• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 29th, 2021

47 HEALTH PROTOCOL VIOLATORS SA NAVOTAS POSITIVE SA COVID

Posted on: March 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nagpositibo sa COVID-19 ang 47 sa 209 health protocol violators na nadakip mula March 16-19, 2021 sa Navotas city.

 

 

Nagpasa ang Navotas ng City Ordinance No. 2021-17 na nagpapataw ng mandatory RT-PCR swab test penalty sa mga lalabag sa safety protocols kabilang curfew, pagsuot ng face mask, at social distancing.

 

 

“This only shows that those who breached our safety protocols are very prone to COVID-19 infection and could become spreaders of the virus,” ani Mayor Toby.

 

 

“We want the public to remain safe from this deadly disease, but our local government can only do so much. We need them to take responsibility of their health and follow the minimum safety standards,” dagdag niya.

 

 

Muling nanawagan si Tiangco sa mga Navoteños na ipagpatuloy ang wastong pagsusuot ng face mask at face Shield, 1-2 meter social distancing, paghuhugas ng kamay, at manatili sa bahay hangga’t maaari.

 

 

“If we are concerned about our livelihood and putting food on our family’s table, then let us follow the safety protocols. Let us make sure that our health is protected. We cannot go to work if we contract COVID-19,” paalala niya.

 

 

“COVID-19 does not only endanger our health but also our capability to provide for our family. That is why we need to do our part to remain safe from the disease and keep our loved ones safe, too,” dagdag niya.

 

 

As of March 24, umabot na sa 7,622 ang tinamaan ng COVID-19 sa lungsod, 6,327 ang gumaling, 1,067 ang active cases at 228 ang namatay. (Richard Mesa)

ROBI at ICE, eeksena sa ‘4th EDDYS’ ng SPEEd na gaganapin sa Easter Sunday

Posted on: March 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MAGKAKAALAMAN na sa April 4, Easter Sunday, kung sinu-sino ang tatanghaling pinakamagagaling sa mundo ng pelikula ngayong taon sa gaganaping 4th EDDYS (Entertainment Editors’ Choice).

 

 

Tuluy na tuloy na ang pamimigay ng parangal ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa ikaapat na edisyon ng The EDDYS sa mismong Linggo ng Pagkabuhay, 8 p.m., sa FDCP Channel (fdcpchannel.ph), SPEEd Facebook page (Society of Philippine Entertainment Editors) at iba pang digital platforms.

 

 

Ang award-winning Kapamilya star na si Robi Domingo ang magsisilbing host ng maningning at pinakaaabangang Gabi ng Parangal. Sa pakikipagtulungan ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ni Chairperson/CEO Liza Diño-Seguerra, ang 4th EDDYS ay sa ilalim ng direksyon ng OPM icon at singer-songwriter na si Ice Seguerra.    Samantala, may mahalagang partisipasyon din sa awards night sina Batangas 6th District Representative at Star for All Seasons Vilma Santos-Recto at AKTOR Chairman of the Board Dingdong Dantes.

 

 

Si Rep. Vi, na kauna-unahang EDDYS best actress para sa pelikulang Everything About Her noong 2017, ang naatasang mag-present ng Best Actress award habang ang 3rd EDDYS best actor naman na si Dingdong (para sa pelikulang Sid & Aya) ang maghahayag ng mananalong Best Actor.

 

Labing-apat na kategorya ang paglalabanan ng mga de-kalidad na pelikulang ipinalabas noong nakaraang taon.

 

 

Sa Best Actress category maglalaban-laban sina Charlie Dizon (Fan Girl), Coleen Garcia (Mia), Bela Padilla (On Vodka, Beers and Regrets), Cristine Reyes (UnTrue), at Sylvia Sanchez (Coming Home).    Patalbugan naman sa pagiging Best Actor sina John Arcilla (Suarez: The Healing Priest), Paulo Avelino (Fan Girl), Elijah Canlas (He Who Is Without Sin), Adrian Lindayag (The Boy Foretold By The Stars), at JC Santos (Motel Acacia).

 

 

Limang de-kalibreng pelikula naman ang magpapagalingan para sa Best Picture ngayong taon, yan ang Fan Girl, Hayop Ka! The Nimfa Dimaano Story, He Who Is Without Sin, The Boy Foretold By The Stars at UnTrue. Sino naman kaya kina Sigrid Andrea P. Bernardo (UnTrue), Antoinette Jadaone (Fan Girl), Jason Paul Laxamana (He Who Is Without Sin), Avid Liongoren (Hayop Ka! The Nimfa Dimaano Story), at Irene Emma Villamor (On Vodka, Beers and Regrets) ang tatanghaling pinakamagaling na direktor?

