• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 4th, 2021

Teaser ng ‘Lolong’ na pinagbibidahan ni RURU, maraming napahanga dahil parang gawang Disney

Posted on: June 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MARAMI ang nagandahan at humanga sa teaser ng Lolong na ipinakita noong Lunes sa 24 Oras!

 

 

Mabilis ding naging trending sa Twitter ang #Lolong na matatandaang kasama sa mga programang nakalinya ng Kapuso Network ngayong taon. Talaga namang napa “Wow!” ang mga nakapanood sa pasilip sa upcoming adventure series ng GMA Network na pagbibidahan ni Ruru Madrid. 

 

 

Ang Lolong ang sinasabing biggest primetime adventure series sa Pilipinas ngayong 2021 at kung pagbabasehan ang reaction ng mga nakapanood sa teaser ay promising talaga ang nasabing serye na handog ng GMA Public Affairs.

 

 

May ilan pang nag-comment na parang Disney raw ang gumawa ng nasabing teaser at nakabibilib talaga ang animatronics na gagamitin para sa karakter na si Dakila – ang dambuhalang buwaya na magiging kaibigan ni Lolong (Ruru) sa serye.

 

 

Bukod kay Ruru, bibida rin sa serye sina Shaira Diaz at Arra San Agustin. Marami talagang exciting shows na dapat abangan sa GMA ngayong taon!

 

 

***

 

KUNG may isang tao raw na gustong maging close ulit ng aktor na si Benjamin Alves, ito ay walang iba kundi si Chynna Ortaleza.                             

 

Kuwento ng Owe My Love actor na dati silang very close ni Chynna bago ito nagkaroon ng sariling pamilya.                “Dati close kami. We got to work sa Dading, ‘tapos, nagwo-workshop kami lagi. She’s one of the first persons that I was able to really open up to, kasi magka-partner kami sa Dading.                    

 

“’Tapos ayon nga. She has her own family now. Okay naman kami. We’re just not as close as before kasi nga may family na siya.”                                   

 

Wish ni Benjamin na muli silang magkaroon ng connection ni Chynna at maging close friends ulit sila.

 

“Siguro eventually if we’ll be in the same chapter in our lives, na parang if I have a family na rin, we’ll become close again, I’m sure.”

 

 

     ***

 

 

SUMABAK na sa kaniyang unang araw ng lock-in taping si Carla Abellana para sa upcoming GMA series na To Have And To Hold.

 

 

Bibigyang-buhay ni Carla ang role ni Erica Gatchalian sa bagong series kung saan makakasama niya ang multi-talented Kapuso stars na sina Max Collins (Dominique) at Rocco Nacino (Gavin).

 

 

Sa ipinasilip na behind-the-scene photos mula sa kanilang lock-in taping ay makikita si Carla na nakabihis bilang si Erica. Maraming netizens naman ang nakapansin sa blooming at fresh na aura ng Kapuso actress.

 

 

Komento pa ng isang netizen, “Sa look and aura palang, ang layo kay Adele. Very young, flirty. Ibang role naman at maganda, inaaral niya talaga. Good job Ms. Carla.”

 

 

Ano nga kaya ang magiging papel ni Erica sa buhay nina Dominique at Gavin?

 

Abangan ang To Have And To Hold, soon sa GMA-7.

(RUEL J. MENDOZA)

Ads June 4, 2021

Posted on: June 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PNP chief dinepensa ang pagbitbit ng mga pulis ng armas kahit day-off

Posted on: June 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Dinepensa ni PNP Chief P/Gen. Guillermo Eleazar ang pagbitbit ng mga pulis ng armas kapag sila ay naka off duty at ipaiwan ito sa mga opisina.

 

Ayon kay PNP Chief, kahit naka-off duty ang Pulis ay may tungkulin pa rin itong rumesponde sa anumang emergency partikular kung may krimen kaya’t makabubuting dala nito ang kaniyang baril bilang depensa.

 

 

Maaari lamang aniya ito para sa mga short firearms na inisyu ng PNP sa mga Pulis habang ang mga mahahabang armas ay tama lamang na iniiwan sa opisina.

 

 

Pero ipinunto ni PNP Chief, kailangang nasa tamang pag-iisip ang Pulis sa pagbibitbit ng kaniyang baril dahil kaakibat nito ang napakalaking pananagutan kaya’t ito aniya ang kanilang tinututukang ayusin sa ngayon.

 

 

May mga nanawagan kasi na hindi na magbitbit ng armas ang mga pulis kapag sila ay off duty para maiwasan na magamit ito sa krimen gaya ng nangyari sa pulis na bumaril patay sa isang Ginang sa QC.

Ravena maglalaro pa sa NLEX bago tuluyang sumabak sa Japan

Posted on: June 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Maglalaro pa sa NLEX Road Warriors si Kiefer Ravena sa season-opening ng PBA Philippine Cup.

