• November 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 22nd, 2021

SUNSHINE, tahimik lang sa balitang lumipat na ng ABS-CBN; unang serye, makakasama sina PAULO at JANINE

Posted on: April 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TAHIMIK lang ang actress na si Sunshine Dizon kahit na naglalabasan na ang mga balitang lumipat na siya ng ABS-CBN mula sa pagiging isang Kapuso.

 

 

Ang daming nagulat sa totoo lang bilang si Sunshine ang isa sa masasabing Kapuso all through-out her career.

 

 

Wala rin statement na inilalabas pa ang kanyang talent management, ang PPL Entertainment, Inc. Pero, nag-Instagram Live ang kanyang manager na si Perry Lansigan at nang may magtanong tungkol sa isyu ng paglipat ni Sunshine ng network, paulit-ulit lang siyang sumagot na dapat, ang artista raw ang sinusuportahan kung nasaan man ito, lalo na at kung sinasabi na fan ka ng particular na artista.

 

 

Pero may nagsulat at nakalabas na nga na kasama si Sunshine sa naging storycon ng unang serye na pagbibidahan ni Janine Gutierrez opposites Paulo Avelino.  

 

 

Yes, tatlo silang mga dating Kapuso.

 

 

***

 

 

ISA kami sa nakakita na madalas nag-i-interact sa Twitter at Instagram ang bagong magkapareha ngayon na Kapuso stars, ang Asia’s Pop Diva na si Julie Anne San Jose at ang Kapuso Hunk na si David Licauco.

 

 

Pansin din naman kasi na parang may kakaibang real kilig ang dalawa mula nang magsimulang magkasama at mag-lock-in taping para sa kanilang unang serye, ang Heartful Café.

 

 

Kaya siguro ang mga tagahanga ni Julie Anne, iba rin ang suporta at kilig sa kanilang dalawa kahit na sa Lunes, April 26 pa sa GMA-7 at GMA Heart of Asia magsisimula silang mapanood.

 

 

     “Well, actually noong start nga, nagugulat ako, yung attention, ang dami, e. Hindi ko na-experience before,” sabi ni David.

 

 

Kaya napaisip daw siya na baka ganun talaga ang mga fans ni Julie sa mga nagiging leading men nito. Pero kinumpirma nga raw sa kanya ni Julie na iba ngayon.

 

 

Aniya, “Inisip ko baka even sa mga naging partner niya, gano’n ang mga fans niya. But then, I asked her na baka naman ganun lang silang lahat na nali-link na pair mo. But then, Julie answered na hindi, ngayon lang sila kinilig.

 

 

     “Wow, napaka-ano pala, baka nga it might work. At nakakatuwa ang mga fans niya kasi, kahit na ano ang gawin ko, almost every day nagtatanong sila, wala bang, uy, wala bang post about Julie?  Nakakatuwa lang na nakakapagpa-happy ka ng mga fans.”

 

 

Sa isang banda, trailer pa lang ng Heartful Café ay mukhang kakaiba nga ang kilig na ihahatid ng dalawa. Kaya no wonder, when David was asked kung ano ang mamimiss niya kay Julie, hindi raw siguro niya ito mamimiss dahil feel niya or hoping siya na magkakasama pa rin sila sa susunod nilang projects. (ROSE GARCIA)

CREMATORIUM FACILITY, NASUNOG

Posted on: April 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NASUNOG ang isang single storey  crematorium facility  sa Manila North Cemetery  Martes ng madaling araw.

 

 

Ayon sa Bureau of fire protection umabot sa unang alarma ang sunog. Tinatayang aabot sa P20,000 ang pinsala ng sunog at  wala namang nasaktan  sa insidente.

 

 

Nagsimula umano ang sunog sa kanang gitnang bahagi ng human incinerator crematory equipment. Patuloy namang iniimbestigahan ang nangyari.

