• November 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 15th, 2021

Safety Seal Certification, inilunsad sa Navotas

Posted on: June 15th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

INILUNSAD sa Lungsod ng Navotas ang Safety Seal Certitification program para sa pagpapakita ng pagsunod ng business establishments sa minimum health standards.

 

 

Pinangunahan ni nina Congressman John Rey Tiangco, Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya at Vice-Mayor Clint Gernonimo launching at Ceremonial Awarding nito na ginanap sa Puregold Navotas Branch.

 

 

Ayon kay Cong. Tiangco, ang Safety Seal ay isang pisikal na pagpapakita ng pagsunod ng business establishments sa minimum health standards na required ng gobyerno laban sa pagkalat ng Covid-19.

 

 

Ito ay base aniya sa compliance checklist ng DOLE-DOH-DILG-DOT-DTI Joint Memorandum Circular No. 21-01 Series of 2021 at ng DILG Memorandum Circular 2021-053.

 

 

Sinabi pa ni Cong. JRT na kabilang ang Puregold, Mc Donalds at Jolllibee sa mga establishments na may Safety Seal sa Lungsod ng Navotas. (Richard Mesa)

Columbia Pictures Unveils “Escape Room: Tournament of Champions” First Poster

Posted on: June 15th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

COLUMBIA Pictures has just unveiled the first poster art for its upcroming suspense thriller Escape Room: Tournament of Champions. 

 

 

Check it out below and watch the film soon in Philippine cinemas.

 

 

Watch the film’s trailer below: https://www.youtube.com/watch?v=KlfUbZJVInA

 

 

Escape Room: Tournament of Champions is the sequel to the box office hit psychological thriller that terrified audiences around the world. In this installment, six people unwittingly find themselves locked in another series of escape rooms, slowly uncovering what they have in common to survive…and discovering they’ve all played the game before.

 

 

Escape Room: Tournament of Champions is directed by Adam Robitel, screenplay by Will Honley and Oren Uziel and Maria Melnik & Daniel Tuch, story by Will Honley and Christine Lavaf & Fritz Bohm. The film is produced by Neal H. Moritz; the executive producers are Adam Robitel, Karina Rahardja and Philip Waley.

 

 

The cast is led by original cast members Taylor Russell (Netflix’s Lost in Space) and Logan Miller (Love, Simon).  They are joined by Indya Moore (FX’s Pose), Holland Roden (Mayans M.C.), Thomas Cocquerel (The 100) and Carlito Olivero (Step Up: High Water)

 

 

Escape Room: Tournament of Champions will be distributed by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International.

 

 

Join the conversation online and use the hashtag #EscapeRoomMovie

(ROHN ROMULO)

Ando pasok sa Olympics

Posted on: June 15th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Idagdag na ang pangalan ni national weightlifter Elreen Ando sa naunang 10 Pinoy qualifiers para sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan.

 

 

Ito ay matapos siyang makapasa sa International Weightlifting Federation (IWF) Absolute Continental Ranking for Asia para sa women’s -64 kilogram category ng 2021 Olympics na idaraos sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8.

 

 

Kumolekta si Ando ng 26,349,334 points para kunin ang 12th place sa likod ng kanyang binuhat na dalawang silver at isang bronze medal sa nakaraang International Weightlif­ting Federation (IWF) Asian Championships sa Tashkent, Uzbekistan noong Abril.

 

 

Ang 22-anyos na si Ando, ang 2019 Southeast Asian Games silver meda­list, ang ikalawang national weightlifter na sasabak sa 2021 Tokyo Olympics matapos si 2016 Rio de Janeiro Olympics silver medalist Hidilyn Diaz.

 

 

Sinabi ni Samahang Weightlifting ng Pilipinas (SWP) president Monico Puentevella na si Ando ang inaasahang susunod sa yapak ni Diaz bukod pa sa 17-anyos na si Vanessa Sarno.

 

 

Makakasama nina Diaz at Ando sa kampanya sa 2021 Tokyo Olympics sina skateboarder Margielyn Didal, gymnast Carlos Edriel Yulo, pole vaulter Ernest John Obiena, taekwondo jin Kurt Barbosa, rower Cris Nievarez at boxers Eumir Felix Marcial, Irish Magno, Nesthy Petecio at Carlo Paalam.

