• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 26th, 2021

Kiyomi bigatin ang makakalaban sa Tokyo Games

Posted on: June 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Aminado ang Philippine Judo Federation (PJF) na mahihirapan si Fil-Japanese Kiyomi Watanabe na makapag-uwi ng medalya mula sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan.

 

 

Ito ay dahil sa bigating mga karibal ni Watanabe sa women’s -63-kilogram division, ayon kay PJF president David Carter.

 

 

Ilan rito ay sina World No.1 Clarisee Agbenenou ng France, 2016 Rio de Janeiro Olympics gold medalist Tina Trstenjak ng Slovenia, Miku Tashiro ng Japan at Olympics bronze medalist Sanne Vermeer ng Netherlands.

 

 

“Hopefully palarin. I know she will do her best. Iyong pinapakita niya sana galingan niya,” ani Carter sa four-time Southeast Asian Games gold medal winner na si Watanabe sa lingguhang TOPS Usapang Sports on Air.

 

 

Nabigyan ang 24-anyos na si Watanabe ng Olympic slot via continental quota sa women’s -63kg class base sa final at official qualification list na inilabas ng International Judo Federation (IJF).

3 naaktuhan nagtatarya ng shabu sa loob ng jeep sa Valenzuela

Posted on: June 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SA kulungan ang bagsak ng tatlong hinihinalang sangkot sa iligal na droga matapos maaktuhan ng mga awtoridad na nagtatarya umano ng shabu sa loob ng isang pampasaherong jeep sa Valenzuela city, kamakalawa ng hapon.

 

 

Sa report ni SDEU investigator PCpl Glenn De Chavez kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr, dakong alas-12:20 ng hapon, nagsasagawa ang personnel ng Station Intelligence Section sa pangunguna ni PSMS Roberto Santillan sa ilalim ng pangangasiwa ni PMAJ Marissa Arellano ng monitoring hinggil sa isang found dead body na natagpuan sa bakanteng lote sa Mac Arthur Highway, Brgy. Malanday.

 

 

Dito, isang concerned citizen ang lumapit kay PSMS Santillan at ipinaalam sa kanya ang hinggil sa nagaganap umanong pot session sa loob ng isang nakaparadang pampasaerong jeep sa Budget Oil Gasoline Station, Parking Lot, Brgy. Malanday.

 

 

Kaagad nirespondehan ni PSMS Santillan, kasama ang mga barangay tanod ng Malanday na sina Rolando Dalagan, Joselito Bitara at Francisco Chuidian ang naturang lugar na nagresulta sa pagkakaaresto kay Gilbert Labuzon, 49, jeepney driver, Jayvie Dela Cruz, 29, at Rogelio Galvez, 63 matapos maaktuhang nagtatarya umano ng shabu sa loob ng jeep.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang 15 pirasong transparent plastic sachets na naglalaman ng nasa 4 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P27,200.00, driver’s lincense, 3 coin purse, BIR ID, P400 cash, gunting, disposable lighter, cellphone at ang PUJ na may plakang TWS-997. (Richard Mesa)

‘Mission accomplished, Noy’

Posted on: June 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

“Mission accomplished Noy, be happy now with Dad and Mom. We love you and we are so blessed to have had the privilege to have had you as our brother.”

 

 

Ito ang mensahe ng kanyang mga kapatid nang kumpirmahin ang pagkamatay ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” S. Aquino III kahapon.

 

 

“He died peacefully in his sleep,” pahayag ni Pinky Aquino-Abellada. Namatay si PNoy dakong alas-6:30 ng umaga dahil sa renal disease secondary to diabetes.

 

 

Pinasalamatan naman ni Pinky ang 14.3 milyong Filipino na bumoto kay PNoy noong 2007 bilang senador at 15.2 milyong bumoto sa kanya bilang pangulo noong 2010.

 

 

Inalala rin ni Pinky na naging masakit para sa kanila na tahimik lang na tinanggap ni Aquino ang mga batikos pagkatapos ng kanyang termino.

 

 

“Masakit para sa amin na tahimik nyang tinanggap ang mga batikos. Natatak sa aming magkakapatid na nung sinabihan namin syang magsalita at labanan ang mga maling haka haka, simple ang si-nagot nya – kaya pa nyang matulog sa gabi,” ani Pinky.

