• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 7th, 2021

AIKO, nagmukhang bata sa laki ng ipinayat at inakalang si MARTHENA sa kanyang post

Posted on: June 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

ANG laki na ng pinayat ni Aiko Melendez, kaya naman isa ‘yun sa napansin ng netizens nang mag-post siya sa IG account na kung saan na-complete na ang kanyang bakuna.

 

 

Caption niya, “2nd vaccine! Thank you Lord and to all the medical frontliners, volunteers. Dra Mariz Pecache for the assistance. Dra Fortun salamat po and to the one who administered my vaccine Nurse Sugar Ferre Salamat  @bemlovesjc love you! Salamat casa milan home owners association thank you. #sinovac.”

 

 

In-address din niya ang bashers na baka mag-react.

 

 

Sabi niya, Bago nyo po ako bash pwede nyo po check IG ko in and out of emergency room ako kasi hypertensive ako, i also submitted my medical certificate from my doctor and the prescribed medicines for my hypertension. Sumunod po ako sa lahat ng requirements. #qcprotektado.”

 

 

Isa nga sa nag-react sa IG post niya si Piolo Pascual, “She’s all grown up na…. Grabe bilis:) Miss you both aiks:) @aikomelendez.”

 

 

Sagot naman ni Aiko, “@piolo_pascual papa P naman ako yan not @jickainmarthena binobola mo ata ako pero kilig ako hahahahaah. i lmiss you papa P. you know how much marthena adores you God bless .”

 

 

Ganun din ang naging reaction ni Nadia Montenegro, “Akala ko si Marthena! Sisss!!.”

 

 

“carbon ba ate ko,” reply naman ni Aiko.

 

 

Marami pang celebrity friends ang nag-react at natuwa sa post na ito ng aktres.

 

 

Opinyon naman ng ilang netizens:

 

 

“i really thought si Marthena rin unang tingin. Kelangan ko p tlga titigan ng maigi just to make sure na si Ms. Aiko yan.”

 

 

“Matuloy na po sana kayo sa Kapuso Network @piolo_pascual , if ever, sana magkaroon kayo ng soap ni @aikomelendez !”

 

 

“So happy Aiko that you are contributing to our herd immunity. God bless you always.”

 

 

“Ang galing ha malaki laki na din ang mabawas nyang timbang.”

 

 

“wow parang neneng lang si Aiko, super slim na nyan.”

 

 

“Ganda ni aiko ng pumayat. Maganda talaga face nya.”

 

 

“Wow Aiko you look fabulous!”

 

 

“Kala ko ako lang nakahalata na she really lost weight. I love it. Looks great on her.”

 

 

“Isa ito sa magaganda dati nung kabataan niya. Pero napansin kong parang may nagbago o binago sa mukha niya at nagiba.”

 

 

“Cant wait to see u again at PRIMADONNAS BOOK II. GO MS. AIKO.”

 

 

***

 

 

HASSLE kung biglang mag-brownout habang nasa kalagitnaan ng trabaho o online learning.

 

 

Kaya’t mahalaga ang magkaroon ng pocket WiFi sa panahon ng emergencies — tulad na lang ng biglaang brownout! May solusyon ang Globe At Home rito para maging handa at patuloy pa rin ang pagtatrabaho o pag-aaral kahit pa may brownout. Ito ang kanilang mga pocket WiFi devices tulad ng MyFi LTE and MyFi LTE-Advanced (LTE-A).

 

 

 “Napaka-halaga ng pagiging online ngayon lalo na para sa mga naka-learn o work-from-home. Handog na’min ang Globe At Home Prepaid MyFi LTE and LTE-A para maging informed at reachable pa rin ang mga Pilipino lalo na sa panahon ng power outages at interruptions,” Darius Delgado, Globe Vice President and Head of Broadband Group.

 

 

Ang MyFi LTE ng Globe At Home ay isang personal WiFi device na nakapagbibigay ng LTE speeds up to 42Mbps. Maaasahan ito na tatagal hanggang dalawang araw sa isang charge lamang and posibleng i-recharge kahit gamit ang power bank para mas mahaba ang oras online. Pwedeng-pwede ito para sa mga estudyante na kailangan maging online para sa kanilang modules o di kaya para makipag-usap sa groupmates nila para sa mga projects.

