• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 16th, 2021

Holmqvist apelyido ng ina gagamitin sa jersey

Posted on: April 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MAGPAPALIT ng surname si incoming Philippine Basketball Association (PBA) rookie Ken Holmqvist ng Barangay Ginebra San Miguel na ikakabit sa playing uniform niya sa mga game sa professional cage league.

 

 

Pinabatid na niya ang hakbang kay PBA Commissioner Wilfrido ‘Willie’ Marcial, ayon kay BGSM coach Earl Timothy ‘Tim’ Cone nitong isang araw lang.

 

 

Idinahilan ng Filipino-Norwegian na lubhang mahirap bigkasin at isulat ang Ken Holmqvist. Inaantay na lang ng Gin Kings ang sagot ng Office of the Commissioner.

 

 

Pero kapag pumayag ang liga, ang middle initial na S (Sagulo) ng dating University Athletic Association of the Philippines (UAAP) player mula sa Far Eastern University, na apelyido ng kanyang ina sa pagkadalaga ang makikita na sa jersey niya ng mga diehard fan ng crowd favorite.

 

 

Hinirit pa ni Cone na kasama sa layunin ng 25-year-old, 6-foot-8 baller ang pagtanaw ng utang na loob sa kanyang ina. Holmqvist ang gamit ng basketbolista sa UAAP at FEU playing years niya.

 

 

Maging nang maging kasapi ng national men’s basketball team na nagkampeon sa 3rd Souh East Asian Basketball Association (SEABA) Cup  2016 sa Bangkok, Thailand.

 

 

Sa tingin ng Opensa Depensa, aprub ito sa PBA.

 

 

Kasi si Jayson Castro ng TNT apelyido ng nanay niya rin ang dinadala sa PBA. Jayson William siya kapag mga kompetisyon naman ng International Basketball Federation (FIBA).

Paras, Torralba at Cuno makakatulong — Racela

Posted on: April 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KUMPIYANSA si Raoul Cesar ‘Nash’ Racela sa tatlong bagitong hinugot ng Blacwater sa 36th Philippine Basketball Association (PBA) Draft sa nakalipas lang na buwan.

 

 

Nilarawan ng Bossing coach sina Andre Nicholas Alonzo Paras, Joshua Torralba at Rey Mark Auno na mga batang palaban, masipag mag-hustle at hindi lang sa opensa uubra kundi maging sa depensa rin.

 

 

Maaasahan aniya sa magkabilang dulo ng court ang tatlong bagong salta para sa prangkisang Dioceldo Sy kaya pinapirma na ito bago mag-Enhanced Community Quarantine sa COVID-19 sa kasalukuyang buwan.

 

 

Lagas si Rey Mark ‘Mac’ Belo sanhi ng Baser Amer trade buhat sa Manila Electric Company o Meralco kaya ipapanalpak sa  front court ng koponan ang 6-foot-4 na si Paras at 6-7 Acuno.

 

 

“Both are young bigs, utility guys,” panapos na hirit ng coach.

 

 

“They could give you different things.”

 

 

Isang guard naman ang 6-2 na si Torralba na magiging katuwang o kapalitan ni Amer sa backcourt pati nina Paul Desiderio at Diego Miguel Dario.

 

 

First pick ng koponang pabango sina Acuno at Torralba sa second round (14th at 15th overall) habang sa third round (27th overall), nadale ang ikalawang henerasyong Paras sa unang Asia’s play-for-pay hoop.

 

 

Wala pang bagong petsa ang 46th PBA Philippine Cup 2021 opening na kinansela sa Ynares Center sa Antipolo sa buwang ito. Pagpapasyahan pa sa PBA Board of Governors meeting sa darating na Lunes, Abril 19 ang bagay. (REC)

DINGDONG, ‘di pa rin makapaniwala na kaybilis ng panahon at two years old na si SIXTO

Posted on: April 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MAY throwback post si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes kasama ang kanyang bunsong anak na si Jose Sixto Dantes IV, na nagsi-celebrate today, April 16 nang ikalawa niyang kaarawan.