 

 

Ito ay bago ang kaniyang pagtungo sa Japan para maglaro sa Shiga Lakestars team sa B-League.

 

 

Nagkausap na rin kasi ang 27-anyos na si Ravena at NLEX coach Yeng Guiao sa kasagsagan ng training camp nila sa Clark, Pampanga.

 

 

Nakatakda kasi ng magbukas ang Philippine Cup sa huling linggo ng Hunyo o sa unang linggo ng Hulyo na may sapat pang panahon para makapaglaro si Ravena base sa kaniyang napirmahang kontrat sa koponan noong Setyembre.

Pacquiao bumanat kay Cusi

Posted on: June 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Sa halip na pulitika, dapat atupagin muna ni Energy Secretary Alfonso Cusi ang problema sa nararanasang brownout sa bansa.

 

 

Sa privilege speech ni Sen. Manny Pacquiao, tinuligsa niya si Cusi dahil sa isang hearing ay nangako ang kalihim sa mga senador na hindi mangyayari ang brownout  ngayong tag-init subalit ito na umano ang nagyayari ngayon.

 

 

Delikado anya ang pag-iimbak sa mga COVID-19 vaccines at apektado ang pag-aaral ng mga estudyante at mga nagtatrabaho at business sa online.

 

 

At dahil miyembro ng PDP-Laban si Cusi ay tiyak na masisisi pati silang mga kapartido nito at maging si Pangulong Duterte.

 

 

Si Pacquiao at Cusi ay may hidwaan matapos magpatawag ang kalihim ng national council meeting ng PDP-Laban kahit tutol ang senador na presidente ng partido.

 

 

Iginiit ni Pacquiao na dapat magkaroon ng accountability si Cusi sa taumbayan dahil sa nararanasang brownout ngayon sa kamaynilaan.

 

 

Samantala, sinabi naman ni PDP-Laban vice president for external affairs Raul Lambino na maaaring maparusahan si Pacquiao dahil sa kanyang aksyon na ang tinutukoy ay ang pagtatalaga ng senador kay Negros Oriental Rep. Arnie Teves bilang secretary general ng partido.

 

 

Iginiit ni Lambino na kilalang kaalyado ni Cusi na walang kapangyarihan si Pacquiao na gawin ito sa ilalim ng konstitusyon ng PDP-Laban.  (Daris Jose)

Riot ng mga kabataan napigilan sa Malabon, 2 timbog sa Molotov bomb

Posted on: June 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAPIGILAN ng pulisya ang napipintong riot ng mga kabataang lalaki makaraang madakip ang dalawang hinihinalang miyembro ng isang gang, kabilang ang isang menor-de-edad habang bitbit ang dalawang molotov bomb sa Malabon city.

 

 

Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Albert Barot ang isa sa naaresto na si Jimmy Boy Villena, 20 habang hindi naman pinangalanan ang 17-anyos niyang kasama, kapwa residente ng Dulong Bronze, Brgy. Tugatog.

 

 

Ayon kay Col. Barot, isinailalim na sa swab test ang menor-de-edad na suspek bago siya dalhin sa pangangalaga ng Bahay Pag-asa sa Brgy. Longos para bigyang kalinga at gabay upang maituwid ang direksiyon ng kanyang buhay.

 

 

Sa imbestigasyon nina P/MSgt. Julius Mabasa at P/SSgt. Mardelio Osting, habang nagpapatrulya ang mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 2 pasado alas-12 ng hatinggabi, namataan nila ang mga suspek na naglalakad sa kanto ng M.H. Del Pilar at Basilio St. na malinaw na paglabag sa curfew hour.

 

 

Napagalaman na madalas mangyari ang riot ng mga kabataan sa naturang lugar na madalas maganap sa dis-oras ng gabi kaya’t iniutos ni Col. Barot ang regular na pagpapatrulya ng pulisya sa lugar.

 

 

Nang kapkapan ng mga pulis ang dalawa, nakuha sa kanila ang dalawang improvised molotov coctail bomb na karaniwang ginagamit ng mga kabataan sa pakikipag-riot sa kalabang gang.

 

 

Nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9516 o possession of Molotov cocktail bomb ang mga nadakip na suspek sa piskalya ng Malabon. (Richard Mesa)

Duterte infomercial: ‘Bakuna lang ang panlaban sa COVID-19 pandemic, kaya magpabakuna na tayong lahat’

Posted on: June 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Patuloy na hinihikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang taongbayan na magpabakuna na.

 

 

Sa “Resbakuna Kasangga ng Bida” campaign ng Department of Health (DOH), binigyang-diin ni Pangulong Duterte na ang bakuna lamang ang tanging paraan para malabanan ang COVID-19 pandemic.

