• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 1st, 2021

Ads April 1, 2021

Posted on: April 1st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

CoronaVac ituturok sa mga senior na may ‘controlled comorbidities’

Posted on: April 1st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Parehong gagamitin ng Department of Health (DOH) ang hawak na mga bakuna mula sa AstraZeneca at CoronaVac ng Sinovac sa mga senior citizens ngunit ang huli ay ilalaan para sa mga may controlled “comorbidities”.

 

 

Sinabi ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje, na habang tinatapos pa ang pagbabakuna sa mga healthcare workers ay maaari na ring simulan ang pagbabakuna sa mga senior citizens.

 

 

Sa datos ng DOH, pinakamababa ang tsansa na dapuan ang mga senior citizen ng virus sa 15% ngunit kung mangyari ito ay 10 beses silang maaaring lumala ang kundisyon at sumapit sa pagkamatay.

 

 

Sa mga may comorbidities, pinakamataas ang tsansa na masawi kung dadapuan ng COVID-19 ang mga may taglay na “chronic liver disease”, kasunod ang may “chronic kidney disease” at ikatlo ang may “cardiovascular disease”.

 

 

Pinakamababa ang antas na masawi ang mga may “obesity, Diabetes, Malignancy, Hypertension at chronic respiratory.” (Daris Jose)

SHARON, pinasilip ang teaser photos ng ‘Revirginized’; sinagot ang netizen at sinabing walang sinasanto ang COVID

Posted on: April 1st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PINOST ni Megastar Sharon Cuneta ang naitalang highest single-day increase ng COVID-19 cases last March 29 na umabot sa 10,016.

 

 

May caption ito sa kanyang IG post ng, Please naman maawa na kayo sa mga kababayan nating namamatay!!! TAO MUNA UNAHIN, puede po?! At tayong lahat sana sumunod na sa health protocols at huwag na matigas ang ulo dahil tayo din ang napapahamak. Wear a mask. Keep social distancing. Huwag na lumabas kundi kailangan. Wash your hands. Use alcohol and sanitizer. Keep safe. May God have mercy on us all.

 

 

May isang netizen naman ang nag-comment ng, Keep safe guys, The only person who will help you and your family will be You. No one else. Ang may pera makakabili ng vaccine, makaka swab test. They can go to the hospital anytime. May pera e! Ako wala. So ingat ingat lang ng hindi mahawa ang mga kasambahay natin. I will continue praying for All filipino people.”

 

 

Sagot naman ni Sharon, @salina.e That is no longer true. May kaibigan akong napakayaman ng kaibigan, may cancer pa, apat na araw bago makakuha ng room sa Makati Med. Wala nang kwenta que mayaman o mahirap ka ngayon. Walang sinasanto ang COVID.

 

 

Sumang-ayon naman ang isang follower, sabi niya, @reallysharoncuneta agree. Wala ng kwenta ke mayaman o mahirap pag tinamaan ng covid. Ang masaklap pa neto wala ng hospital na tatanggap sa’yo kase puno na. So pare parehas ng mamamatay ang mga tao. Kaya mag-ingat na lang at kung di kinakailangang lumabas , stay home muna habang walang magandang maisip ang ating pamahalaan kung paano masugpo ang pandemyang eto. God bless us all.

 

 

Tugon uli ni @salina.e, “@reallysharoncuneta of course dahil puno na ang mga hospital. My brother in law is a doctor pati kasama niya may Covid . Even the registrar nahawa pati.”

 

 

Say naman pa ng isang follower ni Mega, “@salina.e somehow your right dun sa may pera na may access to get swab and vaccine sa pilipinas, pero yung madapuan ka ng Covid is wala sa yaman, it’s how you take care of your self, and naka depende sa immune system ng tao. Ke mayaman ka o hindi pag d kinaya ng katawan mo ang covid it’s either maintubate ka and gumaling or u die. And vaccine is not mandatory naman, if you think your healthy enough and disciplined to follow protocol to avoid covid you will rule out covid naman po.”

 

 

@maxiellebalaoas thanks for that info but how are you going to explain na tayo lang sa buong mundo may double mask na may shield pa then tumatataas pa yung number na may positive. The health system must do something( i am talking about Mr. Duque).”

 

 

Tugon uli ng netizens, “@salina.e like I said discipline, self discipline, may face shield ka nga, naka mask ka nga pero you are lack of hand hygiene, our hands is the common route of bacterial spreading bacteria/virus. And proper use of protective equipment like mask, I see people wear their mask below they’re nose, how can you protect your self if your not covering your nose? Self care lang po, we cant blame no one for getting covid. It is your responsibility to take care of your self.”

 

 

Samantala, kahit Holy Week, ‘di napigilan ni Sharon na ipasilip ang teaser photos ng latest movie niya sa Viva Films na mapapanood sa Viva Max sa Mayo.

 

 

“Okay! Konting pasilip sa “Revirginized!” Pawi and Pawi!  @gumabaomarco @therealrosannaroces #dumeDemiAshtonlanghahahaha.”

 

Napag-OMG!, wow at grabe ang mga nakakita ng photos niya with Marco, artista man o followers niya.

Pero mas nakakaloka ang pinost ng direktor niyang si Darryl Yap na kanyang ni-repost.

