• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 24th, 2021

Covid-19 vaccination sa mga atletang Pinoy na sasabak sa Tokyo Olympics at Southeast Asian Games, inaprubahan na

Posted on: May 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

INAPRUBAHAN ng gobyerno ang panukalang iprayoridad ang COVID-19 vaccination sa mga atletang Filipino at opisyal bago pa magtungo ang mga ito sa Tokyo Olympics at Southeast Asian Games.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na pinapayagan ng Inter-Agency Task Force ang maagang pagbabakuna sa mga magiging kinatawan ng Pilipinas sa dalawang nabanggit na sport major sporting events.

 

Sa ulat, umapela si Senate Committee on Sports chairman, Senator Christopher “Bong” Go sa pamahalaan na tiyaking mababakunahan ang mga kuwalipikadong miyembro ng Team Philippines na sasabak sa Summer Olympics sa Tokyo City, Japan at Southeast Asian Games sa Hanoi City, Vietnam sa July-August at November-December, ayon sa pagkakasunod.

 

“Ang tagumpay nila ay tagumpay din ng buong bansa. Hirap na hirap na ang ating mga kababayan pero subukan nating bigyan ang taumbayan ng rason na magkaroon ng pag-asa at magkaisa,” ayon kay Go.

 

“Marami rin po ang naghihirap sa ating mga atleta at tatandaan natin na bukod sa pagrepresenta sa ating bansa, lahat po sila ay may mga pamilya rin pong pinapakain at binubuhay. Ang pagbabakuna sa kanila ay hindi lang bilang suporta sa ating mga atleta, kundi suporta rin upang maiangat muli ang kanilang kabuhayan,” aniya pa.

 

Nauna rito, tinalakay ni Go ang kanyang apela kina vaccine czar Carlito Galvez, Jr. at Health Secretary Francisco Duque III at nangako ang dalawang opisyal na ilalagay sa priority list ang mga kuwalipikadong atleta.

 

“Bilang Chair ng Senate Committees on Sports at Health, umaapila ako na bakunahan na agad ang ating mga atleta na sasabak sa upcoming international competitions. Makiisa at magmalasakit tayo sa Team Pilipinas. Suportahan at proteksyunan natin sila dahil karangalan rin ng bansa ang nakataya rito,” ang apela ni Go.

 

Sinabi ng senador na bandila ng Pilipinas at dangal ng lahing Pilipino ang itatanghal ng ating mga atleta sa mga nasabng palarong kaya dapat lamang na bigyan din sila ng sapat na proteksyon.

 

Ginunita ni Gp na noong nakaraang 2019 SEA Games, naging kampeon ang Team Pilipinas dahil sa suporta ng buong sambayanang Pilipino. Nagkaisa ang gobyerno, pribadong sektor, at ordinaryong Pilipino para sa mga atleta.

 

“Ngayon na kailangan nila ang tulong at proteksyon mula sa sakit, ibigay muli natin ang suportang kailangan nila hindi lamang sa oras ng kanilang kompetisyon, kundi pati na rin sa kanilang preparasyon at panahon ng kanilang pangangailangan,” giit ng mambabatas.

 

Ayo sa PSC aat POC, inaasahan na bubuuin ng 100 miyembro ng delegasyon ng bansa para sa Olympics. May 1,500-strong delegation ng bansa ang kalahok sa SEA Games. Ang mga ito ay kinabibilangan ng atleta, coaches, team officials at iba pa.

 

“Bilisan na po natin para hindi tayo maipit sa oras dahil malapit na po ang mga kompetisyon. Tutal patuloy naman po ang pagdating ng mga bakuna at ginagawa rin ng gobyerno ang lahat para mapabilis ang ating vaccine rollout sa iba’t ibang parte ng bansa,” idiniin ni Go.

