• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 10th, 2021

Galvez, humingi ng paumanhin sa publiko dahil sa vaccination delay sa ilang LGUs

Posted on: June 10th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

HUMINGI ng paumahin si Vaccine czar Carlito Galvez Jr. sa publiko dahil sa vaccination delay sa ilang local government units (LGUs) bunsod ng kakulangan ng suplay ng bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

 

Tiniyak ni Galvez sa publiko na magiging normal ang sitwasyon sa Hunyo 14.

 

Ani Galvez, nagkaroon ng problema matapos na magkaubusan ng suplay ng bakuna. Idagdag pa ang demand para sa bakuna ay “high across the globe.”

 

Kamakailan ay sinabi ni Galvez na tinatayang may 10 milyong doses ang inaasahan na darating sa bansa ngayong buwan habang 11 milyon naman ang inaasahan na darating sa buwan ng Hulyo.

 

Gayunman, ang mga lalawigan sa labas ng National Capital Region Plus — na kinabibilangan ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, Rizal, at Laguna —ay prayoridad dahil sa mataas na COVID-19 cases.

 

Ani Galvez, may 60% ng bakuna na darating ngayong buwan ng Hunyo ang ibibigay sa mga lalawigan habang 40% ang inilaan para sa NCR Plus. (Daris Jose)

Kasong murder sa mga may sakit ng Covid-19 na hindi nag-iingat para makahawa ng iba

Posted on: June 10th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MAAARING panagutin sa kasong murder ang mga may sakit ng COVID-19 na hindi nag-iingat para na hindi makahawa ng iba. 

 

Sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Lunes ng gabi ay tila pinaboran ng Chief Executive ang naging mungkahi ni Chief Presidential Legal Counsel Sec. Salvador Panelo na may mga mabibigat na parusa na maaaring ipataw sa mga patuloy na lumalabag sa health protocols na itinakda ng gobyerno.

 

“Kasi iyong unang sitwasyon hindi niya alam na may sakit siya, baka nahawa lang siya, kaya kung iyon po ay namatay pupwede iyon pumasok sa homicide. Pero kung maselan ito na sugat o injury, maaaring reckless imprudence resulting to physical injury or depende kung serious or less serious. Pero kung alam niya, at pumunta sa isang lugar at may sakit siya ng coronavirus, at namatay, ay iyan po ay talagang sadyang pagpatay iyan. Iyan po ay papasok sa murder sapagkat intentional,” paliwanag ni Panelo.

 

Ang naging tugon naman ng Pangulo ay “Iyong sabi mong murder, although medyo malayo siguro sa isip ng tao iyan, but it is possible. If he knows that he is sick with COVID-19, and he goes about nonchalant, papasyal pasyal ka lang diyan. You are maybe it if it is intentional, malayo iyan. Pero it could be murder sabi ni Sal. At iyang reckless imprudence, mas swak doon sa sitwasyon na iyon.”

 

Maliban sa homicide at murder, puwede rin aniyang mapanagot ang mga sumusuway sa health protocols sa mga kasong resistance or disobedience to authorities at paglabag sa Republic Act No. 11332 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act, ayon kay Panelo.

 

Sa kabilang dako, sinabi naman ni Department of the Interior and Local Government Sec. Eduardo Año na may mga naitatala pa rin ang Philippine National Police na mga paglabag sa health protocols.

 

Sa katunayan aniya ay pumalo na sa 50,021 ang hindi nagsusuot ng face mask, habang nasa 613 ang dumalo sa mga mass gathering. Mayroon ring 13,882 na lumabag sa physical distancing.

 

Ayon sa Kalihim, mahigit 1,000 na ang nasampahan ng kaso sa korte.

MGA PEKENG RESIBO at LISTAHAN ng mga TAONG BAWAL PUMASOK sa LTFRB, DAPAT IMBESTIGAHAN

Posted on: June 10th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

May “Fake Receipt Representatives” tagging pala sa LTFRB. Ayon sa mga nagrereklamo ay kapag napabilang ka sa tinatawag na “List of Authorized Representatives submitted Fake/ Tampered Receipts” ay ban ka pumasok sa LTFRB central office.

