• November 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 15th, 2021

Bb. Pilipinas International HANNAH, nagpasalamat sa ex-boyfriend na si MARLO na palaging nakasuporta

Posted on: July 15th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

DAHIL sa pinost ni Marlo Mortel sa kanyang Instagram account na throwback pictures nila ng bagong crowned na 2021 Binibining Pilipinas International na si Hannah Arnold at may caption ito na, “So proud of this one! Hard work, dedication and a compassionate heart truly pays off.  From this pic last 2015, I’ve seen how you’ve grown to become the Queen that you were destined to be.  You are beautiful in and out and I can’t wait to see you shine and inspire us even more. The world is ready for you, our #MissInternational.”

 

 

     Nag-reply si Hannah sa post na ito ni Marlo at nagpasalamat sa singer/actor.

 

 

Aniya, “Omg throwback pics Hahahaha! Thank you Marlowe. So grateful for your support since 2014!!!”

 

 

Ilan sa mga followers ni Marlo ang nag-comment na sana silang dalawa na lang daw.

 

 

At ‘yun nga, nang makausap namin si Marlo, naging ex-girlfriend nga pala niya si Hannah. At ilan sa mga kanta niya na ni-release niya ngayong pandemic ay isinulat niya with Hannah on his thoughts.

 

 

Two years din tumagal ang relasyon nila, pero feeling ni Marlo, pareho raw nilang hindi kinaya ang LDR o long-distance relationship kaya hindi nag-work.

 

 

Obviously, friends pa rin sila at supportive sa isa’t-isa.

 

 

At hindi pa man, may disclaimer na agad si Marlo na ba paratangan siyang ginagamit ang ex dahil panlaban na ito sa Miss International.

 

 

Ipinaliwanag niya na even before ng pageant, na-explain na raw nila sa kanyang KUMU ang naging relationship nila nang bigla raw mag-greet sa KUMU live niya ang ex-girlfriend.

 

 

***

 

 

BASE sa inilabas na data ng LionHeartTV para sa Highest Grossing Filipino Movie Star, true to his title, unkaboggable pa rin talaga si Vice Ganda.

 

 

Nag-base sa official box-office records and official records of production, si Vice Ganda pa rin ang may pinakamalaking box-office result with the combined income ng mga movies nila from 2010.

 

 

4.5 billion ang record na nabuo ni Vice habang 3.8 billion si Kathryn Bernardo at 3.5 billion naman si Daniel Padilla.

 

 

Sabagay, anim na beses ngang pinarangalan na Box-Office King si Vice ng Guillermo…so, lumalabas silang tatlo ang top highest grossing Filipino artists with Vice being number one pa rin.

(ROSE GARCIA)

MARIAN, number one sa list ng ‘Most Followed Filipino Celebrities’ sa Facebook; nagpasalamat sa more than 25 million followers

Posted on: July 15th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MASAYANG ibinahagi ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera-Dantes sa kanyang Instagram Stories ang magandang balita na pinost ng dailypedia.net.

 

 

Ayon sa report si Marian ang nasa No. 1 spot ng listahan ng ‘Most Followed Filipino Celebrities’ sa Facebook as of July 2021.

 

 

Labis-labis nga ang pasasalamat ng asawa ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa kanyang Facebook followers na umabot na sa more than 25 million.

 

 

“Awww salamat po,” caption ng nanay nina Zia at Sixto at nangakong magla-live sa facebook.

 

 

“#MagLiveAkoSoon, Kita kits,” sabi pa ng magandang aktres.

 

 

Kababalik lang ni Marian sa kanyang social media account matapos na mag-lie low ng ilang linggo at last month nga ay naabot na niya ang 25 million mark sa FB followers.

 

 

Patuloy ngang nagho-host si Marian ng Tadhana na napapanood tuwing Sabado ng hapon at gabi-gabi naman silang napapanood ni Dingdong sa rerun ng Endless Love sa GMA Telebabad.

 

 

At dahil fully vaccinated na silang mag-asawa, hinihintay ng kanilang milyung-milyon na tagahanga na makagawa na sila ng bagong proyekto, kung hindi man teleserye, kahit na isang sitcom na mas magiging madali para sa kanila.