 

 

Para naman sa nangangailangan ng mas malakas na data allocation para sa Zoom meetings o malalaking files para sa trabaho, mayroon ding Globe At Home MyFi LTE-A. Gaya ng MyFi LTE, ito ay rechargeable with 3300mAh na battery at nagbubuga ng internet speed hanggang 100MBps. Ito din ay may screen kung saan nakikita ang WiFi signal strength at battery level sa isang tingin.

 

 

Ang Globe At Home’s MyFi LTE ay kasalukuyang Php 799 (mula Php 999) habang ang MyFi LTE-A ay may presyo na Php 1899. Bukod sa mismong pocket wifi device, may kasama na itong Surf4All99 na may 9GB all-access data hanggang pitong araw.

 

 

Maraming abot-kayang promos tulad ng “At Home” o HomeSurf promos mula HomeSurf99 hanggang HomeSurf999 o kaya naman “On the Go” promo tulad ng Surf4All99, Surf4All 249, o GoPlus99.

 

 

Madali lang din mag load at reload ng sariling devices gamit ang Globe website, GlobeOne o GCAsh apps, Autoload Max o Share-A-Load, maging online banking. Pwede rin bumili ng Globe call cards mula sa suking tindahan mula Php 100 hanggang Php 500.

 

 

Maaaring mag-order ng Globe At Home MyFi LTE at LTE-A mula sa Globe Online Shop, o sa official stores ng Globe sa Lazada at Shopee. Available rin ito sa mga pinakamalapit na Globe Store nationwide.

 

 

Kasama ang Globe At Home’s MyFi LTE and LTE-A, #CarryMoNaLahat — kahit pa brownout!

 

 

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: https://www.globe.com.ph/prepaid/myfi-lte

 

(ROHN ROMULO)

JENNICA, nilinaw na hindi pera ang pinag-awayan nila ni ALWYN

Posted on: June 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

BALIK-GMA Network si Jennica Garcia, pagkatapos ng hiwalayan nila ng dating husband na si Alwyn Uytingco. 

 

 

Hindi raw over money ang pinag-awayan nila, pero dinipensahan niya ang asawa sa pagsasabing, “the good things that I said about how I honor Alwyn up to this day, because he was never materialistic, hardworking and a good provider. Financial problem is not the reason. I will never say anything bad about the father of my children.

 

 

May project agad si Jennica sa GMA, sa ngayon ay nasa lock-in taping na siya ng upcoming GMA Afternoon Prime na Las Hermanas, at kasama sina Albert Martinez, Yasmien Kurdi, Thea Tolentino, Faith da Sila at Jason Abalos.  Sa direksyon ito ni Monti Puno Parungao.

 

***

 

 

NAKA-LOCK-IN taping break ngayon ang cast ng The World Between Us ng GMA Network, pero si Asia’s Multimedia Star Alden Richards ay sinamantala ang break na iyon para magawa niya ang mga previous commitments niya, tulad ng mga photo-shoots at TVC shoots ng mga bago niyang endorsements, kasama na rito ang mga pa-swab tests sa bawat work na gagawin niya.

 

 

     Next week pa muli babalik ang cast ng serye ng GMA Telebabad para sa second cycle ng lock-in taping nila.

 

 

Very soon ay mapapanood na ang The World Between Us na nagtatampok din kina Tom Rodriguez at Jasmine Curtis-Smith, sa direksyon ni Dominic Zapata.

 

 

May mga nagtatanong nga pala kung ano raw ang roles nina Alden, Tom at Jasmine? Ganoon din sina Jaclyn Jose at ng special guest na si Glydel Mercado?

 

 

Pumasok din sa serye ang nagbabalik-GMA Network na si Sid Lucero, matapos lumipat nito sa ABS-CBN.

 

 

For sure ay madadagdagan pa ang cast ng serye at kung ano ang storyline nito.