 

Samantala, ang Pilipinas ay mayroong 8 atleta na magtutungo sa Tokyo Games na nakatakda sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8 at ito ay sina : weightlifter Hidilyn Diaz, pole vaulter EJ Obiena, gymnast Carlos Yulo, boxers Eumir Marcial, Irish Magno, Carlo Paalam, and Nesthy Petecio, at rower Cris Nievarez.

 

Plano naman ng Philippine Olympic Committee na magpadala ng 626 atleta sa Hanoi SEA Games.

 

Ang organizers ng games sa Vietnam ay nagpatupad ng “no vaccination, no participation” policy sa biennial sports meet na nakatakda sa Nobyembre 21 hanggang Disyembre 2.

 

Samantala, sinabi ni POC President Bambol Tolentino na ang national sports associations ay pinayuhan na kilalanin ang mga atleta na ipa-prayoridad para sa vaccination program. (Daris Jose)

Pacquiao, ginulat ang mundo na ‘done deal’ na ang August fight vs undefeated champ Errol Spence

Posted on: May 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Binulabog ni Senator Manny Pacquiao nitong Sabado ng madaling araw (afternoon in US) ang mundo ng boxing nang ianunsiyo niya sa pamamagitan ng kanyang social media account ang laban kontra sa undefeated welterweight champion na si Errol Spence.

 

 

Ang unified welterweight championships ay gaganapin sa August 21 nitong taon sa Las Vegas.

 

 

Ang 31-anyos na American boxer ay hawak ang dalawang korona na IBF at WBC welterweight title sa kanya ng 11 taon.

 

 

Si Spence (27-0, 21KOs) rin ang itinuturing na pinakamatindi ngayon sa naturang dibisyon.

 

 

Naging aktibo rin si Spence, na tubong Desoto, Texas, noong nakaraang taon kung saan tinalo niya noong buwan ng Disyembre via unanimous decision ang dati ring kampeon na si Danny Garcia (Dec 5, 2020).

 

 

Kung maalala ang huling laban ni Pacman ay noon pang taong 2019 (July) nang talunin niya si Keith Thurman sa bakbakan na ginanap din sa Las Vegas.

 

 

Kabilang sa mga bigating boksingero na tinalo rin ni Spence ay ang dating sparring partner ni Pacquiao na si Shawn Porter (Sept. 2019), tinalo rin niya ang dating kampeon na si Mikey Garcia, Lamont Peterson, Chris Algerie, at naagaw niya ang korona ng British boxer na si Kell Brook.

 

 

Sa edad naman na 42-anyos, nasa dalawang taon na rin na hindi pa lumalaban ang ring legend na si Pacman (62-7-2, 39KOs).

 

 

Dahil dito, marami rin ang agad na nabahala, marami rin naman ang humanga lalo kay Pacquiao kung bakit pinili pa rin niyang labanan ang mas bata

2021 World Surfing Games: PH team, ‘galaw ng dagat’ ang sentro ng training sa El Salvador

Posted on: May 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Dumating na sa Playa Tunco, El Salvador, ang six-man Philippine team para sa pagsabak sa International Surfing Association World Surfing Games 2021 Olympic Qualifiers.

 

 

Sa panayam ng coach ng Bicolano surfer na si Vea Estrellado, ginagamay na ng team ang galaw ng dagat sa magiging venue ng palaro na gaganapin mula sa darating na Mayo 29 hanggang Hunyo 6.

 

 

Sa walong taon na pag-ensayo ni Villaroya kay Vea sa Sorsogon, tinitingnang magiging dagdag na hamon sa 17-anyos na surfer ang malalaking alon sa El Salvador kompara sa kinasanayan.

 

 

Hindi man kasama sa event at tanging sa chat muna ang komunikasyon, mahigpit ang bilin nito kay Vea na alalahanin na “safety first” at suriing maigi ang galaw ng dagat bago ang kompetisyon.

