• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 22nd, 2021

SHARON, sinagot ang tanong ng netizen: ‘wedding ring’ nila ni GABBY matagal nang binigay kay KC

Posted on: May 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

ILANG araw after na makapag-vaccinate si Megastar Sharon Cuneta, masaya naman niyang pinost ang pagmo-mall nila na aminadong na-miss niya.

 

 

Say ni Sharon, I missed and still miss this mall near my former home here. Happy to be here again though! First time at a mall since March 2020!!!

 

 

Kasunod nito ang pag-dine in nila sa favorite Japanese resto niya,  “Anywhere in the world, I will go to you, Gyu-Kaku!!!

 

 

Pero mas binigyangn pansin ng netizens ang isa pa niyang post na kung saan natanong siya sa kanyang mga singsing.

 

 

Sa post kasi ni Mega na kung saan suot-suot niya ang isang hoodie na may naka-print in bold letters na ‘I Feel Like Pablo’.

 

 

Caption ng mommy ni KC Concepcion, “I do feel like Pablo. Not Kanye, but Pablo Cuneta.

 

 

Oh Daddy…I miss you so much. Wish you were here to punch some people in the face for me! Hahaha!

 

 

Sagot niya sa tanong ni @haven_cates, “Those are my other “wedding rings” for two different wedding anniversaries.  The one ring on my other hand is my Daddy’s wedding ring.

 

 

     “Oh and that big red ring is my birthstone, the Garnet. I always wear it.  Sometimes said it’s supposed to be my ‘power ring’.”

 

 

Naglakas naman ng loob si @chasebernadotte na magtanong ng, “Ms. Mega I hope you won’t mind my curiosity but did you keep your wedding/engagement ring from Gabby C?”

 

 

Na sinagot naman niya ng, “I gave my wedding ring to KC many years ago.”

 

 

Of course, may reaction na naman ng netizens sa post at sagot ni Sharon:

 

 

“Ah kaya pala dala dala ni KC yung mga hate at regrets ni Nega……nasa kanya pala yung Ring!”

 

 

“ibig mong sabihin may malas yung ring?”

 

 

“Maybe it’s a Filipino thing to wear so many jewelries… I used to when I live in the Philippines but when I move out of the country, I only wear my wedding ring, sometime I add watch if I have time, as I don’t see people i worked with everyday wears gazillion jewelries, except for some black woman (but not all) wears a lot of blings…”

 

 

“Not just Filipinos, Chinese, Middle-Eastern and other Southeast Asians are so into jewelries. Japanese and others from rich nations are not fond of displaying their jewelries. For me I don’t like it, it is braggart’s thing.”

 

 

“Mga thai din grabe gold.”

 

 

“Meaning hindi nya pa rin itinapon ang wedding ring nila ni Gabo. Kung yung iba kasi ihahagis sa ocean while nag eemote. Char!”

 

 

“For what? To remind KC of her broken family?”

 

 

“To use as an accessory, perhaps? Or for KC to be more careful in choosing a life partner? Regardless of the reason, wala na tayong pakialam don.”

 

 

“No. More like to remind her that she is complete even with a broken family.”

 

 

“KC doesn’t need a ring to remind her of that jusko. Baka gusto nya lang ibigay sa anak nya since galing yun sa tatay ng anak nya.”

 

 

“Mahilig sa alahas si kc, kahit yung mga alahas ng lola nya sa kanya pinamana.”

 

 

“Nagandahan lang sa rings, story of my life na agad si mega.”

 

 

“Binigay niya siguro kay kc as a memento keme. Hindi naman yung tipo niya mukhang nagsasangla.”

 

 

May kakaiba namang pinagtuunan ng pansin ang isang netizen, hindi ang rings, kundi ang huling parte ng post ni Mega.

 

 

Comment nito, “ang napansin ko hindi yun ring yun. punch the people for me???? anu problema si Sharon???? nakapag pahinga na sa amerika at vaccine? may work nmn? mayaman nmn? mkha nmn maayos ang pamilya nila ni kiko, bati na sila ni KC. may kaaway parin????”

