• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 14th, 2021

BEAUTY, unang makatatambal si KELVIN sa isang mini-series bilang Kapuso

Posted on: June 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SI Kapuso young actor Kelvin Miranda pala ang unang makatatambal ng bagong Kapuso actress na si Beauty Gonzalez, na pumirma na ng contract sa GMA Network last Friday, June 11.

 

 

Isang romance mini-series ang gagawin nila, titled Stories from the Heart na ididirek ni Adolf Alix Jr.

 

 

Si Kelvin ay lubos na nakilala ng mga netizens nang mag-partner sila ni Mikee Quintos sa successful series na The Lost Recipe. 

 

 

Nang matapos ang serye, humihingi ang mga fans nila ng part 2, pero mukhang malabo pang mangyari ngayong may sisimulan nang bagong project si Kelvin. With this, sinabi naman ni Beauty na excited siya sa bago niyang project, na for a change bata sa kanya ang leading man niya.

 

 

“I love the script, I love ‘yung flow ng story. It’s gonna be a new change and change is good. This is a new Beauty, a different Beauty. It’s the right time.”                 

 

***

 

 

MANANATILING Kapuso si Michael V, popularly called Bitoy.

 

 

Umingay sa social media ang balitang hindi raw nag-renew ng contract ang mahusay na actor-comedian, at maraming nagsabing sana raw ay huwag umalis si Bitoy sa GMA Network.

 

 

Paano mangyayari iyon, isa si Bitoy sa prized artists ng GMA at may kontrata siya sa kanila. Hindi niya maiiwan ang mga programa niyang hawak ang Bubble Gang at ang Pepito Manaloto na ngayon ay iginagawa nila ng prequel.

 

 

Nag-attend pa si Bitoy ng storycon at ipinakita niya ang full support niya sa mga new actors na gaganap bilang young Pepito at Young Elsa.

 

 

May isa pang contribution si Bitoy sa show, siya ang gumawa ng song na napanood ang VTR nito kahapon para sa pagsisimula ng celebration ng GMA’s 71st Anniversary sa All-Out Sundays. Ka-join din si Bitoy sa ‘sana all’ network plug on public service featuring other GMA comedians, sa kabila ng pagiging busy niya sa dalawa pa niyang show.

 

 

***

 

 

NAIYAK sa tuwa Cassy Legaspi nang muli siyang mag-trending sa Twitter dahil sa mahusay niyang acting sa eksena niya sa First Yaya na umiiyak siyang humingi ng tawad kay Yaya Melody (Sanya Lopez) sa matagal na itinagong lihim na siya pala ang nakabangga at ikinamatay ng ama nito.

 

 

Unang napuna ang husay ni Cassy, as Nina Acosta, sa acting sa mga naunang heavy scenes, with partner JD Domagoso, na ikina-impress ng mga viewers. Tumanggap din ng papuri si Cassy mula sa mga co-stars niya sa GMA Telebabad.

 

 

Pero ang ikinaiyak ni Cassy ay nang makatanggap siya ng masigabong palakpak sa daddy niya, actor Zoren Legaspi, matapos na hindi ito sumagot sa tanong niya kung nagustuhan ba ng ama ang acting niya.

 

 

Ngayon ang hinihintay ng mga netizens ay kung mapaparusahan ba si Cassy sa kanyang kasalanan.

 

 

Nasa last three weeks na lamang ang First Yaya na napapanood gabi-gabi, after ng 24 Oras sa GMA-7.

 

 

***

 

 

SIMULA na ngayong gabi ng finale week ng romantic-comedy series na Heartful Cafe nina Julie Anne San Jose at David Licauco. 

 

 

Nagkaroon ng dual role si Julie Ann, dahil may pumasok na character, si Destiny Hope, na bale partner ni EA Guzman.

 

 

Napapanood ang Heartful Cafe after ng replay ng Endless Love sa GMA 7.

(NORA V. CALDERON)

SHARON, kinainggitan ng netizens sa body shot scene nila ni MARCO sa ‘Revirginized’

Posted on: June 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MAY pasabog na post na naman si Direk Darryl Yap para sa kanyang upcoming film na patuloy na pinag-uusapan dahil sa nakaka-intriga nitong titulo na Revirginized na kung saan ang bida ay si Megastar Sharon Cuneta.

