• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 18th, 2021

DoH, tiwalang makukumpleto na ang pagtuturok ng Covid-19 vaccines sa mga nasa A1, A2, at A3 priority list

Posted on: May 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KUMPIYANSA ang Department of Health (DoH) sa patuloy na pagdating ng mga suplay ng Covid -19 vaccines lalo na ng AstraZeneca at Sinovac.

 

Dahil dito, malapit nang makumpleto ng DoH ang pagbibigay ng bakuna para sa mga nasa A1 at A2 priority list.

 

Sinabi ni DoH Usec. Myrna Cabotaje, sa kanilang pinakabagong datus, tinatayang nasa 1.1 million na ng mga nasa A1 category ang nakatanggap ng bakuna, mula sa target nilang 1.5m vaccines.

 

Ang ibig sabihin aniya nito ay umaabot na sa 74% ang nabibigyan nila ng vaccines, habang nasa 23% naman ang hindi pa nakatatanggap ng vaccines laban sa covid19.

 

Sa kabilang dako, tinatayang nasa 7.7m na ang nasa kanilang masterlist na kabilang sa A2 category ay aabot pa lamang sa 6% o 466,000 ang natuturukan ng bakuna.

 

Makikita rin ani Cabotaje sa hawak nilang report  na karamihan ng A2, A3 ay matatagpuan sa NCR, CALABARZON, at Region III na pawang mga binuhusan aniya ng mga bakuna.

 

Sinabi pa rin niya na maging sa ibang rehiyon din umano ng bansa ay kakaunti pa lamang ang natuturukan ng Covid-19 vaccines kung saan umaasa aniya sila na sa pagdating pa ng mas maraming bakuna ay makukumpleto na ang pagbibigay ng vaccine para sa mga nasa A1, A2 at A3 priority group. (Daris Jose)

5-buwang online rosary, inilunsad ng San Pablo Cathedral

Posted on: May 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Naglunsad ang Cathedral Parish of Saint Paul the First Hermit sa Diocese of San Pablo ng limang buwang online rosary initiative upang ipanalanging mawakasan na ang COVID-19 pandemic.

 

 

Ayon kay Msgr. Jerry Bitoon – Rector at Parish Priest ng Cathedral Parish of St. Paul the First Hermit o San Pablo Cathedral, layunin nito na higit na lumapit at ipanalangin ang pamamagitan at pagsaklolo ng Mahal na Birheng Maria upang mawakasan na ang COVID-19 pandemic.

 

 

Inilunsad ng katedral ang “PRAYING WITH MARY: An Online Rosary to End the Pandemic” kasabay ng Feast of Our Lady of Fatima noong ika-13 ng Mayo na magtatagal hanggang sa ika-13 ng Oktubre, 2021. “Naglunsad po ang Cathedral ng San Pablo ng PRAYING WITH MARY [Online Rosary initiative], nagsimula kami ng May 13 and magpapatuloy ito hanggang October 13 parang gusto naming maramdaman si Mama Mary who’s always been an expert in ang tawag namin expert siya sa pagsaklolo sa mga crisis, so ngayon ay humaharap tayo sa crisis [COVID-19 pandemic] at nagpapatuloy ito so kailangan nating pumunta dun sa dalubhasa kung paano mag-deal sa crisis…” pahayag ni Msgr. Bitoon sa panayam sa Radio Veritas.

 

 

Nakatakda ang sabay-sabay na pananalangin ng Santo Rosaryo sa pamamagitan ng Zoom tuwing ganap na alas-otso ng gabi kung saan inaanyayahan ni Msgr. Bitoon ang lahat na makibahagi sa gawain. Ayon sa pamunuan ng katedral, bukas ang gawain para sa lahat ng nais na makibahagi sa pananalangin ng Santo Rosaryo kung saan maaring makuha ang iba pang mga detalye tulad ng Zoom Meeting ID at password sa official facebook page ng Cathedral Parish of Saint Paul the First Hermit.

 

 

“Inaanyayahan naming kayo tuwing gabi 8 o’clock online ito po ay via Zoom, ang ZOOM ID po namin is 914 4433 242 ang password is Cathedral, join us in this PRAYING WITH MARY.”

 

 

Paanyaya ni Msgr. Bitoon. Una na ring inilunsad ng Kanyang Kabanalan Francisco ang month-long Rosary Marathon ngayong buwan ng Mayo kung saan inaanyayahan ang lahat ng mga dambana partikular na ang mga nasa pangangalaga ng Mahal na Birheng Maria o mga Marian Shrine sa buong mundo upang palaganapin ang pagdarasal ng Santo rosaryo.