 

 

Kahit pa kumpiyansa sa kakayahan ng pinakabatang surfer sa team, hindi rin naman aniya maaaring ipagwalang-bahala ni Vea na matindi rin ang paghahanda ng mga makakatunggali.

 

 

Magwagi man o hindi, naniniwala ang coach ng Bicolano surfer na malaking tulong ang pinakaunang international event nito sa “competitive maturity” ng dalaga.

BAHAY SA NAVOTAS, NI-LOCKDOWN

Posted on: May 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

ISINAILALIM ng Lokal na Pamahalaan ng Navotas ang isang bahay sa lungsod matapos may 10 na miyembro ng pamilya ang nagpositive sa COVID-19, alinsunod sa IATF guidelines.

 

 

Ayon kay Mayor Toby Tiangco, ang mga nakatira sa naturang bahay ay sinuotan na ng quarantine band para mabantayan na hindi sila lumabas ng bahay.

 

 

Inihalintulad ni Mayor Tiangco ang nangyaring ito noong ni-lockdown din ang isang lugar sa lungsod matapos magpositibo ang 14 katao na dumalo sa isang party, Mayo noong nakaraang taon.

 

 

“Ganito po nagsimula ang pagtaas ng ating mga kaso kaya lubusin po natin ang pag-iingat at pagsunod sa health protocols. Sa bahay na po ang hawaan ngayon, di na masyado sa opisina o lugar ng trabaho. Ito ay dahil mas kampante tayo sa bahay at pakiramdam natin wala namang sakit ang mga kasama natin” ani alkalde.

 

 

“Pero sa panahon ngayon na laganap na ang COVID-19, hindi na natin sigurado kung sino ang maysakit. Napakadaling mahawaan pero napakahirap o napakatagal magpagaling”, dagdag niya.

 

 

Tiniyak naman ng pamahalaang lungsod na bibigyan ng relief foods ang mga miyembro ng pamilya, gaya ng ginagawa sa mga lugar na isinailalim sa lockdown.

 

 

Patuloy ang paalala ni Tiangco sa lahat na mag-ingat at hinikayat niya na magpabakuna para protektado laban sa sakit at wag aniya sayangin ang sakripisyo ng lahat. (Richard Mesa)

COVID-19 vaccine brands, puwede nang sabihin sa recipients sa inoculation centers

Posted on: May 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MAAARING isiwalat ng mga awtoridad ang COVID-19 vaccine brands sa kanilang recipients sa inoculation centers.

 

Ito’y matapos na ipagbawal ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang local government sa pag-anunsyo ng brand names para maiwasan ang mass gatherings.

 

“Malinaw ang paliwanag ng DILG na bagama’t hindi iaanunsyo ng LGU ang vaccine brand, sasabihin sa mababakunahan ang vaccine brand habang nasa vaccination center,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

“Hindi ililihim sa mababakunahan ang bakunang ibibigay sa kaniya. Karapatan n’yo po itong malaman at tanggihan ito,” anito.

 

Kaya hinikayat ni Sec. Roque ang publiko na iwasan na ang maging “choosy” sa vaccine brands.

 

Ang lahat ng COVID-19 vaccine ani Se. Roque ay dumaan sa masusing pagsusuri ng local at international drug regulators.

 

“Ang pinakamabisang bakuna ay ang bakunang ituturok sa inyo pong mga braso,” anito.

 

“Totoo po, meron tayo lahat karapatan para sa mabuting kalusugan, pero hindi naman po pupuwede na pihikan. Napakadaming Pilipino na dapat turukan,” ayon pa kay Sec. Roque.

 

Sabi pa ng opisyal, wala namang pilitan sakaling ayaw ng isang indibidwal na magpaturok ng bakunang ibibigay sa kaniya.

 

“Wala pong pilian, wala po kasing pilitan… Tama lang naman po ‘yan, walang pilian kasi hindi naman natin mako-control talaga kung ano’ng darating at libre po ito,” aniya.