 

 

Abala pa rin si Marian sa kanyang tinatag na negosyo, ang ‘Flora Vida by Marian’, na palaki nang palaki at base sa kanyang mga IG posts, maraming nakaka-sosyal na gamit pambahay ang paparating na mula sa naman sa ‘Flora Vida Home.’

 

 

Patuloy rin siyang pinagkakatiwalaan ng mga products na ini-endorse na halos lahat ay nag-renew ng kontrata at may bago pang dumating.

 

 

Last week naman, mula silang nag-shoot ni Dingdong sa ini-endorse nilang banko na nagsi-celebrate ng kanilang anibersaryo, kaya muling makikita ang mag-asawa na magkasama kahit sa tvc at print ads lang.

 

 

Narito naman ang iba’t-ibang reaction ng netizens sa fashionpulis.com sa pagiging number 1 ni Marian sa list:

 

 

“Sampal to sa mga tard ng abs cbn. Congrats GMA7 And Ms. MARIAN RIVERA.”

 

 

“Asan na yung mga tards? Mga feeling sakalam sa socmed at mga pa-class kuno?!”

 

“Ayan si Marian, kesyo ootd, floral negosyo, family life o pagluluto, sinusundan ng tao. Simple pero relatable. Yan ang influencer!”

 

 

“Talaga ba baks? sa FB na pugad ng trolls lol e dinosaur na ang FB. Tiktok, omegle pati kumu ang in ngayon.”

 

 

“Mababa ang interactions ng page ni marian kahit most followed.”

 

 

“may video syang 17m views in 1 hour and 16 views in 2 hours. record breaking accdg to fnet…may pics syang in 1 day 1m likes. anong mababang interactions buti nga walng ads ung videos nya eh.”

 

 

“’Day di basehan ang Twitter ng kasikatan ng isang celebrity. Look at their movies, shows, endorsements. Yung social media nadadaya yan. Gobyerno nga daming dummy accounts.”

 

 

“Hindi yan daya. Maraming international fans si MArian na nakadagdag sa pinoy followers nya.”

 

 

“Marami siyang fans abroad dahil sa mga lumang serye niya.”

 

 

“Iiyak na naman ang mga kaF tards. Eh world class daw sila eh hahahaha!”

 

 

“I used to be Kaf. I agree. Settings and stage lang ang maganda sa Kaf atsaka OA (theatrical) acting. Pero pag pagtiyagaan mo ang Kah, meron rin mga magagaling na artista bukod pa may Marian. Magaling lang ang Kaf noon sa pa-trending on Twitter. I like the underrated actors of GMA.”

 

 

“Si Marian ang pinakasikat na pinoy artista dito sa Vietnam. Mga nanay ng mga students ko dito naka like sa page niya. Recently lang nung kumain kami sa korean restaurant here and the staff found out we’re pinoys, si Marian agad ang tinanong nila.”

 

 

“Tama. I think si Marian ang pinakasikat na pinay actress sa neighboring asian countries natin. Talo nya ang mga abs stars.”

 

 

“si marian unang sumikat jan dahil may kasunduan ang gma 7 at Vietnam to air shows sa abs cbn naman south africa.”

 

 

“Pinagpipilitan nga nilang si anne curtis daw ang most followed filipina celebrity. NGE!”

 

 

“Iba talaga si Yan! Pero hanga ako sa kanya talaga focus na sa family at business inactive pero sandamakmak endorsements.”

 

 

“I’m a social media manager. And it’s not just about having the most number of followers. What matters more is actually engagements. So yun yung mga reactions and comments. Marian’s FB hindi masyadong madaming engagements compared sa followers niya. Compare mo yan sa IG ni Anne. Anne gets at least 100k likes per post and millions sa views sa mga videos nya. Sa social media ranking, mas angat pa din si anne.”

 

 

“NO. Mababa parin yang engagements ni Anne and just because hindi masyadong nagco-comment mga followers ni Marian eh hindi na valid. Madaming asian fans si MArian. JUST ADMIT THAT ANNE CURTIS IS NOT THE MOST FOLLOWED FILIPINA IN SOCIAL MEDIA.”

 

 

“I’m not invalidating Marian’s popularity. She is popular. Pero sa social media game, mas mababa talaga ranking ni Marian. Kasi engagement talaga hinahanap ng mga sponsors. We use tools to count engagement sa page. On FB, you can only monetize pag video creator ka or if may sponsorship ka, pwede mo din i post. Sa IG, celebrities heavily monetize by sponsorship. And celebrities who are brand conscious, stay away from FB.”