 

 

***

 

 

LAST four weeks na lamang simula ngayong Monday, June 7, ng romantic-comedy series na First Yaya nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez.      Kinakikiligan nga ng netizens ang relasyon nina PGA (President Glenn Acosta) at Yaya Melody.  Nadagdagan pa ito nang pagpasok din ng blooming relationships nina Nina (Cassy Legaspi) at Jonas (JD Domagoso) at nina PSG Conrad (Pancho Magno) at PSG Val (Thia Thomalla).

 

 

Pero ang tanong ay magtuluy-tuloy bang smooth ang kanilang mga relasyon?

 

 

Sa direksyon ni LA Madridejos, napapanood ang First Yaya gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras

 

Simula rin ngayong gabi, mapapanood na pagkatapos ng First Yaya ang pinakahihintay na pagbabalik ng Endless Love nina Dingdong Dantes at Marian Rivera. 

 

 

Nagpasalamat ang mga DongYan fans sa GMA Network sa pagbabalik ng serye na adapted mula sa Korean Drama na Autumn in My Heart dahil inip na inip na silang muling mapanood ang kanilang mga idolo na magkasama sa isang project.

 

 

Pagkatapos ng Endless Love saka naman mapapanood ang Heartful Cafe nina Julie Anne San Jose at David Licauco, na nasa last two weeks na lamang.

(NORA V. CALDERON)

Paggawad ng red hat kay Cardinal Advincula, muling ipinagpaliban

Posted on: June 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Muling ipinagpaliban ang paggawad ng biretta o red hat kay Archdiocese of Manila Archbishop-elect Cardinal Jose Advincula.

 

 

Sa text message na ipinadala ni Cardinal Advincula sa Radio Veritas, sinabi nitong ang pagtaas ng kaso ng mga nahawaan ng coronavirus sa Capiz ang dahilan sa muling pagpapaliban sa ‘bestowal of red hat sa kanya.

 

 

“I still have to talk about when and where  the bestowal of the insignia  be with the Nuncio who is now in Tarlac. I was able to inform Msgr (Julien) Kabore about the cancelation,” pahayag ni Cardinal Advincula.

 

 

Unang itinakda sa June 8 ang bestowal ng red hat at singsing ng Cardinal makaraang sumailalim sa 14 day mandatory quarantine si Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown nang makabalik sa bansa mula New York City.

 

 

Sa kasalukuyang tala ng Capiz Provincial Health Office umabot na sa mahigit tatlong libo ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lalawigan.

 

 

Nasa 21-libo naman ang nabakunahan laban sa virus kabilang na si Cardinal Advincula o katumbas sa apat na porsyento sa kabuuang target na mahigit kalahating milyong mamamayan sa lalawigan.

 

 

Itinakda ang installation ni Cardinal Advincula bilang Arsobispo ng Archdiocese of Manila sa ika-24 ng Hunyo 2021.

LeBron, hindi na rin maglalaro sa Tokyo Olympics

Posted on: June 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Idineklara ni NBA superstar LeBron James na hindi na rin siya maglalaro sa nalalapit na Tokyo Olympics sa buwan ng Hulyo.

 

 

Ginawa ni James ang pahayag matapos na eliminated na ang Los Angeles Lakers sa NBA playoffs nang masilat ng Phoenix Suns sa loob ng anim na laro sa first round.

 

 

Natikman ni LeBron ang kanyang unang pagkatalo sa first-round series sa kanyang 18-year NBA career.

 

 

Samantala ang Olympiyada ay magsisimula na sa July 23.

 

 

Gayunman sa kabila nito ang USA Basketball roster ay hindi pa rin pinapangalanan lalo na at posibleng umabot pa ng hanggang July 22 ang NBA Finals.

 

 

Si LeBron ay una nang naging bahagi ng kampeon na Team USA noong 2012 at 2008 sa Olympics pero ang Amerika ay nagkasya lamang sa 2004.

 

 

Sa kabilang dako habang maagang nagbakasyon ang Lakers, pagtutuunan daw muna ni LeBron ang promosyon ng kanyang pelikula na “Space Jam 2.”

