• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 2nd, 2021

Pope sa pagpanaw ni P-Noy: ‘I commend his soul into the hands of God…’

Posted on: July 2nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Maging si Pope Francis ay nalungkot sa pagpanaw ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

 

 

Sa kalatas na ipinadala sa Malacañang, nakikidalamhati ang Santo Papa sa pagpanaw ng dating pangulo ng bansa.

 

 

Tiniyak ng 84-year-old pontiff ang pagdarasal para sa namayapang dating pangulo ng bansa.

 

 

“Recalling the late president’s service to the nation, I commend his soul into the hands of the all-merciful God. Upon his family and all who mourn his passing, I invoke abundant consolation and peace in the Lord,” saad ng Mahal na Papa.

 

 

Taong 2015 nang personal nitong nakasalamuha si Aquino sa ilang araw na pagbisita sa bansa.

 

 

Binigyan pa ng 15th Philippine president ang Santo Papa na iskultura ni Mama Mary, habang binigyan naman nito si P-Noy ng “facsimile” ng Nautical Map na attributed kay Bartolome Olivia na bahagi ng Vatican Library collection.

COVID-19 cases sa Metro Manila, bumaba pa sa 9%

Posted on: July 2nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Bumagsak pa sa siyam na porsiyento ang naitatalang COVID-19 cases sa Metro Manila na kasunod rin nang pagbaba sa ‘healthcare utilization’ sa rehiyon, ayon sa OCTA Research Group.

 

 

Sa datos ng OCTA, nakapagtala ng 667 daily cases mula Hunyo 21 hanggang Hunyo 27 na mas mababa sa 731 kasong arawang average mula Hunyo 14 hanggang 20.

 

 

Dahil dito, bumaba rin ang ‘average daily attack rate (ADAR) sa 4.83 per 100,000 population.  Nagresulta ito na ilagay ang Metro Manla sa ‘moderate-low risk area’.

 

 

Nanatili naman ang ‘positivity rate’ sa Metro Manila sa 7 porsyento habang nasa ‘safe levels’ na ang utilization rate ng healthcare facilities.

 

 

Nasa 36% ang hospital bed occupancy, 45% ang ICU bed occupancy, at 32% ang mechanical ventilator occupancy.

 

 

Tinukoy ng OCTA ang mga lungsod ng Navotas, San Juan at Pateros sa may pinakakaunting ‘daily ave­rage cases’ na hindi bababa sa 10 kada araw. Pinakamababa rin ang ADAR ng Navotas.

 

 

Mas mababa na rin sa 5 ang ADAR ng mga siyudad ng Caloocan, Marikina, Malabon, Valenzuela, ­Quezon City, at Manila na mga “mo­derate-low risk areas” na.

 

 

“The other local go­vernment units (LGUs) in Metro Manila are considered moderate risk areas, with an ADAR between five and 10 per 100,000”, dagdag pa ng OCTA.

6 arestado sa droga sa Valenzuela

Posted on: July 2nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Bagsak sa kulungan ang anim na hinihinalang drug personalities kabilang ang dalawang bebot matapos maaresto sa isinagawang magkahiwalay na drug operation ng pulisya sa Valenzuela city.

 

 

Sa report ni PCpl Christopher Quiao kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr, dakong 1:40 ng Miyerkules ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Joel Madregalejo ng buy bust operation sa No. 4573 Sampaloc St., Santolan Rd.  Gen T De Leon.

 

 

Kaagad sinunggaban ng mga operatiba ang kanilang target na si Jaycee Morales, 35, matapos bentahan umano ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer.

 

 

Kasama ring inaresto ng mga operatiba si Welly Pepito,40, matapos makuhanan ng isang transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang tinatayang nasa 5 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price (SDP) na P34,000.00, buy bust money, P500 cash, 2 cellphones at maliit na silver box.

 

 

Samantala, bandang alas-2:30 naman ng Huwebes ng madaling araw nang maaktuhan ng mga operatiba ng SDEU na sumisinghot umano ng shabu sa loob ng isang bahay sa Area 4 Pinalagad, Brgy., Malinta, sina Christopher Garcia, alyas “Tsong”, 47, Rodelio Mamerto alyas “Botchok”, 45, Anne Navarra, 36, at Catherine Sevilla, alyas “Taneng”, 37, sa isinagawang validation ng mga pulis hinggil sa napaulat na pot session sa naturang lugar.