 

 

Nakakuha ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ng listahan at kinumpirma sa amin na hindi nga sila pinapapasok ng mga guards sa gate pa lang. Pero marami sa mga nasa listahan ay nagtataka at nagtatanong kung bakit sila napasama sa listahan na nag-submit daw sila ng pekeng mga resibo sa mga binayaran nila sa LTFRB.   Tinanong namin kung sila ba ay naimbestigahan dito o kinasuhan ba base sa pamemeke ng resibo – wala raw at iginiit naman na hinid sila namemeke.   Paano raw sila masasabing namemeke, eh hindi naman daw sila ang nagi-issue ng resibo.

 

 

May mga bagay na nais naming itanong sa issue na ito:  Una, paano nasabi na peke ang resibo?   Ano ba ang peke, yung mismong resibo o genuine naman ang resibo pero tampered dahil peke ang nakasulat.

 

 

Halimbawa, nakasulat sa resibo ang pinagbayaran pero hindi naman natanggap ang bayad ng cashier ng LTFRB.  Kung ang papel na resibo ay genuine ibig sabihin ay galing sa loob ng Ahensya ang pamemeke ng entrada sa resibo. Kung mismong yung papel na resibo ang peke ay dapat malaman kung saan naimprenta ang mga ito.

 

 

Pangalawa, totoo bang may utos ang LTFRB sa mga guards na huwag papasukin ang mga nasa listahan? Nasaan ang Memorandum Circular o ang office resolution?  At paano nila napagdesisyunan na isama ang isang tao sa listahan. Nagkaroon ba ng imbestigasyon ukol dito. Pinatawag ba sila ang mga implicated ng nasabing listahan, at kinasuhan na ba?  Ano ang batayan kung bakit bawal pumasok ang mga nasa listahan.   Magkakaroon ba ng solusyon ang diumamong pamemeke ng resibo kung hindi lang magpapapasok ng ilang indibiduwal na kanilang pinaghihinalaan?

 

 

Di ba’t mas mainam na makausap ang mga ito para makapagpaliwanag kung paano sila nagkaroon ng sinasabing pekeng resibo?

 

 

May kasabwat ba silang mga empleyado o opisyal sa loob ng LTFRB? Ang mga nasa listahan ba ay may kakayahang mameke ng resibo o biktima rin sila ng ilang namemeke na taga loob ng LTFRB.  Sa amin sa LCSP, suportado namin ang tamang paglilinis ng Ahensya laban sa mga tiwaling opisyal at mga taong mapagsamantala.  Pero papano natin masusugpo ito kung ang hakbang lang ay huwag papasukin ang mga nasa listahan na diumanoy nag-submit ng mga pekeng resibo.

 

 

At bakit ng aba hindi papasukin sa LTFRB office kung hinala pa lang ang basehan.

 

 

Malalim na mga tanong na nangangailangan ng malinaw na kasagutan! (ATTY. ARIEL ENRILE-INTON)

CLAUDINE, ipinagtatanggol pa rin si JULIA kahit masama ang loob

Posted on: June 10th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SA virtual presscon ng Deception, ang comeback movie ni Optimum Star Claudine Barretto, hindi naiwasang tanungin ang aktres sa ‘paglamlam ng career’ ng kanyang pamangkin na si Julia Barreto.

 

 

Kahit na masama pa rin ang loob niya kay Julia dahil mga nangyari sa kanilang pamilya, nakuha pa rin niya itong ipagtanggol.

 

 

Sabi niya, “Alam naman ng lahat na masama ang loob ko kay Julia.

 

 

“Pagkakaintindi ko kasi she’s not just given the right projects. Even if wala pang tsismis kay Julia nun, we were all just waiting for the good project to come to her. Kasi ang problema ang dami nila, may Jadine, Kathniel, Lizquen, Joshua, ngayon Jurald… I’m just waiting.” 

 

 

Sa pagpapatuloy ni Claudine, “Medyo nega nasusulat sa pamangkin ko pero at the end of the day, pamangkin ko pa rin yon, e!”

 

 

“Hindi ako naniniwala na babagsak. Kasi sa akin, nangyari na ‘yan, ilang beses na, lalo na yung rebellious days ko, pero hindi siya bumagsak.

 

 

“Si Julia, naging nega lang siya, and we just need a real good project for her because alam ko dugong Barretto ‘yan. Magaling ‘yan.

