• November 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 25th, 2021

Kelot na nagpakilalang pulis arestado sa Malabon

Posted on: May 25th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

BAGSAK sa kalaboso ang isang electrician matapos magpakilalang miyembro ng Philippine National Police (PNP) sa Malabon city.

 

 

Nahaharap sa kasong Usurpation of Authority or Official Functions (Art 177 of RPC) ang naarestong suspek na kinilalang si Arvin Busa, 26 ng Blk 9, Lot 31, 4th St. Brgy. Tañong.

 

 

Ayon kina Malabon police investigators PSSg Mardelio Osting at PSSg Diego Ngippol, nagpakilala ang suspek na pulis at inimbita na mag-inuman ang saksing si Alberto Perez Jr., traffic enforcer at residente ng Esguerra St. Brgy. Flores.

 

 

Matapos makaubos ng ilang bote ng alak dakong alas-3 ng madaling araw, naglakad ang suspek at si Perez sa kahabaan ng Gulayan St. Brgy. Concepcion para maghanap ng iba pang venue upang ituloy ang inuman.

 

 

Dito, nakilala nila ang isa pang saksi na si Anthony Patola, 34, barangay kagawad ng Brgy. Concepcion kung saan ipinakilala naman ni kagawad si Busa kay Pat. Allan Roquite, 31, nakatalaga sa PCADG, Camp Crame.

 

 

Muling nagpakilala ang suspek bilang miyembro ng PNP sa arresting officer subalit, matapos ang isinagawang beripikasyon sa PAIS PNCO napagalaman ni Pat. Roquite na hindi ito totoong pulis na naging dahilan upang arestuhin nito si Busa. (Richard Mesa)

RABIYA, nambulabog na naman sa pinost na maiksing buhok at may nag-akalang si ‘Liza Soberano’

Posted on: May 25th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGING usap-usapan nga noong Lunes sa social media ang pinost ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo na kung saan nag-selfie na may maiksing buhok na ayon sa netizens ay bumagay naman sa kanya.

 

 

Ginulat nga ni Rabiya ang kanyang 1.7 million IG followers, marami nga ang biglang naniniwala at napa-wow sa kanyang new look, pero hindi pala totoong pinagupit na ang kanyang mahabang buhok, kaya naglagay siya ng caption sa IG post ng, “nah just bluffing.”

 

 

Sa comments section, marami nga ang naniniwalang nagpagupit siya ng buhok at isa na rito si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na nag-comment ng, “you got me.”

 

 

Maging si Miss Supranational Philippines 2013 Mutya Datul ay nagsabi na inakala niyang si Rabiya ay ang aktres na Liza Soberano dahil sa totoo lang, magkahawig sila.

 

 

Sabi naman ni Miss Universe Philippines 2014 MJ Lastimosa, “Charotera.”

 

 

Samantala, hindi pa nakababalik ng bansa si Rabiya after nga niyang mag-compete sa 69th Miss Universe na kung saan umabot naman siya sa Top 21.

 

 

Balita kasing gusto munang mag-unwind ni Rabiya at posible rin na hanapin niya ang kanyang ama na balitang nasa Amerika.

 

 

May kumalat din na tsismis na kinukuhan raw siya na maging modelo ng Victoria Secret, na kapag nagkatotoo ay rarampa ang Pinay beauty na hinahangaan sa kanyang alindog at kaseksihan sa National Costume at Swimwear competition.

 

 

***

 

 

SUPER saya na pinost ni Kim Molina na naka-50M views na ang trailers ng movie nila ni Jerald Napoles na Ang Babaeng Walang Pakiramdam na mula sa direksyon ni Darryl Yap na mapapanood sa Vivamax ngayong June 11.

 

 

At may bonus pa na ikinatuwa niya dahil nasa Top 5 naman ang Momol Nights na streaming na sa Netflix.