 

 

Noong 2016 Olympics sa Rio de Janeiro, Brazil ay 13 national athletes ang naisabak ng bansa tampok ang pagkopo ni Diaz sa silver medal.

19th Grand Slam: Djokovic nagkampeon sa French Open matapos talunin si Tsitsipas

Posted on: June 15th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nagkampeon sa French Open tennis si Novak Djokovic.

 

 

Ito ay matapos na talunin niya si Stefanos Tsitsipas ng Greece sa score na 6-7 (6/8), 2-6, 6-3, 6-2, 6-4 at makuha nito ang ika-19th Grand Slam sa loob ng apat na oras at 11-minutong laro.

 

 

Ang 34-anyos na Serbian player ay unang tao sa loob ng 52 taon na makuha ang apat na major sa magkakaibang okasyon at pangatlo sa kasaysayan.

 

 

Siya rin ang unang player na nanalo ng Slam title ng dalawang beses sa pamamagitan ng pagbangon mula sa dalawang set na pagkatalo sa parehas na torneyo.

 

 

Kailangan lamang nito ng isang major title para maitabla ang naitalang 20 major titles nina Roger Federer at Rafael Nadal.

 

 

Sinabi nito na isang panaginip at pinakamahirap ang kanyang panalo ngayon dahil sa magaling ang kaniyang nakalaban.

JULIA, nagsalita na tungkol sa ‘marital problems’ kaya pabalik-balik ng ‘Pinas

Posted on: June 15th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

DAHIL pabalik-balik sa Pilipinas si Julia Clarete, nag-assume ang netizens na baka may marital problems ito kaya minsan ay tumatanggap ito ng teleserye.

 

 

Sa Malaysia na kasi naka-base si Julia at ang Irish husband niyang si Gareth McGeown. Kasama rin nila ang anak ni Julia na si Sebastian.

 

 

Nagsalita na si Julia tungkol sa ilang issues ng netizens sa kanya at tungkol sa pagsasama nila ng mister niya.

 

 

“I might as well address it now. Kasi ang dami ngang artistang ganyan na kapag nag-settle down tapos umalis ng bansa, pagbalik, nagbalik artista ‘yun pala boom! May naging marital problems. It happens a lot. 

 

 

But in my case kasi when I left ‘Eat Bulaga’ for Malaysia it was to join Gareth kasi we were gonna settle in na, we were gonna get married.

 

 

“Tumawag sa kanya ‘yung company (Coca-Cola Philippines). Kasi he was running na Singapore, Malaysia and Brunei. He was running three countries as the CEO of Coca-Cola. Tinawagan siya ng Coke. Sinabi sa kanya gusto mo bang i-take on ang Philippines?

 

 

Sabi niya, ‘You want to go back home?’ I said, ‘Do you want to take on the Philippines?’ Eh love niya ang Pilipinas kasi dito na rin siya galing before. Ako, hindi ko makakailang miss na miss ko ang Pinas. So sabi ko, ‘Tara.’ 

 

 

“And he was very happy na parang I didn’t mind coming back, na we will be susceptible to intrigue, but it was purely for his work and ang saya namin dito. So he is now the CEO of Coca-Cola Bottlers in the Philippines.”

 

 

Dagdag ni Julia, baka lumipat daw ulit sila ng bansa dahil sa trabaho ng mister niya.

 

 

“Expat family kami. So we will be moving after a few years. So we don’t know when that will be but hopefully we get to stay a little longer.”

 

 

Kaya habang nandito si Julia, tinanggap niya last year ang teleserye ng Cignal TV na Paano Ang Pasko? 

 

 

Natapos din niya ang indie film na Game Over with singer-stage actor Joshua Bulot.

 

 

***

 

 

ON-HOLD pa rin ang plano ng former Kapuso actress Frencheska Farr na magkaroon sila ng baby ng mister niyang si Gino Jose.

 

 

Taong 2017 ang naging civil wedding ni Frencheska kay Gino sa Las Vegas, Nevada. Noong February 28, 2020 naman ay naganap sa Calatagan, Batangas ang kanilang beach wedding.

 

 

Sa panayam namin sa grand winner ng 2009 reality singing competition na Are You The Next Big Star via direct messaging ng Twitter, desisyon nilang mag-asawa ang huwag munang magkaroon ng anak.