 

 

“At saka may dugong Dennis Padilla ‘yan, magaling din,” paliwanag pa ng controversial actress.

 

 

Samantala, sa Deception gaganap si Claudine bilang isang sikat at multi-awarded actress na si Rose, na nakulong dahil sa pagpatay sa asawa niyang stuntman-turned-actor na gagampanan ng kanyang ex-boyfriend na si Mark Anthony Fernandez.

 

 

Nang lumabas siya mula sa kulungan, nagkrus ang landas nila ni Ethan na kamukhang-kamukha ng asawang pinatay niya at doon nga iikot ang kuwento ng pelikula.

 

 

Pahayag pa ni Claudine nakaka-relate siya sa plot ng Deception na mula sa panulat ni Direk Easy Ferrer mga nangyari sa kanyang buhay dahil naranasan niyang maging biktima ng deception o panlilinlang.

 

 

Happy and excited si Claudine dahil sa wakas matutuloy na ang reunion movie nila ni Mark na mula sa direksyon ni Joel Lamangan na malapit na malapit sa puso niya.

 

 

Ang Deception ay joint venture ng Viva Films at Borracho Films ni Atty. Ferdinand Topacio.

(ROHN ROMULO)

PDu30, binalaan ang NPA

Posted on: June 10th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

“What you can do, I can do better 10 times over. Ang kaya n’yo, kayo kong gawin”

 

Ito ang babala ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa New People’s Army (NPA) makaraang muling umatake ang rebeldeng grupo sa bayan ng Buenavista sa Quezon Province nitong nakaraang Sabado.

 

“They do not have ideology. Wala na silang prinsipyo, sa ulo nila makipag-away. They are there to plunder and just for the sheer brutality of it all, they want to kill all soldiers,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi.

 

Giit nito, walang usapang pangkapayapaan ang magtatagumpay sa ilalim ng kanyang liderato o sa kahit na kaninumang Pangulo ng bansa kung hindi titigil ang NPA sa pag-atake sa puwersa ng pamahalaan at civilian leaders.”

 

“You are insensitive of the plight of the people na kailangan ng pagkain at tulong ng gobyerno ,” ani Pangulong Duterte.

 

Sinabi ng Pangulo na hindi nagkulang ang pamahalaan sa pagtulong sa publiko sa panahon ng COVID-19 pandemic.

 

Sa katunayan aniya ay bilyong piso na ang nagagastos ng pamahalaan para sa pagbibigay ayuda at sa iba pang bagay para matugunan ang pandemiya na dala ng covid 19.

 

Kaya sinabi niya sa pamilya ng napaslang na sundalo na “The nation is very grateful to you, and we would know also how to reciprocate their bravery… Justice will be served sa kanila in the end.”

 

Sa ulat, isang miyembro ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (Cafgu) ang napaty habang isa naman ang sugatan sa naging pag-atake ng pinaghihinalaang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) rebels sa Buenavista town sa Quezon province.

 

Kinilala ni Police Staff Sergeant Leobert Velasquez ng Buenavista police, ng napatay na government militiaman na si Romar Gono habang si Armel Bajamunde naman ang nagtamo ng tamang bala subalit nayon ay nasa stable condition na.

 

Sa impormasyong ibinahagi ni Velasquez, isang Sergeant Victor Bartocillo mula sa Army’s 85th Infantry Battalion ang nagtamo ng “minor scratches” sa nangyaring bakbakan.

 

Ang mga sundalo at Cafgu personnel ay nagbigay ng security sa local police matapos magsagawa ng “barangayanihan”, isang uri ng community pantry, sa Barangay Del Rosario nang sila ay salakayin ng NPA rebels sa village ng Batabat Sur dakong alas-11:40 a.m, araw ng Sabado.

 

At nang babalik na ang government forces sa police station sa town center para sa debriefing at lunch break nang biglang umatake ang NPA.

 

Kaalukuyan pa ring nagsasagawa ng hot pursuit operation laban sa mga umatakeng NPA. (Daris Jose)

Dwayne Johnson Reveals First Look at Krypto for ‘DC League of Super-Pets’

Posted on: June 10th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

DWAYNE Johnson reveals the first look at Krypto the Superdog in a video announcement for the animated DC League of Super-Pets film.