 

 

Sa IG post ni Dingdong noong April 14, ibinahagi nga niya ang larawan nilang mag-ama na kuha noong nakaraang taon.

 

 

May caption ito ng, I was going through old photos, when I came across this picture that I had taken around the same time last year (bago kita tuluyang kinalbo). 

 

 

I couldn’t believe how time flies so fast that in a couple of days, you’ll be turning two.

 


     “So many things had happened, so many realizations, and so many challenges such as this pandemic that we have to fight as a nation.

 


     “It may not be an ideal world to live in, but we, your parents, will do our best to inculcate in you and your Ate Z the renewed (and strengthen) version of values and principles of humanity.

 

 

Katulad ng mga naging post ni Dingdong sa kanyang dalawang anak, nakaka-touch o heartwarming kaya naman palaging pinupusuan ng netizens.

 

 

Sa araw na ito, tiyak na kahit paano ay pinaghandaan nina Dingdong at Marian Rivera-Dantes kasama ang panganay na anak na si Zia na maging memorable pa rin celebration ni Sixto, na kinagigiliwan ng netizens dahil lalo pa itong gumaguwapo.

 

 

Samantala, last year sa unang kaarawan ni Sixto, gumawa nga si Dingdong ng isang ‘open letter’ para sa kanyang anak, na hindi nakapag-celebrate kasama ng buong angkan at mga kaibigan dahil nga sa nag-ECQ sa pagtaas ng Covid-19 cases sa bansa.

 

 

Hindi na nga malilimutan ang naka-aantig na mensahe na nais ipahiwatig ni Dingdong sa kanyang anak na ating balikan:

 

 

“Dear Son,

 

 

“It is day 33 for us here on lockdown and day 365 for you on Earth.

 

 

“Normally, we would gather all our relatives and friends to celebrate this special day with you, just like how your mother and I had done it when we reached the same milestone.

 

 

“Though as toddlers, we never really remembered anything— thanks to the pictures that reminded us how we are loved by the people around us.

 

 

“But today, it’s just going to be us, Buddy— You, me, your Mother, your Ate Z, Ate Cecile, Ate Glenda and Kuya Emerson.

 

 

“But please know that there are many people like your cousins, grandparents, godparents and relatives who wish to see you and be with you today, probably to give a gift, a cake, or a simple tight warm hug.

 

 

“But not now…maybe when this is all over. When? I really don’t know, son.

 

 

“To be honest with you, i fear the day that you would be marching towards this new world, this new normal, that we had created for your generation.

 

 

“What’s happening now is a clear manifestation of our actions and inactions— and we are reaping its effects which could benefit a few, but for most…just hard learnings about humanity, the planet and spirituality.

 

 

“But i guess as parents, that’s what we are here for.

 

 

“We are here to prepare you for that jungle out there.

 

 

“Though there is fear, it is also you (and your sister) who give me courage to carry on and strive to make this world a sustainable place to live in.

 

 

“You give me the drive to make me want to be a better version of myself.

 

 

“And so, in as much as it should be you who should receive gifts, please know that you are the gift for us— a living reminder that we should get our acts together and ensure that when the time comes, you can freely walk the streets, breathe all the air that you want, play ball with your friends even at close distance, ride a bike, and return the hug to all your well-wishers today.

 

 

“This picture will always be my reminder that in times of fear and uncertainty, i had found hope—through you.

 

 

“Happy first birthday, Sixto.

 

 

“Love,

 

 

 

“Dad 161000hAPR20”

 

 

“PS. I hope you like your haircut. Don’t worry when the time comes, you can cut mine too!”  (ROHN ROMULO)

MINI-PUFTS ARE OUT OF THE BAG IN THE CHARACTER-REVEAL VIDEO OF “GHOSTBUSTERS: AFTERLIFE”

Posted on: April 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments
SWEET. Mischievous. Savage. 
Mini-Pufts are out of the bag, in the recently released video that introduces the new characters in Columbia Pictures’ upcoming adventure comedy Ghostbusters: Afterlife.