 

 

Ang hot ng patikim na photos na kuha sa movie na kung saan napapayag talaga si Mega na i-body shot si Marco habang nakahiga ito sa lamesa, nilagyan ito ng caption ng direktor ng,Marco Gumabao is Mega Tested. Mega Approved.

 

 

PinaINIT. PinaKIPOT. PinaSIKIP.

Sharon Cuneta is #REVIRGINIZED

this August.

Ni-repost naman ni Sharon sa kanyang Instagram at nilagyan ng caption na, Pawiii!!! Nahilo ako! Ganito pala itchura natin dun hahahahaha! Namiss kita bigla! Ahahahahahahaha! Direeeeeek!!!!!! Kainiiiiiiis kaaaaaaaa pooooo!!!  @vincentimentsofficial @gumabaomarco @megatitas Swipe left! Repost from @megatitas.”

 

 

Napa-’sana all’ at napa-’omg’ naman ang lahat ng nakakita at parang inggit na inggit kay Sharon sa naturang eksena nila ni Marco sa pelikula, na mukha namang in-enjoy nila nang husto.

 

 

Comment naman ni Marco, Can’t wait to see the whole film! na mapapanood na ngayong August sa Viviamax.

 

 

Tiyak na magiging kontrobersyal din ang Revirginized tulad ng mga naunang pelikulang nagawa niya.

 

 

Ang latest ni Direk Darryl ay Ang Babaeng Walang Pakiramdam na pinagbibidahan nina Kim Molina at Jerald Napoles na nagsimula ang streaming noong June 11 ay agad na nag-number 1 at biggest movie na ngayon sa Vivamax.

 

 

Post nga ni Kim sa kanyang Facebook, “#1! Maraming salamat po sa inyo. TRIVIA: Ako na po yang nasa picture, si Kim na. Hindi na yan si Tasha. Photo was taken nung nag “cut” na si direk at narealize kong buhay pa ako at nagawa ko ang eksenang mag bungee drop with no emotions. Ngiting tagumpay mamiii! Habol na and catch our film #ABWP NOW SHOWING on Vivamax, iWantTFC, KTX!”

 

 

Post uli ni Kim, “Hindi halata pero, opo, tuwang-tuwa si Tasha dahil ‘Ang Babaeng Walang Pakiramdam’ is the biggest movie on Vivamax to date!! Nengyu pu!

 

 

“Huwag nang pahuli!”

 

 

Hopefully, maging blockbuster din ang pagbabalik-Viva ni Sharon kahit na kakaiba talaga ang character na ginampanan na tiyak na marami ang magugulat.

(ROHN ROMULO)

The Game is On: Tune Squad, Ready to Join LeBron James in Space Jam: A New Legacy

Posted on: June 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NEW trailer alert for Warner Bros. Pictures’ Space Jam: A New Legacy.

 

 

LeBron James and the Tune Squad only have one shot to win the highest stakes game of their lives.

 

 

Watch them battle it out on the court against the Goon Squad in the new animated/live-action event this 2021.

 

 

Welcome to the Jam! NBA champion and global icon LeBron James goes on an epic adventure alongside timeless Tune Bugs Bunny with the animated/live-action event Space Jam: A New Legacy, from director Malcolm D. Lee and an innovative filmmaking team including Ryan Coogler and Maverick Carter. 

 

 

The new trailer features the most in-depth look at James’ on-court performance in the film. Watch the trailer below: https://www.youtube.com/watch?v=RCsEKvz2mxs

 

 

A synopsis for Space Jam: A New Legacy reads as follows:

 

 

“Welcome to the Jam! Basketball champion and global icon LeBron James goes on an epic adventure alongside timeless Tune Bugs Bunny with the animated/live-action event “Space Jam: A New Legacy,” from director Malcolm D. Lee and an innovative filmmaking team including Ryan Coogler and Maverick Carter. This transformational journey is a manic mashup of two worlds that reveals just how far some parents will go to connect with their kids. When LeBron and his young son Dom are trapped in a digital space by a rogue A.I., LeBron must get them home safe by leading Bugs, Lola Bunny and the whole gang of notoriously undisciplined Looney Tunes to victory over the A.I.’s digitized champions on the court: a powered-up roster of professional basketball stars as you’ve never seen them before. It’s Tunes versus Goons in the highest-stakes challenge of his life, that will redefine LeBron’s bond with his son and shine a light on the power of being yourself. The ready-for-action Tunes destroy convention, supercharge their unique talents and surprise even “King” James by playing the game their own way.”