 

 

Ang crematorium facility ay pag- aari ng city government ng Manila. (GENE ADSUARA)

MARIAN, proud na proud sa latest business venture ni DINGDONG na maraming natutulungan

Posted on: April 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SOBRANG sweet at maalaga talaga si Marian Rivera-Dantes sa kanyang asawa na si Dingdong Dantes kaya naman kinilig ang netizens at napa-’sana all’ na naman.

 

 

Pinost ni Dingdong ang inihandang healthy breakfast ni Marian at nilagyan niya ito nang nakakikilig na caption.

 

 

I am launching something that is very close to my heart today— something that we’ve been working on for over a year now. I don’t usually have breakfast, but today, my wife prepared this yummy and healthy meal with the intent of sending some good luck as i face the members of the press.

 

 

Actually, kiss lang niya ayos na ayos na, ano pa kaya na may ganito. Salamat, @marianrivera!

 

 

Ang tinutukoy ni Dingdong na ilo-launch ay ang bago niyang business venture na delivery service na Dingdong® PH na ang pinaka-core ay ‘professional malasakit’ at sa kanyang post:

 

 

At the core of Dingdong® is the EXCELLENT SERVICE that we give to ALL our stakeholders: merchants, corporate partners, riders and customers. We believe that excellent service is the KEY to ALL our business relationships, and to ALL doors of innovative solutions that we backed up by technology.

 


    “Dingdong® is definitely here to build lasting relationships with our fellow entrepreneurs, partner riders and discerning consumers by enabling and empowering them. And we understand that it is only through the empowerment of our community members that we will be able to co-create people-centric solutions that will allow all of us to thrive and progress sustainably amidst adversity.

 


     “All it takes is for you to ring that bell. Once you ring it, we will bring it. @dingdong.ph #YouRingItWeBringIt.”

 

 

Masaya namang ni-repost ni Marian ang photo ni Kapuso Primetime KIng at say niya, Couldn’t be more proud of you as you launch your latest venture@dingdong.ph! May you continue to inspire everyone around you. Congratulations Mahal ko. Love you! #YouRingItWeBringIt.”

 

 

Sagot naman ng daddy nina Zia at Sixto, Thank you, love, for being my inspiration and my rock. Excited for things ahead para sa iyong baby na @floravidabymarian at sa @dingdong.ph. Hanggang sa larangang ito…magpartner tayo.

 

 

Maituturing na isang public service ang ginagawa ng award-winning actor dahil sa vision at mission na makatulong sa mga nawalan ng trabaho dahil sa pandemya lalo na ‘yun nasa entertainment industry.

 

 

Sa naging pahayag nga ni Dingdong, “Sinabi ko noon sa sarili ko na kapag dumating ang panahon na may kakayahan na akong tumulong sa iba, pagtatapusin ko ang mga kapatid ko sa pag-aaral at sisikapin ko rin makatulong sa iba.

 

 

Ang mga riders ng Dingdong® PH ay nakapasa at dumaan talaga sa masusing training para maiparamdam sa mga customers ng small business owners ang kanilang “professional malasakit.”

 

 

***

 

 

NGAYONG Lunes ika-26 ng Abril, maghanda na mabihag sa matinding kwento ng tatlong kababaihan mula sa isang marangyang apartment na ipaglalaban ang kani-kanilang mga hangarin sa pinakabagong handog ng GMA Heart of Asia na The Penthouse.

 

 

Matapos makagawa ng ingay dahil sa record-breaking ratings nito sa Korea, mapapanood na ng Filipino viewers ang multi-awarded series simula ngayong Lunes sa GMA Telebabad.

 

 

Ang The Penthouse ay pinagbibidahan ng mga kilalang artista na sina Lee Ji-Ah, Kim So-Yeon, Eugene, Um Hi-Joon, Yoon Jong-Hoon, at Park Eun-Seok.