 

 

Ani SDEU investigator PSMS Fortunato Candido, nasamsam sa mga suspek ang tinayang nasa 5 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price (SDP) value P34,000, cellphone, P200 cash at ilang drug paraphernalias. (Richard Mesa)

“Timing” ng pagbubunyag ng alegasyon ni Pacquiao, kinuwestiyon ng Malakanyang

Posted on: July 2nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KINUWESTIYON ng Malakanyang ang “timing” ng alegasyon ni Senador Manny Pacquiao na mayroong korapsyon sa Department of Health (DOH) sa gitna ng COVID-19 pandemic.

 

“Sa akin po, absent po siguro si Senator Pacquiao nung nagprisinta ‘yung mga Cabinet secretaries, or kung hindi siya absent he may have been preoccupied with something else,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

At kung ang pinaghuhugutan naman ni Pacquiao ay isyu ng Personal Protective Equipment (PPE) ay sinabi ni Sec.Roque na naipaliwanag namang mabuti ni Health Secretary Francisco Duque ang bagay na ito.

 

“’Yan nga po ‘yung aking sinabi kasi nanggaling na si Secretary Duque doon sa Senado, nag-explain na po siya doon at wala namang kasong naisampa matapos po ‘yung eksplanasyon ni Secretary Duque. At hindi ko nga lang alam kung nandun nga po siya nung naghe-hearing ang Senado at kung meron siyang mga tanong na ibinato kay Secretary Duque nung mga pagkakataon na ‘yun,” ani Sec. Roque.

 

Sa kabilang dako, naniniwala si Sec. Roque na politika talaga ang ugat ng alitan na namamagitan ngayon kina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Pacquiao.

 

“Politika po talaga. Politika po ang katapusan nito. Tingin ko maghuhusga ang taong bayan kung sino talaga mamumuno sa 2022,” giit nito.

 

Sa ulat, hindi nagpatinag si Pacquiao sa mga banat sa kanyang kaalyado na si Pangulong Duterte.

 

Nauna nang binanatan ng Pangulo si Pacquiao matapos sabihin diumano ng senador na mas kurakot ang kasalukuyang administrasyon kaysa sa mga nagdaang pamuuno.

 

“Within one week, may gawin ako. Maglista ka, Pacquiao, at sinasabi mong two times kaming mas corrupt. Ilista mo ‘yung mga tao at opisina. Dapat inilista mo na ‘yan noon, at ibigay mo sa akin.” hamon ng Pangulo.

 

“Di ba ang sabi ko noon, if you come to know that is a corruption, let me know. Give me the office . . . Ganoon ang dapat na ginawa mo. Wala ka namang sinabi noong all these years, puro ka praises nang praises sa akin, tapos ngayon sabihin mo corrupt,”

 

“So I’m challenging him, ituro mo opisina na corrupt at ako na bahala within one week, may gawin ako. Maglista ka Pacquiao at sinasabi mo two times kaming corrupt, ilista mo yun mga tao at opisina na dapat inilista mo pa noon at ibigay mo sa akin,” dagdag niya pa.

 

Sagot naman ni Pacquiao, si Pangulo mismo ang nagsabi na mas dumami ang kurakot sa panahong ito.

 

Tinatanggap din diumano ng Filipino boxing icon ang hamon ng Pangulo na pangalanan ang mga kurakot na opisyal ng gobyerno.

 

“Tinatanggap ko ang hamon ng Pangulong Rodrigo Duterte. Salamat po at binigyan nyo kami  ng pagkakataon na tumulong sa inyo at bigyan kayo ng mga impormasyon para kampanya kontra korapsyon,” ani Pacquiao.

 

Iginiit din ni Pacquiao na hindi niya kayang magsinungaling o mangurakot kahit kailan sa kanyang buhay.

 

“Mawalang galang po mahal na Pangulo, nguni’t hindi ako sinungaling. May mga naging pagkakamali ako sa buhay na aking itinuwid at itinama nguni’t dalawang bagay ang kaya kong panghawakan. Hindi ako tiwali at hindi ako sinungaling,”

 

“Magsimula tayo sa DOH. Saan napunta ang pera na inutang natin para sa pandemya?”

 

Isa si Pacquiao sa mga malapit na kaalyado ng Pangulo at posibleng tumakbo sa pinakamataas na posisyon sa gobyerno sa susunod na taon.

 

Samantala ay sinabi ng Malacañang na isa si Pacquiao sa mga pinipili ni Duterte para suportahan ngunit tila hindi makapaghintay ang Senador sa desisyon ng Pangulo. (Daris Jose)

Serena Williams hindi na itinuloy ang laro sa Wimbledon matapos ma-injured

Posted on: July 2nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Hindi na tinapos ni Serena Williams ang kaniyang laro sa first round ng Wimbledon at tuluyan ng nagretire matapos na ito ay nagtamo ng injury.