 

 

Sinabi rin ni Pinky na matapang na hinarap ni Aquino lahat ng imbestigasyon at akusasyon, sa Sandiganbayan noong Nobyembre 2017 tungkol sa Mamasapano encounter, sa Senado no-ong Disyem­bre 2017, at sa Kongreso noong Pebrero 2018 tungkol sa Dengvaxia vaccine.

 

 

Pinasalamatan din ni Pinky ang buong medical team na nag-alaga kay Aquino dahil pinangala­gaan nila ang privacy nito.

 

 

Para sa Aquino sisters, nagawa ni PNoy kahit paano ang inaasahan ng publiko.

 

 

Nagpasalamat naman si Kris Aquino kay Pangu­long Duterte sa pagpapaabot nito ng pakikiramay. (Daris Jose)

ELLA, inamin na parang ‘hinusgahan’ niya agad si Direk DARRYL dahil sa mga bashers

Posted on: June 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

HUMARAP sa members of the media ang cast ng Gluta para sa very first face to face presscon ngayong pandemic.

 

 

Dumalo sa presscon sina Ella Cruz, Marco Gallo, Rose Van Ginkel, at Juliana Parizcova Segovia who all expressed excitement dahil muli nilang nakaharap ang members of the media in the flesh.

 

 

Ayon kay Ella, maganda ang mensahe ng Gluta which is “walang kulay ang kaligayahan.”

 

 

“We must learn to accept ourselves. Mahalin din natin ang sarili natin and I assert natin what we think is right,” sabi pa ni Ella.

 

 

Nag-enjoy siya doing Gluta at marami raw siyang natutunan about life mula kay Direk Darryl Yap.

 

 

Inamin din ni Ella na parang “hinusgahan” niya si Direk Darryl dahil sa mga bashers nito sa social media. Pero nang makilala niya ito while shooting the film ay nag-iba ang tingin niya rito.

 

 

“Ang bait-bait ni Direk Darryl. He is very cool director. Hindi siya sumisigaw sa set. Masaya ang shoot naming. Would you believe we were able to finish the film in five days? Ganyan kabilis magtrabaho si Direk Darryl pero maganda naman ang kinalabasan,” sabi pa ni Ella.

 

 

“He tells his stories in a good way. At may magandang mensahe siya sa bawat project na ginagawa niya.”

 

 

Dahil sa magandang mensahe ng Gluta kaya napapayag si Ella na tanggapin ang project.  Nagustuhan na niya agad ang kwento when Direk Darryl told her about it.

 

 

***

 

 

BIGGEST break ni Juliana Parizcova Segovia ang Gluta at medyo naging emotional siya nang ikwento na naging victim rin siya ng bullying dahil sa kanyang itsura.

 

 

Pero hindi raw niya akalain na maganda ang role na ibibigay sa kanya ni Direk Darryl.

 

 

Sobrang naka-relate si Juliana sa kanyang role bilang Aeta na uncle ni Angel (played by Ella Cruz). Ipinakita pa nga ang isang lumang litrato sa kanyang cellphone kung saan kahawig niya ang karakter niya.

 

 

“Kailangan lang na tanggapin ko ang flaws ko, accept who I am. Nang gawin koi to, mas naging confident ako sa sarili ko.  Sana mahalin din natin ang sarili natin kasi if we do that, mamahalin din tayo ng mga tao sa paligid natin.

 

 

Hindi man tayo maganda sa paningin ng ibang tao, deserve din naman natin na maging masaya,” sabi pa ni Juliana na sobrang saya dahil sa magandang takbo ng kanyang career bilang artista.

 

 

“Isa akong baguhan na nangangarap na may marating sa showbiz. Sana mabigyan ako ng pagkakataon na maipakita ang talent ko.”

 

 

Gluta” will be streamed sa Vivamax simula July 2. Available ito online at web.vivamax.net. Pwede ma-download ang app at mag-subscribe via Google Play Store or App Store.

 

 

***

 

 

BIBIGYAN ng bagong kahulugan ng “Tawag ng Tanghalan” season 4 grand finalist na si Makki Lucino ang ballad na “She Used to Be Mine,” sa sariling rendisyon.