 

 

Ang serye ay tungkol ang sa mga mayayamang pamilya na naninirahan sa Hera Palace at kanilang mga anak sa Cheong-ah Arts School. Lahat sila ay may mga ambisyon at hangarin para sa kanilang mga anak at gagawin ang anumang bagay para sa kanila.

 

 

Gayunpaman, magsisimulang gumuho ang kanilang buhay nang may isang misteryosong babae ang nahulog sa kanyang kamatayan sa gitna ng isang pagdiriwang sa Hera Palace. Habang pinipilit ng mga residente na pagtakpan ang katotohanan na namatay ang babae sa kanilang tirahan, hindi nila maiwasang paghinalaan ang isa’t isa sa nangyaring insidente.

 

 

Hanggang saan nila handang gawin ang lahat para manatili sa tuktok at protektahan ang kanilang mga interes?

 

 

Huwag palalampasin ang top-rating Korean series na The Penthouse simula Abril 26, Lunes hanggang Huwebes, 10:20 ng gabi sa GMA Telebabad.  (ROHN ROMULO)

Kontrata ni Bryant sa Nike tinapos na ng kampo nito

Posted on: April 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Tinapos na ng kampo ni NBA legend Kobe Bryant ang kontrata nito sa Nike.

 

 

Nagdesisyon ang asawa ng pumanaw na Los Angeles Lakers star na si Vannessa Bryant at ang abogado nito na hindi na nila ire-renew ang partnership nila matapos na ito ay magpaso noong Abril 13.

 

 

Sinabi nito na naging matagumpay ang paglunsad ng sapatos ng asawa nito sa nagdaang 18 taon at mas marami pa itong naisusuot na sapatos ni Kobe kaysa sa ibang mga signature shoes.

 

 

Isang dahilan kaya hindi na ito nagrenew ng kontrata sa Nike ay dahil sa walang size na pambata.

 

 

Umaasa pa rin ito na isusuot pa rin ng fans ng asawa nito ang mga produkto ng NBA legend.

 

 

Taong 2003 ng pumirma sa Nike si Kobe at naipalawig pa ito ng limang taon ang kontrata matapos ang pagreretiro niya noong 2016.

 

 

Magugunitang pumanaw si Bryant noong Enero 2020 ng bumagsak ang helicopter na sinakyan niya kasama ang anak at pitong iba pa.

Pagbabakuna sa mga nasa A4 priority group list kasama ang media, kasado na sa Hunyo

Posted on: April 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SA DARATING na buwan ng Hunyo nakatakda ang pagbabakuna laban sa covid 19 sa mga nasa A4 category kung saan kasama ang media.

 

“Well, ang A4 po inaasahan natin as soon as vaccines are available, mga Hunyo magsisimula na tayo,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

Sa kasalukuyan ay nasa hanay pa ng mga senior citizen at mga may commorbidities ang nakasalang sa vaccination program ng gobyerno kung saan pasok sana si Sec. Roque.

 

Subalit sinabi ni Sec.Roque na hindi pa muna siya magpapabakuna dahil susulitin niya ang anti- bodies na mayroon siya.

 

Masasayang lang ani Roque ang bakuna habang mayroon pa siyang antibodies kaya’t hihintayin niya aniya ang kaunting panahon para siyay sumalang sa bakuna.

 

“Ako po, kakagaling ko lang sa COVID ‘no so marami pa po akong antibodies ngayon ‘no. Pero magpapasukat po ako ng antibodies at ang sabi naman nila mga 90 days po nitong antibodies natin.

 

So habang marami pa akong antibodies, masasayang lang iyong aking bakuna ‘no, so antayin ko muna po siguro ang kaunting panahon,” lahad nito. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Sales lady pinagsasaksak ng holdaper, todas

Posted on: April 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nasawi ang isang sales lady matapos pagsasaksakin ng isang holdaper makaraang pumalag ang biktima sa panghoholdap ng suspek sa Malabon city, kamakalawa ng hapon.