(ROHN ROMULO)

WHO hindi pa rin inirerekomenda ang mga international travel

Posted on: May 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Patuloy pa rin ang paalala ng World Health Organization (WHO) na hindi pa rin ligtas ang mga international travel.

 

 

Ayon sa WHO Europe Director Hans Kluge na lahat ng uri ng bakuna ay epektibo sa anumang uri ng variants pero nararapat na maging maingat at kung maaari ay iwasan ang bumiyahe muna sa ibang bansa.

 

 

Isa kasing dahilan ng pagdami ng pagkakahawaan ang pagpayag sa pagbiyahe sa ibang bansa.

 

 

Nakita ang Indian-variant sa 26 na bansa at ito ay mabilis na kumalat. (Gene Adsuara)

DOLE pinaalalahanan ang mga employer na libre ang bakuna sa kanilang empleyado

Posted on: May 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Muling nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) na hindi dapat ibigay ng libre ng mga private company ang mga bakuna laban sa COVID-19.

 

 

Ayon kay DOLE Secretary Silvestre Bello III na ipinagbabawal sa batas na ipabayad sa empleyado ang nasabing bakuna dahil sagot ito ng gobyerno.

 

Kahit na ang mga kumpanya na bibili ng sariling bakuna ay dapat ito ay maging libre.

 

 

Malaking tulong kasi sa kumpanya na mabakunahan ang kanilang empleyado para maging ligtas ang mga ito. (Daris Jose)

Pinas no. 3 sa SEA sa ‘vaccination rollout’

Posted on: May 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Inihayag kahapon ni National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr. na kasalukuyang nasa ikatlong ranggo ang Pilipinas sa Southeast Asia (SEA) sa ‘vaccination rollout’.

 

 

Sa datos ng NTF, nakapagtala na ang Pilipinas ng 2,623,093 doses na naibigay sa publiko mula nang mag-umpisa ang ‘vaccination’ nitong Marso 1 gamit ang mga bakunang Sinovac, AstraZeneca at Sputnik V.

 

 

May ‘7-day average’ ang Pilipinas na 69,760 doses na naituturok sa ngayon habang nsa 35,933 doses ang daily average mula nang um-pisahan ng pamahalaan ang vaccination.

 

 

Nangunguna sa SEA ang Indonesia na nag-umpisa ng vaccination noong Enero 13 at mayroon nang kabuuang 22.6 milyong doses na naiturok habang panga­lawa ang Singapore na may 3.13 milyong doses nang naibigay mula nang mag-umpisa ang kanilang vaccination noong Disyembre 30, 2020.

 

 

Sa buong mundo, nakaupo ang Pilipinas sa rank 41 sa 195 bansa habang pang-15 rin ito sa 47 bansa sa Asya.

 

 

Ang ‘focus area’ ngayon ng NTF sa vaccination ay ang National Capital Region kasama ang mga katabing lalawigan ng Bulacan, Cavite, Pampanga, Laguna, Batangas at Rizal na may alokasyon na 3.3 milyong doses kkada buwan.

 

 

Kasama rin sa ‘focus area’ ang Metro Cebu at Metro Davao na may alokasyon na 400,000 doses ng bakuna kada buwan. (Daris Jose)

Paglaban sa pandemyang bitbit ng Covid-19 at paano makababawi mula rito, bibigyang diin ni PDu30

Posted on: May 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

BINIGYANG diin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pananaw nito sa pagsisikap na labanan ang coronavirus pandemic at kung paano makakabawi mula rito sa idinaos na virtual international conference kahapon Biyernes, Mayo 21.

 

Ang Pangulo ay nagbigay ng kanyang talumpati sa 26th International Conference on the Future of Asia, o mas kilala bilang Nikkei conference, na i-streamed live mula Tokyo, Japan.

 

Ang komperensiya ngayong taon na inorganisa ng Japanese media giant Nikkei Inc., ay naglalayong pagsamahin ang iba’t ibang political, economic at academic leaders mula Asya para talakayin ang gampanin ng rehiyon sa global recovery mula sa pandemiya.