 

 

“Gusto naming maging paalala ito sa lahat na ‘wag matakot sa pagbabago, na laging i-celebrate ang buhay, at yakapin ang edad natin,” ani Makki, na una nang pinerform ang kanta bilang contestant sa “Tawag ng Tanghalan.”

 

 

“Kinanta ko po siya sa ‘Tawag Ng Tanghalan’ bago makapasok ng top 6, ‘yung feedback po ay na-touch ‘yung mga tao, naiyak sila. ‘Yun po ‘yung maganda, na I was able to touch other people’s hearts,” dagdag niya.

 

 

Ayon kay Makki, gusto niyang kumatawan sa LGBTQ+ community at magdala ng inspirasyon sa mga Pilipino gamit ang madamdamin niyang performances at mga ilalabas na kanta—na uumpisahan ng bersyon niya ng “She Used to Be Mine.”

 

 

Isinulat at kinompose ng American singer-songwriter na si Sara Bareilles ang kanta para sa musical na Waitress, na ipinaparamdam ang emosyon ng isang taong hindi na makilala ang dati at kasalukuyan niyang pagkatao, pati na ang pagtataka kung sino siya ngayon kung naiba ang kanyang sitwasyon.

 

 

Samantala, matapos ang “Tawag ng Tanghalan” journey niya, sumabak na rin sa livestreaming sa kumu si Makki sa “Queer of Soul,” na napapanood kada Lunes at Wednesday sa SeenZone channel (@seenzonechannel) tuwing 6 pm.

 

 

Napapakinggan ang rendisyon ni Makki ng “She Used to Be Mine” sa iba’t ibang digital music streaming services. Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph) at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).

(RICKY CALDERON)

City Government of Davao, nakiisa sa sambayanang Filipino sa pag-aalay ng dasal sa namayapang si dating Pangulong Noynoy Aquino

Posted on: June 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAKIISA ang City Government of Davao sa sambayanang Filipino sa pag-aalay ng dasal sa ikapapayapa ng kaluluwa ni dating Pangulong Benigno Aquino III.

 

Sinabi ni Davao City Mayor Sara Duterte na ang watawat ng Pilipinas sa buong Davao City ay hahayaang liparin ng half-mast hanggang sa mailibing si Aquino.

 

“The City Government of Davao is one with the nation in praying for the eternal repose of the soul of former President Benigno Aquino III,” aniya pa rin.

 

“The Philippine flag in the entire Davao City shall be flown at half-mast until his burial,” dagdag na pahayag nito.

 

Nauna rito, napaulat na pumanaw na si dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, araw ng Huwebes, limang taon matapos na bumaba siya sa kanyang tanggapan.

 

Isang miyembro ng pamilya Aquino ang nagkumpirma nito at ilang malalapit na kaibigan at dating opisyal ng gabinete ni dating Pangulo Aquino, tulad nina dating Supreme Court Justice Adolf Azcuna na minsang nagsilbi bilang legal counsel sa Aquino administration at Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen na nagsilbing peace negotiator ng dating Pangulo,

 

Si Aquino, 61 ay matagal nang nanaimik at wala sa “public eye” simula nang magtapos ang kanyang termino bilang Pangulo ng bansa.

 

Nang mamatay ang ina ni Noynoy na si dating Pangulong Corazon Aquino, umabot sa rurok ang tawag kay Noynoy para tumakbo sa pagka-pangulo. Pagkatapos ng kanyang retreat ay nagpasya na nga si Noynoy na tumakbong pangulo sa halalan ng 2010.

 

Isang grupo ng mga abogado at mga aktibista bumuo ng NAPM – ang Noynoy for President Movement –  at isang nationwide movement ang kanilang ginawa na nangongolekta ng isang milyong lagda upang akitin si Noynoy Aquino na tumakbo bilang presidente. Noong huling linggo ng Agosto, si senador Aquino, ang kanyang kapwa partymate sa Liberal Party na si senador Mar Roxas at isang hindi nasabing pangulong aspirante ay nagsimulang mag-usap upang magdesisyon sa kung anong gagawin para sa halalan ng 2010.

 

Setyembre 1, 2009, sa isang press conference sa Club Filipino sa Greenhills, San Juan City, si Senador Roxas, isa sa nangungunang kandidato para sa nominasyon ng Liberal Party ay inihayag ang kanyang withdrawal sa pagkapangulo at ipinahayag ang kanyang suporta para sa kandidatura ni Aquino.