 

 

Based on the DC Comics team of the same name, the film will center on the pets of some of the most iconic heroes led by Krypto as they form their own crime-fighting team in the absence of their owners. It was previously believed that the film would only feature the appearance of Krypto and potentially Streaky the Supercat, though the team is expanding for the adventure.

 

 

The project was first announced in 2018 with Jared Stern, co-writer of Warner Bros.’ hit The LEGO Batman Movie, signing on to write and co-direct the project. Just over a year later, Sam Levine joined to make his directorial debut on the project alongside Stern with a May 20, 2022 release date set and last year’s DC FanDome offering a brief teaser of the character. After word initially went quiet on the project, this May revealed that Johnson found his second DC Comics and superhero project by signing on to star as Krypto.

 

 

A few weeks after it was announced the Black Adam star joined the film as the Man of Steel’s canine, Johnson took to Instagram to share the first look at Krypto the Superdog from the animated project. The video announcement has also revealed the full cast for DC League of Super-Pets, including Kevin Hart, John Krasinski, Keanu Reeves, Kate McKinnon and more.

 

 

Check out the video announcement below: https://www.instagram.com/p/CP3W_BDlW61/?utm_source=ig_embed&utm_campaign=embed_video_watch_again

 

 

The new video announcement may not have been much in the way of giving viewers a look at what to expect from the animated story, it’s a nonetheless exciting teaser for fans. Featuring John Williams’ iconic rousing score from 1978’s Superman, the video does nicely to create a sense of wonder in the viewer and anticipation for Krypto to finally make his big screen debut. Not to mention the revelation of its ensemble cast joining Johnson, including frequent (and hilarious) screen partner Hart and John Wick himself.

 

 

Though Johnson’s announcement confirms that Stern is still writing and directing, it is interesting to note that Levine no longer seems to be attached to the project. Why that is has yet to be revealed, but even without him co-directing, DC League of Super-Pets still has a lot of things going for it in a big way. With production currently underway on both it and Black Adam, fans should look forward to getting new glimpses from both in the coming months. (source: screenrant.com)

(ROHN ROMULO)

COVID-19 sa Pinas walang pagbabago hangga’t ‘di 50% ang vaccination rate

Posted on: June 10th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Wala pang makikitang malaking pagbabago sa estado ng Pilipinas hanggang hindi naaabot ang 30% hanggang 50% vaccination rate ng populasyon ng bansa.

 

 

Sinabi ni Prof. Ranjit Rye ng OCTA Research Group na masyado pang maliit ang mga numero ng nababakunahan sa bansa.

 

 

Nitong Hunyo 8, uma­bot pa lamang sa 4.6 mil­yon ang nabakunahan na katumbas ng 4% ng populasyon ng bansa. Nasa 1.6 milyon ng naturang numero ang nakatanggap na ng ikalawang dose.

 

 

Matatandaan na target ng pamahalaan na mabakunahan ang nasa 70 milyon ng populasyon. Inaasinta rin nila na mabakunahan ang nasa 58 milyon pagsapit ng Nobyembre.

 

 

Una nang inihayag ng Department of Health (DOH) na nais ng mga eksperto na mabakunahan ang 30% ng populasyon bago luwagan ang ‘quarantine restrictions’ ng bansa.

 

 

Habang nagaganap ang ‘vaccination program’, sinabi ni Rye na dapat pa ring sumunod ang publiko sa ‘minimum health standards’ dahil nananatili ang matinding banta ng virus lalo na at maraming lugar sa labas ng Metro Manila ang nakitaan ng pagtaas ng mga kaso at pagkakaroon na ng bansa ng iba’t ibang variants ng COVID-19. (Daris Jose)

Ads June 10, 2021

Posted on: June 10th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

BIANCA, mas ganadong gumiling-giling sa TikTok videos dahil kanyang 1.2M followers

Posted on: June 10th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KAYA ganadong gumiling-giling sa TikTok videos niya ang Legal Wives star na si Bianca Umali dahil umabot na sa 1.2 million ang followers niya sa naturang video-sharing app.

 

 

Noong 2015 pa may account si Bianca sa TikTok pero na-hack daw ito. Noong mabalik ang account niya, hindi raw niya ito masyadong binigyan din ng panahon. Bumalik lang siya ulit sa TikTok noong maging fad na ito noong magkaroon ng pandemic last year.