Mga Pinoy na naipit sa Israel-Hamas conflict inilikas na

Posted on: May 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Inilikas na ang mga Pilipinong naipit sa mga lugar na naapektuhan ng sagupaan sa pagitan ng Israeli security forces at Hamas terrorists sa Gaza Strip.

 

 

Ayon kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Vice Chair Hans Leo Cacdac, naghanda na ng mga hakbang ang mga opisyal ng embahada sa posibleng mangyari upang mailayo ang mga Pinoy mula sa Ashkelon, Ashdod at Gaza Strip kung saan nagagaganap ang tensyon.

 

 

“Sa ngayon, in-country evacuation at least sa 3 apektadong area,” dagdag pa niya.

 

 

Nitong Enero, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nasa 29,473 Pinoy ang nakatira at nagtatrabaho sa Israel na karamihan ay caregi­vers at household services workers.

 

 

Hindi bababa sa 35 katao ang napatay sa Gaza at 5 sa Israel dahil sa bakbakan at airstrikes. (Daris Jose)

‘Bayanihan para sa PGH,’ panawagan din ng Palasyo

Posted on: May 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Ikinalulungkot ng Malacanang ang pagkasunog ng Philippine General Hospital (PGH) sa Lungsod ng Maynila bago mag-ala-1:00 ng madaling araw noong Linggo, May 16.

 

 

Kasabay nito ay nanawagan ng tulong si Presidential Spokesman Harry Roque para sa mga naapektuhan ng sunog.

 

 

We are saddened by the fire that hit a portion of the Philippine General Hospital (PGH) early morning today. Hospital operations continue even as repairs are ongoing,” mensahe ni Roque.

 

 

“Big or small, cash or in kind, these acts of kindness and generosity would be of great help and assistance to those who are in need. Kindly send them to the official fundraising groups of the state-run hospital. Bayanihan para sa PGH,” he added.

 

 

Sa mga oras na ito ay patuloy na inaalam ang sanhi ng pagkasunog sa bahagi ng nasabing ospital, ang pinakamalaking referral hospital para sa mga pasyente ng coronavirus sa bansa.

 

 

Matapos ngang maideklarang under control ang sunog pasado alas-2:00 ng madaling araw, nagsisilbing temporary shelter partikular ng mga pedia patients at newborn babies ang chapel ng PGH.

 

 

Kasabay nito ang pag-apela ni Father Marlito Ocon ng PGH chapel na sila ay ipagdasal kahit mayroon nang nasisilungan.

 

 

Sa panig naman ni Dr. Jay Germar ng UP (University of the Philippines) College of Medicine na malapit lamang sa PGH, ligtas at kompleto namang nailikas ang lahat ng pasyente.

 

 

Sa ngayon ay kailangan ng PGH ang mga industrial fans upang mataboy ang usok na bumalot sa mga ward bunsod nga ng sunog na umabot pa sa ikatlong alarma.

 

 

Bagama’t walang naitalang casualties, nag-iwan ang sunog ng pinsalang aabot sa P300,000 ayon sa Bureau of Fire Protection.

 

 

Nabatid na pangalawang sunog sa ospital ang naitala sa PGH, kung saan nitong Miyerkules ay nasunog din ang Pasig City General Hospital. (Gene Adsuara)

Miss Mexico ANDREA MEZA, kinoronahang ‘Miss Universe 2020’; RABIYA, umabot lang sa Top 21

Posted on: May 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SI Miss Mexico Andrea Meza ang nagwaging Miss Universe 2020.

 

 

Siya ang pangatlong Mexican beauty queen na manalo after Lupita Jones (1991) and Ximena Navarrete (2010).

 

 

Born on August 13, 1994 in Chihuahua City, nagtapos ito ng software engineering noong 2017 sa Autonomous University of Chihuahua.

 

 

Lumaban na noon si Andrea sa Miss World 2017 at naging first runner-up siya.

 

 

First runner-up naman sa Miss Universe 2020 si Miss Brazil Julia Gama; second runner-up si Miss Peru Janick Maseta; third runner-up si Miss Miss India Adline Castelino; fourth runner-up si Miss Dominican Republic Kimberly Jimenez.

 

 

Nanalo sa best in National Costume ay si Miss Myanmar Thuzar Wint Lwin. Impact Award si Miss Bolivia Lenka Nemer at Carnival Spirit Award si Miss Domincan Republic Kimberly Jimenez. 

 

 

Nalungkot naman ang buong Pilipinas dahil nabigong maiuwi ni Rabiya Mateo ang Miss Universe crown.

