14 araw — ang pinakamalaki sa buong Pilipinas.

 

 

Nitong Martes lang, 2,231 ang bagong kaso ng COVID-19 na pumasok sa Metro Manila. Sa bilang na ‘yan, 28,144 pa ang nagpapagaling sa punong rehiyon.

 

 

“As of now, I don’t because the localized lockdowns are starting to yield positive outcomes… [I]f nothing changes and the cases continue to rise, then the possibility of a more widespread lockdown is certainly strong,” wika ni Duque kanina.

 

 

“Everything is possible, but we have to calibrate our response depending on the data that come in with the recommendation of our technical advisory group and our epidemiologist of the Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID)… If they say that we need to have a more widespread lockdown, then we will recommend to the president.”

 

 

Kahapon lang nang sabihin ni presidential spokesperson Harry Roque na hindi kailangang bumalik sa pinakamahigpit na enhanced community quarantine (ECQ) lalo na’t may localized lockdowns naman. Hindi rin daw overwehlmed ang mga ospital sa ngayon.

 

 

Kaugnay ng pagdami ng COVID-19 cases sa Pilipinas, pansamantala munang sinususpindi ng National Task Force against COVID-19 ang lahat ng biyahe ng mga mga banyaga at papauwing Pilipino na hindi OFW.

 

 

“[This is effective] beggining… 20th of March 2021 until 19th of April 2021,” sabi ng NTF.

 

 

  • Exempted sa kautusang ‘yan ang mga:
  • holder ng 9(e) visas
  • medical repatriation at kanilang mga escord na inendroso ng Department of Foreign Affairs-Office ng Undersecretary for Migrant Workers Affairs (DFA-OUMWA) o Overseas Workers Welfare Administration
  • Distrssed returning overseas Filipinos na inendorso ng DFA-OUMWA
  • emergency, humanitarian at iba pang analogous cases na inaprubahan ng NTF COVID-19

 

 

Maliban diyan, lilimitahan sa 1,500 pasahero kada araw ang mga international inbound arrivals as Ninoy Aquino International Airport simula ika-18 ng Marso hanggang ika-18 ng Abril. (Daris Jose)

Libreng face mask, nais ni PDu30 na ibigay sa mga mamamayang Pinoy

Posted on: March 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na nais niyang bigyan ng pamahalaan ng libreng face mask ang mga mamamayan upang matiyak na susunod ang mga ito sa COVID-19 safety protocols.

 

“Let me explain to the people in simple terms. Iyong bakuna — it’s the mask. Eh iilang gamit lang ‘yan. But iyong iba lumang-luma eh isang buwan na ginagamit because you know they do not have money to buy. We have to provide the mask for everybody. Eh kung iyang tao walang pera mabili ng mask, how do you expect compliance from him? ani Pangulong Duterte sa kanyang public address, Lunes ng gabi.

 

Makatutulong aniya sa bagay na ito ang Department of Interior and Local Government (DILG) at ang mga kapitan ng barangay.

 

“So it’s good. I think DILG again and the barangay captains makatulong po kayo. Same, you have the same data sa mga tao kung sino ‘yong nabakunahan, sinong hindi. So para ‘yong iba nag — you know, when they buy a mask, it can be worn for so many days only. And na-ano na, the property of the VACC — of the mask is lupay-lupay na. So kung kailangan na we ask the people to comply, we also look into the possibility that they cannot buy it. So government, sa panahong ito, must provide. Kailangan talaga nila so huwag natin… ,” ayon sa Pangulo.

 

Batid din ng Pangulo na ang face mask na ginagamit ng mga ordinaryong mamamayan ay ginagamit ng ilang beses hanggang sa wala ng maging silbi ang face mask sa tunay na intensyon nito dahil puno na ng pawis.