 

 

Bukod dito, bibigyang-pagkilala rin ang mga natatanging artista at personalidad na nagmarka at walang sawang tumutulong sa industriya ng pelikula.

 

 

Ang 2021 Icon awardees ay sina Tommy Abuel, Pilar Pilapil, Boots Anson-Rodrigo, Gina Pareño, Dante Rivero, Ronaldo Valdez, Direk Joel Lamangan, Ricky Lee at Caridad Sanchez.

 

 

Ilulunsad din ang Isah V. Red Award bilang pagkilala at pag-alala sa yumaong founding president ng SPEEd na si Isah V. Red. Ang mga unang tatanggap ng IVR Award ay sina Ramon Ang, Senator Bong Revilla, Kim Chiu, Angel Locsin, Claire de Leon-Papa at Rhea Anicoche-Tan.

 

 

 

Special awardees naman sina Lolit Solis (Joe Quirino Award); Mario Bautista (Manny Pichel Award); Blacksheep Productions (Rising Producers Circle Award); at The IdeaFirst Company (Producer of the Year Award).

 

 

Tulad ng mga nakaraang taon, si Juancho Robles, managing partner ng Chan Robles & Company, CPAs, ang tatayong auditor ng 4th EDDYS.

 

 

Major sponsors naman ang Toktok courier service/delivery app at Beautederm Corporation. Ang iba pang katuwang ng SPEEd sa pagdaraos ng 2021 Entertainment Editors’ Choice ay ang mga sumusunod: San Miguel Corp., House Speaker Lord Allan Velasco, Rep. Alfred Vargas, Rep. Niña Taduran (ng Patrylist na ACT-CIS), Willie Revillame, Raffy Tulfo, Tiger Crackers, Aficionado of Joel Cruz, Smart Shot at Maris Pure Corp.

 

 

Mapapanood ang 4th The EDDYS sa April 4, 8 p.m., sa FDCP Channel (sa ilalim ng EVENTS tab), SPEEd Facebook page at iba pang digital platforms. Mag-register lang sa FDCP Channel para sa libreng access. (ROHN ROMULO)

Weeklong ECQ sa ‘NCR Plus’

Posted on: March 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Tiniyak ng pamunuan ng National Task Force Against Covid-19 (Coronavirus Disease 2019) na magiging “compassionate” ang mga otoridad sa pagpapatupad ng curfew sa weeklong enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR (National Capital Region) Plus Bubble na magsisimula ngayon, March 29, hanggang sa Easter Sunday, April 4.

 

 

Ayon kay National Task Force Against Covid-19 spokesperson ret. M/Gen. Restituto Padilla, bibigyan ng konsiderasyon ang mga indibidwal na pauwi sa kanilang mga bahay subalit mayroon itong “window period” mula alas-7:30 hanggang alas-8:00 ng gabi.

 

 

Kung lalagpas na ang mga ito ay maghihigpit na ang mga tauhan ng PNP (Philippine National Police) na siyang nagmamando ng mga checkpoint.

 

 

Ang NCR Plus Bubble ay binubuo ng NCR, Cavite, Laguna, Bulacan, at Rizal, na isinailalim sa ECQ para pigilan ang patuloy na pagtaas ng COVID cases.

 

 

Dagdag ni Padilla, ang mga 17-anyos pababa at lagpas 65-anyos ay hindi maaaring lumabas sa mga lugar na nasa ilalim ng ECQ.

 

 

Habang ang mga essential workers naman ay dapat ipakita ang kanilang company ID at hindi na kailangan pa ng travel pass.

 

 

Giit ni Padilla, ang local government ay magpapatupad ng curfew batay sa kanilang local ordinances. (Daris Jose)

IT’S DO-OR-DIE FOR SUPER-VILLAINS IN “THE SUICIDE SQUAD” FIRST TRAILER

Posted on: March 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

THEY’RE dying to save the world!  Gear up for the first trailer of James Gunn’s “The Suicide Squad” which has just been revealed by Warner Bros. Pictures.

 

 

Check it out below and watch “The Suicide Squad” in Philippine cinemas this 2021.