 

 

Umabot lang hanggang sa Top 21 si Rabiya at nagpakitang gilas siya sa pagrampa sa swimsuit competition.

 

 

Pero naligwak sa Top 10 si Rabiya na na-dominate ng Latina beauties mula sa bansang Mexico, Brazil, Peru, Dominican Republic, Puerto Rico, Costa Rica at Colombia. Dalawang Asian beauties lang ang pumasok from India and Thailand.

 

 

Bigo man ay nakatanggap ng maraming mensahe ng pagmamahal at suporta si Rabiya mula sa social media. Kabilang na ang past Miss Universe winners na sina Pia Wurtzbach at Catriona Gray.

 

 

“Rabiya, we love you. Thank you for pouring your heart for the Philippines,” tweet ni Pia.

 

 

“She made our country proud!” The Miss Universe 2018 said and added, “11-year consecutive semi-streak Pilipinassss,” tweet ni Catriona.

 

 

***

 

 

DAHIL sa husay niya bilang kontrabida sa Babawiin Ko Ang Lahat, nais nang sundan ni Liezel Lopez ang yapak ng paborito niyang kontrabida na si Cherie Gil.

 

 

Hindi raw inaasahan nj Liezel na mapapansin ang pagiging kontrabida niya. Bumagay daw kasi sa kanya kaya ito na raw ang gusto niyang gawin.

 

 

“Nakakatuwa po na makatanggap ng mga messages sa social media na gusto nila ang pag-api ko kay Pauline (Mendoza). Meron din na galit na galit sa akin. Pero okey lang po yon kasi umaarte lang po kami, pero may mga affected kaya nakakatuwa lang basahin,” tawa ni Liezel.

 

 

Naging maingat daw si Liezel sa mga catfight nila ni Pauline sa teleserye. Sinasabihan niya raw si Pauline kung ano ang gagawin niya para hindi ito masaktan.

 

 

“There was one scene na sobrang nadala kami ni Pau. Ang nangyari ay nabasag namin ang mamahaling lampshade sa kuwarto kunsaan kami nag-shoot. Hiyanghiya kami ni Pau at sobra kaming nag-sorry sa nangyari. Since then, naging maingat na kami ni Pau. We make sure na wala kaming mababasag ulit.”

 

 

***

 

 

UMANI nang higit sa 19 million views ang teaser clip na pinost ni Jennifer Aniston ng reunion special nila ng buong cast of Friends.

 

 

Caption ni Jen: “It’s official! The #FriendsReunion premieres May 27th on @HBOMax — could we BE any more excited?!”

 

 

Pinapakita in slow motion ang Friends cast na naglalakad sa studio lot kunsaan sila nagsu-shoot. Ang episode title ng kanilang reunion ay “The One They Get Back Together”.

 

 

Natupad din ang promise ng Friends cast, na binubuo nila Jennifer Aniston, Courteney Cox, Lisa Kudrow, Matthew Perry, Matt LeBlanc and David Schwimmer, ang promise nila na reunion after 16 years.

 

 

Dapat ay noong May 2020 naganap ang pinakahihintay na reunion, pero biglang na-stop ang production dahil sa COVID-19 pandemic.

 

 

Natuloy ang filming ng reunion noong March 2021.

(RUEL J. MENDOZA)

2,055 na mga Dumagat, tumanggap ng food packs mula sa INC

Posted on: May 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS – Kabilang sa mga donasyon ng religous group na Iglesia ni Cristo nitong nakaraang buwan, may kabuuang 2,055 Dumagat ang tumanggap ng mga food pack sa pamamagitan ng programang “Kumustahan at Talakayan sa IPs sa Doña Remedios Trinidad sa Panahon ng Pandemya” na inorganisa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office.

 

 

Nagsimula ang programa noong Huwebes sa mga bayan ng Doña Remedios Trinidad at Norzagaray kung saan may 1,752 na benepisyaryo ang natulungan habang may kabuuang 303 na benepisyaryo naman mula sa Lungsod ng San Jose Del Monte, Bulacan sa ginanap na programa kahapon.

 

 

Kamakailan, nagbigay ng 4,000 donasyong food packs ang INC na naglalaman ng mga naka-pack na bigas, mga de lata, at mga instant coffee kung saan mahigit sa kalahati nito ay ipinamahagi sa indigent population.

 

 

Inihayag naman ni Josephine R. De Mesa, kapitana ng Brgy. San Lorenzo, Norzagaray, ang kanyang pasasalamat dahil laging kabilang ang kanilang barangay sa listahan ng mga benepisyaryo.