 

 

“Focus po talaga muna ako on building my career here in the U.S. Nage-enjoy din ako sa freedom ko to experience life abroad nang wala munang baby at thankful ako same page kami ng asawa ko,” sey niya.

 

 

Hindi naman daw siya nape-pressure si Frencheska na maging mommy tulad ng mga kaibigan niyang sina Aicelle Santos, Maricris Garcia at Rachelle Ann Go na may kanya-kanya ng babies.

 

 

“Hindi naman ako pressured o naiinggit kasi alam kong mahirap din to be parents at I don’t think ready ako sa gano’ng life right now,” diin pa niya.

 

 

Inspired si Frencheska sa pinu-pursue na career sa U.S. dahil sa pagkapanalo niya last May 5 sa The Micheaux Film Festival (in Los Angeles) as Outstanding Dramatic Actress for the short film, Harana.

 

 

Ang maging web producer ang gustong ma-achieve ni Frencheska sa taong ito. Sa katunayan ay may ginagawa na siyang web series tungkol sa mga Filipino immigrants na nakatira sa Los Angeles, California.

 

 

***

 

 

NAGSIMULA na ang production sa revival series ng Sex And The City for HBO Max na may title na “And Just Like That …” in New York City.

 

 

Nag-post sa Instagram si Sarah Jessica Parker kasama ang co-stars niyang sina Cynthia Nixon and Kristin Davis.

 

 

“Together again. Read through our first episodes. Alongside all the fellas and our newest cast members. Like an ice cream sundae,” caption ni SJP.

 

 

Nataon na muling nagbukas na ang New York City pagkatapos ng isang taong nagsara ang city dahil sa COVID-19 pandemic. Dahil marami na ang nabakunahan sa NYC, kaya nagbukas na ang maraming businesses, kabilang na ang Broadway at ang film and TV productions.

 

 

Huling napanood ang SATC cast ay noong 2010 via the film Sex And The City 2.

 

 

Sa revival series, hindi na kasama sa cast si Kim Cattrall who plays Samantha Jones. May kinalaman ito sa alitan nila ni SJP two years ago.

 

 

Babalik naman sa series sina Chris Noth (Mr. Big), Willie Garson (Stanford Blatch) at Mario Cantone (Anthony Marintino).

(RUEL J. MENDOZA)

NCR, hindi pa handa na isailalim sa “normal” GCQ- Sec. Roque

Posted on: June 15th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

HINDI pa ito ang tamang panahon o maituturing na “bubot” pa para isailalim sa “least restrictive” Modified General Community quarantine (MGCQ) status ang NCR Plus matapos ang Hunyo 15 sa gitna ng COVID-19 pandemic

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na malabo pang isailalim sa “ordinary” GCQ ang NCR Plus o ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal simula sa Hunyo 16.

 

Ang NCR Plus ay kasalukuyan ngayong nasa ilalim ng GCQ “with restrictions” hanggang Hunyo 15.

 

“Ang problema po natin mataas pa rin ‘yung actual numbers, hindi pa tayo nakakabalik sa mga numero natin bago pumasok ang new variants,” ayon kay Sec. Roque.

 

Bago pa nalaman ang bagong coronavirus variants sa bansa, ang Metro Manila, ayon kay Sec. Roque, ay nakapagtala ng 1,000 bagong COVID-19 cases araw-araw. Magkagayon pa man, hindi isinailalim sa MGCQ ang Metro Manila.

 

Nito lamang araw ng Linggo, Hunyo 13, nakapagtala ang Department of Health ng  7,302 bagong COVID-19 infections, dahilan para umabot sa kabuuang tally na 1,315,639.

 

 

“So ang nakikita ko po ay ordinaryong GCQ pero sa tingin ko po mukhang malabo pa ‘yung MGCQ,” anito.

 

Samantala, nakatakdang magkita at magpulong ngayong araw ng Lunes ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), para pag-usapan ang susunod na quarantine classifications hindi lamang sa NCR Plus kundi maging sa ibang lugar.

 

Ang rekomendasyon ay isusumite kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte para aprubahan.

 

Sa kabilang dako, si Sec. Roque ay tagapagsalita rin ng IATF.

 

Ang mga Metro Manila mayors sa kabilang banda ay sang-ayon naman sa posibilidad na isailalim ang rehiyon sa “normal” GCQ simula Hunyo 16.