 

 

YouTube: Red Band Full Length Trailer — http://bit.ly/thesuicidesquadfulltrailer

 

 

Facebook: 60s Trailer — https://fb.com/470715760644290

About “The Suicide Squad”

 

 

From writer/director James Gunn comes Warner Bros. Pictures’ superhero action adventure “The Suicide Squad,” featuring a collection of the most degenerate delinquents in the DC lineup.

 

 

Welcome to hell—a.k.a. Belle Reve, the prison with the highest mortality rate in the US of A. Where the worst Super-Villains are kept and where they will do anything to get out—even join the super-secret, super-shady Task Force X. Today’s do-or-die assignment? Assemble a collection of cons, including Bloodsport, Peacemaker, Captain Boomerang, Ratcatcher 2, Savant, King Shark, Blackguard, Javelin and everyone’s favorite psycho, Harley Quinn. Then arm them heavily and drop them (literally) on the remote, enemy-infused island of Corto Maltese. Trekking through a jungle teeming with militant adversaries and guerrilla forces at every turn, the Squad is on a search-and-destroy mission with only Colonel Rick Flag on the ground to make them behave…and Amanda Waller’s government techies in their ears, tracking their every movement. And as always, one wrong move and they’re dead (whether at the hands of their opponents, a teammate, or Waller herself). If anyone’s laying down bets, the smart money is against them—all of them.

 

 

The film stars Margot Robbie (“Birds of Prey”), Idris Elba (“Avengers: Infinity War”), John Cena (“Bumblebee”), Joel Kinnaman (“Suicide Squad”), Jai Courtney (the “Divergent” franchise), Peter Capaldi (“World War Z”), David Dastmalchian (“Ant-Man and the Wasp”), Daniela Melchior (“Parque Mayer”), Michael Rooker (the “Guardians of the Galaxy” films), Alice Braga (“Elysium”), Pete Davidson (TV’s “Saturday Night Live”), Joaquín Cosio (“Spider-Man: Into the Spider-Verse”), Juan Diego Botto (“The Europeans”), Storm Reid (“The Invisible Man”), Nathan Fillion (“Guardians of the Galaxy”), Steve Agee (“Brightburn”), Sean Gunn (the “Guardians of the Galaxy” films,), Mayling Ng (“Wonder Woman”), Flula Borg (“Ralph Breaks the Internet”), Jennifer Holland (“Brightburn”) and Tinashe Kajese (TV’s “Valor”), with Sylvester Stallone (the “Rocky,” “Rambo” franchises), and Viola Davis (“Ma Rainey’s Black Bottom,” “Suicide Squad”).

 

 

Gunn (the “Guardian of the Galaxy” films) directs from his own screenplay, based on characters from DC. The film is produced by Charles Roven and Peter Safran, with Zack Snyder, Deborah Snyder, Walter Hamada, Chantal Nong Vo, Nikolas Korda and Richard Suckle executive producing.

 

 

Warner Bros. Pictures Presents An Atlas Entertainment/Peter Safran Production, A James Gunn Film, “The Suicide Squad.” The film will be distributed worldwide by Warner Bros. Pictures.

“Structurally complete” na ang northbound section ng Skyway Extension

Posted on: March 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Ang northbound section ng Skyway Extension ay “structurally complete” na at ang kulang na lamang ay ang paglalagay ng aspalto na gagawin sa katapusan ng buwan.

 

 

Ito ang sinabi ni SMC president Ramon Ang sa isang pahayag na inilabas ng San Miguel Corp.

 

 

“I’m happy to announce that soon, we can open the northbound section of the Skyway Extension for our motorists coming from the south,” wika ni Ang.

 

 

Mayron halos apat the kilometro at tatlong lane expansion ang Skyway Extension na may karagdagang kapasidad na 4,500 na sasakyan kada oras ang makadadaan. Inaasahan na makakabawas ito ng pagsisikip ng trapiko sa lugar. Makakatulong din ito sa mga motorista na dumaan sa Alabang viaduct.

 

 

Ang mga motoristang mangangaling sa South Luzon Expressway (SLEX) o di kaya ay Muntinlupa-Cavite expressway ay maaaring gumamit ng ramp sa Susana Heights at derechong pumunta na sa Makati, Manila, Skyway 3, hanggang sa Quezon City at North Luzon Expressway.