 

 

“Nakakaloka kayo, karamihan ng mga artista wala talagang fb, usually twitter at instagram lang. Iilan lang mga sikat na may fb page.”

 

 

“Iba rin naman kasi karisma ng isang Marian Rivera. Kaya kahit anong lait ng mga kaF sa kanya they can’t put her down!”

 

 

“Masa infested kasi ang FB.”

 

 

“Mga comments na gaya nito are so funny. Di daw nila alam. Hahaha. uhm pag mamay ari ng fb ang IG. Between FB, IG, and twitter sa number of advertisers, mas mataas ang FB. So yeah. meron pa palang fb? Lol!”

 

 

“Most followed but wala masyado engagements mababa ang interactions, likes at views.”

 

 

“So you’re saying na hindi totoo yung numbers of followers nya? Hindi mo alam eh sikat yan si Marian sa ibang asian countries.”

 

 

“Kahit pandemic, millions ang views ng ibang artista sa IG. Anne rakes hundreds of thousands of likes per post.”

 

 

“So what? Fake news parin yung pinapakalat ng abs cbn na most followed filipino daw si anne curtis sa socmed. LOL!”

 

 

“Sa FB yan, puro jeje kasi dyan. Sa Twitter si Anne Curtis, mas may substance kasi mga tao dun.”

 

 

“Mas marami followers ni A sa fb dati pero nahack noong 19m followers, kaya back from the start, kung hindi siguro nahack hindi sya ang most followed. Sa ig naman kaf ang most followed.”

 

 

“Akala ko ba yung unkabogable star ang madaming followers sa FB at IG??”

 

 

“Kakabitter ng mga tao dito, jusko! admit or not sya ang most followed ph celeb sa fb. to answer ur questions mga day di sya masyadong active sa ig nya pero pa 11M na sya. pero meron syang 25+ endorsements na active. not a fan of her pero ang OA lang nga tao dito di nyo matanggap na nangusan yung mga idol nyo ika nga pag inggit pikit wag madami sinasabi lol”

 

 

“Lets face it. Marian is the prettiest n most popular couple sila ni Dong. Good influence how to raise a family. Congrats!”

 

 

 

(ROHN ROMULO)

 

VALENZUELANONG LUMABAG SA BATAS-TRAPIKO, ABSWELTO SA MULTA

Posted on: July 15th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGPASA ang Sanggunian ng Valenzuela City ng ordinansang nag-aabswelto sa mga motoristang Valenzuelano na nahuling lumabag sa mga batas trapiko sa pamamagitan ng No Contact Apprehension Program (NCAP) na magbayad  ng multa.

 

 

Nakasaad sa Ordinance No. 901 Series of 2021, ang mga motoristang lumabag sa batas trapiko habang nakataas ang enhanced community quarantine (ECQ) at modified ECQ o lockdown mula Marso 17, 2020 hanggang Mayo 14, 2021 ay ligtas na sa pagbabayad ng multa upang mapagaaan ang kanilang pasaning pangkabuhayan.

 

 

Nilinaw ng Sanggunian na naobserbahan nito na iilan lamang na rehistradong may-ari ng sasakyan ang nagbabayad ng multa, at karamihan sa kanila ay humihingi ng konsiderasyon mula sa lokal na pamahalaan.

 

 

Ayon sa ordinansa, para maabswelto sa multa ay kinakailangang punan ang NCAP relief application form at ipasa ito sa Valenzuela City Traffic Violations Adjudication Committee, na matatagpuan sa City External Services Office sa  Barangay Dalandanan.

 

 

Ang aplikante ay kailangan ring tunay na residente ng lungsod at kailangang magpakita ng hindi bababa sa dalawa sa mga sumusunod: voter’s ID, barangay clearance, real property tax declaration;  o anumang dalawang valid government-issued ID na may adres na matatagpuan sa Valenzuela City. Maaari lamang makakuha ng amnestiya sa multa hanggang Disyembre 31, 2021. (Richard Mesa)

TONY, abswelto na sa kasong ‘slight physical injuries’ pero haharapin pa rin ang ‘two counts of aggravated acts of lasciviousness’

Posted on: July 15th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NA-DISMISS ang slight physical injuries complaint sa aktor na si Tony Labrusca ng Makati prosecutor’s office.