 

Para naman kay Dr. Guido David ng OCTA Research na hindi pa handa ang  NCR Plus para sa MGCQ, subalit ang anumang hakbagn na gagawin para paluwagin ang restriksyon ay marapat na gawin ng dahan-dahan.

 

“Maaari tayong magluwag, pero tulad ng ginagawa na natin dati dapat ay dahan-dahan. Expand tayo ng capacity, dagdag ng businesses,” anito.

 

Aniya, hindi pa nila namo-monitor ang transmission ng COVID-19 sa mga negosyo.

 

“Okay lang magluwag tayo ng restrictions sa businesses kasi may rstrictions naman sila na pinapatupad,” aniya pa rin.

(Daris Jose)

‘Wall of Heroes:’ Dambana para sa mga yumaong medical frontliners, asahan – PH gov’t

Posted on: June 15th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nagpapatayo ng dambana ang pamahalaan bilang pagkilala sa mga healthcare workers na nagsilbing frontliners at namatay dahil sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

 

 

Kabilang ito sa naging talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa ika-123 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.

 

Ayon sa presidente, itinatayo sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City ang tinaguriang “Wall of Heroes.”

 

 

“Before I forget mayroon tayong Wall of Heroes at pumayag naman ang Armed Forces na magtayo tayo ng Wall of Heroes diyan sa Libingan ng mga Bayani,” ani Duterte.

 

 

Muli ring kinilala ng pangulo ang kadakilaan at sakripisyo ng medical frontliners para mabigyan ng tulong medikal ang mga nangangailangang pasyente.

 

 

“Let us honor our modern-day heroes, our healthcare workers, law-enforcement officers and other frontliners who are instrumental in our fight against COVID-19 pandemic.”

 

 

“In the past year, they have risked their own lives and sacrificed their own comfort and security to ensure that our society will continue to function despite this crisis.”

 

 

Batay sa tala ng Department of Health, tinatayang 22,652 indibidwal na ang binawian ng buhay dahil sa COVID-19 sa Pilipinas.

 

 

Mula ito sa 1,308,352 na kabuuang bilang ng mga tinamaan ng sakit sa bansa.

 

 

As of June 11, nasa 19,389 healthcare workers ang tinamaan ng COVID-19. Mula rito, 98 na ang namatay.

IVANA, kung anu-anong raket ang pinasok para makatulong sa pamilya; nari-reject noon dahil ‘pangit’ siya

Posted on: June 15th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SA latest vlog ng sexy actress at YouTube star na si Ivana Alawi, inamin niya na kung anu-anong raket ang pinasok niya para lang mapangatawanan ang pagiging breadwinner ng pamilya.

 

 

Kasama niya sa vlog ang mga kapatid na sina Hash Alawi at Mona Louise Rey, sersoyo nga nilang pinag-usapan ang pagiging breadwinner ng pamilya na talaga namang isinapuso niya kahit noong hindi pa siya sikat.

 

 

Tinanong nga ni Mona si Ivana ng, “Bakit ka nag-decide na suportahan mo yung buong family kahit ang young mo pa? Tapos hindi mo naman yun responsibility.”

 

 

“Girl. I want to,” mabilis na sagot ni Ivana na inamin na kinarir ang pagraket makaipon lang ng pera.

 

 

Hindi rin siya nahiya na amining nasubukang mamigay ng flyers sa events noon.

 

 

Sabi niya, “Ako kasi yung tao na ever since lagi ko iniisip yung buong pamilya. Natural na sa akin.

 

 

“Nu’ng nawala yung aming tatay, nu’ng hindi kami sinusuportahan, nagpa-flyering ako, nagraraket para makatulong din sa pamilya.

 

 

Dagdag pa niya, “Dumating din yung time na wala akong naging raket kasi pangit ako.

 

 

Agad namang nag-react si Mona at kinontra ang sinabi ng actress/vlogger, “Uy, hindi totoo ‘yan. My ate is beautiful.”

 

 

Paliwanag naman niya, maraming pagkakataon na nare-reject din siya sa trabaho, “Uy, naging chaka... Gusto nila matatangkad. So, hindi ako pumapasa.

 

 

“And in fairness kay Mona, si Mona ang tumulong sa pamilya. Tapos nagpahinga din siya sa showbiz. So siyempre, hindi naman pwede si Mona lang.