 

 

“Kami po kasama ng aking mga ka-baranggay ay lubos pong nagpapasalamat sa walang sawang pagtulong po ninyo sa amin pagdating po sa mga ayuda; hindi niyo po nakakalimutan ang Brgy. San Lorenzo kaya maraming salamat po,” ani De Mesa.

 

 

Samantala, inihalintulad naman ni Gobernador Daniel R. Fernando ang nasabing grupo bilang instrumento ng Panginoon sapagkat patuloy silang tumutulong at nagsasagawa ng mga mabubuting gawain lalo na sa panahon ng pandemya.

 

 

“May mga ginagamit ang Panginoon na mga tao na ibaba sa atin ang mga biyaya; sa pagkakataong ito ay ang mga kapatid natin sa Iglesia ni Cristo. Lahat po ay kinikilala natin sapagkat ang kailangan natin ngayon ay pagtutulungan, pagmamahalan at pagkakaisa,” anang gobernador.

 

 

Maliban sa pamamahagi ngrelief goods, patuloy din ang pagsasagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ng “Tulong Pang-Edukasyon para sa Bulakenyo” upang magbigay tulong sa mga Bulakenyong iskolar at patuloy na pagbabakuna para sa mga Bulakenyo upang labanan ang COVID-19 sa lalawigan. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

2 suspek sa pagpatay sa 2 bata sa Bulacan, timbog sa Maynila

Posted on: May 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Naaresto na ng mga otoridad ang isang mister at menor-de-edad niyang anak-anakan na sinasabing responsable sa pagpatay sa dalawang bata sa masukal at bulubunduking bahagi ng siyudad na ito sa Bulacan noong Miyerkules.

 

 

Nakilala ang pa­ngunahing suspek na si Romeo Ruzon, 41, gumagawa ng walis at ang kanyang 17-anyos na stepson, kapwa residente ng Brgy. Gumaoc East.

 

 

Ang dalawa ang itinuturong suspek sa pagpatay sa mga paslit na sina Lou Anderson Icalia, 8, residente ng Gumaoc East at Jenny De Vera,11, ng Gumaoc West.

 

 

Ayon sa pulisya, kumpirmadong ginahasa ang batang si Jenny base sa inilabas na medico legal report ng PNP Crime Laboratory.

 

 

Lumalabas sa imbestigasyon na kahoy at bato ang ipinamalo sa ulo ng dalawang biktima na kanilang ikinamatay.

 

 

Narekober ng mga pulis ang isang kahoy at bato na may bahid ng dugo sa pinangyarihan ng krimen.

 

 

Isang goma rin ang natagpuan sa crime scene na kahalintulad ng materyales sa paggawa ng walis ng suspek na si Ruzon.

 

 

Noong Miyerkules ng gabi, Mayo 12 tumakas si Ruzon nang makatunog na magsisiyasat ang mga awtoridad sa kanyang bahay. Sa tulong ng live-in partner ni Ruzon na si Romina Canlas at kapatid niyang si Rafael (Ruzon), natunton ng mga ope­ratiba ng SJDM Police ang pinagtataguan ni Romeo sa Sampaloc, Manila at nadakip.

 

 

Umamin umano ang suspek sa kanyang nagawang karumal-dumal na krimen nang komprontahin mismo ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar na personal na kinausap ang suspek sa kanyang selda sa SJDM Police.

 

 

Matatandaang natagpuan ang dalawang bangkay ng bata na ang isa ay hiinihinalang ginahasa bandang alas-11:40 ng umaga noong Mayo 12 sa bulubundu­king lugar sakop ng Brgy. Graveville ng nasabing lungsod.

Tricycle driver patay, barangay tanod sugatan sa pamamaril sa Malabon

Posted on: May 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TODAS ang isang 42-anyos na tricycle driver matapos pagbabarilin ng hindi kilalang gunman habang malubha namang nasugatan ang isang barangay tanod na nakasaksi sa insidente nang barilin din ng isa sa mga suspek sa Malabon city, Linggo ng gabi.

 

 

Ayon kay Malabon police chief P/Col. Joel Villanueva, dead on the spot si Ruben Samaco, Jr. ng 14-C Borromeo St. Brgy. Longos sanhi ng mga tama ng bala sa ulo at katawan habang ang barangay tanod na si Christopher Oliver, 34, isang ring fire volunteer at residente ng Blk. 3, Lot 13, 1st St. Brgy. Tañong ay isinugod sa Tondo Medical Center upang magamot ang tinamong tama ng bala sa kaliwang balikat at kaliwang paa.