 

 

James stars alongside Oscar nominee Don Cheadle (the “Avengers” films), Khris Davis (“Judas and the Black Messiah”), Sonequa Martin-Green (TV’s “The Walking Dead”), newcomer Cedric Joe, Jeff Bergman (“Looney Tunes Cartoons”) and Eric Bauza (“Looney Tunes Cartoons”).

 

 

Lee (“Girls Trip,” “Night School”) directs from a screenplay by Juel Taylor & Tony Rettenmaier & Keenan Coogler & Terence Nance.  The film’s producers are Ryan Coogler, LeBron James, Maverick Carter and Duncan Henderson, and the executive producers are Sev Ohanian, Jamal Henderson, Allison Abbate, Jesse Ehrman, Spencer Beighley, Justin Lin, Terence Nance and Ivan Reitman.

 

 

Warner Bros. Pictures Presents a Proximity/SpringHill Entertainment Production, a Malcolm D. Lee Film, Space Jam: A New Legacy.  The film will be distributed worldwide by Warner Bros. Pictures, in theaters and on the HBO Max streaming service on July 16.

 

 

It will be released in Philipine cinemas this 2021.  Join the conversation online and use the hashtag #SpaceJamMovie

(ROHN ROMULO)

2 days bago matapos ang ‘GCQ with restrictions:’ Higit 7,300 bagong COVID case – DOH

Posted on: June 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Mula sa 8,027 kasabay ng 123rd Independence Day kahapon, nakapagtala ang Department of Health (DOH) ngayong araw ng Linggo ng bahagyang mababa sa 7,302 na dagdag na kaso ng Coronavirus Disease (COVID).

 

 

Mayroon namang 7,701 na gumaling habang 137 ang pumanaw.

 

 

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.6% (59,865) ang aktibong kaso, 93.7% (1,232,986) na ang gumaling, at 1.73% (22,788) ang namatay.

 

 

Samantala, inaabangan pa ang magiging anunsyo ng pamahalaan hinggil sa pagtatapos ng general community quarantine (GCQ) status “with restrictions” sa tinaguriang “NCR Plus” sa darating na June 15.

House-to-house na pagbabakuna sa seniors

Posted on: June 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Aminado ang Department of Health (DOH) na malaking hamon pa rin ang mababang turn-out ng mga nababakunahang senior citizen at naniniwala siyang solusyon dito ang ginagawang pagbabahay-bahay ng local government units (LGUs).

 

 

Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi lang pag-aalangan ang nakikitang dahilan sa mga matatanda, kung ’di sa takot na lumabas dahil sa pangambang mahawaan ng COVID-19, ’yung iba ay takot magbiyahe o sumakay, at ang iba naman ay bedridden.

 

 

Nasa 5 porsyento umano mula sa 8-milyong senior citizens ang naturukan na ng COVID-19 vaccines.

 

 

Sila ay kabilang sa se­cond priority o A-1 group, kasunod ng medical frontliners sa COVID-19 vaccination program, dahil sa pagiging ‘high risk’ na matamaan ng malalang sintomas ng nasabing virus.  (GENE ADSUARA)

LRT-2, magpapatupad ng 11-araw na limitadong biyahe

Posted on: June 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Magpapatupad ang pamunuan ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) ng limitadong biyahe ng kanilang mga tren sa loob ng 11-araw, bilang paghahanda sa nalalapit nang pagbubukas ng LRT-2 East Extension Project ngayong buwan.

 

 

Batay sa inilabas na abiso ng Light Rail Transit Autho­rity (LRTA), magtatagal ang implementasyon ng naturang limitadong biyahe sa loob ng 11-araw o simula kahapon, Hunyo 12 hanggang sa Hun­yo 22.

 

 

Sa ilalim ng naturang limited operation, bibiyahe lamang ang mga tren ng LRT-2, mula sa Recto Avenue Station sa Maynila hanggang sa Cubao Station sa Quezon City at pabalik.