 

 

Habang ang northbound section naman na may 3.99 kilometers na haba mula sa Susan Heights papuntang Sucat ay inaasahan din na makakatulong ng malaki upang mabawasan ang congestion sa rotunda ng SLEX at Skyway sa pamamagitan ng derechong paglilihis ng trapiko sa itaas ng Skyway.

 

 

Nauna na sanang tapos ang proyekto noong December pa subalit dahil sa mga pagkaantala at limitasyon sa pagtatayo dahil sa epekto ng quarantine na pinatupad simula noong March 2020.

 

 

Samantala, sinabi rin ng SMC na ang southbound section project na may habang 3.8 na kilometro ay may 52 percent ng kumpleto at inaasahang matatapos sa darating na July.

 

 

Ang Skyway 3 ay makakabawas ng travel time sa pagitan ng Makati at Northern Manila kung saan ito ay magiging 20 minuto na lamang at ang Alabang papuntang NLEX ay magaging 30 minuto naman.

 

 

Inaasahang magiging alternatibong ruta ang Skyway 3 para sa EDSA para sa mga motorista na nagbibiyahe sa pagitan ng mga lungsod sa Metro Manila na makakatulong upang mabawasan ang pagsisikip ng trapiko sa mga pangunahing daanan sa Metro Manila. (LASACMAR)

Obispo, nababahala sa pagpasok ng mga Chinese vessel sa teritoryo ng Pilipinas

Posted on: March 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Apostolic Vicariate of Puerto Princesa, nababahala sa pagpasok ng Chinese vessels sa teritoryo ng Pilipinas

 

 

Nagpahayag ng pagkabahala ang Apostolic Vicariate of Puerto Princesa kaugnay sa presensya ng mga Chinese vessels sa Julian Felipe Reef na bahagi ng teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

 

 

Ayon kay Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona, nakababahala ang pananatili ng mahigit sa 200 Chinese militia vessels lalo na para sa kapakanan ng mga Filipinong mangingisda na kadalasang tinatakot at sinasaktan sa mismong karagatang sakop ng bansa.

 

 

Umaasa naman ang Obispo na tuluyan ng masolusyunan sa mapayapang pamamaraan ang suliranin ng bansa mula sa patuloy na panghihimasok ng China sa teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea na malinaw na isang paglabag sa soberenya ng bansa.

 

 

“My reaction is medyo nakakabahala [ang presensya ng mga Chinese vessels lalo na para sa mga Filipinong mangingisda] And my message is I hope it will be resolved peacefully [ng walang nagaganap na kaguluhan].” Ang bahagi ng pahayag nii Bishop Mesiona sa panayam sa Radio Veritas.

 

 

Batay sa tala ng Department of Foreign Affairs (DFA) nasa 220 Chinese militia vessels ang namataan sa Julian Felipe Reef sa Kalayaan group of Island na pagmamay-ari ng Pilipinas at nasa loob ng Exclusive Economic Zone ng bansa.

 

 

Ang pinag-aagawang teritoryo ay saklaw ng 200-nautical miles Exclusive Economic Zone ng Pilipinas batay na rin sa 1982 UN Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) na dinaraan ng tinatayang umaabot sa higit sa 5-trilyong dolyar ang halaga ng kalakal mula sa iba’t ibang bansa kada taon.

 

 

Nauna na ring binanggit ni Pope Francis sa harapan ng mahigit 150 lider sa buong mundo ng United Nations ang pagkilala sa karapatan sa pagmamay – ari ng teritoryo lalo na ng mga mahihirap na bansa. (Daris Jose)

Cardinal Advincula, nakaramdam ng takot ng italagang arsobispo ng Manila

Posted on: March 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Inihayag ng bagong talagang arsobispo ng Maynila na pagbabahagi ng biyaya ng bokasyon ang pagkahirang niya bilang pinuno ng arkidiyosesis.

 

 

Sa panayam ng Radio Veritas kay Manila Archbishop-elect Cardinal Jose Advincula, sinabi nitong bilang pastol ng simbahan ay mahalagang maibahagi sa mananampalataya ang kaloob ng bokasyon na kanyang tinanggap.

 

 

“Having been chosen by God to be one of his ordained ministers is already a gift for me, a gift not to be kept for myself alone but this is also a gift that should be used by me for the service of the people of God,” pahayag ni Cardinal Advincula.