 

Check out the character-reveal video below and watch Ghostbusters: Afterlife in Philippine cinemas this 2021.

 

 

YouTube: https://youtu.be/x-Mjfs9zRH4

 

 

About Ghostbusters: Afterlife

 

 

From director Jason Reitman and producer Ivan Reitman, comes Columbia Pictures’ Ghostbusters: Afterlife, the next chapter in the original Ghostbusters universe.

 

 

In Ghostbusters: Afterlife, when a single mom and her two kids arrive in a small town, they begin to discover their connection to the original ghostbusters and the secret legacy their grandfather left behind. The film is written by Jason Reitman & Gil Kenan. Based on the 1984 film Ghostbusters, an Ivan Reitman film written by Dan Aykroyd and Harold Ramis.

 

 

Starring Carrie Coon, Finn Wolfhard, Mckenna Grace and Paul Rudd, Ghostbusters: Afterlife’s executive producers are Dan Aykroyd, Gil Kenan, Jason Blumenfeld, Michael Beugg.

 

 

Ghostbusters: Afterlife will be distributed by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International.  Use the hashtag #Ghostbusters

Tanggapan ng Radio Veritas, isinailalim sa “pansamantalang lockdown”.

Posted on: April 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Tiniyak ng himpilan ng Radio Veritas 846-ang Radyo ng Simbahan na patuloy na mapakikinggan sa himpapawid at mapapanood sa pamamagitan ng video streaming at Veritas 846 Facebook page ang mga misa at mga programa ng himpilan.

 

 

Ito ay kaugnay sa ipatutupad na ‘pansamantalang lockdown’ o  pagsasarado ng Radio Veritas main studio na matatagpuan sa 162 West avenue corner Edsa Quezon City dulot na rin ng pagpositibo ng ilang kawani ng Covid-19 simula April 14.

 

 

Ang hakbang ay bilang pagtugon sa panuntunan ng Inter-Agency Task Force at bigyang daan ang isasagawang ‘disinfection’ ng buong gusali na bahagi ng pag-iingat ng higit pang pagkalat ng nakakahawang sakit.

 

 

Humingi rin ng pang-unawa at panalangin ang Radio Veritas sa mga Kapanalig dahil sa pansamantala pagsasara ng tanggapan kung saan hindi muna pinahihintulutan ang pagtanggap ng mga ‘walk in’  Kapanalig members at application, gayundin ang Truth Shop at mga hihingi ng tulong sa programang Caritas in Action.

 

 

Pansamantalang ginagamit ng Radyo Veritas ang transmitter sa Taliptip Bulacan, upang patuloy na makapaglingkod at mapakinggan ang mga inihandang mga programa.

 

 

Kabilang sa mapakikinggan ang mga banal misa, pagninilay ng mga pari at obispo gayundn ang mga gawain ng simbahan para sa pagdiriwang ng ika-500 taon ng Kristiyanismo sa Pilipinas.

 

 

Sa kasalukuyan ay sumasailalim sa swab testings at contact tracing ang Radio Veritas upang malaman ang kalagayan ng iba pang mga kawani kasabay na rin ng isasagawang paglilinis sa buong gusali upang matiyak ang kaligtasan ng lahat.

 

 

Para sa mga kapanalig na nais na magbigay ng kanilang ‘pledge’ at donasyon ay maari itong isagawa online na makikita sa veritas846.ph website.

 

 

Maglalabas ng karagdagang pahayag ang himpilan sa lalung madaling panahon.

5 nalambat sa P241K droga sa Malabon

Posted on: April 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Limang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga kabilang ang dalawang babae ang arestado sa isinagawang magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Malabon City.

 

 

Sa ulat, alas-3:30 ng hapon nang masagawa ng buy bust operation NPD District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa pangunguna ni PLTCOL Macario Loteyro at PMAJ Jerry Garces sa harap ng isang bahay sa No. 2A MacArthur  Highway, Brgy. Potrero Malabon City na nagresulta sa pagkakaaresto kina Mikel Pucio alyas “Manila Dead Drop” , 25, Kian Earl Bonifacio, 20, at Rochelle Alday, 24, pawang ng Caloocan city.

