• November 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 16th, 2021

Ateneo center Isaac Go itinalagang team Captain ng Gilas Pilipinas

Posted on: June 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Itinalaga bilang team captain ng Gilas Pilipinas si Isaac Go para sa FIBA Asia Cup 2021 qualifiers na gaganapin sa Clark, Pampanga.

 

 

Ayon sa Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) na papalitan nito si Rey Suerte na nagtamo ng sprained ankle injury.

 

 

Si Go ang top overall pick sa special Gilas round ng 2019 PBA Rookie Draft.

 

 

Naglaro na rin ang dating Ateneo de Manila University center sa mga qualifying games ng Gilas.

 

 

Sisimulan ng Gilas ang ikatlo ay huling qualifying window sa Hunyo 16 laban sa South Korea, na susundan ng Indonesia sa Hunyo 18 bago maglalaro sila sa South Korea sa Hunyo 20.

3 bebot timbog sa tangkang pagpuslit ng P27K sigarilyo

Posted on: June 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KALABOSO ang tatlong bebot kabilang ang isang cashier matapos umanong magsabwatan para magpuslit ng nasa P27,600 halaga ng sigarilyo sa isang tindahan sa Malabon city, kamakalawa ng hapon.

 

 

Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang mga naaresto na sina Myka Veronica Louise Bautista, 26 ng Escanilla St., Brgy. Concepcion, Jacklyn Jose, 21, cashier ng Sevilla St. Brgy. Tinajeros at Razna Sanglitan, 26, vendor ng Sto Niño St., Brgy. Concepcion na pawang nahaharap sa kasong Qualified Theft at Theft.

 

 

Sa imbestigasyon nina PMSg Julius Mabasa at PSSg Diego Ngippol, dakong alas-4:30 ng hapon nang magtungo si Sanglitan sa Jemms Shoppers Mart sa kahabaan ng Gov. Pascual Avenue, Brgy. Acacia base sa instraksiyon sa kanya ni Bautista, dating checker at supervisor ng naturang tindahan upang kunin ang nasabing tinangay na mga item.

 

 

Matapos nito, ibinigay ni Jose, duty cashier sa naturang tinadahan, ang nasabing mga item na may kasamang lumang resibo ng biniling assorted items na may petsang June 11, 2021 na nasa P955 ang halaga kay Sanglitan at hindi lahat bayad.

 

 

Nang nasa labas na ng tindahan si Sanglitan bitbit ang mga item na nakalagay sa loob ng cartoon ay hinabol siya ng naka-duty na checker ng tindahan upang i-double check ang mga item sa loob ng cartoon at nadiskubre na ang resibong hawak nito ay hindi intended para sa items sa loob ng cartoon.

 

 

Nireport ang insidente sa mga barangay tanod at sa Malabon Police Sub-Station 2 na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek at narekober ang 240 packs ng Marlboro Red na nasa P27,600 ang halaga. (Richard Mesa)

Pagdanganan tumabla sa ika-64, may P161K

Posted on: June 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TINIKLOP ni Bianca Isabel Pagdanganan ang laro kagaya sa simula sa tiradang one-under par 71 patungo sa 72-hole total four-over par 292 at tumabla sa tatlo sa 64th place na may $3,373 (P161K) bawat isa pagtatapos ng 72nd Ladies Professional Golf Association Tour 2021 14th leg $1.8M 3rd LPGA Mediheal Championship sa Lake Merced Golf Club sa Daly City, California nitong Lunes.

 

 

Kasalo ng 23-anyos na Philippine shotmaker mula sa Quezon City at suportado ng ICTSI, sa nasabing posisyon sina Japanese Haru Nomura (73) at Australian Sarah Jane Smith (74), na 18 palo ang iwan sa nagwagi si Matilda Castren ng Finland (65-274) kinopo ang $225K (P10.7M).

 

 

Sinakote ng 26 na taong-gulang na bagito, dating Florida State niversity player at nasa kanyang ika-15 torneo sa LPGA Tour ang unang titulo upang maging buwena-manong Finnish na nagreyna sa major US-based Tour.

 

 

Dalawang palo ang naging panalo niya kay Taiwanese Min Lee  nan aka-69-276 at may konsolasyong $136K. Pumangatlo si Hannah Green ng Australia nan aka-66-280 kalakip ang premyong $88,070.

 

 

Hindi umabot sa last two-round finals ang isa pang  pang panlaban ng ‘Pinas at ICTSI din na si Dottie Ardina kaya walang gantimpala. (REC)

“I wish them the best”, ang ipinaabot ni Sec. Roque sa 1Sambayan nominees na sasabak sa 2022 elections

Posted on: June 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

“I wish them the best.”

 

Ito ang iniaabot ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa mga 1Sambayan nominees na sasabak sa 2022 elections.

 

“Dalawa lang ang tumanggap, si Vice President Robredo at former Senator Trillanes. I wish them the best kaso mukhang mahirap talaga ang kausap ng 1Sambayan kasi karamihan ng na-nominate ay tumanggi,” ayon kay Sec. Roque.