 

 

Hawak ng 39-anyos ang kalamangan sa first set 3-1 laban kay Aliaksandra Sasnovich ng Belarus ng ito ay nadulas.

 

 

Dahil sa kailangan niyang ipasuri ang kaniyang left ankle ay nagdesisyon itong hindi na ituloy ang nasabing laro.

 

 

Ito ang unang pagkakataon na nabigo ang US tennis champion sa Wimbledon.

JEAN, sunud-sunod ang IG post na patama sa manugang na si ALWYN at na kay JENNICA kung makikipagbalikan pa

Posted on: July 2nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MAGKASUNOD na Instagram post ang pinakawalan ni Jean Garcia.

 

 

Wala man itong direktang tinag o minention ngayon, pero dahil nauna na ngang nagsalita siya at nag-post sa pagka-disgusto sa ginawa at tila pambabalewala sa kanya ng manugang, madaling i-assume na patama pa rin kay Alwyn Uytingco ang magkasunod na post niya.

 

 

Unang post niya, tila pinararating niya na wala siyang panahon sa taong maliit ang utak at puro ego.

 

 

Sey niya, “I have no time to battle egos and small minds…”

 

 

Sinunod naman niya ang post na quote na, “Genuine sincerity opens people’s hearts, while manipulation causes them to close.”   

 

 

At sa kanyang caption, “Regrets are illuminations- come too late.”

 

 

Hindi dito nagtapos, sa huling IG post ni Alwyn na pinagsisigawan nito nag nagso-sorry siya sa nagawang pagkukulang kay Jennica Garcia at humihingi ng tawad at nagsasabing mahal na mahal niya ito at tila gagawin ang lahat, magka-ayos lang sila, muling nag-comment si Jean sa post na ito ng mister ng anak.

 

 

Diretsahan itong sinabihan ni Jean na tila maging totoo sa sinasabi.

 

 

Aniya, “Don’t claim to be sincere, just be it!”

 

 

At saka isinunod din ang tila kawalan na ng paniniwala sa manugang sa isang salita na, “Haaayyy.”

 

 

Sa nangyayaring ito, si Jennica na nga ang makakapag-desisyon. Kung muli niyang papaniwalaan at tatanggapin si Alwyn o bibigyan niya ng timbang ang mga naoobserbahan ng ina.

 

 

Hati rin ang mga comments ng netizens. Merong nagsasabi na dapat nilang ayusin mag-asawa ang naging isyu nila at marami rin kaming nababasa na ayaw na magkabalikan pa ang dalawa.

 

 

Katwiran nila, sayang daw ang nagsisimulang career ni Jennica at malo-losyang na naman daw ‘pag bumalik kay Alwyn, huh!

 

 

***

 

 

NAKU, itong si Super Tekla mukhang hindi na natuto o nadala.

 

 

May nakarating sa amin na diumano’y may mga pinagdadaanan na naman ito na pwede naman sanang maging avoidable dahil nasa kanya na ‘yun.

 

 

Balita rin namin na balik daw ito sa dating bisyo kaya madalas ay walang pera, sa kabila ng may regular show siya, ang The Boobay and Tekla Show.

 

 

May tsika rin na nakipagbalikan na naman daw ito sa nanay ng anak niya na pre-pandemic ay grabe na ang nangyari sa kanila.

 

 

Heard na kung hindi raw magbabago si Tekla, baka bitawan na raw ito ng kanyang manager o mga namamahala ng career niya.

 

 

Kasi naman, nabigyan na siya ng ilang chances, nasa kanya na nga naman kung sasayangin niya lang.

(ROSE GARCIA)

ED SHEERAN, kinumpirma na muling nakipag-collaborate sa record-smashing Korean group na BTS

Posted on: July 2nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KINUMPIRMA ng English singer na si Ed Sheeran sa Most Requested Live ang kanyang collaboration with the record-smashing Korean group BTS sa song na “Make It Right”.

 

 

Sey ni Sheeran: “I’ve actually worked with BTS on their last record, and I’ve just written a song for their new record. And they’re super, super cool guys as well.”

 

 

Kinumpirma naman ito ng music label ng BTS na Big Hit Music sa South Korean: “It is true that Ed Sheeran is participating in BTS’s new song.”

 

 

Noong June 28, BTS achieved another record for their music video titled “Butter” which has surpassed 400 million views on YouTube.