 

 

Dead-on-arrival sa Ospital ng Malabon sanhi ng tinamong mga saksak sa iba’t-ibang parte ng katawan ang biktimang si Maribeth Camilo-Goco, 47 ng 282 Gen. Luna St. Brgy. Baritan.

 

 

Nakapiit naman ngayon habang nahaharap sa kaukulang kaso ang suspek na si Leo Ifsor, 29 ng 0635 Magat Salamat St. Brgy. Daang Hari, Navotas city.

 

 

Sa report nina PSSg Jeric Tindugan at PSSg Jose Romeo Germinall kay Malabon police chief Col. Joel Villanueva, dakong 1 ng hapon nang pumasok ang suspek sa Meliza’s Lingerie and Accessories Boutique sa Unit 2 No. 352 Gen. Luna St. Brgy. Baritan kung saan nagtatrabaho ang biktima bilang sales lady.

 

 

Kaagad nagdeklara ng holdap ang suspek habang armado ng patalim subalit, pumalag ang biktima na naging dahilan upang undayan ito ng mga saksak sa iba’t-ibang parte ng katawan ng holdaper bago mabilis na tumakas.

 

 

Gayunman, kaagad naman naaresto ang suspek ng mga tauhan ng Sub-Station 7 na sina PSSg Anecito Liamado Jr., PCpl Zaldy Fabul at PCpl Ryan Ulat na nagpapatrolya sa nasabing lugur.

 

 

Narekober sa suspek ang isang kitchen knife na ginamit sa pananaksak sa biktima at ang tinangay na P200 habang isinugod naman ang biktima sa naturang pagamutan subalit, hindi na ito umabot ng buhay. (Richard Mesa)

Pamilya ng dating player na si Pascual nanawagan

Posted on: April 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGPAPASAKLOLO na naman ang pamilya at ilang nagmamalasakit na kaibigan ni dating Philippine Basketball Association (PBA) player Ronald Pascual dahil sa pagbalik sa masamang gawain.

 

 

Pinarating ni Jovy Evaristo ng Mr. CabalenHoops, sa kanyang Facebook account nito lang makalawa ang sentimyento para sa dalawang beses na manlalarong nagkampeon sa unang Asia play-for-pay hoop.

 

 

“Kung mapapanood ni idol Ronald ito, masasaktan siya, pero lahat ng ginagawa namin ay para sa kanya rin bilang kaibigan at bilang kapatid,” litanya niya.

 

 

HInirit pa ni Evaristo na humihingi uli si Pascual ng pera sa ilang nilang tropa upang gamitin lamang para sa kanyang hindi mabuting bisyo.

 

 

“Ang binibigay na tulong ang nagiging gasolina niya para umapoy uli ang masamang ginagawa niya na dati,” pagbubunyag niya.

 

 

Kinumpirma naman ang bagay ng utol ni Ronald na si Ronnel Pascual.

 

 

“Sa ngayon, hindi makakatulong ang pinansyal dahil alam natin na nasa dark side siya,” wika ng kapatid. “Ang gustong mangyari ng pamilya ni Ronald, makauwi na lang siya sa kanilang tahanan at magbagong buhay para sa kabutihan na rin ng pamilya.

 

 

“Hindi pera ang kailangan ni Ronald kundi pananampalataya sa Diyos, ang matinding pagbabalik-loob sa Panginoon para maiwasan niya ang ganoong isyu, ang ganoong mga gawain,” panapos na sambit nang mas batang Pascual.

 

 

Sa kalakasan pa, naglaro sa liga si Pascual sa mga koponan ng San Miguel Beer, Star Hotshots (Magnolia na ngayon), GlobalPort (NorthPort na sa kasalukuyan), Blackwater at Alaska Milk.

 

 

Umayos ka Ronald!

1.69 milyong doses ng Pfizer, Sputnik, Sinovac darating ngayong Abril

Posted on: April 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Inaasahan ang pagdating ngayong buwan ng nasa 1.695 milyon doses ng bakuna kontra COVID-19, ayon sa Malacañang.