 

“In his address, the President will advance Philippine views and positions on the ongoing global fight against the COVID-19 pandemic and what needs to be done to achieve full recovery. This is in line with the theme ‘Shaping the Post- COVID Era: Asia’s Role in the Global Recovery,’” ang nakasaad sa kalatas ng Malakanyang.

 

“This is the President’s second time to address the Nikkei Conference, one of Asia’s top foreign policy and economic fora,” dagdag nito.

 

Makakasama naman ng Pangulo ang iba pang lider mula sa Japan, Cambodia, Laos, Malaysia, Nepal, Pakistan, Sri Lanka, Thailand, at Vietnam, at maging ang mga pinuno ng international organizations na nakapila bilang mga tagapagsalita.

 

Ang Pangulo sa kanyang kamakailan lamang na virtual international assemblies, ay nanawagan ng “equal access” sa coronavirus vaccines upang iligtas ang buhay sa gitna ng pandemiya.

 

Pinanindigan naman nito na ang “no was safe until everyone was safe.” (Daris Jose)

TANYA, laking gulat nang mag-positive ang buong pamilya kahit maingat at halos mapraning sa COVID-19 virus

Posted on: May 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MAINGAT at praning ang actress na si Tanya Garcia dahil aminado itong sobrang takot na makakuha ng COVID-19 virus, kaya gano’n na lang talaga ang gulat niya nang silang buong pamilya ay maging positibo rito.

 

 

Last week of March daw nang malaman nila na positive silang lahat. Siya, ang mister na si Mark Lapid at ang tatlong anak nilang babae na sina Mischa, Mattie at Madel at ang dalawang yaya nila.

 

 

Nagkataon pa na nasa Pampanga sila nang ang panganay na anak ay bigla raw lagnatin at mag-chill, that time pa lang, nagtaka na raw si Tanya bakit ito nagkakagano’n, wala naman ubo at sipon.  Nang i-antigen test daw niya, positive nga ito at lahat na sila, nag-take na ng test at yun na, lahat sila ay COVID-19 +!  Mas na-confirm ito nang mag-pcr swab test na sila.

 

 

Until now, hindi nila malaman kung saan nila nakuha ang virus. Kung si Mark man daw na ang nagdala na may time na pumapasok sa opisina, lahat naman daw sa office at mga kasama nito, including his driver, negative. Same goes sa ilkang kasambahay nila sa Pampanga at family side rin ni Mark.

 

 

Aminado si Tanya na nakakatakot pero kapag nandoon na raw pala sa situwasyon na yun, wala ka ng choice kung hindi lakasan ang loob. Ipinagpapasalamat na lang daw niya na sabay-sabay silang nag-positive kaya sama-sama lang silang lahat sa bahay na nag-quarantine. Lahat din sila ay asymptomatic, maliban kay Mark na may comorbidity dahil may dati ng naging problema sa liver niya.

 

 

Si Mark lang daw ang na-confine ng 1 week sa hospital at nang makalabas, isolated na ito sa ibang room.

 

 

At dahil nga naranasan na maging COVID-19, mas maingat daw siya lalo ngayon.

 

 

Nag-finale na ang kanyang GMA Afternoon prime na Babawiin Ko Ang Lahat at may bagong offer na raw sa kanya ang network. Pero nagpasabi raw siya na gusto muna niyang maging fully vaccinated bago mag-lock-in taping.

 

 

Ang maganda lang, after her comeback sa Babawiin… feel ni Tanya na this time, magtutuloy-tuloy na siyang muli sa pag-arte at na-miss din daw pala niyang talaga.

 

 

***

 

 

IBINUKO ni Marthena Jickain, ikalawang anak ni Aiko Melendez ang kuya niya na si Andre Yllana. 

 

 

Sa YouTube vlog ni Aiko, ipinakita nito na sa halip na dalhin sa parlor, siya mismo ang gumupit sa buhok ng anak.

 

 

At habang ginugupitan ito, tinanong ni Aiko si Marthena kung sino raw sa tingin nito ang crush ng kuya niya.  Ang bilis ng sagot ng ayon kay Aiko ay mahiyain niyang bunso.

 

 

Sey ni Marthena, si “Liza Soberano” raw ang crush ng kuya niya na nakumpirma nga rin ni Aiko kay Andre na totoo.

