• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 19th, 2021

LeBron James may buwelta sa mga kritiko

Posted on: May 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Binuweltahan ni NBA star LeBron James ang kaniyang mga kritiko.

 

 

Kasunod ito ng pagkakatala niya sa loob ng 17 na magkakasunod na season bilang manlalaro na mayroong average na 25 points kada laro.

 

Dahil dito, nalampasan na niya sina Michael Jordan, Kobe Bryant at Kevin Durant na mayroong 12 total seasons na pumuntos ng 25 points kada laro.

 

 

Sa kaniyang social media sinabi nito na noong nagsisimula pa lamang siya ay hindi ito gaano mahilig mag-shoot at sa halip ay puro ito pasa sa mga kasamahan kaya hindi niya akalain na makakamit nito ang karangalan.

 

 

Pang-aasar pa niya sa mga kritiko na nais niya talagang maging tagapasa lamang subalit pinipili siyang gumawa ng maraming score.

 

 

Sa kasalukuyan ay nasa pangatlong puwesto na ito sa all-time scoring list na mayroong 35,367 na sumusunod kay Karl Malone na mayroong 36,928 at Kareem Abdul-Jabbar na mayroong 38,387.

Jaja Santiago kailangan ng Pilipinas — PNVF

Posted on: May 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Kailangan ng Pilipinas si Jaja Santiago.

 

 

Ito ang inihayag ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) sa usap-usapang inimbitahan si Santiago na maging local player sa Japan.

 

 

Mismong si Santiago ang nagsiwalat na interesado ang Japan dahil sa magandang inilalaro nito sa Japan V.League kasama ang Ageo Medics.

 

 

Subalit nilinaw ng PNVF na hindi ito magiging madali para sa 6-foot-5 middle blocker dahil may pagdaraanan nitong proseso bago tuluyang maging natura­lized player ng Japan.

 

 

Isa sa pangunahing requirement ang pagkuha nito ng clearance mula sa volleyball association na kinabibilangan nito — ang PNVF.

 

 

Kung papayag ang PNVF, kailangan na nitong makuha ang naturalization bago isumite sa FIVB upang pormal na kilalanin bilang opisyal na player ng Japan sa international tournaments.

 

 

Kaya naman nakasalalay pa rin sa PNVF kung papayagan ito o hindi.

 

 

Pero malabo itong mangyari matapos igiit ni PNVF president Tats Suzara na kailangan ito sa national team.

 

 

“I think Jaja has a future also in Japan, but again, we need Jaja, of course, here in the Philippines, as a Filipina who really brings our flag and honor as a national team player for the Philippines,” ani Suzara sa programang The Chasedown.

 

 

Wala pa namang desisyon si Santiago dahil nais pa rin nitong maging bahagi ng national team sa international events.

 

 

“Pangarap ko na maglaro sa Olympics, pero siyempre may pride pa rin naman ako, Pilipino pa rin naman ako di ba? Gusto kong  tulungan ‘yung bansa natin. Gusto ko kasama ko yung mga kapwa Pilipino ko (sa Olympics),” ani Santiago sa kanyang mga naunang panayam.

ELLEN DEGENERES, inaming sa season 16 ay naisip magpaalam pero na-convince na mag-stay hanggang season 19

Posted on: May 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KINUMPIRMA ni Ellen DeGeneres na magpapaalam na ang kanyang talkshow pagkatapos ng ika-19th season nito.

 

 

Humigit kumulang na 3,000 episodes ang nagawa ni Ellen.

 

 

“Ellen is ending when her contract is up at the end of the 2022 19th Season,” ayon sa isang source close to Ellen.

 

 

Kung matatandaan ay nasangkot sa kontrobersya si Ellen noong summer 2020 dahil sa diumano’y pag-create niya ng toxic workplace dahil sa kanyang “unkind” personality.

 

 

Nagkaroon man ng intriga between her and her staff, wala siyang pinatanggal sa trabaho.

 

 

Isang source naman: “The truth is there’s a lot of gratitude among her staff that she didn’t just quit after last summer, and has kept them all employed this season during a pandemic. And now, they all get to work for a whole other season next year.”

 

 

Ayon sa 63-year old talkshow host, hindi na raw siya natsa-challenge sa kanyang talkshow. Inamin niya na noong season 16 pa niyang naisip magpaalam pero na-convince siya ng producers na mag-stay for 3 more seasons.

 

 

“When you’re a creative person, you constantly need to be challenged – and as great as this show is, and as fun as it is, it’s just not a challenge anymore.”

 

 

Ang papalit daw sa timeslot ni Ellen ay ang talkshow ng singer na si Kelly Clarkson.