 

 

Narekober sa mga suspek ang nasa 1000 gramo ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na may standard drug price P120,000, buy-bust money na binubuo ng isang tunay na P1,000 at 19 pirasong P1,000 boodle money, transparent glass pipe na naglalaman ng marijuana, 2 cellphones at brown eco bag.

 

 

Dakong 11:30 naman ng gabi nang madamba ng mga operatiba ng Malabon Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Joseph Alcazar sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Joel Villanueva si Marvin Diolazo, 45, at Irene Flores, 41, kapwa ng ng Bisig ng Kabataan, Brgy. 2, Caloocan City matapos bentahan ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang 21 pirasong plastic sachets na naglalaman ng nasa 17.83 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P121,244 at buy bust money.

 

 

Kasong paglabag sa R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isinampa ng pulisya kontra sa mga suspek sa Malabon City Prosecutors Office. (Richard Mesa)

Limitadong vaccine doses, inirekomenda ng OCTA na i-focus sa NCR

Posted on: April 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Hinikayat ng mga eksperto mula sa OCTA Research Team ang gobyerno na mag-focus na lang sa pamamahagi ng limitadong suplay ng coronavirus vaccines sa mga lugar na may mataas na coronavirus cases, partikular na rito ang Metro Manila at Calabarzon.

 

 

Ayon kay OCTA Research fellow Prof. Ranjit Rye, nakatakda silang magsumite ngayong linggo ng kanilang sariling vaccine model. Mas makabubuti aniya kung gagamitin ng pamahalaan ang risk-based approach.

 

 

Ibig sabihin lang nito ay uunahing mabakunahan ang lahat ng health care workers, matatanda at mga indibidwal na may comorbidities.

 

 

Kailangan aniya na pagtuunan na rin ng pansin ang NCR at Calabarzon kung saan naitatala ang karamihan ng COVID-19 cases. Kung gagawin daw ito ay naniniwala ang OCTA na hindi lang maaabot ng Pilipinas ang herd immunity subalit pati na rin ang posibilidad na bumaba ang mga kaso ng nakamamatay na virus.

 

 

Suportado rin ng grupo ang risk-based approach para sa alokasyon ng mga bakuna ngunit dahil na rin sa kakulangan ng suplay nito at pamimilit na muling nang buksan ang ekonomiya, ayon kay Rye maaari raw aralin ng pamahalaan ang pag-reallocate ng spaces.

 

 

Posible raw na magreklamo rito ang ibang rehiyon pero naniniwala ang grupo na maihahalintulad ang pandemic sa isang ahas. Kung uunahin aniya na putulin ang ulo nito, ay malaki ang tsansa na magkaroon ito ng malawakang epekto sa laban kontra COVID-19.

 

 

Dagdag pa ni Rye na malayo pa ang landas na tatahakin ng bansa para magapi ang coronavirus pandemic kahit pa nakakakita na sila ng pagbaba sa COVID-19 reproduction number. (Daris Jose)

PRESYO NG KARNE NG BABOY SA MGA PALENGKE MULING SUMIPA SA P400 BAWAT KILO

Posted on: April 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MULING sumipa ang presyo ng karne ng baboy  sa P400 bawat  kilo  sa ilang palengke sa Metro Manila.

 

 

Ito ay sa mga palengke ng Commonwealth Market sa QC, Mega Q-Mart, Trabajo Market sa Sampaloc, Manila at Acacia Market sa Malabon.

 

 

Habang sa Blumentritt Market ay P380 kada kilo ng liempo at P360 sa kasim at pigue.

 

 

Ayon naman sa Pork Producers Federation of the Philippines na posible pa itong tumaas pa sa mga susunod na araw.

 

 

Ayon naman sa Farmers group na  Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na dapat hindi aabot ng P400 ang baboy dahil P230 lamang ang farm gate price nito. Malinaw umano na mistulang may nagmamanipula sa presyo ng mga ito upang  sumipa ang presyo ng karne ng baboy sa P400/kilo.