 

Noong Setyembre 9, 2009, 40 na araw matapos ang pagkamatay ng kanyang ina, opisyal na inihayag ni Noynoy ang kanyang plano para sa pagkapangulo sa isang press conference sa Club Filipino sa Greenhills, San Juan City, kung saan ay nagsilbi din ang lugar na presidential inagaural site ng kanyang ina noong 1986.

 

Ang pagkapangulo ni Benigno S. Aquino III ay nagsimula sa tanghali noong Hunyo 30, 2010, Siya ay ang ikalabinlimang Pangulo ng Pilipinas, pagkatapos ni Gloria Macapagal-Arroyo. Simula ng kanyang pagkapangulo, kilala rin siya sa tawag na “PNoy” na pinaikling bersyon ng “Presidente Noy”

 

Si Benigno Aquino III ay ang:

 

Ikatlong pinakabatang inihalal na pangulo at ang ika-apat na bunsong presidente matapos nina Emilio Aguinaldo, Ramon Magsaysay at Ferdinand Marcos.

 

Unang binatang pangulo, walang opisyal na asawa at anak.

 

Ikalawang presidente sa kasaysayan na hindi uminom ng alkohol. Ang unang pangulo na hindi uminom ng alak ay si Emilio Aguinaldo

 

Kauna-unahang alumnus ng Ateneo de Manila University na naging presidente.

 

Ikalawang pangulo na naging isang anak ng isang dating presidente (Corazon Aquino).

 

Unang pangulo na naging dating mag-aaral ng isang dating presidente (Gloria Macapagal-Arroyo). (Daris Jose)

‘Godzilla vs. Kong’ Passes $100 Million At Domestic Box, Beating ‘Wonder Woman 1984’ Record

Posted on: June 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

GODZILLA vs. Kong officially becomes the second movie to earn $100 million at the domestic box office since the coronavirus pandemic began.

 

 

After almost three months it was released in theaters, Godzilla vs. Kong crosses the $100 million mark at the domestic box office, according to screenrant.com.

 

 

Due to the coronavirus pandemic, the past year has been a difficult one for the entertainment industry. The box office saw record lows amid movie theaters across the globe shutting down. Major movies were either delayed or sent to streaming.

 

 

This year has finally seen signs of recovery, with each week bringing more positive news. Back in March, Godzilla vs. Kong helped lead the charge.

 

 

As reported by screenrant.com Godzilla vs. Kong debuted on March 31 both in theaters and on HBO Max. At the time, its $48.5 million opening ($32 million across the 3-day weekend) was the biggest debut of the pandemic, beating out previous record holder Wonder Woman 1984.

 

 

Many took this as a good sign that audiences were ready to return to theaters, and since then, movies like A Quiet Place Part II and Cruella have put in solid performances to further aid the box office’s recovery. For its part, GvK has shown remarkable legs over the past few months.

 

 

According to Variety, Godzilla vs. Kong has finally crossed $100 million at the domestic box office. After being stuck just below that number for several weeks, the MonsterVerse installment earned $220,000 over the past weekend, which pushed it over the line. GvK has now earned $100.113 million domestically. Its global total sits at $442.5 million, which puts it ahead of previous franchise installment Godzilla: King of the Monsters ($386 million in 2019).

 

 

Godzilla vs. Kong is not the first movie since the pandemic began to cross the $100 million milestone; that honor goes to A Quiet Place Part II, which did so the weekend before GvK. Nevertheless, the performances of both movies are welcome indications that the moviegoing experience can survive after a year of shutdowns and increased reliance on streaming.

 

 

The next few weeks are expected to see even bigger debuts with F9 and Black Widow, which can pave the way for a lucrative fall.

 

 

Godzilla vs. Kong is the fourth and biggest installment in Legendary’s MonsterVerse, the franchise that first began with 2014’s Godzilla.

(ROHN ROMULO)

Durant, USA basketball team sa Olympics binubuo ng NBA stars

Posted on: June 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Halos kompleto na ang bubuo ng USA Basketball team na sasabak sa Tokyo Olympics.

 

Ang national team ay kinabibilangan ng mga NBA superstars.