 

 

***

 

 

LUMABAS na ang official portrait ng newly-crowned Miss Universe 2020 Andrea Meza of Mexico na kinunan ilang oras pagkatapos niyang makoronahan.

 

 

On Instagram, the Miss Universe Organization shared photos of Andrea Meza na suot ang red evening gown with the Diamond Crown sa kanyang ulo: “The official portrait of Miss Universe 2020 Andrea Meza.”

 

 

Sa final Q&A, ang question kay Meza ay: “If you were the leader of your country. How would you have handled COVID-19 pandemic?”

 

 

Heto ang kanyang sagot: “I believe there’s not a perfect way to handle this for situations, such as COVID-19. However, I believe that what I would have done was create a lockdown even before everything was that big. Because we lost so many lives and we cannot afford that. We have to take care of our people. That’s why I would have taken care of them since the beginning.”

 

 

Sa kanyang Final Word, heto ang ibinahagi ni Meza:

 

 

“Nowadays, beauty isn’t only the way we look. For me, beauty radiates not only in our spirit, but in our hearts and in the way that we conduct ourselves. Never permit someone to tell you that you’re not valuable. Thank you.”

 

 

***

 

 

INIISIP na raw ng mag-asawang Chynna Ortaleza at Kean Cipriano na tumira na muna sa probinsya para maiwasan nila ang anxiety attack na dala ng pandemya.

 

 

Kapwa nag-iingat ang mag-asawa dahil may dalawa silang anak. Kaya hindi sila halos lumalabas ng bahay at hindi tumanggap ng trabaho.

 

 

Nang minsan daw magkaroon sila ng pagkakataon na makapag-beach, nakaramdam daw ng magaang feeling si Chynna at na-recharge sila sa mga naramdaman nilang stress.

 

 

Pero ilang araw lang matapos makabalik, nakaramdam na naman si Chynna ng takot lalo na nang magkasakit ang kanyang tiyuhin at kailangan ma-intubate.

 

 

“Pagbalik ng Maynila, pagdating ko dito after five days sinabi sa akin, my uncle was gonna be intubated. So boog! bagsak na naman. Parang anong nangyari? Bakit mai-intubate?

 

 

“Bumabalik na naman yung pakiramdam ko, hindi na naman ako makahinga. may mga ganito akong pakiramdam,” sey ni Chynna.

 

 

Doon na raw niya sinabi ni Chynna kay Kean na baka puwede siyang pagbigyan na mag-renta sila ng simpleng bahay probinsya kunsaan mas makakaramdam siya na safe silang buong pamilya habang may pandemya.

(RUEL J. MENDOZA)

DOLE tiniyak tulong sa PWDs na nawalan ng trabaho

Posted on: May 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nakahanda ang labor department na tulungan na muling makabangon ang mga persons with disabilities (PWDs) na nawalan ng trabaho dulot ng pandemyang Covid-19.

 

 

Ganito ang kaso ng 20 PWDs sa General Santos City na nakatanggap ng DOLE Integrated Livelihood Program (DILP) rice retailing starter kits na nagkakahalaga ng P400,867 mula sa General Santos City DOLE Field Office.

 

 

“Ang ating tulong ay bahagi ng mandato ng kagawaran na suportahan ang mga nasa marginalized sector para maiangat ang kanilang kabuhayan,” pahayag ni DOLE Region XII Director Raymundo Agravante.

 

 

Karamihan sa 20 PWD benepisaryo ay may kapansanan sa paningin at nawalan ng trabaho bilang spa attendants, masahista sa iba’t ibang health and wellness establishment sa lungsod sanhi ng pagbagsak ng ekonomiya dulot ng pandemyang Covid-19.

 

 

“Lisod kaayo para sa amuang PWDs nga madulaan ug trabaho lalo na karong pandemya, pasalamat kami sa DOLE sa ilang tabang para sa amuang kabuhayan,” saad ni Junard Gines, isa sa mga benepisaryo.

 

 

(Napakahirap para sa aming mga PWDs na mawalan ng trabaho ngayong panahon ng pandemya, gayunpaman nagpapasalamat kami sa DOLE dahil tinulungan nila kaming simulan ang aming pangkabuhayan.)

 

 

Pinangasiwaan nina DOLE General Santos Field Office head and chief labor and employment officer Conrado Artatez, Labor and Employment Officer II Rodilyn Pastor, at ng Barangay Local Government Unit ng Calumpang ang pamamahagi ng tulong.

 

 

Tiniyak ni Artatez sa mga benepisaryo na ang Kagawaran ay may sapat na kakayahan upang mapalakas at mapagbuti ang kanilang proyektong pangkabuhayan.

