• November 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 24th, 2021

Pagbabalik ni Anthony Davis, ‘timing’ daw sa ‘final push’ sa Lakers campaign

Posted on: April 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Tiniyak ng big man ng Los Angeles Lakers na si Anthony Davis na 100 percent na siyang handa sa kanyang pagbabalik matapos ang dalawang buwan na pagpapagaling sa kanyang injury.

 

 

Inaasahang sasabak na si Davis bukas sa pagharap nila laban sa Dallas Mavericks.

 

 

Kung maaalala mula pa noong Pebrero 14 ay hindi na nakalaro si Davis kung saan umabot din ito sa 30 games.

 

 

Ito na ang longest absence niya sa kanyang nine-year NBA career dahil sa injury.

 

 

Kahit wala sina Davis at LeBron James sa Lakers (35-23), napatili naman ng koponan ang ika-limang pwesto sa Western Conference standing.

 

 

Si James ay mula pa noong March 20 ay hindi na rin nakalaro.

 

 

Sinasabing “timing” lamang ang pagbabalik ni Davis sa team para sa kanilang “final push” kung saan 14 na lamang na regular-season games ang nalalabi upang depensahan ang kanilang korona.

 

 

“I’m 100%, and we’ve got Bron coming back as well who’s going to be 100% healthy,” ani Davis. “I think we’ve put ourselves in a good position.”

Gilas Pilipinas inilabas na ang schedule sa 2021 Asia Cup

Posted on: April 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Inilabas na ng FIBA ang mga schedule para sa 2021 Asia Cup na gaganapinsa Clark City mula Hunyo 16-20, 2021.

 

 

Unang makakasabak ang Gilias Pilipinas laban sa South Korea sa Hunyo 16, 2021.

 

 

Susundan na makakaharap nila ang Indonesia sa June 19 at muling haharapin ang South Korea sa June 20.

 

 

Maghaharap naman ang South Korea at Indonesia sa June 17, habang kakaharapin ng Thailand ang South Korea sa June 19 at kakaharapin ng Thailand ang Indonesia sa June 20.

 

 

Magugunitang nasa Group A ang Gilas na kasama ang nasabing mga bansa.

Ads April 24, 2021

Posted on: April 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pulis todas sa pamamaril sa Caloocan

Posted on: April 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nasawi ang isang 40-anyos na pulis matapos pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek na sakay ng dalawang sasakyan sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

 

 

Dead on the spot sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa ulo at katawan ang biktima na kinilalang si Police Corporal Ronel Acuña, 40, nakatalaga sa Caloocan City Police at residente ng No. 104 Capaz St. Brgy. 63 ng lungsod.

 

 

Batay sa report ni police investigator PSSg Arjay Terrado kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr., dakong 1:00 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa Bernadette at Nadurata Streets sa pagitan ng 8th at 9th Avenue, West Grace Park, Brgy. 60 ng lungsod.

 

 

Lumabas sa imbestigasyon na pauwi ang biktima kasama ang witness na si Regine Lintag, 27 ng 102 Baltazar St. 5th Avenue, Brgy. 49 sakay ng motorsiklo.

 

 

Pagsapit sa naturang lugar ay biglang lumitaw ang mga suspek na sakay ng isang kulay puting Toyota Fortuner at kulay silver na Toyota Innova na parehong hindi nakuha ang plaka at pinagbabaril sa ulo at katawan ang biktima.

 

 

Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang mga suspek sakay ng kanilang sasakyan sa hindi matukoy na direksyon habang naiwan nakahandusay ang duguan at walang buhay na katawan ng biktima.

 

 

Narekober ng rumespondeng mga tauhan ng NPD-SOCO sa pangunguna ni PLT Romar Quilang sa crime scene ang dalawang basyo ng bala ng M16, tatlong basyo ng bala ng cal. 45 baril at isang deformed fired bullet.

 

 

Ipinag-utos na ni Col. Mina ang follow-up imbestigasyon para sa posibleng pagkakilanlan at pagkakaaresto sa mga suspek habang inaalam pa ang tunay na motibo sa insidente. (Richard Mesa)

Acting Sec. Chua, ganap ng Kalihim ng NEDA

Posted on: April 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KINUMPIRMA ng Malakanyang ang opisyal na pagkakahirang ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Karl Kendrick Chua bilang Kalihim ng National Economic and Development Authority (NEDA).

 

Si Secretary Chua sa Duterte Administration na may propesyonalismo, kakayanan at integridad bilang Undersecretary ng Department of Finance at Acting Secretary ng NEDA.

 

“With the aforesaid traits we are confident that Sec. Chua would continuously and consistently perform well in his present but crucial task of jumpstarting our economic recovery amid the COVID-19 pandemic,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

“Congratulations to Sec. Chua and we wish him all the best,” ang pagbati ni Sec.Roque.