 

Sa ngayon, nakakuha na umano ang Pilipinas ng garantiyang suplay mula sa vaccine maker ng China na Sinovac. Meron na rin daw mula sa AstraZeneca at Serum Institute ng India.

30% vanue capacity sa religious gatherings sa National Capital Region (NCR) Plus, may go signal na ng IATF

Posted on: May 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PINAPAYAGAN na ng Inter-Agency Taks Force (IATF) ang 30% vanue capacity sa religious gatherings sa National Capital Region (NCR) Plus.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nagpulong kahapon ang IATF kung saan ay nagsabi ang Metro Manila Council na payagan na ang mga Alkalde ng NCR na mapatupad ng 30% venue capacity sa mga religious gatherings.

 

Kung matatandaan ani Sec. Roque ay una nang pinayagan ng IATF ang religious gatherings na hanggang 10% ng venue capacity sa ilalim ng General Community Quarantine “with heightened restrictions”.

 

Subalit binigyan aniya ng diskresyon ang mga Local Government Units (LGUs) na taasan ang venue capacity ng religious gatherings na hindi tataas sa 30% allowable venue capacity.

 

Sa kabilang dako, sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na ang bagong polisiya na ia-apply din sa ibang lugar na nasa ilalim ng GCQ with heightened restrictions, ayyinaprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) kasunod na rin ng naging kahilingan ng mga Simbahan.

 

Ipatutupad ito hanggang Mayo 31.

 

“This applies to all religious faiths, sects, and denominations,” ayon sa Kalihim.

 

Nauna rito, nagpatupad ang pamahalaan ng 10% venue capacity limit para sa religious gatherings para pigilan ang paglaganap ng virus.

 

Matatandaang isinailalim ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Metro Manila at mga karatig-lalawigan gaya ng Bulacan, Rizal, Cavite, at Laguna — na mas kilala bilang NCR Plus — sa GCQ with heightened restrictions mula Mayo 15 hanggang Mayo 31.  (Daris Jose)

51% Pinoy tiwala sa vaccine program ng government – SWS

Posted on: May 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Marami pa ring mga Filipino ang nagtitiwala sa vaccination program ng gobyerno laban sa COVID-19.

 

 

Lumabas sa survey na isinagawa ng Social Weather Station (SWS) na 51% ang nagsabi na nagtitiwala sa programa ng gobyerno na kinabibila­ngan ng 18 percent ang tinawag na “very confident” habang 34 naman ang medyo kampante.

 

 

Samantala 31% ang hindi tiyak o “uncertain” at 17 percent ang “not confident” o hindi kumpiyansa.

 

 

Isinagawa ang survey mula Abril 28 hanggang Mayo 2 kung saan tinanong ang mga ito kung magpapaturok ba sila ng COVID-19 vaccine sa mga bakuna na aprubado ng Food and Drugs Administration.

 

 

Ikinagalak naman ng Malacañang na tumaas ang confidence ng mga mamamayan at nakakaimplu­wensiya rin ang pagpapabakuna ng mga kakilala at kapitbahay.

 

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na makikita naman ng mga mamamayan ang mga aprubadong bakuna hindi lamang ng Pilipinas kundi maging ng World Health Organization.

 

 

Ikinatuwa rin ng Malacañang na 30% pa ang dapat kumbinsihin kaya balak nilang maglabas ng infomercial.

 

 

Hindi rin aniya susukuan ng gobyerno ang 17% na walang tiwala dahil mahalagang mabakunahan ang lahat ng Pilipino. (Daris Jose)

MM Mayors, pinayagan ang religious gatherings ng 30% capacity

Posted on: May 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ng Inter-Agency Taks Force (IATF) na pinapayagan ng Metro Manila Council ang religious gatherings sa 30% vanue capacity.

 

Nauna nang pinayagan ng IATF anag religious gatherings ng 10% ng venue capacity sa ilalim ng General Community Quarantine “with heightened restrictions.”