 

 

According to Soompi, “Butter” is now BTS’s 13th music video to achieve this success following “Spring Day,” “DNA,” “Fire,” “Dope,” “Fake Love,” “MIC Drop (Steve Aoki Remix),” “Blood Sweat & Tears,” “IDOL,” “Save Me,” “Boy With Luv,” “Not Today,” and “Dynamite.”

 

 

Umabot sa 401,683,986 views on Youtube ang “Butter” music video ng BTS. Ito na ang latest summer anthem for the most-viewed music video in a span of 24 hours.

 

 

The official music video of “Butter” also has the biggest YouTube premiere with over 3.9 million viewers at the time.

 

 

***

 

 

KAKAIBANG Tom Rodriguez ang dapat abangan ng viewers sa upcoming GMA primetime series na The World Between Us.

 

 

Malayo raw sa naging roles niya noon ang karakter ni Tom na si Brian Libradilla sa highly-anticipated series.

 

 

Gaganap siya bilang nakatatandang kapatid ni Lia (Jasmine Curtis-Smith) na pipigil sa pagmamahalan nila ni Louie (Alden Richards).

 

 

Aniya, “Iba [si Brian], he’s wounded, may bubog but at the same time, there are layers to him as well. Hindi lang siya kontrabida just to be a kontrabida.

 

 

The writers, the creatives, they really put dimensionality to each of the characters, hindi lang kay Brian kaya ang saya, ang saya niyang i-portray.”

 

 

Bukod kina Alden, Jasmine, at Tom, kabilang din sa series sina Dina Bonnevie, Jaclyn Jose, Sid Lucero, Kelley Day, Yana Asistio, Donn Boco, at Jericho Arceo.

 

 

Abangan ang world premiere ng The World Between Us ngayong July 5 na sa GMA Telebabad at GMA Pinoy TV.

 

 

***

 

 

PROUD mama si Roxanne Barcelo nang mag-turn one-month old ang kanyang first born na si Baby Cinco.

 

 

Pinost ni Roxanne sa Instagram ang series of photos ni Baby Cinco noong umabot na ng five weeks this month of June.

 

 

“Our son at 1 month – 5 weeks. Swipe to the end to see how Papa Panda kept @dababycinco from crying,” caption pa niya.

 

 

Nitong June lang din pinost ni Roxanne na nanganak na pala siya. Noong April ay ni-reveal ng aktres sa kanyang vlog na malapit na siyang manganak sa isang baby boy.

 

 

Marami na ang nangyari sa buhay ni Roxanne simula noong ikasal siya noong December 2020. Hanggang ngayon ay sikreto pa rin kung sino ang mister at ama ng kanyang anak.

(RUEL J. MENDOZA)

U-turn slot sa Balintawak muling binuksan

Posted on: July 2nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Muling binuksan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang U-turn slot sa EDSA malapit sa Balintawak na ikinatuwa ni Quezon City Mayor Joy Belmonte.

 

 

“We would like to thank MMDA Chairman Benhur Abalos for reopening the U-turn slot near the Dario Bridge. This will help ease traffic congestion in the area and speed up travel time,” wika ni Belmonte.

 

 

Noong nakaraang taon ay hindi pinagbigyan ang pakiusap ng lungsod ng Quezon upang buksan ang nasabing U-turn slot upang bigyan daan ang EDSA bus system.

 

 

Si Chairman Abalos na natalaga noong nakaraang January ang siyang nagbago ng desisyon na saraduhan ang U-turn slot kung saan niya sinabi na ayon sa mga pag-aaral, ang pagbubukas ng U-turn slot ay makakaganda ng daloy ng mga sasakyan at makakabawas ng travel time sa nasabing lugar.

 

 

Inutusan naman ni Belmonte ang panglungsod na task force sa transport at traffic management na magdagdag ng mga enforcers upang tulungan ang mga tauhan ng MMDA sa pag-aayos ng trapiko.

 

 

Natuwa rin si Belmonte sa aksyon ng MMDA na pinakiusapan ang Metro Rail Transit-Light Rail Transit Common station na iusad pabalik ang mga fences na nakalagay sa kanilang working area upang mabuksan ang karagdagang lanes para sa mga motorista.

 

 

“We are working with the MMDA to find ways to decongest our roads, especially now that more people are going to work and for other purposes amid the easing of quarantine restrictions,” dagdag ni Belmonte.