 

 

“Pansamantalang ma­lilimitahan ang biyahe ng mga tren ng LRT-2 bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng LRT-2 East Extension Project. Mula sa Recto hanggang Cubao station (at pabalik) lang ang biyahe. Ipapatupad ito simula ika-12 hanggang ika-22 ng Hunyo 2021,” paabiso ng LRTA.

 

 

Nangangahulugan anila ito na sarado rin muna o walang biyahe ang tatlong istasyon nito na kinabibilangan ng Anonas Station, Katipunan Station at Santolan Station hanggang sa Hunyo 22.

 

 

Kaugnay nito, naglabas din ng temporary operations schedule ang LRTA para sa mga araw na may limitadong operasyon lamang ang kanilang mga tren.

 

 

Ayon sa LRTA, ang unang biyahe ng tren mula sa Ara­neta Center-Cubao Station at Recto Station ay aalis ng 5:00AM habang ang last trip naman sa Araneta Center-Cubao Station ay 8:30PM habang 9:00PM naman ang huling biyahe mula sa Recto Station.

 

 

Matatandaang nitong nakalipas na mga buwan, nagkasa ng integration test ng signaling system ang LRT-2 mula Recto hanggang sa mga bagong istasyon nito sa Marikina at Antipolo, na bahagi ng East Extension Project ng rail line.

 

 

Inaasahang bubuksan na ang dalawang istason sa ikatlong linggo ng buwang ito. (Gene Adsuara)

KIKO at HEAVEN, tila nabuking sa relasyon at tama ang hinala ni DEVON

Posted on: June 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

BAKUNADO na ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera.  

 

 

At si Dingdong nga ang nag-initiate na marami na sa mga kasamahan nila, lalo na sa industriya ang mabakunahan.

 

 

Ang mga PPL Entertainment Inc. at All Access to Artists ay mga kasabay nila na nagpabakuna, same sa mga riders ng Dingdong.ph at ilang mga artista, tulad nina Wendell Ramos at ang mag-jowa na sina Maris Racal at Rico Blanco.

 

 

Sa vaccination site sa Venice Grand Canal Mall, Taguig ito ginawa.

 

 

Through ‘Ingat Angat’ ang naging source ng vaccine nila kaya sa Instagram post ni Dingdong ay pinasalamatan niya ang mga ito.

 

 

Aniya, Sa linya ng aming trabaho, madalas ay kailangan magshoot sa labas. Kapag sasabak na sa eksena, mask-off.  Kailangan naming tanggalin ang aming first line of defense sa COVID-19.

 

 

“Kabado man, through research and consultation with experts, mas nagkaroon ako ng lakas ng loob para magpabakuna. This is my way of ensuring not only my health and safety, but also of my loved ones and my community.”

 

 

Dahil sinovac ang vaccine na itinurok sa DongYan, in 28 days ay masasabing fully-vaccinated na sila. Kaya posible rin kaya itong mangahulugan na tatanggap na si Marian ng mga work outside?

 

 

We’ll see…

 

 

***

 

 

IBANG klase ang prank ni Alex Gonzaga kay Mayor Isko Moreno.

 

 

As in, sabi nga ni Alex mismo, “Ito ang pinaka nakakahiya ko ginawang prank pero ang bait ni Yorme!!!  Hahaha napahiya at na-echas prank!!!  Nagpakababoy para lang sa vlog!”

 

 

Umabot na talaga si Alex sa part na habang ini-interview niya si Yorme at tinu-tour siya e, kunwaring hindi niya mapigilan ang paghilab ng tiyan at nae-ebs siya.

 

 

Ilang beses yun at the height yung last na kunwari, kumapit na sa damit niya at sa paa niya ang ebs, pero peanut butter lang.  Feel namin, si Alex lang talaga ang makakagawang artista ng ganitong klase ng prank. Aba, e, parang wala ng itinirang kahihiyan o pagka-class haha!

 

 

Pero agree rin kami kay Alex na puring-puri si Yorme dahil napakabait at  napaka-gentleman daw pala nito. Hindi man lang nagpakita ng pagkainis o pandidiri sa kanya.

 

 

Sabi lang ni Isko, e, sanay raw siya sa ebs dahil dati nga naman, trabaho niya ang pagbabasura.

 

 

In one day, 2.6 millions na ang views ng vlog niya kaya ‘di malayong isa ito sa magiging patok na vlog ni Alex.