 

 

Matatandaang ika-25 Marso, 2021 kasabay ng Dakilang Kapistahan ng Our Lady of Annunciation ay pormal na itinalaga si Cardinal Advincula bilang ika – 33 arsobispo ng Maynila makaraan ang mahigit isang taong sede vacante.

 

 

Sinabi ng Cardinal na nakaramdam ito ng bahagyang takot sapagkat ito ang kauna-unahang pagkakataon na maglingkod siya sa highly urbanized city.

 

 

Unang nanilbihan ang arsobispo ng isang dekada sa Diyosesis ng San Carlos sa Negros noong 2001 bago mailipat sa Arkidiyosesis ng Capiz noong 2012 hanggang sa kasalukuyan.

 

 

Sa kabila nito buong pusong ipinagkatiwala ng Cardinal sa Panginoon ang kanyang bagong misyon na maging punong pastol sa mahigit tatlong milyong katoliko ng Arkidiyosesis.

 

 

“Ang naramdaman ko when I was told by the nuncio that the Holy Father has appointed me na archbishop of Manila yung takot kasi that will be my first time to be assigned sa isang highly urbanized area ang Metro Manila which is the capital of the country; I know it is very challenging assignment and very overwhelming but because this is the will of God and of the Holy Father then by obedience I have to accept, ” ani Cardinal Advincula.

 

 

Si Cardinal Advincula na tubong Dumalag Capiz ay ipinanganak noong Marso 30, 1952 at naordinahang pari noong Abril 14, 1976 sa Arkidiyosesis ng Capiz.

 

 

Naging spiritual director ng St. Pius X Seminary sa Capiz kung saan nagturo at naging Dean of Education.

 

 

Nag-aral ng psychology sa De La Salle University of Manila, canon law naman sa University of Santo Tomas, licentiate ng canon law sa Pontifical University of Saint Thomas Aquinas-Angelicum sa Roma.

 

 

Bukod pa rito nagsilbi rin ang Cardinal sa seminaryo ng Vigan, Nueva Segovia at ng Jaro sa Iloilo. Nobyembre 28, 2020 nang maging Cardinal habang Disyembre 26, 2020 naman ng italaga kasapi ng Congregation for the Clergy ng Vatican.

 

 

Si Cardinal Advincula ang kahalili ni Cardinal Luis Antonio Tagle makaraang italaga ng Santo Papa bilang Prefect ng Congregation for the Evangelizations of Peoples sa Vatican noong 2019. (Gene Adsuara)

Ads March 29, 2021

Posted on: March 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Palm Sunday message ni Pope: ‘Let go of our regrets’

Posted on: March 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Sa ikalawang sunod na taon sa kabila ng coronavirus pandemic, pinangunahan pa rin ni Pope Francis doon sa Vatican ang Palm Sunday mass na siyang hudyat ng pagsisimula ng Holy Week.

 

 

Idinaos ang nasabing misa sa loob ng Saint Peter’s Basilica kung saan limitado ang mga congregation na nakiisa, habang milyon pa rin naman ang sumubaybay sa pamamagitan ng customary global television at radio broadcasts at live streaming.

 

 

Sa Homily ng 84-year-old pontiff, ipinaliwanag nito ang kaibahan ng admiration o paghanga sa amazement o pagkamangha.

 

 

Ayon sa Santo Papa, ang paghanga ay maaaring maging komplikadong salita dahil sinusunod lamang nito ang pansariling interes at expectation ng isang tao. Habang ang labis na pagkamangha ay may malalim na kahulugan kung saan tatanggapin pa rin nito sakaling may magbago man sa dating hinahangaan.

 

 

“We have to go be beyond admiring Jesus, (and) follow in his footsteps, to let ourselves be challenged by him; to pass from admiration to amazement,” wika ng Mahal na Papa.

 

 

Nanawagan din si Pope Francis na mas palakasin pa ang ating pananampalataya kung saan magtiwala na ang pagmamahal ng Diyos ay may kaakibat lagi na kapatawaran.

 

 

Sana aniya ay maging bukas ang mga mata ng mga Katoliko sa pagbitiw sa mga disappointments sa buhay na siyang posibleng dahilan kung bakit nahihirapan na makapagsimulang muli sa buhay.

Ambassador Huang, tiniyak kay PDu30 na walang dapat ipangamba sa pagkaka-angkla ng Chinese vessels sa Julian Filipino Reef

Posted on: March 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte  na walang dapat ipangamba ang Pilipinas sa napaulat na presensiya ng Chinese vessels sa Julian Filipino Reef (Union Reefs).