 

Sa kabilang dako, binigyan naman ng diskresyon ang Local Government Units (LGUs) na taasan ang venue capacity ng religious gatherings na hindi lalagpas sa 30% allowable venue capacity.

 

Sa kabilang dako, kinunsidera naman ng IATF ang 9th Meeting of the ASEAN Plus Three Emergency Rice Reserve of the National Food Authority bilang essential gathering at inaprubahan ang conduct nito.

 

Pinayagan din ang pagbabalik ng relocation activities ng Department of Public Works and Highways para sa mga apektadong informal settlers na may kaugnayan sa kanilang construction projects, alinsunod naman sa umiiral na batas at ordinansa “and subject to safety and health protocols and strict observance of minimum public health standards.”

 

Inaprubahan din ng IATF ang rekumendasyon ng National Economic and Development Authority na palawakin ang contact tracing applications ng iba’t ibang local government units, gaya ng ginamit sa Pasig, Mandaluyong, Antipolo, Valenzuela, at iba pa.

 

Kaugnay nito, inatasan naman ang Department of Information and Communication Technology at Department of the Interior and Local Government na magpalabas ng polisiya para tiyakin na ang lahat ng contact tracing applications ay “interoperable.”

 

Samantala, inaprubahan naman ang naging kahilingan ng Philippine Swimming Incorporated na mag- host ng 2021 Swimming National Selection Meet sa ilalim ng bubble-type format sa New Clark City Aquatics Center, Capas, Tarlac.

 

Kaugnay nito, ang delegado naman ng National Selection Meet ay ikukunsidera bilang Authorized Persons Outside of Residence at payagan sa interzonal travel.

 

Ang mga atleta naman na pupunta sa Tokyo Olympics at South East Asian Games ay maaari magsimula na ng kanilang bubble-type training, “subject to the applicable guidelines” ng Philippine Sports Commission, Games and Amusement Board at Department of Health.”

 

Kaugnay pa rin nito, inaprubahan ng IATF ang rekumendasyon ng Technical Working Group’s sa Interim National Immunization Technical Advisory Group (iNITAG) na iprayoridad ang pagbabakuna sa mga atleta, coaches, delegado at opisyal na magtutungo sa Tokyo Olympics at South East Asian Games.

 

Kasama rin sa babakunahan ay ang mga frontline employees ng business process outsourcing industry at frontline employees ng Commission on Elections na inirekumenda naman sa iNITAG na makasama sa Priority Group A4.

 

Samantala, ang liquefied petroleum gas dealers, retailers at attendants ay bahagi na rin ng inaprubahang Priority Group A4.2 para sa vaccine deployment sa ilalim ng “retail trade operators and frontliners.”

 

Isa namang Small Working Group ang nilikha para pag-aralan at bumalangkas ng protocols para sa inbound international travel ng “fully vaccinated individuals” kung saan ang Department of Tourism ang tatayong chairman habang ang Department of Foreign Affairs ang co-chairman. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Malakanyang, matabang sa ideya na magtambal sina PDu30 at VP Leni Robredo sa vaccine infomercial

Posted on: May 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MATABANG ang Malakanyang sa ideya na magtambal sina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Vice-President Leni Robredo para sa isang vaccine infomercial.

 

Nanawagan kasi si Senator Joel Villanueva sa pagtatambal nina Pangulong Duterte at VP Leni para sa isang infomercial na manghihikayat sa publiko upang magpabakuna kontra COVID-19.

 

Ayon kay Villanueva, tila magiging mabisa kung maglalabas ng isang joint public service announcement ang Pangulo at ang Bise Pangulo upang makumbinsi ang malaking populasyon ng mga Pilipino na ligtas at epektibo ang bakuna.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, na mangyayari lamang ang infomercial kapag isinantabi na ni VP Leni ang politika at aminin na ang Sinovac’s COVID-19 vaccine ay epektibo gaya ng iba.