 

Matatandaang Abril ng nakaraang taon ng italaga ni Pangulong Duterte si Chua bilang acting Socioeconomic Planning secretary.

 

Kinumpirma ito ni Executive secretary Salvador Medialdea.

 

Ito ay matapos magbitiw sa kaniyang pwesto si Socioeconomic Planning secretary Ernesto Pernia.

 

Sa kanyang pagbibitiw binanggit na dahilan ni Pernia ang personal reasons at ang hindi aniya pagkakahalintulad ng development philosopy niya sa ilang kapwa niya cabinet members. (Daris Jose)

JASON, nagsisisi na sa pagboto kay Pangulong RODRIGO DUTERTE at humingi ng patawad sa sambayanan

Posted on: April 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGSISISI si Jason Abalos sa pagboto kay Pangulong Rodrigo Duterte.

 

 

Ipinahayag niya ito sa kanyang Twitter account kasabay ng paghingi ng patawad sa sambayanan.

 

 

    “Isa ako sa mga bumoto dito. Patawarin nyo ako mga kababayan ko, ang gusto ko lang naman ay pag babago,” ang tweet ni Jason.

 

 

Kasama ng tweet ng aktor ay ang news item ng magkasalungat na pahayag ni PRRD tungkol sa West Philippine Sea noong 2016 na kumakandidato pa lang itong Pangulo at ngayong Presidente na ito.

 

 

Ang statement ni Digong noong 2016 ay, “bababa ako at sasakay ng jetski, dala dala ko ang flag ng Filipino at pupunta ako dun sa airport (ng China) tapos itanim ko. I will say, ‘This is ours and do what you want with me.’”

 

 

Pero sa huling televised address ng Pangulo ay ito na ang kanyang pahayag, “Even if I go there, I said, with Secretary (Delfin) Lorenzana, and sail there and ask questions, wala mang mangyari. Sasagutin ka lang, but you know the issue of the West Philippine Sea remains to be a question forever until such time that you know, we can take it back.”

 

 

***

 

 

IBA rin ang kinauwian ng relasyon ng dating mag-jowa na sina Julia Barretto at Joshua Garcia.

 

 

Pinayuhan pala ni Julia si Joshua na huwag munang mag-girlfriend. Ganito raw ngayon ang friendship nilang dalawa.

 

 

Ikinuwento ito ni Boy Abunda sa kanyang ‘The Best Talk’ digital show. Aniya ay nakausap niya si Julia at marami silang napagkuwentuhan kabilang na nga si Joshua.

 

 

    “Sabi niya (Julia), ‘alam mo, tito Boy, ‘yung pagiging magkaibigan namin ni Joshua ngayon is at its best, we’re very, very good friends,’” sey ng King of Talk.

 

 

The funny thing, ayon pa kay Julia, ay siya na ang nagbibigay ng payo ngayon kay Joshua at pinayuhan daw niya ang ex na, “Joshua, ‘wag ka muna mag-girlfriend. Mag-concentrate ka sa trabaho mo.”

 

 

Sabi ni Kuya Boy, “because she sees how passionate and how driven Joshua Garcia is as an actor.”

 

 

Napag-usapan din daw nila of course ang current boyfriend ni Julia na si Gerald Anderson at ayon sa young actress, the best thing about him is he guides her.

 

 

     “She’s very happy, obviously, very happy,” kwento pa ni Kuya Boy.  (ROSE GARCIA)

500,000 Sinovac vaccines, dumating na sa bansa

Posted on: April 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Dumating na sa Pilipinas ang 500,000 doses ng Sinovac vaccines mula sa Beijing China.

 

 

Lulan ito ng Philippine Airlines (PAL) flight no. PR359 na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) pasado alas-5:00 ng hapon, Huwebes.

 

 

Bandang alas-7:00 ng umaga rin sa parehong araw nang umalis ang eroplano ng PAL sa NAIA Terminal 2 upang magtungo sa Beijing.

 

 

Sinalubong ito nina Senator Christopher Lawrence “Bong” Go, Health Secretary Francisco T. Duque, Vaccine czar Carlito G. Galvez Jr., at Testing czar Vince Dizon.

 

 

Ang 500,000 doses ng bakuna na dinevelop ng Sinovac Biotech Ltd., ay binili ng pamahalaan ng Pilipinas sa China. (Daris Jose)

WATCH THE FIRST TRAILER OF “THE CONJURING: THE DEVIL MADE ME DO IT”

Posted on: April 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

THE horror returns as Warner Bros. Pictures reveals the official trailer of “The Conjuring: The Devil Made Me Do It,” based on the shocking true story of demonic possession, from the case files of Ed and Lorraine Warren.  

