ISANG regional film project at 33 na production companies, institutions, at organizations ang bumubuo sa representasyon ng Pilipinas sa La Fabrique Cinéma de l’Institut français at Marché du Film ng Cannes Film Festival ngayong taon.
Itinatag noong 1959 kasabay ang ika-13 na edisyon ng Cannes Film Festival, ang Marché du Film ay ang business side ng festival kung saan nagtitipon ang film industry professionals upang makadiskubre ng panibagong film projects at makakuha ng karanasan mula sa isa sa mga pinakamalaking film markets sa buong mundo.
Habang magkakaroon din ng onsite events ang Marché du Film ngayong taon, ibibigay ng online platform nito ang parehong karanasan kagaya ng sa Cannes na mayroong live and real-time meetings upang tulungan ang business at networking ng film industry professionals mula sa buong mundo. Para sa edisyon ngayong taon, binubuo ng 37 na indibidwal na delegado ang Pilipinas na mula sa Producers Network at Filipino Film Producers.
Ang mga delegado ng Pilipinas ay mula sa Atom & Anne Mediaworks Corp., Chimera Visions, Creative Caboose, Digital Dreams Inc., Globe Studios, IndieGo Pictures Entertainment Inc., Rein Entertainment Productions, at RR Entertainment.
Ang kumukumpleto sa listahan ng mga lalahok na kumpanya ay ang ABS-CBN Film Productions, Amaya Films, Animation Vertigo Asia, Inc., Binisaya Movement Inc., Cignal TV Inc., Daluyong Studios, Eichef Media/HFilms, Epicmedia Productions Inc., ERK Productions, Filcor Media and Events Production, Firestarters, Fullhouse Asia Production Studios, Inc., Heartleaf Film Production, Heaven’s Best Entertainment, IRONoriel Productions, Ladder Production Films, Lakan Media Creatives, Mandala Video and Event Productions, Micromedia Digital Video Productions, QCinema, Reelabilities Studios, Sine Abreno, Ursa Studios Inc., UXS Inc., at Vineyard Films.
Mabibigyan ang mga delegado ng access sa online events at programs, Marché du Film Online booths at screenings, pavilions at participants’ information, online networking events upang makakilala ng potensyal na business partners, 1-year free subscription sa Cinando, at feature ng kanilang company profiles sa Marché du Film publication. Magkakaroon naman ng access sa Producers Network Programs at Meetings ang mga producers sa Producers Network. Idinaraos mula Hulyo 6 hanggang 15 ang hybrid format ng Marché Du Film habang onsite naman mula Hulyo 6 hanggang 17 ang ika-74 na season ng Cannes Film Festival.
“Over the years, the prestigious film market in Cannes has made international partnerships and collaborations available for our filmmakers. This year, regardless of the market being held online, it will continue to provide the same opportunities and experience that will greatly benefit our filmmakers in the industry,” wika ni Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson at CEO Liza Diño.
Irerepresenta naman ang bansa ng Dancing the Tides ni Xeph Suarez sa 2021 La Fabrique, isang film lab ng Cannes Film Festival. Ang pinakaunang feature film ni Suarez ay tungkol sa isang Muslim na transwoman na nagngangalang Astri na maligayang naninirahan kasama ang kaniyang nobyo na si Tambulah sa isang konserbatibong komunidad.
Nang maging 16 na anyos na si Astri, pinapaalala sa kaniya ng kaniyang ama na bilang “lalake,” kinakailangan niyang igalang ang kanilang tradisyon na ikasal sa babaeng napili para sa kanya.
Noong 2019, isa sa mga kalahok ng pinakaunang Southern Voices Film Lab (SoVo Lab) ng FDCP ang film project na ito kung saan nakakuha ito ng development fund na PHP 100, 000. Sa taon na iyon, napili ang project na ito sa First Cut Lab Manila na suportado din ng Ahensya.
Naging delegado si Suarez sa 2019 Southeast Asia Fiction Film Lab (SEAFIC) at sa sumunod na taon, napili ang Dancing the Tides sa Pustnik Screenwriters Residency 2020 at Ties That Bind 2020. Sa 2021 SoVo Lab Awarding Ceremony noong Hunyo, nakakuha naman ito ng Special Jury Prize na may kasamang Co-Production Grant na nagkakahalagang PHP 500,000.
Simula Hulyo 6 hanggang 17, magiging parte naman ang Dancing the Tides kasama ang iba pang siyam na napiling projects sa film lab, isang tailored program upang tulungan ang talented young directors mula sa mga umuusbong na bansa para madagdagan ang kanilang international exposure upang makabuo ng mga koneksyon kasama ang ibang partners.
Inimbitahan bilang guest speaker sa Cannes Docs ng Marché du Film ang Daang Dokyu Festival Director na si Baby Ruth Villarama para sa event nitong “Connecting the Dots: Asian documentaries and their home ground windows” noong Hulyo 8, habang magiging parte naman ng pitching session ng La Fabrique Cinéma 2021 sina Suarez at producer na si Alemberg Ang sa Hulyo 11 para i-highlight ang partnership sa Coprocity.
Para sa karagdagang impormasyon ukol sa Marché du Film, bisitahin ang https://www.marchedufilm.com/. Para sa Filipino film project sa La Fabrique, bisitahin anghttps://www.lescinemasdumonde.com/en/la-fabrique/2021/projet/dancing-tides.
(ROHN ROMULO)