 

 

“Lucky number 5 po tayo ngayon mga lods! From #ABWP 50M combined trailer views to #MomolNightsNetflix TOP 5 on Netflix PH! HUHU!! Maraming salamat po! Lablab ko kayo malala!!! Stay safe and have a blessed happy weekend!”

 

 

“P.S. Paano ba sumali sa lotto? itaya kaya natin lods para hayahay HAHAHAHA.”

 

 

Pero pagkaraan ng isang araw pumasok na ito sa Top 3 kaya muling nag-post si Kim sa kanyang FB account kahapon, May 24.

 

 

Caption niya, “Good morning!!! Huhu katabi ko si ate mo Angelina!!! Kinikilig ako hahaha!

 

 

“Salamat mga ka-momol kahit 2019 pa ang movie kong ito pinapanood niyo pa rin. Thank you #MomolNightsNETFLIX #Top3.”

 

 

Pahabol na post pa niya, “P.S. Di ko rin sure kung sobrang saya dahil ang dami niyo nang nakasulyap sa pwet ko. Anuto. HAHAHAHA!!!! Sorry sa mga naumay. No choice ka pinindot mo ang “Watch” eh hahahaha. Lablab! ”

(ROHN ROMULO)

Carla, masayang-malungkot dahil apat na buwan na mahihiwalay kay Tom

Posted on: May 25th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MASAYANG-MALUNGKOT ang engaged couple na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez sa apat na buwan silang pansamantalang magkakahiwalay. 

 

 

Almost seven years na together sina Carla at Tom at ngayon nga ay on-going ang wedding preparations nila sa isang classic style church wedding on October 21, 2021 sa Tagaytay Highlands, after nilang ma-engage last October, 2020.

 

 

Ibinahagi ni Carla sa kanyang YouTube vlog bakit sila pansamantalang maghihiwalay.  Si Tom ay nagsimula na ng lock-in taping ng upcoming Kapuso drama series na The World Between Us at si Carla ay naka-schedule na rin ng one month lock-in taping sa Bataan para sa bago niyang serye, To Have and To Hold.

 

 

At dahil hindi nila alam kung kailan sila magkakasabay ng break, maaari raw tumagal ng four months bago sila muling magkasama.

 

 

     “It’s going to be like that until September,” Carla added.

 

 

“It’s going to be the longest time we’ll be apart which is more or less four months. Kailangan ko rin munang tanggalin ang aking engagement ring. But that’s okay because pretty soon, I’ll get to wear that again and  pretty soon, there will be a wedding ring along with the engagement ring.”

 

 

Sad man, pero masaya rin si Carla dahil sa kabila ng pandemic na pinagdaraanan natin ngayon, thankful sila ni Tom na pareho silang nagkaroon ng opportunities na magtrabaho, hindi man sila magkasama sa iisang show.

 

 

“We are thankful because, we get to continue to put food on our table, support our families and prepare financially, not just for the wedding but for our dream home. We’ll endure not seeing each other because it will be worth it and the important thing is we’ll get married after our shows.”

 

 

***

 

 

NATAPOS na ni Kapuso actress Sanya Lopez at ng cast ng First Yaya, ang lock-in taping nila, pero patuloy pa ring mapapanood ang romantic-comedy series gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras.

 

 

Kaya ngayong haharaping naman ni Sanya ay ang taping ng Alamat ng Agila nila ni Bong Revilla na last Saturday, May 22, ay nagsimula na siyang napanood bilang si Maya Lagman.

 

 

Thankful si Sanya dahil sa magkasunod na proyekto niyang ginawa, matutuloy na raw ang renovation ng kanyang bahay.  Matagal-tagal na rin kasing natapos ang construction ng bahay niya, na gift niya sa sarili niya, na ipinatayo niya mula sa mga kinita niya sa mga projects na ginawa niya sa GMA.

 

 

Pero may mga kailangan na raw siyang ipa-renovate, kaya ang gagamitin niya sa renovation ay ang talent fee niya mula sa Agimat ng Agila.