 

“You know, when they — when they get sick, ika nga, you cannot flog o flog o flog a dead horse. Kaya at least every two days puro pawis na ‘yan at I said the properties of that mask might not be really as strong as what it is intended for,” ang pahayag ng Punong Ehekutibo. (Daris Jose)

‘Doctor Strange’ Actor Will Play A World War II Magician

Posted on: March 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

DOCTOR Strange star Benedict Cumberbatch is working with Jurassic World: Dominion director Colin Trevorrow in the upcoming film World War II, War Magician.

 

 

The film is based on David Fisher’s book which recounts the life of British illusionist Jasper Maskelyne who lived during World War II. Maskelyne was said to have assembled a “Magic Gang” and used illusions to defeat Erwin Rommel of Nazi Germany.

 

 

According to Deadline.com, Trevorrow’s take on the material will focus on an “international ‘magic gang’ from Africa, Europe and the Middle East who conspired with Maskelyne and a female military intelligence officer to defeat the Nazis.”

 

 

More details about the War Magician are yet to be revealed.

 

 

Colin Trevorrow recently wrapped production on the third entry in the Jurassic World franchise, Jurassic World: Dominion, slated for release on June 10, 2022. The third film of the trilogy marked a return to the world of Jurassic Park for Trevorrow, since he left directing duties for Jurassic World: Fallen Kingdom to develop Star Wars: Duel of the Fates, a movie Trevorrow would later depart as it became J.J. Abrams’ Star Wars: The Rise of Skywalker. 

 

 

Benedict Cumberbatch will soon be reprising his role as the MCU’s Sorcerer Supreme in Doctor Strange in the Multiverse of Madness. It is set to be released on March 25, 2022.

 

 

He also continued to take roles in interesting dramas and thrillers like The Mauritanian and The Courier (ROHN ROMULO)

MANGGAGAWA NG PAL, TUMANGGAP NA NG SEPARATION PAY

Posted on: March 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAKATANGGAP  na ng kanilang separation pay ang mahigit sa 1,4000 manggagawa ng Philippine Airlines (PAL) na natanggap sa trabaho.

 

Sa pahayag na inilabas ng Department of Labor and Employment – National Capital Region (DOLE-NCR) umabot sa P2.31 bilyon ang separation pay na naipamahagi sa 1,455 apektadong mangggagawa .

 

Ang nasabing mga manggagawa na apektado ay  kabilang ang mga voluntary at involuntary separation mula sa kumpanya at naka-empleo hanggang March 12 bilang bahagi ng recovery plan ng PAL dahil na rin sa pandemya na labis na nakaapekto sa airline industry  sa buong mundo.

 

Ang DOLE-NCR sa pamamagitan ng Makati-Pasay Field Office (MPFO) nito ay nakatanggap noong isang buwan ng serye ng notice of termination mula sa  PAL para sa apektadong mga manggagawa at inanunsyo ng kompanya noong February 2 ang company-wide workforce reduction program kung saan nasa 2,300 manggagawa ang maapektuhan.

 

Gayunman napagdesisyunan ng pamunuan na manatili ang 845 na manggagawa.

 

Sinabi naman nina Rhodora Buca at Edmond Paolo Garcia, mga opisyal ng PAL’s HR Department, na nagbigay ang kumpanya ng separation pay na katumbas ng isang buwan na suweldo para sa bawat taon ng serbisyo, kasama na ang outplacement assistance upang mapadali ang  paglipat.

 

Samantala, sinabi ni Garcia na mayroon silang mga empleyado na nagsasanay sa ilang mga Business Process Outsourcing (BPO) companies, gaya ng  Accenture at Sitel.

 

Iniulat din ng DOLE-NCR na pinabilis ang pag-aaral at evaluate  sa mga naalis na manggagawa na kuwalipikado para tumanggap ng tulong pinansyal sa pamamagitan ng Covid-19 Adjustment Measures Program (CAMP) sa ilalim ng Bayanihan 2.