 

Sa ulat, anim ang pagpipilian para sa magiging kandidato ng 1SAMBAYAN, ang united opposition para sa pagka-pangulo sa Halalan sa 2022.

 

Kasama rito sina Vice-President Leni Robredo, Senador Grace Poe, dating Senador Sonny Trillanes, Jesus Is Lord movement founder at CIBAC Rep. Eddie Villanueva, Batangas Rep. Vilma Santos-Recto, at Atty. Chel Diokno.

 

Mula rin sa kanila puwedeng manggaling ang kakandidato para sa pagka-bise presidente.

 

Samantala, kinumpirma naman ni Sec. Roque na hinihikayat ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang television host na si Willie Revillame na tumakbo sa pagka-senador o bilang pangulo ng bansa.

 

“Kinukumpirma ko po iyan,” diin pahayag ni Sec. Roque.

 

Samantala, hindi pa nagtatakda ng pulong si Pangulong Duterte kay PDP Laban party-mate Senator Manny Pacquiao, na humingi ng miting sa kanya sa gitna ng “simple misunderstanding” sa loob ng ruling party.

 

Nag-ugat ang hindi pagkakaunawaan nang hilingin ni Pacquiao, acting PDP-Laban president, sa mga miyembro ng partido na huwag dumalo sa May 31 national council meeting  na inorganisa ni Energy Secretary Alfonso Cusi.

 

Subalit, natuloy din naman ito sa pamamagitan ng matapos na sabihin ng Malakanyang na may basbas ni Pangulong, chairman ng partido ang nasabing pulong. (Daris Jose)

Unang international sports event na FIBA Asia qualifiers, hudyat nang pagbubukas ng PH – IATF

Posted on: June 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Ipinagmalaki ngayon ng IATF ang magaganap na kauna-unahang international sports event sa Pilipinas lalo na ang 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers sa kabila na malaking problema pa rin ang pagharap sa COVID-19 crisis.

 

 

Ayon kay testing czar Vince Dizon, ang FIBA Asia Cup Qualifiers na mangyayari sa Clark, Pampanga ay nagpapakita lamang na magandang balita sa unti-unting pagbubukas ng ekonomiya ng bansa.

 

 

Iniulat din ni Dizon, na liban sa national team Gilas Pilipinas, dumating na rin ang mahigpit na karibal ng Pilipinas na South Korean team.

 

 

Samantala, kaabang abang naman ang paglalaro na rin o debut sa seniors team na Gilas Pilipinas ng higanteng si Kai Sotto at ang bagong naturalized big man na Ivorian na si Angelo Kouame.

 

 

Sa Miyerkules buwena manong makakalaban ng Pilipinas ang powerhouse team na Korea, gayundin pagsapit ng Linggo.

 

 

Sa Biyernes naman ay makikipagtuos din ang Gilas sa Indonesian team.

 

 

Isang panalo lamang ang kailangan ng Pilipinas upang umusad sa prestihiyong torneyo.

200K National IDs ipinamahagi na

Posted on: June 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Ipinamahagi na ang Philippine Identification System (PhilSys) cards sa may 200, 000 Pinoy na nagparehistro sa ahensiya.

 

 

Ayon kay Philippine Statistics Authority (PSA) Assistant Secretary at Deputy National Statistician Rosalinda Bautista na iniulat sa ahensiya ng Philippine Postal Corp. (Philpost) na ang may 200,000 registrants ay tumanggap na ng kanilang ID at mayroon pang dagdag na 200,000 IDs ang takda nilang maipamahagi.

 

 

Ang registration para sa Philsys ID ay nagsimula noong October 2020 at ang pamamahagi ng National ID ay sinimulan nitong Mayo 2021.

 

 

Iniulat din ni Bautista na nakakolekta din sila ng demographic information ng may mahigit sa 35 million na ang 12 million ay mayroon ng biometrics captured.

 

 

Target ng PSA na mairehostro ang may 70 million Pinoy sa PhilSys bago matapos ang 2021. (Daris Jose)

MMDA, pinasok na rin ang entertainment industry para bakunahan laban sa Covid-19

Posted on: June 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SINIMULAN na rin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pakikipagtulungan sa Mowelfund ang pagbabakuna sa mga manggagawa ng entertainment industry.

 

Ang mga ito ay kabilang sa A4 priority list.

 

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni MMDA chairman Benhur Abalos na nasa 120 pa lang ang nababakunahan na manggagawa mula sa Mowelfunds.

 

Ang mga ito ani Abalos ay iyong mga taong ‘behind the camera” , taga-hawak ng ilaw at scriptwriters.

 

Maliban sa mga manggagawa ay nabakunahan din ang ilang personalidad gaya ng aktor na si Joross Gamboa, ang batikang direktor na si Joey Reyes, ang batikan aktres na si Boots Anson Roa, Rez Cortez at iba pa na kabilang naman sa senior citizens.

 

“Kawawa talaga ang industriya, halos isa’t kalahating taon sarado ang sinehan. Pati mga takilyera ng mga sinehan tinutulungan na rin natin na makabangon sila. iyong mga workers po natin,” ani Abalos.

