• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 16th, 2021

3 panukalang batas, sinertipikahang urgent ni PDu30

Posted on: April 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TATLONG panukalang batas ang sinertipikahang urgent ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte .

 

Ito ay ang Senate Bill No. 2094, Senate Bill No. 1156, at ang Senate Bill No. 1840.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, bahagi ang tatlong bill na ito sa mga legislative reform agenda ng Duterte administration.

 

Aniya pa, ang pag-“certify as urgent” sa mga panukalang batas na ito ay magpapabilis sa paglago ng ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng paglikha ng mga business program na makakahikayat ng mas marami pang dayuhang negosyante.

 

Dahil dito maraming mga trabaho at oportunidad ang maibibigay sa bawat Pilipino. (Daris Jose)

Halaga ng government loan na magagamit para ipambili ng bakuna, aabot sa $1.3B

Posted on: April 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TINATAYANG aabot $1.3 billion dollar ng government loans ang magagamit ng gobyerno para maipambili ng COVID-19 vaccines.

 

Sinabi ni Vaccine Czar sec. Carlito galvez, na sa kasalukuyan, malapit na ng ibayad ang halagang ito sa pharmaceutical company na Moderna.

 

Malapit na kasing matapos ang negosasyon para sa pag-aangkat ng bansa ng Moderna vaccine kung saan ang nakalaan ang halaga ibabayad dito ay aabot sa kabuuang $1.3 billion.

 

Para kay Galvez, ito ang pinaka-unang alokasyon na magmumula sa loans o pondong inutang ng bansa para ipangbili ng Covid-19 vaccines. (Daris Jose)

NAVOTAS NAKUMPLETO NA ANG PAGBABAKUNA SA MGA FRONTLINERS

Posted on: April 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nakumpleto ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas nitong Lunes ang pagbabakuna sa priority A1 frontliners.

 

 

Nasa 1,297 residente at hindi residenteng frontliners na nakarehistro sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) vaccination program ng lungsod ang nakatanggap ng kanilang shots.  Sa bilang na ito, 178 ang nabigyan na ng pangalawang dosis.

 

 

Ipagpapatuloy na din ng Navotas ang pagbabakuna sa mga senior citizen kasunod ng pagpasya ng Food and Drug Authority (FDA) na payagan na sila sa Sinovac Biotech’s CoronaVac vaccine.

 

 

“Amidst the continuous increase in COVID-19 infections and the delay in the delivery of other vaccines, we welcome the decision of the FDA to allow seniors to have the CoronaVac jab,” ani Mayor Toby Tiangco.

 

 

“It is urgent that we vaccinate all our seniors as soon as we can. They are one of the most vulnerable sectors and they need to be protected immediately from this deadly disease,” sabi niya.

 

 

As of April 12, ang Navotas ay nakapagbakuna na ng 892 seniors at 1,686 persons with comorbidity. (Richard Mesa)

Bigayan ng ayuda, vaccination sites posibleng ‘super spreader’ ng virus

Posted on: April 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Posibleng maging “super spreader” ng virus ang mga kasalukuyang ginaganap na bigayan ng ayuda at maging ang “vaccination” ng mga lokal na pamahalaan dahil sa pagkukumpulan ng mga tao sa mga venue.

 

 

“This is a possible super spreader event lalong lalo na kung kumpulan yung tao at enclosed yung space,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

 

 

Nabatid na inirereklamo ng mga benepisyaryo ang pagpapalabas sa kanila ng mga lokal na pamahalaan at pagpapapila para matanggap ang P1,000 hanggang P4,000 ayuda sa halip na ibahay-bahay para hindi na sila mapilitan na lumabas.

 

 

Sinabi ni Vergeire na pinaalalahanan na nila ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ukol dito at ma-ging ang Department of the Interior and Local Go-vernment (DILG).