 

 

Hinikayat ni Regional Director Agravante ang lahat ng mga manggagawa sa SOCCSKSARGEN na nawalan ng trabaho na gamitin ang mga programa at serbisyo ng DOLE upang punan ang nawala nilang kita sa pamamagitan ng mga oportunidad na pangkabuhayan.

 

 

“Patuloy na nanawagan ang Kagawaran sa ating mga manggagawa sa pormal at impormal na sektor na samantalahin ang tulong na ito. Sama-sama tayong magtulungan para muling makabawi ang ekonomiya ng ating bansa sa pamamagitan ng pagnenegosyo,” dagdag ni RD Agravante. CDGamboa/SMDumalay

Steph Curry inangkin ang ika-2 NBA scoring title

Posted on: May 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Napasa­kamay ni Stephen Curry ang kanyang ikalawang NBA scoring crown habang inangkin ng Portland Trail Blazers ang No. 6 berth sa Western Conference playoffs sa pagtatapos ng regular season games.

 

 

Sa San Francisco, nagpasabog si Curry ng 46 points sa 113-101 pagbugbog ng Golden State Warriors (39-33) sa Memphis Grizzlies (38-34) para kunin ang No. 8 spot sa play-in tournament sa West.

 

 

Nakamit ng 33-anyos na si Curry, naglista ng 32.0-point scoring average sa regular season, ang ikalawa niyang scoring title matapos noong 2015-16 season.

 

 

Sa Portland, tumipa si Damian Lillard ng 22 points at 10 assists sa 132-116 paggupo ng Trail Blazers (42-30) sa Denver Nuggets (47-25) at kunin ang No. 6 seat sa West playoffs.

 

 

Muling maglalaban ang No. 6 Blazers at No. 3 Nuggets sa first round ng playoffs.

 

 

Ang panalo ng Bla­zers ang naghulog sa nagdedepensang Los Angeles La­kers (42-30) sa play-in tournament sa kabila ng 110-98 panalo sa talsik nang New Orleans Pelicans (31-41).

 

 

Sasagupain ng No. 8 Warriors ang No. 7 Lakers sa play-in tournament sa West at lalabanan ng No. 9 Grizzlies ang No. 10 San Antonio Spurs (33-39).

 

 

Sa Sacramento, humataw si Fil-Am Jordan Clarkson ng 33 points sa 121-99 pagsagasa ng Utah Jazz (52-20) sa talsik nang Kings (31-41) para kunin ang No. 1 spot sa West playoffs.

 

 

Sa Atlanta, inupuan ng Hawks (41-31) ang No. 5 seat sa East playoffs sa 124-95 pagdomina sa talsik nang Houston Rockets (17-55).

 

 

Sa New York, naglista si Kevin Durant ng 23 points, 13 assists at 8 rebounds sa 123-109 panalo ng Brooklyn Nets (48-24) sa talsik nang Cleveland Cavaliers (22-50) para sa No. 2 berth sa East playoffs.

 

 

Inangkin naman ng New York Knicks (41-31) ang No. 4 spot sa East sa 96-92 pagdaig sa Boston Celtics (36-36).

BAGONG MODUS OPERANDI NG MGA RECRUITERS, NABUKING NG BI

Posted on: May 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NASABAT ng Bureau of Immigration (BI) ang ilang biktima ng human trafficking na patungo sa United Arab Emirates (UAE) na binigyan ng pekeng intinerary ng kanilang recruiters.

 

 

Sa ulat ng Travel Control and Enforcement Unit (TCEU) in Manila and Pampanga kay BI Commissioner Jaime Morente , ibinunyag nila ang bagong modus operandi ng mga babaeng Filipino workers kung saan ipinapakita ang kanilang work documents na patungo sila sa Maldives, pero sa katotohanan ay sa UAE.

 

 

Ayon kay Morente ang modus operandi na ito ay ang makalumang style ng pagre-recruite kung saan ang isang OFW ay ipinapadala sa isang bansa subalit sa kalaunan ay sa ibang bansa ito magtratrabaho.

 

 

Ang nasabing modus operandi, ayon kay Morente ay kadalasang nakikitang nabibiktima mula sa bansang Syria.

 

 

Ayon sa  TCEU Officers mula sa NAIA Terminal 3, na ang mga nasabat ay dalawang babaeng OFWs na may edad 26 at 33 na nagpakita ng valid overseas employment certificates (OFCs) work visas  patungong  Maldives, employment contracts, at itineraries patungong Maldives.