 

 

Kabilang sa umano sa nagbigay na ng kumpirmasyon ay sina Chicago Bulls guard Zach LaVine at si Detroit Pistons forward Jerami Grant.

 

 

Gayunman ang Brooklyn Nets superstar na si James Harden ay umatras dahil sa nagpapagaling pa sa kanyang hamstring injury.

 

 

Una nang iniulat ni USA Basketball managing director Jerry Colangelo na ang iba pang miyembro na tutungo ng Olympics ay ang nagbabalik para sa kanyang ikatlong gold medal ang isa pang superstar na si Kevin Durant, makasama rin ang mula sa Golden State Warriors na si Draymond Green, habang magiging first time Olympians naman sina Damian Lillard ng Blazers, Bradley Beal ng Wizards, Bam Adebayo ng Miami at Jayson Tatum mula sa Celtics.

 

 

Si Kevin Love ng Cavs ay miyembro ng 2012 gold-medal-winning squad sa London.

 

 

Ang tatlo pang nasa roster ay sina Milwaukee Bucks stars Khris Middleton at Jrue Holiday at ang Phoenix star na si Devin Booker na naglalaro pa ngayon sa conference finals.

 

 

Ang unang game ng Team USA ay magaganap sa July 25 kontra sa France na meron ding mga NBA players.

Vietnam humiling ng karagdagang araw para sa pinal na desisyon kung matutuloy ang SEA Games

Posted on: June 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Humiling pa ng ilang araw ang Vietnam para pagdesisyunan ang kapalaran ng Southeast Asian Games kung ito ba ay matutuloy o kakanselahin.

 

 

Sinabi ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino na humirit ng 14 na araw ang Vietnam bago nila pagdesisyunan kung matutuloy ba o iaantala ang torneyo.

 

 

Sa isinagawang isang oras na virtual meeting ng mga miyembro ng SEA Games Federation ay desidido ang Vietnam na ituloy pa rin ito subalit maraming mga bansa ang hindi sang-ayon dahil sa banta pa rin ng COVID-19.

 

 

Itinakda sa Nobyembre 21 hanggang Disyembre 2 ang SEA Games kung saan plano nila itong ilipat sa Hulyo 2022.

 

 

Nasa walong member countries naman ng SEA Games Federation ang sinubukang hikayatin ang Vietnam na ituloy ang nasabing torneyo.

NAG-EXPIRED NA MGA US PASSPORT, PAPAYAGANG MAKA-ALIS NG BANSA

Posted on: June 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

INANUNSIYO ng  Bureau of Immigration (BI) na ang isang  American citizens na narito ngayon sa bansa subalit expired na ang kanilang pasaporte bago o pagkatapos ng January 1, 2020 ay maaari ng makalabas ng bansa gamit ang kanilang expired passport.

 

 

 

Sa memorandum na inisyu ni Immigration Commissioner Jaime Morente, nagbigay ito ng direktibasa mga  BI personnel na nak assigned sa iba’t ibang ports na payagan ang mga papaalis na pasahero na may US passport na papaso mula January 1 noong nakaraang taon at mag-expire hanggang December 31 ng kasalukuyang taon.

 

 

 

Pero paliwanag ni Morente na maari lamang gamitin ng mga US-bound passengers na papaalis hanggang December 31, 2021.

 

 

 

Ipinag-utos din ng BI Chief sa bureau’s tourist visa section and alien registration division na iproseso ang kanilang aplikasyon para sa kanilang pananatili at emigration clearance certificates (ECC)  sa mga may hawak ng expired passport kapag nagpakita sila ng confirmed ticket sa kanilang pag-alis patungong USA.

 

 

 

Ang pahayag nito ni Morente ay kasagutan sa mga sulat na kanilang natanggap mula sa US Embassy sa Maynila hinggil sa mga na-stranded  dahil sa pandemic at nag-expired ang kanilang pasaporte.

 

 

 

“Because of the request from the US Embassy, in principle, passports that expired from January 1, 2020 up to the end of 2021 are considered valid and extended, hence they may be allowed to depart,” ayon kay  Morente.  “But this rule applies only to departing passengers.  Those who are planning to remain here or convert their visas still need to present a valid passport,” dagdag pa nito. (GENE ADSUARA)

Ads June 26, 2021

Posted on: June 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments