IDINADAAN nga ba ng Dental Diva na si Kakai Bautista sa mga posts ang sagot niya sa ipinadalang demand letter ng management ni Mario Maurer sa kanya?
Mula sa mga captions niya na, “Hooh hirap pag sobrang gandaa. Ismayl nalang si Tyang sa mga taonga yaw tumigil.” Hanggang sa, “BRB. Too busy loving myself. Too busy being grateful.”
At ang latest post niya na naka-one-piece swimsuit pa rin na, “Remind lang kita kung sino ka mang makakabasa nito: You are beautiful. In all shape, size and color.”
Grabe ang tagal na nilang nagkasama sa movie, mag-iisang dekada na yata pero hanggang ngayon, may mga ganitong isyu pa rin?
Nakakatawa nga ang resbakan ng mga fans ni Mario at mga supporters din naman ni Kakai. Nandoon ang claim na kasi naman daw, ang tagal na nilang nagkasama, hanggang ngayon, binabanggit pa rin ni Kakai si Mario. Hindi na raw ito naka-move-on at parang ginagamit pa rin ang Thai actor.
Claim naman ng supporters ni Kakai, hindi na raw kasi napag-uusapan si Mario kaya may mga ganitong paandar. So, sino raw ang nanggagamit? Huh!
Sinubukan naman naming hingan ng komento o reaksiyon ang manager ni Kakai, pero dedma at hindi ito sumagot.
***
BAGAMAT dinaan ni Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes ang tungkol sa pagsusuot ng face shield gamit ang helmet na pang-motor bilang siguro raw, safe na safe siya, somewhere between the lines, meron din itong “kalabit” sa gobyerno sa pinost niyang message.
Grabe na naman kasi ang pag-surge ng COVID cases sa NCR, sa panahong sana, nagsisimula na ang pagbaba nito dahil sana, naire-regulate na ng mabilis ang pagbabakuna.
Sabi na lang niya, “Pero seryoso, we really have to double up our efforts in helping mitigate the Pandemic, while waiting for the vaccine rollout. It is not yet time to relax and be complacent about our wellbeing — it ain’t over yet!
“So, we must make sure that we play our part as responsible citizens. I recall this tarp I saw recently that states, “You are responsible for protecting yourself, your family, the community, and the country.”
“Pero siyempre, clearer short and long-term plans from our leaders will definitely help us all get through this in the quickest possible time.”
Sa isang banda, simula sa Lunes, sa GMA Telebabad ay muling mapapanood ang dati niyang serye, ang Ang Dalawang Mrs. Real kasama sina Maricel Soriano at Lovi Poe. (ROSE GARCIA)