 

 

***

 

 

HINDI nagpapakita ng positibong reaksyon ang netizens sa tila nabuking na romance na talaga nina Kiko Estrada at Heaven Peralejo.

 

 

Spotted kasi ang dalawa na magkasama sa Boracay.

 

 

Kung matatandaan, nang mag-break sina Kiko at Devon Seron, si Heaven ang lumitaw na third party. Pero matapang itong itinanggi ni Heaven. Maging ang nanay ni Heaven ay nagalit na ginagawan ng malisyosong tsismis daw ang anak.

 

 

Pero ngayon, dahil sa nakitang sweetness daw nina Kiko at Heaven sa Boracay, mukhang mas convinced na ang lahat na sila na nga. And hindi rin mawala ang kaisipan na baka ito nga ang naging dahilan ng hiwalayang Kiko at Devon.

 

 

At sabi nga, tamang hinala naman pala si Devon, huh!

 

 

So, another lock-in taping na nagka-developan?

 

 

(ROSE GARCIA)

Pagluwag ng quarantine protocols sa NCR Plus, huwag madaliin – expert

Posted on: June 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Hinay-hinay muna at hindi dapat madaliin ang pagluluwag sa quarantine classification sa Metro Manila at karatig lalawigan.

 

 

Ito ang sinabi ni Dr. Maricar Limpin, pangulo ng Philippine College of Physicians lalo pa nga’t nararanasan pa rin ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa NCR at karatig lalawigan na Cavite, Laguna, Bulacan at Rizal.

 

 

“Wag nating hintayin na bumalik ulit tayo doon sa Marso wherein magtatawag na naman ang gobyerno natin ng total lockdown. I hope na i-maintain na lang muna siguro natin ngayon. Anyway, nakakalabas naman ang mga tao. I don’t think we need to be in a hurry sa paglo-loosen up ng ating quarantine mea­sures,” ayon kay Limpin.

 

 

Binigyang diin nito na dapat isipin ng gobyerno na panatilihin ang kasalukuyang quarantine classification sa ngayon dahil napapansin na naman nila ang pagdami ng kaso ng COVID-19 sa mga ospital.

 

 

”If you look at the daily rates natin medyo tumataas din. Itong mga pagtaas na ito hindi lang natin nakikita dahil yung Mindanao at saka sa Visayas medyo tumaas din sila pero maski dito sa NCR nararamdaman na rin namin. Dapat maghinay-hinay muna. I hope the government, yung IATF, will consider this,” dagdag ni Limpin. (Daris Jose)

Ads June 14, 2021

Posted on: June 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MATANDANG BINATA KULONG SA PANGMOMOLESTIYA SA 4 NA DALAGITA

Posted on: June 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng 54-anyos na binata matapos ireklamo ng pangmomolestiya sa apat na dalagita niyang kapitbahay sa Malabon city, kamakalawa ng hapon.

 

 

Lango pa sa alak si Danilo Garcia, walang trabaho at residente ng 37 Don Basilio Bautista Blvd. Brgy. Hulong Duhat nang dakpin ng mga tauhan ni P/Maj. Patrick Alvarado, hepe ng Malabon Police Sub-Station 7 matapos ireklamo ng mga magulang ng apat na dalagitang biktima.

 

 

Sa tinanggap na ulat ni Malabon police chief P/Col. Albert Barot, nagkukuwentuhan ang magkakaibigang dalagita sa Bantayan Street, Brgy Hulong Duhat dakong alas-5 ng hapon nang dumaan si Garcia na nasa impluwensiya ng alak at hinalikan sa pisngi ang 15-anyos at 16-anyos na dalagitang biktima.

 

 

Binalingan din ng suspek ang 14-anyos at 15-anyos na na kasamahan ng dalawang naunang biktima at hinalikan naman ang mga ito sa labi.

 

 

Sa takot ng mga dalagita, nagtatakbo kaagad ang mga ito palayo sa suspek at isinumbong sa kani-kanilang mga magulang ang ginawang kalaswaan sa kanila ng suspek.

 

 

Humingi naman ng tulong kay P/EMSgt. Jerry Bautista ng Malabon Police Sub-Station 7 ang mga magulang ng dalagita na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek na nahaharap ngayon sa kasong Acts of Lasciviousness. (Richard Mesa)