 

 

Ano kaya ang role na gagampanan ni Sanya sa buhay ni Gabriel Labrador (Bong Revilla)?

 

 

Kung sweet at mabait na Yaya Melody siya sa First Yaya, isang masungit na teacher si Maya Lagman sa fantasy-action drama series na napapanood tuwing Saturday, 7:15PM sa GMA-7 after Pepito Manaloto.

 

 

***

 

 

ANG real sweethearts na sina Barbie Forteza at Jak Roberto na ang huling special guests nina Julie Anne San Jose at David Licauco, sa romantic-comedy series na Heartful Cafe.

 

 

May rigodon ng lovers ang serye dahil si Barbie sa story ay girlfriend ni David at si Jak naman ay nagkukunwaring boyfriend ni Julie.  Paano magiging sina Julie at David at si Barbie naman at Jak?

 

 

Last four weeks na lamang ang Heartful Cafe na napapanood gabi-gabi sa GMA-7 pagkatapos ng First Yaya.

 

(NORA V. CALDERON)

WHO, kinilala ang magandang vaccination rollout ng Taguig City

Posted on: May 25th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Kinilala ng World Health Organization (WHO) ang lungsod ng Taguig dahil sa kasanayan nila sa vaccination rollout.

 

 

Nakapagbakuna kasi ang Taguig City ng 4,000 katao sa loob ng isang araw.

 

 

Ayon kay WHO country representative Dr. Rabindra Abeyasinghe, na naging detalyado sa pagpaplano at execution ang city government ng Taguig sa pagpapabakuna ng kanilang mga mamamayan.

 

 

Pinuri rin ang pagsasagawa ng Taguig ng mga training center kung saan sumailalim ang mga medical experts at practitioners ng seminars sa tamang paghawak nga mga COVID-19 vaccines.

 

 

Plano naman ni Taguig City Mayor Lino Cayetano na gawing 5,000 sa kada araw ang mabababakunahan nila sa mga susunod na linggo.

 

 

Sa kasalukuyan kasi ay aabot sa halos 50,000 katao na ang kanilang naturukan ng bakuna.

 

 

Hinikayat naman ni Abeyasinghe ang mga Local Government Unit na gayahin ang ginagawang vaccination rollout ng Taguig. (Gene Adsuara)

Mega vaccination site sa Nayong Pilipino gagawing 24/7

Posted on: May 25th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Maaaring magkaroon ng 24/7 na operasyon ng pagbabakuna kontra COVID-19 sa planong mega vaccination site sa Nayong Pilipino.

 

 

Sinabi ni National Task Force Against Covid-19 spokesman Restituto Padilla, na angkop ang planong mega vaccination site sa Nayong Pilipino dahil mayroon umanong sariling storage facility doon kaya maaaring gawin ito dahil mayroong makukuhang bakuna na tuluy-tuloy.

 

 

Nilinaw naman ni Padilla  na hindi pa inilulunsad ang kontrobersyal na proyekto subalit plano itong simulan ng gobyerno ngayong buwan dahil maayos na itong napagkasunduan.

 

 

Ayon naman kay vaccine czar Carlito Galvez Jr., na hindi pa pirmado ng Nayong Pilipino Foundation (NPF) Board of Trustees (BT) ang naturang proyekto.

 

 

Nauna na rin sinabi ng NPF na ang konstruksyon ng mega vaccination site sa lugar ay makakaapekto sa kapaligiran dahil puputulin ang halos 500 puno doon. (Gene Adsuara)

VP Leni sa vaccine infomercial kasama si Duterte: ‘Open na open ako’

Posted on: May 25th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Iginiit ni Vice President Leni Robredo na handa siyang makipagtulungan kay Pangulong Rodrigo Duterte para mahikayat ang mas maraming Pilipino na tumanggap ng COVID-19 vaccines.

 

 

Pahayag ito ng pangalawang pangulo, matapos siyang akusahan ng tagapagsalita ni Duterte na tutol umano ito sa mga bakuna ng China.