 

 

Ito’y nangyari sa  isang “social call” na ibinigay ni Huang kay Pangulong Duterte sa Malacañang Palace sa  Maynila.

 

 

“Nagkaintindihan naman po si Presidente  at ang Chinese ambassador,” ayon kay Sec. Roque.

 

 

Sa nasabing meeting, binanggit ng Pangulo kay Huang ang napaulat na naispatan na Chinese ships.

 

 

Naging malinaw  aniya si Pangulong Duterte na siya ay  ay Presidente at puprotektahan ang teritoryo ng Pilipinas,” anito.

 

 

Sinabi naman  ni Huang sa Pangulo na ang  mga namataan na  Chinese boats sa  Julian Felipe Reef sa West Philippine Sea ay nandoon lamang sa JFR dahil sa masamang kondisyon ng karagatan.

 

 

“Sinabi po ni Pangulo na concerned po talaga tayo dahil kahit sino namang bansa, mako-concern po dahil may mga barko. Ang sabi naman po ng Chinese ambassador, sila po ay mga mangingisda, na ayun nga po, nandoon sila dahil they were seeking shelter also ,” ang pahayag ni Sec. Roque.

 

 

Tumanggi naman si Sec. Roque na ihayag ang petsa ng meeting sa pagitan  nina Pangulong Duterte at Huang, dahil na rin sa noong mangyari ang meeting ay naka-isolate aniya siya.

 

 

Nauna nito, sinabi Sec. Roque na umaasa ang Malakanyang na sa kalaunan ay aalis din ang mahigit 200 Chinese maritime militia vessels na natuklasang namamalaot sa Julian Felipe Reef, isang bahagi ng West Philippine Sea.

 

 

Naniniwala si  Sec. Roque na para sa kapakanan ng pagkakaibigan ng Pilipinas sa bansang China ay lilisanin din ng 220 maritime militia vessels ng Beijing ang Julian Felipe Reef na napaulat na naka-angkla noon pang Marso 7.

 

 

Sinabi ni Sec. Roque na personal na sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang bagay na ito sa China’s envoy to the Philippines, kung saan tiniyak naman ng huli sa Pangulo na ang Chinese vessels ay naghanap lamang ng temporary refuge dahil sa masamang panahon.

 

 

“Wala pong kontrobersiya dahil hindi naman nila [China] ipinaglalaban na mananatili sila roon,” ayon kay Sec. Roque.

 

 

“In the spirit of friendship, inaasahan na hindi sila mananatili roon,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

 

 

Sa kabilang dako, pinagtalunan naman ng National Task Force for West Philippine Sea ang ‘excuse” na “bad weather” dahil kahit maganda naman ang panahon ay nananatili sa Julian Felipe Reef ang mahigit 200 Chinese maritime militia vessels.

 

 

Iginiit ni Sec.Roque na palaging pinaninindigan ng Pangulo na protektahan ang Philippine territory, kabilang na ang Julian Felipe Reef, sa pamamagitan ng mapayapang paraan.

 

 

“The President said this before the United Nations: We will protect our territory, we stand by the UN Arbitral Ruling, and we will resolve this by peaceful means under UNCLOS (United Nations Convention on the Law of the Seas),” lahad ni Sec. Roque.

 

 

“Hindi nagbabago ang posisyon ni Presidente,” aniya pa rin.

 

 

Matatandaang, itinaas ni Pangulong Duterte sa United Nations General Assembly (UNGA) ang panalo ng Pilipinas sa China noong 2016 kaugnay sa usapin ng South China Sea na tinatawag ng bansa na West Philippine Sea.

 

 

Sinabi ng Pangulo  na hindi pinapayagan at hindi tinatanggap ng Pilipinas ang anumang pagtatangka na sisira  sa July 2016 ru­ling ng  Permanent Court of Arbitration in The Hague.

 

 

“The award is now part of international law, beyond compromise and beyond the reach of passing governments to dilute, diminish or abandon,” ayon kay Pangulong Duterte.

 

 

Aniya, ang commitment ng Pilipinas sa pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea ay laging nakasalig sa United Nations Convention on the Law of the Sea at sa 2016 ruling ng Permanent Court of Arbitration sa the Netherlands.

 

 

Magugunitang, ilang ulit nang hindi kinilala ng China ang 2016 ruling ng arbitral tribunal. (Daris Jose)