 

 

Pero noong binirepika nila sa online nalaman na ang dalawang biktima ay may valid tourist visa para sa UAE. Inamin naman ng mga biktima na nakuha lamang nila ang kanilang mga dokumento bago ang kanilang pag-alis habang sinabi ng isa sa biktima na pinayuhan siya ng kanyang recruiter na itago nila ang kanilang UAE visa. Inamin din nila na nag-apply sila bilag mga domestic helps subalit binigyan sila ng dokumento na magtratrabaho bilang mga sales assistant sa Maldives.

 

 

Habang nasabat naman ng mga opisyal ng TCEU sa Clark International Airport ang dalawang kababaihan na may edad 34 at 36 kung saan nagpakita ng mga dokumento na magtratrabaho bilang attendant at receptionist sa Maldives subalit nabuking na meron silang UAE visas.

 

 

“This scheme victimizes our kababayan and tricks them into accepting offers below standard rates,” ayon kay Morente.  “When they get to the third country, many end up being abused but do not report for fear of being deported,” dagdag  pa nito.

 

 

“When we intercept such cases, we furnish the Philippine Overseas Employment Administration a copy of our report, and we are very thankful that they have been very active in suspending or cancelling the accreditation of the erring agency,” ayon kay Morente.  “Stopping these illegal schemes really needs the cooperation of different government agencies that must work hand in hand to eliminate this societal ill,” ayon pa sa kanya.

 

 

Ang mga biktima ay na-turn over sa Inter-Agency Council Against Trafficking para sa karampatang pagpa-file ng kaso laban sa kanilang recruiters. (GENE ADSUARA)

Ospital sa Metro Manila lumuwag na sa COVID-19 patients

Posted on: May 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Patuloy ang pagluwag ng ‘hospital occupancy’ para sa mga pasyente ng COVID-19 sa Metro Manila kasabay ng unti-unting pagbaba ng mga bagong kaso kada araw.

 

 

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na bumaba na sa 48% ang utilization rate ng mga pagamutan makaraang pumalo ito sa ‘high risk’ noong nakaraang Marso at Abril.

 

 

Nitong Mayo 16, naitala na lamang sa 57% ang utilization rate ng mga ICU beds mula sa pinakamataas na 88%. Nasa 42% ang isolation beds, 47% ang ward beds at 46% ang ventilators.

 

 

Naitala naman sa 36% ang occupancy rates ng mga pansamantalang ‘treatment and monitoring facilities’ ng pamahalaan.

 

 

Samantala, bumaba rin ang average na ara­wang kaso ng COVID-19 ng 27% sa NCR sa pagitan ng Mayo 10-16.

 

 

Naitala naman sa 36% ang occupancy rates ng mga pansamantalang ‘treatment and monitoring facilities’ ng pamahalaan.

 

 

Samantala, bumaba rin ang average na ara­wang kaso ng COVID-19 ng 27% sa NCR sa pagitan ng Mayo 10-16.

 

 

Ayon kay OCTA Research Fellow Prof. Guido David, ito ay magandang improvement mula sa da­ting 1,930 daily new cases.

 

 

Bumaba rin sa 0.57 ang reproduction number sa NCR, o ang bilang ng mga taong naihahawa ng isang pasyente ang sakit.

 

 

Habang ang positivity rate ay bumaba rin sa 11% na doble sa ideal na 5% na itinakda ng World Health Organization (WHO).

 

 

Ang Average Daily Attack Rate (ADAR) naman sa NCR ay nasa 10.71 per 100,000 populasyon.  Itinuturing na ‘high risk’ pa ito at dapat na mas mapababa pa sa 10.

 

 

Base sa DOH guidelines, pitong local government units (LGUs) na ang klasipikado bilang mode­rate risk, kabilang dito ang Navotas, Malabon, Manila, Taguig, Caloocan, Pasay at Muntinlupa.

 

 

Sa kabila nito, nagpaalala si Vergeire sa publiko at lalo na sa mga opisyal ng mga lokal na pamahalaan na huwag magrelaks at patuloy na mahigpit na magbantay. (Gene Adsuara)

Ateneo center 6’10” Angelo Kouame, isa ng Filipino citizen

Posted on: May 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pirmado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naturalization bill na siyang hudyat upang magawaran ng Filipino citizenship ang Ateneo de Manila center na si Angelo Kouame.

 

 

Ang 23-anyos at 6-foot-10, 220 lbs na si Kouame ay nagmula sa Ivory Coast at naging bahagi sa dalawa sa three-peat achievement ng Ateneo.

 

 

ng naturalized Filipino, maari nang maging bahagi ng national basketball team si Kouame.