 

 

“Open na open ako kung kailangan iyan para makatulong sa vaccine trust. Any time, Ka Ely. Sabihin lang sa akin kung anong gagawin ko, kailan, saan,” ani Robredo sa kanyang weekly radio program.

 

 

Nilinaw ng VP Leni na walang katotohanan ang paratang ni Presidential spokesperson Harry Roque.

 

 

Ayon sa bise presidente, iminungkahi lang niya na idaan sa tamang proseso ang Chinese vaccines dahil hindi naging malinaw ang panuntunan ng paggamit nito noong umpisa ng vaccine rollout.

 

 

Kung maaalala, hindi pa agad inirekomenda ng Food and Drug Administration ang Sinovac COVID-19 vaccine sa mga healthcare worker at senior citizen.

 

 

Umapela rin noon ang Health Professionals Alliance Against COVID-19 (HPAAC) na gawaran muna ng “positive recommendation” ng Health Technology Assessment Council ang naturang bakuna.

 

 

“So ang sinasabi ko, Ka Ely, sana naman bago naggagawa ng mga public statements iyong mga regulatory agencies natin, nag-uusap-usap muna kasi hindi siya nakakatulong. Hindi siya nakakatulong sa vaccine trust. Iyon iyong sinabi ko, Ka Ely, dahil kapag sinabing sinisiraan o kino-kontra ko iyong Sinovac dati, fake news po iyon.”

 

 

Bago pa man nagsimula ang pamahalaan sa pag-rolyo ng COVID-19 vaccines, naging aktibo na ang Office of the Vice President (OVP) sa paglalabas ng “infomercials” tungkol sa bakuna.

 

 

Noong nakaraang linggo nang matanggap ni Robredo ang kanyang unang dose ng AstraZeneca COVID-19 vaccine.

 

 

Hanggang sa ngayon ay wala naman daw siyang nararamdaman na seryosong side effect maliban sa pagka-ngalay ng braso at pakiramdam ng nilalagnat.

 

 

“Delayed sa akin, Ka Ely, medyo mangalay, tapos iyong pakiramdam ko na feverish ako. Alam mo iyon, Ka Ely, iyong pakiramdam mo magkakasakit ka. Pero noong kinuhaan ako ng temperature, wala naman akong sakit. Pero sandaling-sandali lang, sandaling-sandali lang, Ka Ely, after a few minutes wala na.” (Daris Jose)

Pinas 2nd sa vaccination rollout sa Southeast Asia

Posted on: May 25th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pumangalawa na ang Pilipinas sa estado ng ‘vaccination rollout’ sa Southeast Asia makaraang umakyat na sa 4,097,425 doses ang naipamahagi sa mga mamamayan, ayon sa National Task Force Against COVID-19 nitong Linggo.

 

 

Sa datos mula sa Bloomberg World Data, nasa 4,097,425 kabuuang doses ng bakuna ang naibigay sa publiko ng Pilipinas habang nangunguna ang Indonesia sa 24,723,728 doses.

 

 

Nalagpasan na ng Pilipinas ang Cambodia (3,673,639) na nasa ikatlo at ang Singapore (3,407,068) na nasa ikaapat na puwesto na lamang habang nasa ikalima ang Myanmar (2,994,900).

 

 

Nasa ika-13 ranggo ang Pilipinas sa 47 bansa sa Asya at ika-37 mula sa 196 bansa sa buong mundo.

 

 

Mahigit 4 milyong Filipino na rin ang nabakunahan sa buong bansa  o 949,939 ang ‘fully-vaccinated’ na habang 3,147,486 naman ang nakatanggap na ng kanilang unang dose. (Daris Jose)

Ads May 25, 2021

Posted on: May 25th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

3 ‘killer-rapist’ ng transgender, arestado

Posted on: May 25th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Naaresto na kahapon ng mga pulis ang tatlong suspek sa panghahalay at pagpatay sa isang transgender man sa Brgy. Silang, Quezon City.