 

 

Ang nag-file ng reklamo kay Labrusca ay si Dennis Ibay, Jr. na nagsabi na nanggulo sa isang house party ang aktor noong nakaraang January 16, 2021.

 

 

Ayon kay Makati Senior Assistant City Prosecutor Edmund Seña“However, the complaint was only filed before this Office on June 04, 2021, or after more than two months from the time of the incident. Considering that the complaint for slight physical injuries against respondent was only filed on June 04, 2021, or after more than two months from the date of its alleged commission, the crime is already extinguished by reason of prescription. “Wherefore, premises considered, it is respectfully recommended that the complaint for slight physical injuries against Anthony Angel Jones Labrusca, Jr., a.k.a. ‘Tony Labrusca’ be dismissed on the ground of prescription.”

 

 

Nakatanggap na ang legal counsel ni Labrusca na si Atty. Joji Alonso ng kopya ng resolution issued ng Makati City Prosecutor’s Office “motu proprio” (on one’s own initiative) dismissing the case of slight physical injuries on the ground of prescription.

 

 

Ayon kay Atty, Alonso: “While the decision of the Honorable Office was based on technical grounds, we remain steadfast that our client is innocent from the aforesaid charge.”

 

 

Pero hindi pa raw tapos sa ilang kaso pa si Labrusca dahil hindi pa nare-resolve ng Makati Prosecutor’s Office ang alleged sexual molestation case laban sa kanya ng isang babae sa same house party. Meron pang two counts of aggravated acts of lasciviousness na ikinaso laban sa aktor.

 

 

***

 

 

PAGKATAPOS iwan ang showbiz noong 2017, nagtatrabaho na bilang security personnel sa California ang dating comedienne na si Jinky Oda na mas kilala bilang si Bale sa sitcom na Okay Ka, Fairy Ko.

 


     Nakatsika nila Rufa Mae Quinto at LJ Moreno si Jinky para sa kanilang vlog na “The Wander Mamas”.

 

 

Nakipagkita sila kay Jinky at kinumusta siya sa bagong pamumuhay niya sa Amerika.

 

Noon daw ay walang plano si Jinky na manirahan sa Amerika pero dahilan daw ay ang kanyang anak.

 


     “First year ko dito the whole year culture shock siya. Kasi walang tao. Nasa’n ang tao? Kapitbahay mo nga, di mo kilala…Walang tao, walang kausap,” kuwento ni Jinky.

 

Caregiver ang unang trabaho ni Jinky at ang kapatid niyang nurse sa Amerika ang tumulong sa kanyang makuha ang work na iyon.

 

“Dahil wala pa nga akong papers at that time, parang ano lang ako, on-call caregiver. Pag walang caregiver na pumapasok, ako yung parang nagfi-fill in. OK naman. Kesa naman sa nganga,” tawa pa ni Jinky.

 

 

Napasok ni Jinky ang trabaho bilang security personnel noong may maging kaibigan itong local security guard.
“Meron akong nakilalang guy na local security guard. Lumapit lang siya sa ‘kin. Siyempre, to be polite, ngumiti lang ako. Biglang lumapit, nagpakilala.

 

 

“To make the long story short, siya nagpasok sa akin sa security field. Maganda yung trabaho ko. Ito ang magiging buhay ko na for the rest of my life. Kailangan i-accept.”

 


     Paminsan-minsan daw ay nami-miss ni Jinky ang pagiging artista sa Pilipinas. Pero maayos na raw ang buhay niya sa Amerika. Kung may babalikan daw siya sa Pilipinas, ito ay ang kanyang mga kaibigan na matagal niyang hindi nakita noong magkaroon ng pandemic.

 

 

***

 

 

ANG The Crown ng Netflix at The Mandalorian ng Disney Plus ang nakakuha ng pinakamaraming nominasyon sa 73rd Primetime Emmy Awards. Nakakuha sila ng tig-24 nominations each. Nasundan sila ng Wandavision ng Disney Plus with 23 nominations; The Handmaid’s Tale ng Hulu at ng NBC’s Saturday Night Live with 21 nominations; at Ted Lasso ng Apple TV with 20 nominations.