 

 

***

 

 

PARANG nakawala sa hawla si Kris Bernal.   

 

 

Aminado naman kasi ito na napakadalang nilang magkita ng fiancé na si Perry Choi simula nang magkaroon ng pandemic. At kapag nagkita pa raw sila, kumakain lang sila sa loob ng sasakyan.

 

 

Pero dahil birthday nga niya and most likely, her last birthday as single, nakawala ito at ang fiancé.  Makikkita naman sa mga post niya sa kanyang Instagram account habang flaunt niya talaga ang kanyang katawan sa mga pa-two piece niya.

 

 

Nakapag-beach na ito at ang fiancé at hindi nga maitago ni Kris ang saya at pagkasabik. Pagkasabik sa dagat o sa outdoor at siyempre, sa kanyang jowa.

 

 

At dahil sunod-sunod nga ang kahubaran niya sa mga post niya sa kanyang IG nag-birthday lang siya, nagpaliwanag naman ito sa isang post niya.

 

 

Sey ni Kris, Apologies if it may seem that I post so much about my bday. Tbh, this is the only time that I was able to go out NOT because of work. This is the only time that I am able to enjoy with Perry and have my ME time.

 

 

As you may know, I’m always busy because of my work, business, and my mind would always wander around as well.  I can’t stand not doing anything. There’s always got to be something that I’m doing.

 

 

     “This is why I’m so grateful and happy for having quality time with Perry and myself. Pasensya na po! Pagbigyan nyo na po, it’ll end soon!”

(ROSE GARCIA)

Bishop Pabillo, nababahala sa mai-expired AstraZeneca vaccines

Posted on: May 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nababahala si Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo hinggil sa mga dumating na karagdagang 2-milyong donated COVID-19 AstraZeneca Vaccines sa bansa noong nakaraang linggo.

 

 

Ito’y matapos makumpirma ng Department of Health na ang 1.5 doses ng nasabing vaccine ay mag-eexpired na sa Hunyo 30 at ang iba naman ay sa Hulyo 31.

 

 

Ayon kay Bishop Pabillo, nararapat lamang na bilisan na ng pamahalaan lalo’t higit ng DOH ang pamamahagi ng nasabing vaccine upang ito’y hindi na masayang pa.

 

 

Gayundin, dagdag ng Obipso na higit rin itong makatutulong sa mga Filipino upang magkaroon na ng kapanatagan at kaligtasan laban sa epekto ng COVID-19 pandemic.

 

 

“Kaya nga dapat mas maging systematic at mas maging mabilis ang pamamahagi ng mga AstraZeneca vaccines na ‘yan para hindi po ma-expired. Sa halip na makatulong na sa tao, masasayang pa kapag na-expired ‘yan,” pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam ng Radio Veritas.

 

 

Samantala, nauna nang sinabi ng dating miyembro ng National Task force on COVID-19 na si Dr. Tony Leachon na dapat nang humingi ng tulong ang pamahalaan sa mga pribadong sektor upang mapabilis na ang pamamahagi ng vaccines.

 

 

Paliwanag ni Leachon na masyadong mababa ang average rate ng vaccination sa Pilipinas na aabot lamang sa 30,000 hanggang 60,000 kada araw, pahiwatig na malabong maubos ang AstraZeneca vaccines bago magtapos ang Hunyo.

 

 

Mayroon namang inaayos na plano ang pamahalaan para agad na maipamahagi ang mga bakunang malapit nang mawalan ng bisa.

 

 

Ayon sa DOH, kanilang ipapamahagi ang nasa 1.5 milyon na bakuna na mag-eexpire sa susunod na buwan bilang unang dose, habang ang natitira naman na nasa 525,000 ay ipapamahagi bilang pangalawang dose ng mga nauna nang nakatanggap ng AstraZeneca vaccine.

 

 

Batay sa huling ulat, umabot na sa higit 3-milyong Filipino na ang nabakunahan laban sa COVID-19, na karamiha’y senior citizens, persons with comorbidities at mga health workers.