 

 

hindi namin sasabihing isang bagong
“Sharon Cuneta” ang inyong aabangan.
     “ang gusto naming ipagyabang:
Siya pa rin si SHARON CUNETA maging ngayong bagong panahon.
     “mula sa pananalita, kilos, atake at pagkinang; paparating na ang pinakamatapang na paandar ng nag-iisang MEGASTAR.
     “PINASIKIP. PINAKIPOT. PINAINIT.
SHARON CUNETA IS 
#REVIRGINIZED.”

 

 

Kaya asahan na kakaibang Megastar ang mapapanood sa kanyang pagbabalik-Viva. Marami talaga ang na-i-excite at naku-curious kung ano ang role ni Sharon sa movie na ikinagugulat talaga ng marami kung bakit niya ito tinanggap.

 

 

May nag-react naman sa last part ng post ni Direk Darryl, “Hindi nalang sana ako magre-react kaso kadiri naman yung caption na Pinasikip. Pinainit. Pinakipot. Bastos! Yucky!”

 

 

“Hindi ko na alam…hindi ako kinilig kinilabutan ako talaga.”

 

 

“Comedy tong movie di ba? mukha naman effective yun casting. Kung sexy and young looking yun female lead it won’t be funny.”

 

 

“You have to watch the movie first. I’ve heard good things about it from a friend who is part of the making of the movie. Kinilig daw sila. And yes , there’s chemistry!”

 

 

“Pagbigyan nyo na si Madam coz film role lang naman yan. As an actress the best is kung you are willing to take diff roles na out of your comfort zone or image. In fact na enjoy ko sya sa Crying Ladies! Katawa yun. I have a feeling magkaka award sya again here.” (ROHN ROMULO)

Covid-19 capital na ang Pilipinas, pinalagan ng Malakanyang

Posted on: April 1st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PINALAGAN at itinatwa ng Malakanyang ang ulat na Covid-19 capital na ang Pilipinas.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, ang pagdami ng mga kaso ay dahil sa mga variants mula sa UK, South Africa, Brazil at Pilipinas.

 

Subalit bagama’t sa buong daigdig aniya ay problema ang matinding pagdami ng kaso ay nananatili ang Pilipinas bilang Number 30 pagdating sa mga total cases ng covid sa buong mundo.

 

Ang active cases ay nasa #22 ang Pilipinas; cases per 1 million ay nasa #134 ang Pilipinas habang pang-#82 naman  ang Pilipinas pagdating sa Case Fatality Rate.

 

“So, kung mayroon po kayong nakitang fake news na tayo raw ay Covid capital.. puwede ba ho ilagay ninyo sa noo nila itong mga ranking na nalathala po WHO,” ayon kay Sec. Roque.

 

Sa kabilang dako, inanunsyo ng Malakanyang ang nais nitong makamit matapos ang 7 araw na pagsasailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.

 

Mapababa ani Presidential Spokesperson Harry Roque ang bilang ng aktibong kaso dala ng covid 19 surge mula sa mahigit 9,000 ngayon.

 

Ipinirisinta ni Sec. Roque ang infographic ng magiging quarantine status matapos ang isang linggong ECQ.

 

“Iyong orange po, iyan ‘yung posibleng mangyari kung wala po tayong ginawa at ito po ay para sa Metro Manila lang. Makikita ninyo pagdating po ng April 4 halos isang milyon na kung hindi  tayo gagawa ng kahit na anong hakbang. Dahil po doon sa ating NCR bubble, mahigit kumulang na mga 800,000  ang magiging kaso natin pagdating ng April 4. Kung tayo naman ay mage-MECQ pa rin mula April 5 to 18, iyan ‘yong green line. Pero, tingnan ninyo naman po ang nais nating makamit, halos kalahati pong kung hindi tayo magi-impose ng kahit na anong measures. Iyong red light  iyong ating objective na sana  umabot ng 550 to 600,000 ang  ang mga kaso sa Metro Manila by April 4. Tapos kung ang ECQ po ay mas matagal o hanggang April 18. iyan nman  iyong blue line,” ang paliwanag ni Sec. Roque.

 

Kaya kailangan  na magbayanihan at kailangan ang kooperasyon ng lahat para pagkatapos ng pitong araw ay maayos na.

 

Sa kabilang dako, bumalik na sa normal ang healthcare capacity na ngayon ay nasa critical level.

 

“Iyan ‘yong second objective natin noh?” ani Sec. Roque.

 

Ang pangatlong objective naman  ay mailigtas ang buhay ng marami.

 

Kasabay nito na ang pag-ECQ ay mapalakas pa lalo ang “prevention, detection, isolation, at treatment”.

 

Sa prevention ay istriktong ipatutupad ang public health standards at safety protocols na mask, hugas, iwas at bakuna.

 

Sa detection naman aniya ay gagawin ang pagba-bahay-bahay para matukoy ang mga aktibong kaso sa pamamagitan ng CODE Team.

 

Sa testing naman ay paiigtingin na sa ngayon ay nasa mahigit 50,000 kada araw.

 

Palalakasin din aniya ang contact tracing sa pamamagitan ng StaySafe.ph

 

Ang mabuting balita pa rin aniya ay plantsadong-plantsado na ang StaySafe.ph

 

At treatment naman  ay pararamihin ang nakakaalam ng One Hospital Command Center para maiwasan aniya ang sabay-sabay na pagpasok sa malalaking ospital.

 

At sa darating na Abril aniya ay magbubukas na aniya ng karagdagang bed capacity kasama na aniya rito ang 110 bed capacity sa Quezon Institute na mayroon aniyang kakayahan na gumamot ng moderate at severe cases. (Daris Jose)