 

 

Nakakuha naman ng 18 nominations ang Lovecraft Country ng HBO at The Queen’s Gambit ng Netflix, at 16 nominations naman ang Mare of Easttown ng HBO.

 

 

Maglalaban sa best drama series category ay ang The Boys, Bridgerton, The Crown, The Handmaid’s Tale, Lovecraft Country, The Mandalorian, Pose at This Is Us.

 

 

For best comedy series, ang mga maglalaban ay black-ish, Cobra Kai, Emily in Paris, The Flight Attendant, Hacks, The Kominsky Method, Pen15 at Ted Lasso.

 

 

Magaganap ang 2021 Primetime Emmy Awards on September 19 in Los Angeles on CBS and will be streamed live on Paramount+. It will be hosted by Cedric the Entertainer.

(RUEL J. MENDOZA)

Mga Pilipino sa Italy, nakisaya sa tagumpay ng national team sa EURO 2020

Posted on: July 15th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Maging ang mga Pilipino ay nakikisaya sa naging panalo ng Italy laban sa England sa isinagawang EURO 2020.

 

 

Sa naging panayam kay Bombo International News Correspondent Annabel Quismorio Noble tubo ng Barangobong, Luna, La Union at naninirahan na sa Italy na maging sila ay masaya sa panalo ng Italy national team.

 

 

Ayon kay Noble, pagkaraan ng 53 taon ay muling nakuha ng Italy national team ang kampeonato sa larong football.

 

 

Samantala, base sa pananaliksik ang bansang Italy ang pinakamatagumpay sa kasaysayan ng football at World Cup, kung saan nanalo na ito ng apat na titulo (1934, 1938, 1982, 2006); dalawang finals noong (1970, 1994); third place (1990) at fourth place (1978).

 

 

Nanalo na rin ang nasabing bansa ng dalawang European Championships (1968, 2020), at nagpakita sa dalawang finals ng torneyo noong (2000, 2012). Sila rin ang may highest finish at ang FIFA Confederations Cup noong 2013, kung saan nakuha ng grupo ang third-place finish.

 

 

Noong taon 1938, ang Italy ay naging kauna-unahang team na nakapagtanggol ng kanilang titulo sa World Cup title at dahil sa outbreak noong World War II, napanatili nito ang titulo sa loob ng 12 taon.

 

 

Nanalo na rin ang nasabing bansa ng dalawang Central European International Cups (1927–30, 1933–35). Sa pagitan ng unang dalawang World Cup victories nanalo ang Italy sa Olympic football tournament (1936).

 

 

Matapos ang pagkamatay ng karamihan sa grupo dahil sa plane crash noong 1949 hindi na nagawa ng grupo na makilahok sa dalawang World Cup tournaments at nabigo na maka-qualify para sa 1958 edition hanggang 2018 edition.

2 wanted person sa Malabon, binitbit sa selda

Posted on: July 15th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

DALAWANG wanted person sa frustrated murder at theft ang nalambat sa isinagawang magkahiwalay na joint operation ng pulisya sa Malabon city.

 

 

Sa report PSMS Alddrich Reagan De Leon kay Malabon police chief Col. Albert Barot, dakong alas-9 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) sa pangunguna ni PSMS Joey Sia ng joint operation, kasama ang SIS, 4th MFC at RMFB-NCRPO sa pangunguna ni PCPT Ronilo Aquino sa 1st St., Brgy. Tañong na nagresulta sa pagkakaaresto kay John Denmark Labain, 27.

 

 

Ayon kay PCMS Gilbert Bansil, inaresto si Labain sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Frustrated Murder na inisyu noong July 6, 2021 ni Hon. Misael Modelo Lagada, Presiding Judge RTC Branch 292, Malabon City.

 

 

Sa hiwalay na operation, naaresto din ng mga operatiba ng WSS sa pangunguna ni PSMS Armando Isidro Jr, si Eduardo De Leon, 42, malapit sa kanyang bahay sa Valdez St., Brgy. Catmon dakong alas-9:15 ng gabi.