NO CONTACT APPREHENSION at si MODEL na NANAKIT ng ENFORCER

Posted on: June 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Umani ng napakaraming batikos at bashing mula sa netizens ang babaeng modelo na nahuli na “beating the red light” at nanakit ng enforcer. Napagalaman pa diumano na drug courier ang babae at wala talagang rason para saktan niya ang enforcer at pagbantaan pa.

 

 

Ganitong mga klaseng sitwasyon ang ilan sa nais masolusyunan ng no-contact apprehension ng mga traffic violators. Iwas ang komprontasyon ng motorista at traffic enforcer.

 

 

Bawas kotong at sa panahon ngayon ay mas maiiwasan ang physical contact at face-to-face. Kung may no contact cctv sa lugar sa pinangyarihan ay huli si ate ng camera. Yun nga lang matagal pa bago malaman ng sinasabing boyfriend niya na syang mayari ng sasakyan ang violation at baka siya pa ang magbayad ng multa.

 

 

Sa ngayon ay tatlong LGU pa lamang at ang MMDA ang nagpapatupad ng no-contact apprehension kaya lang ay iba-iba ang halaga ng multa at ang proseso. Kaya sa amin sa Lawyers and Commuters Safety and Protection (LCSP), bagama’t suportado namin ang pagpapatupad ng no-contact apprehension ng mga traffic violators kailangan ay may due process mechanism upang makasiguro na ang mismong driver na syang violator ang mapagmulta.

 

 

Tulad ni ate sa viral video, kung sa no-contact ang huli niya hindi siya naparusahan sa driving without license at malamang hindi lumabas ang pangalan niya dahil ang registered owner ang magmumulta. Sa ngayon ay ito ang iniiyak ng maraming operators ng public transport.

 

 

Daan-daan libong piso ang kanilang binabayarang multa dahil sa mga violations ng kanilang mga drivers.  Dapat sana ay sa pagpapatupad ng no-contact apprehension ay madisiplina ang mga pasaway na drivers.

 

 

Pero mukhang nalulusutan nila ang butas sa implementasyong ng polisiyang ito. Alam din natin ang nais din ng mga LGU na huwag mabalewala ang pagbabayad ng multa ng mga violators kayat inaalarma nila ang mga sasakyan sa LTO.  Pero hindi ang sasakyan ang violator kundi ang driver. Ang lisensya dapat ng driver ang mai-alarma sa LTO.

 

 

Kailangan mabalanse ang lahat ng panig sa pagsasabatas ng isang no-contact apprehension ng mga traffic violations upang maging matagumpay ito hindi lamang sa perang maaring kitain sa mga multa kundi pati sa mas mahalagang layunin na mapanatili ang disiplina sa ating mga lansangan at maparusahan ang mga pasaway ng drivers.

 

 

Para sa ganun ay napapatupad ang mga batas trapiko ng patas at nasusunod ang mga ito kahit wala ang mga enforcers na tagahuli. (ATTY. ARIEL ENRILE-INTON)

Hugh Jackman takes a Time-twisting Journey in ‘Reminiscence’ Trailer

Posted on: June 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

WARNER Bros. has just unveiled the trailer for their new sci-fi thriller from Westworld co-creator Lisa Joy.

 

 

Starring Hugh Jackman, the film titled Reminiscence follows a man who taps into the past through a futuristic machine.

 

 

Watch the trailer below: https://www.youtube.com/watch?v=_BggT–yxf0

 

 

Hugh Jackman in his latest film Reminiscence will take you on a journey through your memories — even if there’s a past you’d be best served to forget.

 

 

Jackman as “a private investigator of the mind,” someone who helps his clients access lost memories and relive them and their emotions.

 

 

But he soon becomes obsessed with the past when he takes on a new client and tries to find the truth about a woman’s disappearance.

 

 

“Nostalgia became a way of life. There wasn’t a lot to look forward to,” Jackman’s character says in the film. “Nothing is more addictive than the past.”

 

 

Set in a bleak not-too-distant future, The movie is also set in the near future in which Miami has now been flooded and people live inside walls of the sunken Miami coast, with the entire society now turning nocturnal and sleeping when the sun is out for just a few hours each day.

 

 

In the aftermath of the flooding, a war broke out that now leads people to look back on the past rather than a doubtful, miserable future.