 

“Kasi ang alam ko po sa unang panahon ay kinuwestyon pa nga ni VP Leni ang paggamit ng Chinese vaccines. So parang I cannot see na ie-enderso niya na pare-pareho ang vaccines,” ayon kay Sec.Roque.

 

“Sana po kung masasabi niya at ‘yan ay matuloy pero alam niyo po ginawa talagang politika pati itong bakuna. Kaya nga po sinabi nila itong Chinese (vaccine) ginagamit natin kapalit ng [West Philippine Sea.],” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

 

Sinabi pa ni Sec. Roque na sa pagitan nina Pangulong Duterte at VP Leni ay tanging ang  una lamang ang nanghikayat sa publiko na magpaturok na ng available na bakuna kahit na ano pa ang brand nito.

 

“So sa akin po, sana po masabi mismo ni vice president ‘yon. Simulan po natin don at kung masasabi niya na pantay-pantay ang mga bakuna at isasantabi niya ang politika ay pag-aaralan natin ‘yan, bakit naman hindi. Pero ang tanong ay masasabi niya ba yon?”ang panukala ni Sec. Roque.

 

Sa kabilang dako, bukas naman ang kampo ni VP Leni sa suhestiyon na magtambal sina Pangulong Duterte at ang Bise-Presidente sa infomercial hinggil sa bakuna.

 

Sinabi ni Atty. Barry Gutierrez, tagapagsalita ni VP Leni na bukas ang kampo ng bise-presidente sa ganitong suhestiyon na makakatulong na mapalakas ang public confidence sa COVID-19 vaccines.

 

“Kung may magri-reach out sa kanya at magsasama sila ni Pangulong Duterte para magkaroon ng infomercial para lalong ma-enganyo ang ating mga kababayan na magpabakuna sa lalong madaling panahon, eh bukas ho siya d’yan,” ang pahayag ni Gutierrez.

 

Ang tanggapan aniya ng Office of the Vice President ay nagpalabas na ng infomercial ukol sa COVID-19 vaccines noong unang bahagi ng Pebrero.

 

Tiniyak naman ni Gutierrez na handa si Robredo na isantabi ang politika para abura ang pagdududa ukol sa COVID-19 vaccines’ efficacy. (Daris Jose)

MGA DAYUHAN NA MAY EXEMPTION DOCUMENTS, MAY HANGGANG MAY 31 UPANG MAGAMIT

Posted on: May 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

INANUNSIYO ng Bureau of Immigration (BI) na simula sa June 1 ay hindi na papayagan na makapasok sa bansa ang mga dayuhan na may ipapakitang entry exemption documents (EED) na inisyu ng Department of Foreign Afffairs (DFA) na may petsa hanggang February 8.

 

 

Paliwanag ni Morente na ipapatupad nila ang nasabing travel guidelines alinsunod sa kommunikasyon na natangap nila mula sa DFA.

 

 

“We were informed by the DFA that entry exemption documents now have a validity of 90 days from the date of issuance,” ayon kay Morente.  “As an effect, we were informed that all issued before Feb 8 are deemed expired by June 1,” dagdag pa nito..

 

 

At sa mga dayuhan na may hawak na EED’s para magamit nila ay kinakailangan nilang makapasok ng bansa bago May 31.

 

 

Sinabi naman ni Atty. Carlos Capulong, BI Port Operations Division Chief,  na ang entry exemption na inisyu ng National Task Force Against Covid-19 (NTF) sa travel ban noong March 22  hanggang  April 30  ay maari pa nilang ggamitin hanggang May 31.

 

 

Pinaliwanag ni Capulong na alinsunod sa IATF, lahat ng 9(a) visa holders, gayundin ang Special Resident Retirees Visas, ay kinakailangang kumuha ng entry exemptions mula s aDFA para makapasok sa Pilipinas. (GENE ADSUARA)