 

 

“We also reminded our LGU na magkaroon ng scheduling para hindi nagkakaroon ng pagkukumpol-kumpol ang ating mga kababayan kapag sila ay nagpapabakuna,” sabi ni Vergeire. (Daris Jose)

Ads April 16, 2021

Posted on: April 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

DOTr pinalawig ang free rides sa mga health workers, APORs

Posted on: April 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Ipinag-utos ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang malawakang pagpapatupad ng pagbibigay ng libreng sakay sa lahat ng health workers at authorized persons outside of residence (APORs).

 

 

Inutusan ni Tugade ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na palawakin ang programa hindi lamang sa Metro Manila kung hindi pati na rin sa probinsiya kahit na ano pang quarantine classification mayron ang lugar.

 

 

Kasama rin sa libreng sakay ang mga essential workers at mga APORs. “The program aims to help essential workers get to their destination safely and efficiently by providing them free transportation,” wika ni Tugade.

 

 

Sa ganitong paraan ay makakatulong din ito sa mga essential workers upang hindi masyadong maramdaman ang hindi magandang epekto sa kabuyahan nila na dala ng quarantine restrictions.

 

 

Matutulungan din ng nasabing programa ang mga operators at drivers ng mga public utility vehicles (PUVs) sa pamamagitan ng Service Contracting Program.

 

 

“This is like socialized transport system. The government pays for it and the people will just have to use it. This is our assistance to our countrymen,” saad ni Tugade.

 

 

Ang libreng sakay para sa mga health workers at APORs ay ipapatupad hanggang may pondo pa na nagagamit mula sa Bayanihan to Recover as One (Bayanihan II) para sa Service Contracting Program.

 

 

Sa ilalim ng batas, ang mga critically-impacted transport sectors ay bibigyan ng P9.5 billion na pondo kung saan ang malaking bahagi ng pondo ay ilalaan sa service contracting efforts na tutulong sa mga drivers at oprators na naapektuhan ng pandemya. May P5.5 billion ang nakalaan sa service contracting program ng pamahalaan.

 

 

“Under the Service Contracting Program, the DOTr through the LTFRB is giving payouts to participating operators and drivers of Public Utility Buses (PUBs) and Public Utility Jeepneys (PUJs). They are provided with performance-based subsidy based on the kilometers traveled by the vehicles,” dagdag ni Tugade.

 

 

Mula noong April 12, 2021, ang Free Ride Program para sa mga health workers at APORs ay may naitalang 2.2 million na kabuohang pasahero sa Metro Manila at karatig na lugar mula ng nagsimula ito noong March 18, 2021. Mula sa kabuohang ridership, may 587, 892 na pasahero ang mula sa National Capital Region (NCR) at 1,651, 722 mula sa ibang rehiyon ng bansa. Mayron 20 na ruta ang nasa ilalim ng nasabing programa sa Metro Manila.

 

 

Nanawagan naman si Tugade sa mga pasahero, operators at drivers na laging sumunod sa health protocols na ipanatutupad tulad ng paggamit ng face mask, face shield at pagsunod sa social distancing.  (LASACMAR)

Nelson nagtala ng bagong rekord sa hammer throw

Posted on: April 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SUMULAT ng bagong national women’s hammer throw record si Filipino-Canadian Shiloh Corrales-Nelson sa katatapos na Triton Invitational Tourney sa University of California-San Diego track oval sa United States.

 

 

Ineklipsehan ng University of California-Riverside track team member sa six and last attempt ang eight-year-old PH mark na 50.55 meters ni Loralie Amahit-Sermona na naitatak sa 2013 Pune Asian track and field championships.

 

 

Naghagis ang dalaga ng 50.63m, pero bineberipika pa ito ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) bago opisyal na ipasok sa record books.

 

 

Ang 19-anyos dalagang thrower ang nakababatang utol ni 2020 Tokyo Olympic hopeful sprinter Zion Corrales-Nelson.

 

 

Mga apo naman sila ni 1962 Jakarta Asian Games gold medalist at Philippine Sports Hall of Famer Rogelio Onofre. (REC)

Unahin ang kumakalam na sikmura ng mamamayan sa halip na pagtambak ng dolomite sa Manila Bay

Posted on: April 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Unahin ang kapakanan ng mamamayan kaysa pagtambak ng dolomite sa Manila bay Hinimok ng opisyal ng simbahan ang pamahalaan na unahing tugunan ang pangangailangan ng mamamayan.