 

Ito ay programa na one-time P5,000 cash aid na ibinibigay ng gobyerno sa mga apektadong manggagagawa sa pribadong establisyimento o kumpanya.(GENE ADSUARA)

Pinay skater Pertichetto sasabak sa kumpetisyon sa Sweden

Posted on: March 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Napiling maging representative ng bansa sa 2021 World Figure Skating Championship si Filipino skater Alisson Pertichetto.

 

 

Ito mismo ang kinumpirm ang Philippine Skating Union sa torneo na gaganapin sa Marso 22 sa Stockholm, Sweden.

 

 

Ayon sa grupo na mayroong kakaibang lakas at galing ng isang babae si Pertichetto.

 

 

Nakuha nito ang unang puwesto noong Nobyembre sa short program ng 2019 Southeast Asian Games women’s figure skating competition.

 

 

Matapos ang isang buwan ay nakakuha ito ng silver medal sa parehas na kumpetisyon kasama si Chritopher Caluza.

Ads March 19, 2021

Posted on: March 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Bakunang Sinovac: hindi puwedeng ipagamit ang second dose ng mga nabigyan ng first dose para sa mga nag-aapurang mabakunahan – PDu30

Posted on: March 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga taong nagmamadaling mabakunahan kontra Covid -19 na hindi maaaring galawin o ipagamit ang second dose na nakalaan sa mga taong nabigyan na ng first dose ng bakuna na Sinovac.

 

Ginamit ng Pangulo ang paliwanag ni Health Secretary Francisco Duque III na ang interval ng first at second dose ay 28 araw lamang.

 

“Sir, iyon pong sa Sinovac talagang nakatabi na po ‘yong second dose for the simple reason that the interval between the first and second dose is only 28 days. After 28 days, after a person was given the first dose, susunod na po ‘yong pangalawang dose 28 days later. So nakatabi na po ‘yon. Wala na po tayong problema sa Sinovac,” ayon kay Duque sa public address ni Pangulong Duterte, Lunes ng gabi.

 

May suhestiyon kasi na gamitin na muna ang pang- second dose nang nabigyan ng first dose sa mga taong nag-aapura na mabakunahan kontra covid 19.

 

“Ganito ang tanong ko kasi talagang apurado ang lahat naman, mayroon tayo nandiyan ngayon intended sa pangalawang injection kasi dalawa ‘yan eh. The booster would follow in so many days. Iyan hindi pa nagagamit kasi ang second booster ang problema niyan madali ‘yang sabi… You know, how about those needing already the second dose? There’s a problem there. Sabihin mo gamitin na muna para sa first dose ng hindi pa nabakunahan. That’s good,” ayon sa Pangulo.

 

“But the problem is sabihin mo the second dose would come from the future deliveries, okay ‘yan. Ang problema, ang next problem is baka hindi dumating. Ano ngayon ang — on time — I’m sure that everybody especially the World Health Organization must know our quandary na gagamitin natin. We assume that the 525,000 doses.
Kung gamitin lahat ‘yan, paano ‘yong ngayong na-injection-an ng Sinovac, kasi ito man ang pinakamarami, kung kailangan nila in the interim, between the period of the delivery of the vaccines and the due date of the second inoculation, second vaccination. There’s a problem there,” litaniya nito.

 

Samantala, maaari namang gamitin ang lahat ng 525,000 AstraZeneca vaccines bilang first dose.

 

Ang paliwanag ni Duque ay 12 weeks naman o tatlong buwan ang time interval ng first at second dose.

 

“Ngayon po, ang time interval, ‘yong pagitan ng first dose sa AstraZeneca at sa pangalawang dose is 12 weeks, three months po. Palagay naman natin and according to the WHO country representative, he will write a letter to reassure us that the next batch will really come. And from there, we will use the second dose. So baka dumating po — hindi lang makapagbigay ng definite date — but could be anywhere from last week of March to about first week of April,” ang pahayag ng Kalihim.

 

“So we give more. We provide partial protection to a lot more healthcare workers,” aniya pa rin.