 

 

Inaasahan naman ng Pilipinas na mababakunahan ang nasa 70 milyong indibidwal ngayong taon upang maabot ang herd immunity laban sa nakahahawa at nakamamatay na sakit na nakaapekto na sa higit 1-milyong Filipino. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Maraming Pinoy kulang ang tiwala sa vaccination program ng bansa- SWS

Posted on: May 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Marami pa ring mga Filipino ang nagtitiwala sa vaccination program ng gobyerno laban sa COVID-19.

 

 

Ito ang lumabas na restulta ng survey na isinagawa ng Social Weather Station (SWS).

 

 

Base sa survey na mayroong 51 percent ng mga Filipino adults ang nagtitiwala sa programa ng gobyerno na kinabibilangang ng 18 percent ang tinawag na very confident habang 34 naman ang medyo kampante.

 

 

Ang natitirang 31 percent ay hindi tiyak habang 17 percent ang hindi kumpiyansa sa nasabing programa.

 

 

Isinagawa ang survey mula Abril 28 hanggang Mayo 2 kung saan tinanong ang mga ito kung magpapaturok ba sila ng COVID-19 vaccine sa mga bakuna na aprubado ng Food and Drugs Administration.

Steven Soderbergh’s Star-Studded Crime Thriller ‘No Sudden Move’ Gets First Teaser

Posted on: May 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

THE first teaser trailer for director Steven Soderbergh’s highly anticipated new crime thriller No Sudden Move has been released.

 

 

It’s also been announced that the movie will premiere at the Tribeca Film Festival on June 18th.

 

 

Written by Ed Solomon – co-writer of the Bill & Ted movies and the tremendously talented screenwriter behind Soderbergh’s underrated HBO thriller Mosaic – the film takes place in 1954 Detroit and revolves around a group of small-time criminals who are hired to steal a document, only for their plan to go horribly wrong.

 

 

Don Cheadle leads a star-studded cast that includes Benicio Del ToroDavid HarbourRay LiottaJon HammAmy SeimetzBrendan FraserKieran CulkinJulia FoxNoah JupeCraig muMs GrantFrankie Shaw, and Bill Duke. All are teased in this debut teaser trailer, which doesn’t reveal too much new footage and merely serves as an announcement that this movie is on the way.

 

 

The film was shot during the pandemic but you wouldn’t know it, and the production employed extensive safety measures that kept the cast and crew safe.

 

 

The director is coming off his 2020 HBO Max film Let Them All Talk, an enthralling drama starring Meryl Streep, and recently struck a deal to make films and TV shows for HBO Max.

 

 

After its Tribeca premiere, No Sudden Move will debut exclusively on HBO Max on July 1st.

 

 

Check out the first No Sudden Move teaser trailer at HBO max IG post: https://www.instagram.com/p/CPGJbM1FWIg/

 

 

According to Soderbergh, “A year ago I was on lockdown in Tribeca.

 

 

“So I never imagined we could return 12 months later with a new movie screening for a live audience in our neighborhood.  I’m VERY happy.”

 

 

No Sudden Move is a fantastic addition to our lineup and Steven has been such a great friend of the festival. Each year, he brings a unique ability to capture audiences through his films, with such powerful and prolific moments,” stated Jane Rosenthal, Co-Founder and CEO of Tribeca Enterprises and the Tribeca Festival.

 

 

“’I suspect this year will be no different.  No Sudden Move will definitely be a crowd-pleaser and I’m looking forward to enjoying it under the New York skyline.”

(ROHN ROMULO)

Pinay Tennis player Alex Eala nabigo sa quarfinals ng W25 Spain

Posted on: May 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nabigo si Filipina tennis player Alex Eala makaabot sa quarterfinals ng Platja D’Aro tournament o W25 Spain.

 

 

Ito ay matapos na talunin siya ni Irene Burillo Escorhuela ng Spain sa score na 6-2, 6-4.

 

 

Hawak pa ni Eala ang kalamangan sa second round hanggang tuluyang makabangon Spanish tennis player.

 

 

Unang tinalo ng 15-anyos na si Eala si Spanish qualifier Alba Carillo Marin sa score na 6-3, 5-7, 7-5.