 

 

The film centers on Nick Bannister, who makes a living through a machine that allows his clients to relive memories through their minds. He also uses this technology to search for the love of his life by reliving his own past, only to discover that a much bigger conspiracy is at play.

 

 

Alongside Jackman are stars Thandiwe Newton, Rebecca Ferguson, Marina de Tavira, Cliff Curtis, and Daniel Wu. They are also joined by Mojean Aria, Brett Cullen, Natalie Martinez, Angela Sarafyan, and Nico Parker.

 

 

The film is the directorial debut of Lisa Joy, from her own original screenplay and admitted that though the film has sweet and sobering roots, Reminiscence is a script filled with action, thrills and film noir elements.

 

 

Her creative team for the film also includes names from Westworld, including director of photography Paul Cameron, production designer Howard Cummings, editor Mark Yoshikawa, and composer Ramin Djawadi.

 

 

The film is debuting both in theaters and on HBO Max from Warner Bros. on August 20

(ROHN ROMULO)

One dose vaccine, bakunang gagamitin sa mga Pinoy seafarers- NTF against COVID 19

Posted on: June 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SINASABING one shot vaccine ang rekomendado nina vaccine czar secretary Carlito Galvez jr na iturok para sa mga Pinoy seafarers.

 

Sinabi n Galvez, kanila itong naikunsidera lalo na’t biglaan ang pagsampa ng mga ito sa barko.

 

Aniya, nakita nilang  pinaka-convenient para sa mga seafarers ay ang Johnson & Johnson.

 

Maliban dito ay may application na rin aniya na EUA ang Sputnik Light na ginagawa rin ng Gamaleya habang may isa pa aniya silang inaantabayanan din silang CanSino na isang dose lang din ang bigay.

 

“Iyon po, nakita po namin ‘no nagkaroon  kami ng meeting nila Sir Admiral Empedrad at saka iyong ating mga seafarers at saka ang ating mga OFWs, iyon ang isang recommendation namin. Kasi nakita  nila na talagang kung sila ay biglang mayroong kontrata na sasampa na ng barko, ang nakita natin talaga na pinaka-very convenient sa kanila iyong one dose, iyong Johnson & Johnson. At ngayon ay magkakaroon na rin ng application ng EUA iyong Sputnik Light. Iyong Sputnik Light, ito iyong ginagawa ng Gamaleya na one dose lang. And then also, we are also looking iyong CanSino na isang one dose din po iyon,” ayon kay Sec. Roque.

 

“So nakikita po namin na very ano po, sinasabi nga po ng ating mahal na Presidente na bigyan natin ng preference ang ating mga OFWs at seafarers considering na mayroong requirement po iyong kanilang mga destination countries,” dagdag na pahayag nito.

 

Magugunitang, nagbigay ng direktiba mismo si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na bigyan na rin ng prayoridad ang mga Pinoy seafarers sa ginagawang vaccination program ng pamahalaan.

7 MILYON DEACTIVATED NA BOTANTE, PINAPAREHISTRO SA COMELEC PPCRV

Posted on: June 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

HINIMOK ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa mga botante na deactivated na ang kanilang voters registration na muling magpatala sa Commission on Elections (Comelec).

 

Partikular na hinikayat ng PPCRV  ang mga hindi nakaboto ng dalawang magkasunod na halalan lumipat ng tirahan nagpalit na ng pangalan o mga Overseas Filipino Workers na bumalik na ng bansa.

 

Ayon kay PPCRV Executive Director Maria Isabel Buenaobra may 7-milyong botante na dineactivate o inalis ng COMELEC sa listahan ng mga botante sa bansa.

 

Napakahalaga ang partisipasyon ng bawat Filipino sa nakatakdang halalan sa susunod na taong 2022 National and Local Election kung saan kabilang sa mga dapat ihalal ay ang magiging bagong pangulo at pangalawang pangulo ng bansa na magsisilbi sa loob ng susunod na anim na taon.

 

Ibinahagi rin  ni  Buenaobra ang pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan ng PPCRV sa iba’t ibang diyosesis sa bansa upang maging katuwang sa pananawagan at kampanya na himukin ang mga kabataan, mga umuwing OFW at mga na-deactivate na mga botante upang muling magpatala sa kasalukuyang voters’ registration ng COMELEC.