 

 

Kinilala ang mga nadakip na sina  Zander dela Cruz, kababata ng biktima; Richard Elvin Araza, alyas Tiago at Joel Loyola, alyas Nonoy.

 

 

Sila ang itinuturong suspek sa panggagahasa at pagpatay kay Norriebi Tria, alyas Ebeng Mayor, 21, isang transgender man, at residente ng Brgy. Batasan Hills, Quezon City.

 

 

Ayon sa kapatid ng biktima na si Rachelle Tria, bago ang krimen ay umuwi umano ang kapatid sa kanilang bahay sa Quezon City matapos na makatampuhan ang kanyang kinakasama na nasa Pampanga.

 

 

Noong Lunes ay nagpaalam pa umano si Tria sa kanyang pamilya na lalabas at makikipag-inuman kasama ang kanyang mga kaibigan ngunit hindi na ito nakauwi pa hanggang sa matagpuan na lamang ang hubo’t-hubad na bangkay nito sa isang bangin noong Huwebes.

 

 

Nitong Biyernes naman, pumutok ang isyu nang panggagahasa at pagpatay sa biktima nang kondenahin ito ng LGBT community.

 

 

Sa isinagawang follow-up operation naman ng mga tauhan ng QCPD-Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), inimbitahan nila si Dela Cruz matapos na matukoy na isa ito sa mga huling nakasama ni Tria bago ito nawala.

 

 

Sa harap ng mga pulis at ng ama ng biktima na si Mang Rommel Siclat, ay umamin umano si Dela Cruz na kasama siya sa mga nanggahasa at pumatay sa biktima.

 

 

Itinuro din ni Dela Cruz sina Araza at Loyola na siyang kasabwat niya sa krimen.

 

 

Inamin din umano ni dela Cruz na siya ang pumukpok sa ulo ni Tria habang ginagahasa ito ni Loyola.

 

 

Si Loyola rin aniya ang nagpasak ng kahoy sa maselang bahagi  ng katawan ng biktima matapos itong gahasain.

 

 

Matapos ang krimen ay tinangay pa umano ni Loyola ang mga alahas at mahahalagang gamit ni Tria bago itinapon ang bangkay nito.

 

 

Bago naman magtanghali kahapon ay naaresto na rin ng mga awtoridad sa Brgy. Silangan ang dalawa pang suspek na sina Araza at Loyola.

 

 

Nakapiit na ang mga suspek habang inihahanda ang mga kasong isasampa laban sa kanila. (Gene Adsuara)

Netflix Unveils ‘TRESE’ Official Trailer & New Photos

Posted on: May 25th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NETFLIX has finally revealed the full trailer for the upcoming Filipino anime series, TRESE.

 

 

In Trese, “When it comes to the supernatural, the cops have Alexanda Trese on speed dial. Set in Manila and based on the award-winning Filipino comic, TRESE brings horror folklore like you’ve never heard before.”

 

 

Based on the acclaimed black and white horror/crime komik by writer Budjette Tan and artist Kajo Baldisimo, Trese follows the adventures of Alexandra Trese, a detective who deals with crimes of supernatural origin.

 

 

The original comic, which began publishing in 2005 and is still ongoing, is a point of national pride for Filipino comic book fans, and went on to win Best Graphic Literature in the 29th National Book Award in November 2010.

 

 

The animated series appears to go out of its way to pay homage to those Filipino roots, setting the story in Manila and showing Trese wielding the mystical kris, an ancient sword commonly used in the Philippines that originates in Indonesia.

 

 

It also has an all Filipino cast on both the English and Tagalog dubs.

 

 

Netflix also revealed the show’s voice talents who will be joining Liza Soberano in the Filipino version, and Shay Mitchell in the English version.

 

 

Check out the official trailer of TRESE below: https://www.facebook.com/watch/?v=136397535108420&t=26

 

 

Aside from the trailer, the streaming giant also dropped more photos from the upcoming show.

(ROHN ROMULO)