DAHIL sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa PhilHealth na magbayad sa mga hospital na mayroong mga unpaid Covid-19 claims, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na marami sa mga private, national government at LGU-hospitals ang nag-commit na dadagdagan ang mga Covid-19 beds lalo na ang mga IC beds sa NCR Plus.
Ito aniya ang isa sa mga naging kritical na basehan ng Inter-Agency Task Force (IATF) para mag rekomenda na mag luwag ng kaunti at gawing MECQ ang klasipikasyon sa NCR Plus.
Ang mga commitment mula sa mga pribadong at pampublikong ospital ay 104 hospitals sa NCR Plus “as of 11 am, april 11, 2021” ay ang mga sumusunod: additional 164 critical ICU beds at 1,157 Covid-19 regular beds for moderate and severe.
Ang iba pang dagdag na capacity na handa na ay mga sumusunod:
-110 beds sa Quezon Institute para sa moderate and sever Covid-19
-960 beds sa National Center for Mental Health para sa moderate Covid-19
-330 beds sa Manila Times College sa Subic para sa mild and asymptomatic
-165 beds sa New Clark City Tarlac para sa mild and asymptomatic
-200 beds, Eva Macapagal Terminal in Maynila, mild and asymptomatic; and
-100 beds sa Orion Bataan Pork Terminal para sa mild and symptomatic
“Eto naman po ang sumatotal na nadagdag na healthcare capacity habang tayo ay nasa ECQ: Covid ICU beds, 164; Covid regular beds for moderate and severe, 2,227; and Covid isolation beds, 765 (mild and asymptomatic). Ang sumatotal po ay 3,156 beds in NCR Plus,” ayon kay Sec. Roque.
Nagpakita naman ng table si Sec.Roque kug saan makikita ang utilization rate kasama na ang mga bagong kama.
“Makikita niyo po sa Covid ICU beds, ang ating utilization rate ngayon ay 74.34 percent; anga ting Covid ward beds ay 46.04 percent; at ang covid isolation beds ay 59.56 (percent),” ang pahayag nito.
Samantala, inulit ni Sec. Roque na ang inaprubahan ng Pangulo na rekomendasyon ng IATF ay isailalim sa MECQ ang NCR Plus na magtatanggal hanggang katapusan ng Abril.
“Yan lang po sa ngayon at bukas po sa ating regular briefing, paguusapan natin muli ang pagkakaiba ng ECQ at ang MECQ. Magandang hapon po sa lahat at enjoy your Sunday,’ ani Sec. Roque. (Daris Jose)