 

 

Ayon kay Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, mahalagang bigyang prayoridad ang kasalukuyang suliranin sa kalusugan ng tao at ekonomiya. “Kung talagang ang problema ngayon ay COVID-19 ay talagang dapat ang atensyon natin at ang ating mga finances ay nakalagay dyan; tugunan muna natin ang pangangailangang pangkalusugan at ekonomiya ng mga tao,” pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam ng Radio Veritas.

 

 

Ang mensahe ng obispo ay kaugnay sa muling pagtatambak ng mga dolomite sa Manila Bay bilang bahagi ng Manila Bay Rehabilitation Program na inilunsad ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

 

 

Dismayado si Bishop Pabillo sa mga hakbang ng pamahalaan na inuuna ang hindi napapanahon at pinag-aralang proyekto na una nang binatikos makaraang anurin sa dagat ang mga dolomite nang manalasa ang bagyo noong nakalipas na taon.

 

 

Igniit ng obispo dapat na unahin ang kapakanan ng mamamayan sa halip na ipagpatuloy ang naturang proyekto.

 

 

“Parang walang priority ang gobyerno, it shows a kind of insensitivity sa pangangailangan ng mga tao,” giit ni Bishop Pabillo.

 

 

Lalong ikinadismaya ng obispo ang pagpapatuloy ng dolomite project dahil marami ang nawalan ng trabaho at walang sapat na pambili ng pagkain ang mamamayan noong muling ipinatupad ang enhanced community quarantine ng dalawang linggo sa National Capital Region at karatig lalawigan.

 

 

Ang naturang proyekto na nagkakahalagang 389-milyong piso ay pinaniniwalaang hindi dumaan sa wastong pag-aaral kung saan unang nanindigan ang Greenpeace Philippines na hindi ito makalulutas sa suliranin sa Manila Bay.

 

 

Umaasa si Bishop Pabillo na mas higit na tutugunan ng pamahalaan ang pangunahing pangangailangan ng mamamayan tulad ng pamamahagi ng ayuda at pagpapalakas sa vaccination rollout na makatutulong mabawasan ang epekto ng coronavirus sa mamamayan. “Sa halip na gagastos sa dolomite, ‘yung budget pwede namang ma-realign; magbigay ng ayuda sa mga mahihirap, sa mga nawalan ng trabaho at ganun din ang pagbabakuna na mas kailangan natin ngayon,” saad pa ni Bishop Pabillo (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Tokyo Olympics organizers tiwala pa rin na matutuloy ang mga laro sa Hulyo

Posted on: April 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Tiwala pa rin ang organizers ng Tokyo Olympics na matutuloy pa rin ang mga laro kahit na nahaharap sila malaking pagsubok at ito ay ang patuloy na pagdami ng kaso ng COVID-19.

 

 

Sa natitirang 99 araw bago ang July 23 Olympics ay positibo pa rin ang mga organizers na matutuloy ang mga events.

 

 

Isa sa naging halimbawa na wala ng makakahadlang sa mga laro ay ang pagsisimula na ng Olympic torch relay na nag-umpisa sa Fukushima noong nakaraang buwan.

 

 

Bagamat hindi na kailangan na maturukan ng COVID-19 vaccines ang mga atleta ay hinihikayat pa rin sila ng International Olympic Committee ang pagpapabakuna at naglaan na rin sila ng Chinese-made vaccines para sa mga atleta na wala pang bakuna.

 

 

Ayon sa mga organizers, mapapawi at mawawala ang atensiyon ng mga tao sa COVID-19 kapag makita nila ang mga atleta sa entablado sa pagsisimula ng Olympics.

JUDY ANN, bagay na gumanap na bida sa ‘Doctor Foster’ at si JULIA naman ang ‘other woman’

Posted on: April 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MAINGAY na agad ang adaptation na gagawin ng ABS-CBN mula nang ianunsiyo nila na nakuha nila ang rights ng Doctor Foster na orihinal sa British Television at na-adapt na ng ibang bansa.