 

 

Sa imbestigasyon nina PMSg. Julius Mabasa at PSSg. Mardelio Osting, naglalakad si Samaco sa kahabaan ng Interior Borromeo St. dakong 11:45 ng gabi nang pagbabarilin ito sa ulo at katawan ng hindi kilalang gunman.

 

 

Minamaneho naman ni Oliver ang kanyang tricycle papalapit sa naturang lugar subalit, nagpasya itong tumakbo para sa kanyang kaligtasan nang makasalubong nito ang ilang bystander na nagtatakbuhan patungong Adelia Street.

 

 

Habang patungo sa Adelia St., dinampot ni Oliver ang isang magazine ng Cal. 45 pistol subalit, sinigawan siya at binaril ng isa sa mga suspek na ayon kay PMSg Mabasa, tumama ang bala sa kaliwang balikat at tumagos sa kanyang likod.

 

 

Kahit sugatan, nagawang makapagtago ni Oliver sa loob ng bahay ng isang Dominador Baronda, bago humingi ng tulong sa pulisya at mga barangay opisyal.

 

 

Narekober ng rumespondeng mga tauhan ng SOCO sa crime scene ang 25 pirasong basyo ng bala ng cal. 45 pistol, 4 na basyo ng bala ng cal. 9mm pistol, 9 deformed fired bullets, 8 metallic jackets at isang fired bullet habang ang tatlo pang basyo ng bala, isang slug at magazine ng cal. 45 pistol ay tinurnover sa pulisya.

 

 

Ani Col. Villanueva, si Samaco ay nakulong sa Malabon City Jail noong 2016 dahil sa illegal na droga at nakalaya matapos makapagpiyansa. Narehab din ito ayon sa kanyang amang si Ruben Sr. (Richard Mesa)

New Set of Character Posters of ‘Space Jam: A New Legacy’, Present the Villainous Goon Squad

Posted on: May 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SPACE Jam: A New Legacy has revealed a new set of posters focused on the ‘Villainous Goon Squad who’ll torment LeBron James and the Looney Tunes in the highly-anticipated sequel to 1996’s cult classic.

 

 

After a previous set of posters presented the film’s heroes, the new images give us a detailed look at Space Jam: A New Legacy‘s powered-up avatars of professional basketball stars.

 

 

The new set of posters shows the Goon Squad in black and white, with the lettering and part of the background in a third color associated with the presented character. The first poster, painted menacingly in red, gives a look at Nneka Ogwumike‘s half-spider Arachnneka. The second poster, which uses pink, shows us Damian Lillard’s Chronos completely made of metal. Anthony Davis’ harpy-winged The Brow gets a poster as blue as the high sky. As for Klay Thompson’s Wet-Fire, the poster burns in bright yellow. Finally, the last poster exhibits Diana Taurasi’s White Mamba snake body, featuring a poisonous p

 

 

In Space Jam: A New Legacy, a rogue A.I. (Don Cheadle) traps James and his son Dom (Cedric Joe) in a virtual world. In order to get back to reality, the NBA stars need to join forces with the Looney Tunes and win a dangerous basketball game.

 

 

Space Jam: A New Legacy‘s impressive voice cast includes Jeff Bergman (Bugs Bunny, Sylvester, Foghorn Leghorn, and Fred Flintstone), Eric Bauza (Daffy Duck and Marvin the Martian), Zendaya (Lola Bunny), Bob Bergen (Porky Pig and Tweety), Jim Cummings (Tasmanian Devil), Gabriel Iglesias (Speedy Gonzales), and Candi Milo (Granny).

 

 

Directed by Malcolm D. LeeSpace Jam: A New Legacy premieres in theaters and on HBO Max on July 16. (source: collider.com)

 

(ROHN ROMULO)

Pagtanggap ni Vanessa Bryant sa Hall of Fame award ni Kobe naging emosyunal

Posted on: May 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Naging emosyonal si Vanessa Bryant ng tanggapin nito ang Naismith Memorial Basketball Hall of Fame para sa pumanaw na asawang NBA legend Kobe Bryant.

 

 

Kasama niya sa stage si NBA superstar Michae Jordan.

 

 

Kahit na hindi na nagsalita si Jordan ay naging mahalaga ang presensiya nito sa taas ng stage dahil iniidolo ni Bryant ang Chicago Bulls star.

 

 

Sa kaniyang talumpati, binati ni Vanessa ang asawa at kahit na wala na ito ay nakikita pa rin nito ang presensiya niya sa pagtanggap ng nasabing award.

 

 

Magugunitang pumanaw si Bryant kasama ang anak nitong si Gianna at pitong iba pa noong Enero 2020 ng bumagsak ang sinasakyan nilang helicopter.