 

 

Si De Leon ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Theft na inisyu noong July 9, 2021 ni Hon. Maya Joy Panaga Guiyab-Camposanto, Presiding Judge, MTC, Branch 120 Malabon City. (Richard Mesa)

Pagbasura sa board exams? Philippine Nurses Association, pumalag

Posted on: July 15th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Hindi sang-ayon ang Philippine Nurses Association (PNA) sa mungkahi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ibasura na ang pagbibigay ng licensure examinations.

 

 

Ayon sa PNA national president na si Melbert Reyes, agad ibinasura ng Board of Nursing ang nasabing proposal dahil kailangan na mapanatili ang competency ng mga health professionals sa bansa.

 

 

Iginiit ni Reyes na buhay ng tao ang hinahawakan nila kaya naman hindi dapat bumaba ang kalidad ng mga health professionals na mayroon ang Pilipinas.

 

 

Kung titingnan, ang mga board exams ay nagsisilbi nga rin bilang check and balance para kalidad ng edukasyon ng isang indibidwal.

 

 

Unang pinalutang ni Bello ang ideya na ibasura na lamang ang pagbibigay ng licensure examination para sa mga nurse, abogado, at iba pa, dahil sa malaking financial cost ng pag-aaral at pagkuha ng boards.

 

 

Ang mahalaga lamang aniya ay graduate sa isang institusyon na accredited ng Commission on Higher Education ang isang estudyante.

Ads July 15, 2021

Posted on: July 15th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Sara nanguna sa presidential, Duterte sa VP – survey

Posted on: July 15th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Si Davao City Mayor Sara Duterte ang napipisil ng mayorya ng mga Pinoy na maging susunod sa pangulo ng bansa sa nalalapit na May 2022 elections habang si Pangulong Rodrigo Duterte naman sa pagka-bise presidente.

 

 

Base sa resulta ng Pulse Asia survey na inilabas kahapon, 28% ng mga Pinoy adults ang boboto kay Mayor Duterte sa nalalapit na presidential election.

 

 

Pumangalawa si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na nakakuha ng 14%, kasunod si dating Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na may 13% at Sen. Grace Poe na may 10%.

 

 

Sumunod sa kanila sina Sen. Manny Pacquiao (8%), Vice Pres. Leni Robredo (6%); Sen. Panfilo Lacson (4%); Sen. Bong Go (3%); habang 2% sina dating vice president Jejomar Binay, Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano at dating senador Antonio Trillanes IV.

 

 

Nadomina ni Sara ang Mindanao, kung saan 62% ang susuportahan ang kanyang posibleng presidential bid.

 

 

Sa Metro Manila, neck-to-neck sina Moreno at Marcos na 23% at 22%, habang si Sara ay 16%.

 

 

Sa vice presidential post, nanguna si Pang. Duterte na nakakuha ng 18%, kasunod si Moreno na 14%, Senate President Vicente Sotto III at Marcos, na kapwa tig-10%, Pacquiao na may 9%, Caye­tano, 8% at Sorsogon Gov. Francis Escudero, 7%. (Daris Jose)

PAGBABAGO SA PROSESO SA PAGBOTO

Posted on: July 15th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MAGKAKAROON ng pagbabago  sa proseso ng pagboto sa 2022  local and national elections  dahil na rin sa patuloy na  banta ng coronavirus disease sa bansa.

 

 

Ayon ito kay Comelec Spokesman James Jimenez dahil ang mga botohan ay may posibilidad na maging sanhi ng pagsasama-sama ng mga tao kaya dapat mayroong mga pagbabago sa proseso ng pagboto.

 

 

Ikinokonsidera aniya na  limang tao lamang ang maaaring manatili sa isang silid aralan na gagamitin bilang voting  venue.

 

 

Sinabi ni Jimenez na ang pamantayan sa mga nakaraang halalan ay palaging sa anumang lugar ng botohan, dapat mayroong puwang para sa hindi bababa sa sampung tao na boboto ng sabay-sabay.

 

 

Ngayong may banta pa ng COVID-19, possible aniyang babaan ang bilang ng maaring bomoto sa bawat polling precint.

 

 

Ayon kay Jimemez, maaring limang indibidwal na lamang ang papayagan sa loob ng polling precint kabilang ang tatlong miyembro ng electoral board, isang watcher ng kandidato at isang botante.

 

 

Pero ang panukalang ito aniya ay tatalakayin pa. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)