 

 

Nakilala ngang child star si Mona sa GMA at ilang taon ding nagtrabaho. Ilan sa mga pinagbidahan niyang Kapuso series ay ang Munting Heredera (2011-2012) at Bukod Kang Pinagpala (2013).

 

 

Tsika naman ng kapatid nilang lalaki na si Hash, “If any one of us finds that much success, automatically each one will help each other.”

 

 

Sagot ng kanyang ate, “Kasi ganu’n kami pinalaki. Hindi kami pinalaki na maging makasarili. I’ll always be here for you, guys.”

 

 

Say naman ni Mona, “We think as a family. Kaya I really look up to ate.”

 

 

Naikuwento na noon ni Ivana sa na bata pa lang siya ay naghiwalay na ang kanyang parents na sina Fatima Marbella at ng ama niyang Morrocan na si Samier Al-Alawi, kaya nag-decide silang bumalik na sa Pilipinas.

 

 

Sa naging pahayag ni Ivana sa Magandang Buhay noong nakaraang taon, “Akala ng iba hindi ako dumaan sa hirap, hindi ako dumaan sa times na wala kaming makain.

 

 

“Dumaan din ako du’n way, way back, pagdating ko sa Pilipinas. Yung mama ko laging nangungutang kasi wala kami makain.”

 

 

Dagdag pa niya, “Dumating kami sa point na toyo at saka kanin kasi wala na siya mautangan. And I’m thankful kasi isa siyang stepping stone, e. Yun ang nagpu-push sa akin.”

 

 

Naging emotional ang muling pagkikita ng mag-ama na naka-confine sa isang ospital sa Subic, na di nagtagal ay pumanaw din dahil sa heart attack.

 

 

Noong mamatay ang tatay niya, hindi naman itinago ni Ivana na ipinamana sa kanya ang mga ari-arian nito  sa Bahrain, kabilang na ang napakaganda nitong bahay na ibinihagi sa kanyang vlog noong March 2020.

 

 

At ngayong sikat na sikat na siya hindi lang bilang aktres pati ang pagiging vlogger na kung saan may 13.3 million subscribers na sa YouTube at pati sa Kumu ay nasa top earners din si Alawi, patuloy naman ang ginagawa niyang pagtulong at pagsi-share ng blessings sa mga kababayaan natin na labis na naapektuhan ng pandemya. (ROHN ROMULO)

Drive thru vaccination sa mga tricycle drivers isasagawa sa Maynila

Posted on: June 15th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Itatayo sa susunod na linggo ang isang drive-through vaccination sites para sa mga public utility drivers susunod na linggo.

 

 

Sinabi ni Vice President Leni Robredo na prioridad dito ang mga tricycle driver ng lungsod ng Maynila.

 

 

Maari rin itong buksan sa mga drivers ng mga transport network vehicle services.

 

 

Target ito na buksan sa Hunyo 20 kapag dumating ang bakuna sa Huwebes Hunyo 17.

 

 

Kailangan lamang aniya na makipag-ugnayan ang mga interesadong tricycle drivers at mga Grab drivers sa Manila City local government unit.

 

 

Isa itong drvie-thru kaya hindi na kailangang bumaba pa ang mga drivers. (Gene Adsuara)

Kai Sotto sumama na sa ensayo ng Gilas Pilipinas

Posted on: June 15th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Sumama na si Kai Sotto sa training bubble ng Gilas Pilipinas para sa third window ng 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers sa Clark.

 

 

Nagtapos na kasi ang quarantine period ng 7 foot 4 para makasama sa training ng Gilas kung saan magiging host ang Pilipinas.

 

 

Umaasa naman si Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) special assistant to the President Ryan Gregorio na makakapaglaro si Sotto.

 

 

Wala pa kasing katiyakan ang 19-anyos na si Sotto na makakasama sa laro dahil kagagaling lamang nito sa 14-day quarantine kung kayat kailangan pang-i-evaluate ang knaiyang sigla.

 

 

Dagdag pa nito na nakausap na niya si Gilas coach Tab Baldwin at ayaw nilang makumpromiso ang kalusugan nito dahil sa tagal ng hindi paglalaro habang nasa quarantine.

 

 

Nakatakdang makaharap ng Gilas ang Korea sa MIyerkules at Indonesia naman sa Biyernes habang babalik na makakaharap ang Korea sa Linggo.