 

 

Kabilang sa darating ang inisyal na suplay ng Sputnik V na gawa ng Gamaleya Research Institute ng Russia, Sinovac ng China at Pfizer ng Amerika.

 

 

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, nasa 500,000 doses ng CoronaVac na gawa ng Sinovac ang darating sa Abril 22, bukod pa sa 500,000 doses sa Abril 29.

 

 

Ngayong Abril aniya makukumpleto ang pagdating ng CoronaVac.

 

 

Sinabi rin ni Roque na may inisyal na 20,000 doses ng bakuna mula sa Russia ang darating bukod pa sa 480,000 doses bago matapos ang buwan.

 

 

Inaasahan din ang pagdating ng 195,000 doses ng Pfizer vaccines bago matapos ang buwan. (Daris Jose)

SHARON, ipinagmamalaki na ilang araw na siyang ipinagluluto ni JUDY ANN; ramdam ang pag-aalaga at pagmamahal

Posted on: April 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

IPINAGMAMALAKING ikinuwento ni Sharon Cuneta na ilang araw na raw siyang ipinagluluto ni Judy Ann Santos at super thankful nga siya kay Juday sa pag-aalaga sa kanya.

 

 

May sakit si Megastar at sinabi nitong may pinagdadaanan siya these past few days, base na rin sa mga posts niya.

 

 

Sabi nga niya, Hindi po nya binebenta ito. Pero ilang araw na ako pinagluluto ng kapatid kong si Juday @officialjuday para daw lumakas at gumaling ako agad! Tulad ng pinakamasarap na Chicken Curry sa mundo na gawa nya and alam nyang paborito ko. Nung isang araw naman champorado, arroz caldo, at lahat na yata ng paborito ko pinagbuhusan niya ng panahon at pagod para lang sa akin.

 

 

Mayat-maya tinetext nya ako. Nung isang araw magkafacetime kami. Iba si Juday sa puso at buhay ko. Hanggang kabilang buhay magkasama at magdadamayan kami. I love you with all my heart, sis. Thank you so much for taking good care of me.”

 

 

     Sinagot naman ito ni Juday nang, Feel better soon my ate.. basta kumain ka lang , i’ll take care of you kahit hanggang sa pagkain lang muna… just promise me that you will take care of yourself as well.. i love you ate.. im just here no matter what.“

 

 

Hindi naman sinasabi  ni Sharon kung ano ba ang sakit o pinagdadanan niya ngayon kaya marami sa mga followers niya ang nagtatanong at nag-aalala. (ROSE GARCIA)

Pamamahagi ng ayuda mula sa pamahalaan, extended ng hanggang May 15-Sec. Roque

Posted on: April 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

BINIGYAN ng pamahalaan ang local authorities ng mas maraming oras para maipamahagi ang ayuda na nakalaan sa 22.9 million low income para makaagapay sa pinahigpit na COVID-19 restrictions.

 

“In-extend ang deadline na makumpleto ang pamamahagi ng financial assistance hanggang a-15 ng Mayo 2021,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

“Some local governments appealed for the deadline’s extension, citing the ban on mass gatherings. The automated or house-to-house aid distribution methods are also being tweaked to make them “more flexible”, dagdag na pahayag ni Sec.Roque.

 

Matatandaang, binigyan lamang ng 15 araw ang local governments para ipamahagi ang cash aid para sa mga residente sa Metro Manila at Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal provinces, na nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ), itinuturing na “toughest lockdown level,” mula Marso 29 hanggang Abril 11.

 

Nag-shift naman ang mga nasabing lugr sa modified ECQ hanggang Abril 30.

 

Hanggang apat na miyembro ng pamilya ang makakakuha ng P1,000 kada isa sa pamilya.

 

Sinabi pa ni Sec.Roque na ang naipamahagi pa lamang ng mga awtoridad na ayuda ay P4 billion mula sa P22.9-billion funds. (Daris Jose)