 

 

Anila dapat maglalaro lamang  sa P340 hanggang P350 ang presyo ng karne ng baboy. Tugon naman ng DA sa isyung ito ay pataasin ang importasyon ng karne ng babaoy lalo na sa Metro Manila upnag bumagsak ang presyo nito.

 

 

Pangunahing sanhi ng kakulangan ng karne ng baboy sa Luzon ay ang mababang produksyon nito dahil sa African Swine Fever na halos lumipol sa populasyon ng baboy sa Luzon (RONALDO QUINIO)

SUNSHINE, ibinahagi na na-expose at nag-positive kaya pinagdiinang ‘Covid-19 is real’

Posted on: April 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

IBINAHAGI ni Sunshine Cruz na na-expose siya at nag-positive sa Covid-19 kaya kailangang mag-isolate para hindi na makahawa.

 

 

Sinimulan niya ang IG post noong April 14 sa pamamagitan ng isang quote: “He won’t make us face anything that He knows we cannot get ourselves through.. Making us definitely stronger.”

 


     Saka sinabing, Unfortunately, I was exposed and tested Covid positive last March 27. When I got my RT-PCR result, I went through a denial stage. It took a while for reality to sink in, I thought I would be asymptomatic and would probably just isolate myself for 14 days to make sure that the people at home will be safe as well. But here I am still isolated with symptoms after already taking different kinds of strong antibiotics and medicines.

 


     Sa pagpapatuloy niya, It’s my 20th day of isolation and as instructed by my doctor, I still can’t leave my room not unless my symptoms are gone. I have three kids and our kasambahays that i have to also protect from myself.

 


     Pinagdiinan din niya sa mga makakabasa ng post na,To everyone, Covid is real! In my 43 years of existence, I’ve had fever, the flu, and coughs but Covid symptoms can’t be compared to what I’ve experienced before. I am still grateful and blessed that the worst is over.

 


     “I will be taking a swab test tomorrow and I am hoping, praying for a negative result. I am positive that I will test negative! Claiming it!

 

 

Payo pa ni Sunshine, Stay safe everyone, wear your masks, face shields and keep your distance, let us all do our part in being a solution to this very difficult pandemic we are facing. God bless us all!

 

 

Agad namang nag-react ang mga celebrity friends niya, na nagdarasal at nagpakita ng suporta sa kanyang pinagdaraanan.

 

 

Narito ang naging komento nina:

 

 

Karla Estrada, “ou will be ok soon shine!!! Lets claim it! Prayers for you and the entire family.”

Aiko Melendez, “Negative na yan in Jesus name sis. kaya mo yan sis laban.”

Charlene Gonzalez-Muhlach, “Prayers for a swift recovery @sunshinecruz718 be well.”

Ana Roces, “Im praying for your negative result Shine.”

Jackie Forster, “Praying for you and super glad you are much better.”

Danica Sotto-Pingris, “Praying for you, claiming your healing.”

Eula Valdes, “Praying for your swift recovery.”

Arnold Clavio, “Be strong. Your faith in Him will save you.”

 

 

Nag-comment sa pamamagitan ng three Folded Hands emoji sina Zsa Zsa Padilla at Carla Abellana na sign ng kanilang pagdarasal.

 

 

Marami ring followers niya ang nag-comment na ipagpi-pray nila ang aktres at gumaling na sa madaling panahon

 

 

Kaya ganun na lang ang pasasalamat si Sunshine.

 

 

Sabi niya, Thanks everyone.

 


     “We are about to resume taping and it is part of our protocol to get swabbed and to test negative before going inside our lock in taping(bubble) for the safety of all artists, staff and crew. Hoping for the best para makapag work na din.

 

 

Hoping and praying for the best!

 

 

Sana nga mag-negative na si Sunshine para makabalik na sa taping ng Bagong Umaga na two weeks na lang at magtatapos na and hopefully wala namang maging aberya.  (ROHN ROMULO)