 

 

Check it out below and watch “The Conjuring: The Devil Made Me Do It” in Philippine cinemas soon.

 

 

YouTube: THE CONJURING: THE DEVIL MADE ME DO IT – Official Trailer

 

 

Facebook: https://fb.watch/51bwaiepsn/

About “The Conjuring: The Devil Made Me Do It”

 

 

“The Conjuring: The Devil Made Me Do It” reveals a chilling story of terror, murder and unknown evil that shocked even experienced real-life paranormal investigators Ed and Lorraine Warren.  One of the most sensational cases from their files, it starts with a fight for the soul of a young boy, then takes them beyond anything they’d ever seen before, to mark the first time in U.S. history that a murder suspect would claim demonic possession as a defense.

 

 

Vera Farmiga and Patrick Wilson return to star as Lorraine and Ed Warren, under the direction of Michael Chaves (“The Curse of La Llorona”).  The film also stars Ruairi O’Connor (Starz’ “The Spanish Princess”), Sarah Catherine Hook (Hulu’s “Monsterland”) and Julian Hilliard (the series “Penny Dreadful: City of Angels” and “The Haunting of Hill House”).

 

 

“The Conjuring: The Devil Made Me Do It” was produced by James Wan and Peter Safran, who have collaborated on all the “Conjuring” Universe films.  Chaves directed from a screenplay by David Leslie Johnson-McGoldrick (“The Conjuring 2,” “Aquaman”), story by James Wan & David Leslie Johnson-McGoldrick, based on characters created by Chad Hayes & Carey W. Hayes.  Serving as executive producers were Richard Brener, Dave Neustadter, Victoria Palmeri, Michael Clear, Judson Scott and Michelle Morrissey.

 

 

The behind-the-scenes creative team reunited “Conjuring” Universe contributors, including director of photography Michael Burgess, production designer Jennifer Spence, costume designer Leah Butler and composer Joseph Bishara, along with the director’s editor from “The Curse of La Llorona,” Peter Gvozdas, and editor Christian Wagner (“Furious 7”).

 

 

“The Conjuring: The Devil Made Me Do It” is the seventh film in the “Conjuring” Universe, the largest horror franchise in history, which has grossed more than $1.8 billion worldwide.  It includes the first two “Conjuring” films, as well as “Annabelle” and “Annabelle: Creation,” “The Nun,” and “Annabelle Comes Home.”

 

 

New Line Cinema presents An Atomic Monster/Peter Safran Production, “The Conjuring: The Devil Made Me Do It.”  It will be distributed in the Philippines by Warner Bros. Pictures.  Join the conversation online and use the hashtag #TheConjuring (ROHN ROMULO)

Marcial sasamahan ang Philippine boxing team

Posted on: April 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Balik Pilipinas na si Eumir Marcial upang makasama ang national boxing team sa paghahanda para sa Tokyo Olympics na idaraos eksaktong tatlong buwan mula ngayon.

 

 

Kasamang bumalik ng Pilipinas ni Marcial sina reigning International Boxing Federation (IBF) super flyweight champion Jerwin Ancajas.

 

 

Bilang bahagi ng health protocols, sumasailalim pa sina Marcial at Ancajas sa 14 day quarantine period bago tuluyang makasa-lamuha ang mga mahal nila sa buhay.

 

 

Sinariwa ni Marcial ang ilang buwang training nito sa Amerika na itinuturing nitong malaking tulong sa kanyang tangkang masungkit ang gintong medalya sa Tokyo Olympics.

 

 

Nakasama ni Marcial sa training sa Los Angeles, California sina Hall of Famer Freddie Roach at strength and conditioning expert Justin Fortune.

CIDG at Anti-cybercrime group, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon

Posted on: April 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGPAPATULOY ang ginagawang imbestigasyon ng CIDG at Anti-Cybercrime Group sa umano’y naging paglabag ng mga pulis na humingi ng detalye at affiliation ng mga organizers at volunteers ng community pantries.

 

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni PNP Spokesperson Brig. Gen. Ronaldo Olay, na kabilang din sa pinaiimbestigahan ni PNP chief Debold Sinas ay ang mga Facebook accounts umano ng iba’t ibang PNP Police District na nagshi-share ng mga post na tila nagbibigay-bahid umano sa intensiyon ng mga community pantry na ito.

 

Subalit sinabi ni Olay, na wala siyang nakikitang masama sa intensyon ng mga nasabing pulis na inutusan lamang na mgtungo sa bisinidad ng community pantry dahil inatasan lamang aniya ang mga ito ng kanilang ground commanders para panatilihin ang kapayapaan at kaayusan sa pila para masiguro na nasusunod ang social distancing at walang nag-uunahan.