 

 

Ang pinakahuli na nag-adapt nito ay ang South Korea at puwede rin sigurong sabihing isa sa pinaka-successful adaptation noong 2020 at pinagbidahan ng South Korean actress na si Kim Hee-ae, kanya-kanya na rin ng suggestion ang netizens sa kung sino ang Kapamilya actress na gusto nilang gumanap.

 

 

Kilala sa bansa ang Doctor Foster na The World of the Married na ipinalabas sa VIU at Netflix. Ang actress na gumanap nito ay nanalo ng Best Actress award at Deasang award.

 

 

Mga pangalan nina Judy Ann Santos, Angel Aquino, Jodi Sta. Maria, Angelica Panganiban ang ilan sa nababasa naming bet ng netizen na gumanap.

 

 

Personally, nakikita namin si Judy Ann sa role ng bidang doctor na pinagtaksilan ng asawa, pero at the same time, sa process ng paghihiganti niya ay may nagawa rin na pinagsisihan nito.

 

 

Bold, daring ang role so tingin din namin, baka ito ang maging struggle, if not only sa pandemic at ayaw munang tumanggap ng serye ni Juday.

 

 

Kung hindi pwede si Juday, sa pagiging daring, pwede sina Jodi at Angelica. Pero again, babalik kami sa perfect choice sana rito si Juday.

 

 

At tulad ng wish ng netizens, kahit na kahawig ni Kylie Padilla ang gumanap na actress sa Korean adaptation, hands down, si Julia Barretto ang nag-iisa at bagay na bagay talaga sa role ng kabit.

 

 

Sina Judy Ann at Julia ay perfect sana para sa dalawang female lead. But since tingin namin, mahihirapang tanggapin ni Juday, pinaka-bonggang cast talaga at kung papayag na magsama, aba, Bea Alonzo at Julia Barretto!

 

 

***

 

 

NAPAPA-’sana all’ na lang ang netizens, lalo na ang mga K-Pop fans dahil sa pagmamahal pa rin talaga ng K-Pop Idol at kilala sa Pilipinas bilang Pambansang Krung-Krung na si Sandara Park sa mga kasama niya dati noong Star Magic artist pa siya.

 

 

     Alam na, lalo na ng mga tagahanga ni Sandara all-over the world kung ano na ang mga nagawa, naibigay at pagpapahalaga talaga niya sa kanyang mga dating handlers sa Star Magic.

 

 

Kabilang na nga rito sina Ana Yambao at ate Eleina Rodriguez o mas kilala, lalo na ng mga international fans bilang si “Lola.”

 

 

Ito kasi ang tawag ni Sandara kay Ate Eleina. At nang malaman ni Sandara na ang dating walang kaalam-alam at kahilig-hilig sa anything K-entertainment ay biglang naging fan ng boy group na Super Junior lalo na ang miyembro nito na si Choi Siwon, hayun, nang makasama sila ni Sandara sa isang show, hiningan niya ng video greetings ang buong Super Junior para bumati ng Happy Birthday kay Lola.

 

 

Ang siste, November last year pa ito ginawa ni Sandara. Nang magkasama nga sila sa docu-show na Archive kunsaan, tungkol sa evolution ng K-pop.

 

 

Para hindi ma-pre-empt ang show, itinago lang ni Sandara ang video at kailan lang inilabas at ipinost sa kanyang Instagram account.

 

 

Siyempre, tuwang-tuwa si Lola. Pero, magkahalong tuwa at inggit din ang nararamdaman ng ibang fans.

 

 

Nakausap namin si Ate Eleina at sabi nga niya, kung hindi raw dahil sa pandemic, usually ay nagse-celebrate sila ng birthday ng sabay sa Pilipinas. November 8 daw kasi siya at November 12 naman si Sandara.

 

 

At sigurado, kung walang pandemic, naka-ilang balik na sana muli sa bansa si Sandara na talagang second home at mahal niyang talaga ang Pilipinas.