 

Iginiit ni Pangulong Duterte sa nasabing infomercial na dapat tandaan na ang bakuna ay hindi lamang magbibigay proteksyon sa bawat isa kundi pati sa kanilang mga mahal sa buhay lalo na ang mga may sakit at nakatatanda.

 

 

Ayon kay Pangulong Duterte, ang partisipasyon sa “Resbakuna Kasangga ng Bida” campaign ay ang susi kung gusto nating ganap nang mabuksan ang ekonomiya at maibalik ang normal nating pamumuhay.

 

 

Tiniyak ni Pangulong Duterte na ginagawa ng pamahalaan ang makakaya nito para mahusay na maprotektahan ang taongbayan laban sa sakit hanggang malagpasan ang krisis na ito.

Pacquiao sinimulan na ang ensayo para sa laban kay Spence

Posted on: June 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Sinimulan na ni Filipino boxing champion Manny Pacquiao ang kaniyang pag-eensayo para sa WBC-IBF welterweight fight niya kay Errol Spence Jr.

 

 

Sa kaniyang social media, ibinahagi ng fighting senator ang kaniyang ginagawang ensayo sa Forbes Park mansion.

 

 

Inaasahan na sa susunod na mga linggo ay makakasama na niya ang kaibigan at coach nito na si Buboy Fernandez.

 

 

Magiging mas matindi ang ensayo nito kapag magtutungo na ito sa California sa ilalim ng beteranong trainer na si Freddie Roach at conditioning coach Justine Fortune.

 

 

Itinakda kasi sa Agosto 21 sa Las Vegas ang laban ng dalawa.

 

 

Huling lumaban kasi si Pacquiao ay noong 2019 ng talunin niya si Keith Thurman.

PDu30, inaprubahan ang pagbibigay ng hazard pay sa lahat ng government workers

Posted on: June 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

INAPRUBAHAN  ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagbibigay ng hazard pay sa lahat ng government workers na kailangan na pisikal na magreport sa trabaho habang nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) period mula Abril 12 hanggang Mayo 14 o Mayo 31. 

 

Sa pamamagitan ng Administrative Order 43, na ipinalabas araw ng Miyerkules, inamiyendahan ni Pangulong Duterte ang AO 26 “which only granted hazard pay to government workers required to physically report on site for their job during the ECQ period.”

 

Sa ilalim ng ECQ, tanging ang essential trips at operations ng essential businesses at services ang pinapayagan.

 

Sa ilalim naman ng MECQ, pinapayagan ang essential trips at dina- downscaled naman ang operasyon ng non-essential business at services.

 

Nakasaad naman sa AO 43, ang budget para sa hazard pay para sa local government unit (LGU) workers ay manggagaling mula sa 2021 local government funds.

 

Ang Hazard pay para sa government-owned and controlled corporations, sa kabilang dako ay popondohan ng bawat GOCC’s corporate operating budget para sa taong 2021.

 

“If their respective funds are insufficient, the LGUs and GOCCs are allowed to reduce the ideal amount of P500 per day but it will remain mandated to grant a uniform amount of hazard pay for all qualified personnel, including those under contractual and job order status,” ayon sa AO.

 

Samantala, ang National Capital Region (NCR) Plus area, itinuturing na epicenter ng COVID-19 pandemic sa bansa ay nasa ilalim ng MECQ mula April 12 hanggang May 14.

 

Ang NCR Plus area ay kinabibilangan ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.

 

Ang City of Santiago sa Isabela, Zamboanga City, Quirino, at Ifugao, ay mananatili naman sa ilalim ng MECQ hanggang Mayo 31.  (Daris Jose)

3 MANGINGISDA, NASAGIP NG COAST GUARD

Posted on: June 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NASAGIP  ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang anim na mangingisda sa kasagsagan  ng bagyong Dante sa Northern Cebu.

 

 

Ayon sa PCG-Tudela Station, naputol ang propeller ng motorbanca na sinasakyan ng mga pumalaot na mangingisda kasabay ng malakas na pag-ulan.

 

 

Dahil dito, nagpalutang-lutang ang kanilang motorbanca hanggang mapadpad sa  Fr. Joseph Weirtz Bayview Park  matapos  silang  tangayin ng malakas na agos.

 

 

Nagkataon naman na nasa likod lamang ng PCG-Tudela substation  ang nasabing parke kaya agad silang nasaklolohan.

 

 

Nakilala ang mga mangingisda na kinabibilangan  nina Arturo Nipaya, 46, kapitan ng motorbanca; Jenny Agbay, 18; Ardie Dumdom, 29; Jay Michael Agbay, 26; Nestor Marcado, 26; at Petronilo de Gracia, 25, na  pawang residente ng Barangay Baliwagan,  Balamban, Cebu. (GENE ADSUARA)