 

Paliwanag ni Buenaobra, mahalagang makabahagi ang bawat mamamayan sa nakatakdang halalan na kabilang sa karapatan at tungkulin ng bawat isa sa isang demokratikong bansa.

 

Tiwala naman ang PPCRV na maaabot ng COMELEC ang target nitong magkapagpatala ng 60-milyon o higit pang mga rehistradong botante na maaaring makibahagi sa nakatakdang halalan sa 2022.

Ibinahagi ng kumisyon na umaabot na sa 59-na milyon ang bilang ng mga rehistradong botante sa bansa.

 

Batay sa opisyal na tala ng COMELEC noong 2019 elections , may 61.8-milyon ang bilang ng mga botante sa bansa ngunit kinailangang i-deactivate ng kumisyon ang mahigit sa 7-milyong botante dahil na rin sa pagkabigo na bumoto sa dalawang magkasunod na halalan.  (GENE ADSUARA)

Suns sinibak ang Lakers

Posted on: June 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Kumamada si Devin Booker ng 47 points sa 113-100 pagsibak ng Phoenix Suns sa nagdedepensang Lakers sa Game Six ng kanilang Western Confe­rence first-round playoffs series.

 

 

Nagdagdag si Jae Crowder ng 18 markers para itiklop ng Suns sa 4-2 ang kanilang serye ng Lakers at plantsahin ang semifinals duel nila ng Denver Nuggets.

 

 

Ito ang unang first-round series loss ni Lakers superstar LeBron James sa kanyang 18-year NBA career.

 

 

Pinamunuan ni James ang Lakers sa kanyang 29 points, 9 rebounds at 7 assists.

 

 

Ang pagkawala ni La­kers star forward Anthony Davis sa first period dahil sa kanyang groin injury ang sinamantala ng Suns para kunin ang 29-point lead sa first half.

 

 

Bagama’t naputol ito ng Lakers sa 10-point deficit sa fourth period ay hindi naman bumitaw sa kanilang hawak na bentahe ang Suns patungo sa kanilang panalo.

 

 

Sa Portland, bumalikwas ang Nuggets mula sa 14-point deficit sa third period para balikan ang Trail Blazers, 126-115, at tapusin ang kanilang serye.

 

 

Humakot si center Nikola Jokic ng 36 points, 8 rebounds at 6 assists sa 4-2 pagpapatalsik ng Denver sa Portland para pumasok sa semis sa ikatlong sunod na season.

 

 

Humataw si Michael Porter Jr. ng 26 points, ang 22 ay iniskor niya sa first quarter, at may 22 mar­kers si Monte Morris para sa Denver na kinuha ang 108-106 bentahe mula sa triple ni Jokic patungo sa 117-108 pagbaon sa Portland sa huling 3:52 minuto ng final canto.

DILG: Travel pass, hindi na kailangan sa leisure purposes

Posted on: June 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Hindi na umano kailangan pang kumuha ng travel pass o travel authority kung plano nilang tumawid sa ilang lugar para sa leisure purposes.

 

 

Ito, ang sinabi ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, matapos na payagan na ng inter-agency task force (IATF) on COVID-19 ang leisure travel mula sa NCR Plus areas, na kinabibilangan ng Metro Manila, Rizal, Bulacan, Cavite, at Laguna, patungo sa mga lugar na nasa ilalim na ng modified general community quarantine (MGCQ).

 

 

Ayon kay Malaya, ang kailangan na lamang gawin ng mga biyahero ay alamin ang travel requirements o mga guidelines ng local government unit (LGU) kung saan sila pupunta.

 

 

“Siyempre naalala ng ating mga kababayan ‘yung proseso last year na meron pang mga travel pass. Ngayon po, wala nang mga travel pass requirement,” pahayag pa ni Malaya, sa Laging Handa press brie­fing.

 

 

“Ang kailangan na lang po alamin ng ating mga kababayan ay kung ano ‘yung pamantayan ng LGU na inyong pupuntahan,” dagdag pa niya.