 

 

“It wasn’t really just a break. Honestly, I had no plans on getting back into it. I think the last time I was on TikTok was back in 2015-2016 pa.

 

 

“One day, I just thought of trying out one of the trending dance challenges because of all the free time I had being locked-in for work inside a hotel room.

 

 

“I never expected anything out of it, like positive reactions or overwhelming support. I did the video because I missed dancing.

 

 

“Tapos ayon! Ang saya na nakakapagpasaya ako ng mga tao at nakakasayaw na ako ulit.”

 

 

Sa pamamagitan daw ng pagsayaw naipapakita ni Bianca ang happiness niya at napapasaya niya ang followers niya.

 

 

***

 

 

HAHARAPIN ng Kapuso loveteam na sina Ken Chan at Rita Daniela ang mas mature na roles sa upcoming GMA Afternoon Prime series na Ang Dalawang Ikaw.

 

 

Gaganap sila bilang mag-asawa sa naturang serye. Kuwento ni Rita, mas lalo raw siyang bumilib sa husay ni Ken sa pagganap nito sa dalawang magkaibang characters.

 

 

“Akala ko noon, ultimate na ang husay ni Ken sa My Special Tatay. Hindi pa pala yon. Dito sa Ang Dalawang Ikaw, mas napabilib niya ako.

 

 

“May one scene na sobra akong kinilabutan kay Ken. Tinitigan ko mga mata niya, ramdam mo yung character niya. Natakot talaga ako. Dun ko na nakita ulit ang husay niya sa pagbuo niya ng character.

 

 

Bukod sa mga problema na haharapin ng kanilang relasyon sa kuwento, matatalakay din sa serye ang ilang mental health issues na tiyak na pupukaw sa interes ng Kapuso viewers.

 

 

At dahil mag-asawa ang RitKen loveteam sa teleserye, abangan ang kanilang maiinit na love scenes. Inamin ni Rita na kahit close na sila ni Ken, nagkailangan sila sa first mature love scene nila sa teleserye.

 

 

***

 

 

NAPA-THROWBACK ang aktres na si Brooke Shields nang isuot ng kanyang 18-year old daughter na si Rowan Henchy ang 1998 Golden Globes gown niya sa prom nito kamakailan.

 

 

Post ni Brooke sa Instagram: “I thought it was a special night when I was nominated for a Golden Globe and wore this dress in 1998, but nothing could have prepared me to see my daughter wearing it to her prom, proud mama!”

 

 

Pinost din ni 56-year old actress ang photo na suot niya ang naturang red strapless gown sa red carpet ng 1998 Golden Globes kunsaan nominated siya noong gabing iyon for the comedy series Suddenly Susan.

 

 

Si Rowan ay eldest daughter ni Brooke with husband Chris Henchy. They are also the parents of 15-year-old named Grier.

(RUEL J. MENDOZA)

Lalaking pugot ang ulo, natagpuan sa Caloocan

Posted on: June 10th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KALUNOS-LUNOS na kamatayan ang sinapit ng isang hindi pa nakikilalang lalaki na pinugutan ng ulo saka isinilid sa sako at itinapon ang katawan sa bakanteng lote sa Caloocan City.

 

 

Ayon sa ulat, dakong alas-7:50 ng umaga nang makita ng isang concerned citizen ang isang puting sako sa kahabaan ng Gumamela St, corner Cadena De Amor St., Brgy. 175 na may bahid umano ng dugo.

 

 

Ipinagbigay alam ang insidente sa mga barangay officials na sila namang nagreport sa pulisya at nang buksan ang sako, tumambad sa kanila ang katawan ng isang lalaki na walang ulo at putol din ang kanang hintuturo nito.

 

 

Inilarawan ang biktima na nasa 30-anyos ang edad, may taas na 5’5 at magsisilbing palandaan para makilala ito ay ang tattoo niyang dragon sa likurang bahagi ng katawan.

 

 

Hinala ng pulisya na sa ibang lugar pinatay ang biktima at itinapon lamang sa naturang lugar para iligaw ang mga pulis sa imbestigasyon.

 

 

Patuloy ang isinasagawang follow-up investigation ng pulisya para sa pagkakakilanlan ng biktima at sa motibo sa pagpataya sa kanya. (Richard Mesa)