 

Ani abalos, bakunang Sinovac ang itinurok sa mga nasabing personalidad at manggagawa.

 

Ang alokasyon naman aniya ay alokasyon mula sa MMDA.

 

Ikinatuwa naman ni Abalos na halos dalawang linggo na ay wala pa rin siyang kaso ng covid 19 sa MMDA.

 

Siguro aniya ay nasa 60% na ang kanilang nabakunahan. Hindi aniya kagaya noong araw na kailangang isara ang isang departamento dahil sa takot sa covid 19.

 

ito lamang aniya ay nagpapatunay na “zero cases” na ang MMDA patunay pa rin aniya na mabisa ang bakuna.

 

Samantala ang projected na bilang naman ni Abalos na mababakunahan ay 50 muna kada araw.

 

Ang importante aniya kasi ay iyon nakaplia lahat ang nais na magpabakuna.

 

Inaayos aniya nila ang tamang proseso para rito gaya ng pagpapalista at papo-proseso. (Daris Jose)

20 BENEPISYARYO NG GIP, TINANGGAP SA NAVOTAS

Posted on: June 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Toby Tiangco ang nasa 20 benepisyaryo ng Government Internship Program (GIP) na nagsimula na sa kanilang trabaho kahapon, June 15 sa Navotas City Hall.

 

 

“In government service, we are here not just to do our job. We are here to help ease the burden of the people we serve. Let us give the best service we could offer our fellow Navoteños,” ani Mayor Tiangco.

 

 

Hinimok din ni Tiangco ang mga GIP na magrehistro at lumahok sa COVID-19 vaccination program.

 

 

Nakatanggap ang Navotas nitong Miyerkules ng karagdagang 1,600 vials ng CoronaVac, na magagamit para sa una at pangalawang doses ng A1 hanggang A4 priority groups.

 

 

Naglaaan ang pamahalaang lungsod ng P1.4 milyon mula sa Gender and Development fund para sa internship program.

 

 

Kasama sa mga benepisyaryo ng GIP ang dalawang miyembro ng LGBT community at pitong solo parents kung saan magtatrabaho sila para sa pamahalaang lungsod ng anim na buwan at tatanggap ng P537 araw-araw na sahod. (Richard Mesa)

Del Rosario 4th sa WAPT 6th leg, kumita ng P145K

Posted on: June 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGSUMITE ng one-under par 71 pa-four-day aggregate 284 si Pauline del Rosario supang palabang sumosyo sa ikaapat na puwesto kay Sofia Garcia ng Paraguay at magrasyahan ng $3,050 (P145K) sa karorolyong 3rd Women’s All-Pro Tour 2021, 6th leg $49K (P2.3M) Oscar Williams Classic sa Hurricane Creek Country Club sa Anna, Texas.

 

 

Seven strokes ang kalamangan sa Philippine shotmaker nang nagreynang si Kim Gray ng Australia na may 73-277 sa coast-to-coast win nitong Sabado, pero walang nakuhang cash prize dahil sa pagiging amateur pa lang.

 

 

Salto si Del Rosario sa ikalawang  korona makaraang pamayagpagan ang WLN Central Arkansas Open nitong Mayo 12-14 sa Conway, Arkansas kung saan kumite siya ng $8K (P382) at isang babasaging eleganteng tropeo.

 

 

Lumamang two strokes ang sumegunda na si Emma Broze ng France na pumelo ng 67-279 at sinubi ang $9,500,at tumersera si Olivia Mehaffey ng Northern Ireland na naka-70-281 at may $4,500.

 

 

Lalahok din si Del Rosario sa WAPT 7th leg Kathy Whitworth Paris Championship simula sa Miyerkoles, Hunyo 16 sa Paris Golf and Country Club sa Paris, Texas.  (REC)

PHILIPPINE ID DAPAT TANGGAPIN SA LAHAT NG TRANSAKSYON AYON SA DILG

Posted on: June 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

DAPAT tanggapin ng anumang ahensya bilang single requirement ang Philippine ID sa mga transaksyon sa bansa.

 

 

Kaugnay nito ay hinikayat mismo ni Department of the Interior and Local Governmemt (DILG) Secretary Eduardo Ano  ang pribadong sektor na ikonsidera ang national ID card bilang ‘sufficient proof of identity’ ng hindi na nanghihingi pa ng karagdagang identification  mula sa nakikipag-transaksyon sa kanila.

 

 

Ayon kay Año, ang PH ID ay mayroon nang mga importanteng  impormasyon ng rehistradong indibidwal, kabilang na ang kanyang larawan, buong pangalan, address, kasarian, marital status at petsa ng kapanganakan, upang mapatunayan ang tunay na pagkakakilanlan nito.

 

 

Sa mga taga-gobyerno nman na hindi kikilalala sa PH ID ay nag- bigay babala ang DILG na mahaharap sa mabigat na kaparusahan o multang P500,000 ang sinumang tatanggi na tanggapin, kilalanin o i-acknowledge ang Philippine Identification Card o Philippine Identification System ID ng walang sapat na dahilan posible din na ma-ban na ito sa anumang pwesto sa gobyerno. (RONALDO QUINIO)