 

 

Dagdag pa niya na kahit na binibigyan nila ng suporta ang mga transportation initiatives ng pamahalaan tulad ng EDSA Bus Carousel project hindi naman nila puwedeng pabayaan ang kapakanan ng mga mamayan na dumadaan sa EDSA.

 

 

“The MMDA and the city government will continue to explore short and long-term solutions to the perennial bottlenecks along EDSA. We are willing to help for as long as it will bring comfort to our constituents and ensure that their mobility is not hampered,” saad pa ni Belmonte.

 

 

Noong nakaraang taon, ang MMDA ay sinarahan ang madaming U-trun slots sa kahabaan ng EDSA na siyang naging sanhi ng pagsisikip sa nasabing highway at iba pang pangunahing lansangan sa Metro Manila. (LASACMAR)

P9-B natirang Bayanihan 2 fund, ‘di na magagamit

Posted on: July 2nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Tuluyan nang hindi magagamit ang umaabot sa P9 billion na pondong nakalaan sana sa pagtugon ng pamahalaan laban sa epekto ng COVID-19.

 

 

Bagama’t hindi ito tuluyang masasayang, obligado naman ang gobyerno na ibalik ang naturang salapi sa national treasury.

 

 

Una nang iminungkahi ng ilang opisyal na palawigin na lang sana ang bisa ng Bayanihan 2 hanggang Disyembre 31, 2021.

 

 

Pero malabo namang makapagpasa ng agarang batas ang Kongreso dahil naka-break pa ang sesyon hanggang sa araw ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo 26, 2021.

 

 

Isinisi naman ng ilang kongresista sa kabagalan ng mga ahensya ng gobyerno na maipatupad sa tamang panahon ang mga programang nakapaloob sa Bayanihan 2.

 

 

Kabilang sa maaapektuhan ng expiration ng batas, ang pagpapatuloy ng recovery at stimulus programs, service contracting at free rides sa ilang bahagi ng ating bansa. (Daris Jose)

‘Don’t Breathe 2’ Trailer Is Here: Stephen Lang, Reprising The Role Of The Blind Man

Posted on: July 2nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

THE first trailer for Don’t Breathe 2 is here and Stephen Lang is reportedly the only returning cast member from the original film, reprising the role of Norman Nordstrom AKA The Blind Man.

 

 

The original film, directed by Fede Álvarez, originally premiered at SXSW in 2016 on its way to becoming a summer sleeper hit. Don’t Breathe received a glowing reception from critics and audiences alike who praised its white-knuckle thrills and shocking twists, grossing a total of $157 million on a $10 million budget.

 

 

Although Álvarez and the majority of the original cast aren’t returning for the upcoming sequel, Don’t Breathe 2 is still highly anticipated regardless.

 

 

In the first film followed three young adults as they broke into Norman’s house knowing that he is blind in the hopes of stealing a large amount of cash. Unbeknownst to them, Norman is a Gulf War veteran with a knack for killing who is hiding some serious secrets inside his basement.

 

 

Don’t Breathe 2 is flipping the script, though, if early plot details are any indication, as it will follow Norman as he tries to rescue a young girl from a group of criminals who have broken into his isolated home and kidnapped her.

 

 

Now, IGN has released the first trailer for Don’t Breathe 2, giving fans a glimpse at Lang’s return and what’s in store for his new victims. The trailer sees Lang’s Norman Nordstrom taking care of an orphaned girl.

 

 

When she is kidnapped, her captors tease their knowledge of Norman’s complicated past, something he clearly doesn’t want revealed. Just when they think they’re in the clear, though, Norman comes back to haunt them and take back what’s been taken from him.

 

 

Check out the full clip below: https://www.youtube.com/watch?v=uzIMYaeUmRo

 

 

The trailer for Don’t Breathe 2 certainly proves what the synopsis insinuates – although the first film posited the Blind Man as a villain, it seems like the sequel will see Norman Nordstrom become the protagonist. Still, it’s clear that his past will still be haunting him in the new film.

 

 

The captors who come for the girl he is taking care of mention something about knowing who he really is, indicating that more details about Norman’s past may be uncovered in the new film. It’s possible that these captors are even trying to protect the girl from Norman.

 

 

One thing is staying the same from the original Don’t Breathe, though. Norman will find new and disturbing ways to torture those who have wronged him. From using water to detect intruders to throwing a hammer at someone running away from him, it looks like Don’t Breathe 2 will have its fair share of chill-inducing violence.

 

 

Luckily, it won’t be long until audiences get to see what’s in store, as the film hits theaters this August. (source: screenrant.com)

(ROHN ROMULO)