 

 

Todo naman ang pasasalamat ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) President Al Panlilio sa pangulo at sa mga mambabatas na naging daan upang magawaran ng Filipino citizenship ang dayuhan na halos anim na taon na rin sa bansa.

 

 

“The SBP extends our appreciation to President Rodrigo Duterte for signing it into law and Executive Secretary Salvador Medialdea and Senator Bong Go for their assistance,” bahagi pa ng anunsiyo ni Panlilio. “We thank our SBP Chairman, Senator Sonny Angara, along with Senators Joel Villanueva and Richard Gordon for filing the bill in the Senate and our Vice Chairman, Congressman Robbie Puno, for authoring the bill in the House of Representatives.”

 

 

Si Kouame ay inalagaan ng Ateneo kung saan nabigyan ito ng scholarship para mahikayat na magtungo ng bansa hanggang sa magningning ang kanyang basketball career sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP).

 

 

Sa unang taon pa lamang niya noong 2018 sa UAAP ay agad na niyang nasungkit ang Rookie of the Year award.

 

 

Naglaro na rin siya sa PBA D-League at naging champion habang tinanghal siyang Most Valuable Player at kasama sa Mythical Five sa Filoil Flying V Preseason Cup noong 2018.

 

 

Noon pa man ay hinangad na ni Kouame na malaking karangalan na maging isang Filipino citizen.

 

 

“It’s really an honor for me,” ani Kouame. “But if I go with Gilas they have more goals in the future.”

 

 

Agad namang binati ni Panlilio si Kouame at tinawag na kabayan. “Kami sa SBP ay naniniwalang ika’y lalaban Para sa Bayan. Maligayang pagbati, Kabayang Ange Kouame!”

 

 

Samantala, posibleng isabak na ng SBP si Kouame sa nalalapit na 2021 FIBA Asia Cup qualifiers sa Clark, Pampanga na gaganapin sa June 16-20, 2021, o kaya sa 2023 FIBA Basketball World Cup.

Bello binakunahan, hinikayat ang nasa priority group na magpabakuna din

Posted on: May 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Binakunahan si Labor Secretary Silvestre Bello III ng AstraZeneca COVID-19 vaccine sa Ilagan City, Isabela nitong Sabado, ulat ng DOLE regional office 2.

 

 

Ang bakuna ay pinangasiwaan ng kawani mula sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC), na siyang tumulong sa labor secretary sa paghahanda at aktwal na pangangasiwa ng bakuna.

 

 

Kabilang si Bello sa priority group batay sa listahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) sa ilalim ng National Immunization Technical Advisory Group (NITAG) prioritization framework and criteria, kabilang sa grupo ng mga senior citizens.

 

 

Ang prioritization framework ng IATF ay upang tiyakin na ang mga may pinakamataas na peligro na mahawaan at mamatay ay maprotektahan mula sa sakit.

 

 

Matapos mabakunahan, hinikayat ni Bello ang mga nasa priority group na magpabakuna upang kahit paano ay mabawasan ang pagkagambala sa pag-unlad ng lipunan at ekonomiya sanhi ng pandemya.

 

 

“Hinihikayat ko ang aking mga kapwa manggagawa at iba pang nasa priority group na magpabakuna. Samantalahin natin ang libreng programa sa pagbabakuna upang tuluyan na nating malampasan ang pandemyang ating dinadanas,” pahayag ni Bello. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Pagsalang sa bakuna kontra COVID, inihirit na isama sa mga kondisyones sa pagtanggap ng 4ps

Posted on: May 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

IPINANUKALA ni Presidential Spokesperson Harry Roque na gawing kondisyon ang mapasailalim sa vaccination program ng pamahalaan ang mga benipersaryo ng 4Ps.

 

Ang panukalang ito ni Sec. Roque ay bunsod ng vaccine hesitancy at umano’y ulat na nasa 30 porsiyento lamang ang nais na sumalang sa bakuna.

 

Aniya, kung maisama sa kondisyon ang pagsalang sa bakuna ng mga nakikinabang sa 4Ps ay tiyak na tataas ang bilang ng mga mababakunahan lalo na sa hanay ng mga mahihirap.

 

Aniya pa, hindi lamang sa 4Ps beneficiary maaaring maikabit ang vaccination program ng gobyerno.

 

At kung sakali namang magkaroon ng bagong ayuda sa hinaharap sa pamamagitan ng Bayanihan 3 ay maaari ring maidugtong dito ang pagbabakuna.

 

Subalit, nilinaw ni Sec. Roque na mananatili itong boluntaryo at walang pilitan ang nasabing kondisyones para makatanggap ng ayuda. (Daris Jose)