INALIS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa isang Local Government Unit (LGU) ang pamamahagi ng cash aid sa nasasakupan nito dahil sa kakulangan sa organisasyon.
Sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi ay inatasan ng Pangulo ang Department of Interior and Local Govenment (DILG) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) na i-take over ang trabahong distribusyon ng ayuda sa constituents ng isang lungsod.
Sinabi pa ng Pangulo na inalisan niya ng trabaho ang LGU na mamamahagi ng ayuda dahil hindi kaya ng mga opisyal nito na mamamahahagi sa maayos na paraan.
Hindi naman pinangalanan ni Pangulong Duterte kung sino ang nasabing LGU.
“Alam mo may isang siyudad ako dito na I ordered the [DILG] and itong DSWD na kayo na ang magbigay ng mga ayuda pati ‘yong mga kung anong maitulong ng national government sa local government units na walang alam at hindi marunong mag-organize ng mga distribution,” ayon sa Pangulo.
“It only results in disorder so tinanggal ko muna ‘yan sa kanila [LGUs] at ibinigay ko doon sa DILG pati and DSWD. Kayo na muna hanggang matuto sila,” dagdag na pahayag nito.
Giit ng Pangulo na wala talagang alam ang Alkalde na kanyang pinapasaringan kaya’t agad niya itong tinanggalan ng trabaho na mamamahagi ng ayuda at tulong mula sa pamahalaan.
“Wala talagang kaalam-alam itong mga mayor na ‘to so tanggalan muna natin itong pamimigay, pagdi-distribute ng pera pati tulong ng gobyerno,” aniya pa rin.
Samantala, hindi man pinangalanan n Pangulo kung sinong Alkalde ang inalisan nito ng trabaho na mag-distriibute ng ayuda ay tila nagbigay naman ito ng clue at inilarawan ang tinukoy niyang LGU.
“Iyong kay Chairman Abalos, may isa ‘kong siyudad diyan na hindi ko bibigyan ng power to distribute ayuda. Siyempre because in so many instances they cannot organized.. wala talagang.. everytime tapos pahe dito, pahe doon. It has happened several times,” anito sabay sabing marami ring beses na sinisisi ng Alkaldeng ito ang ibang tao kaysa sa kanyang sarili.
“Yan ang gusto.. maryosep.. hindi lang tayo puwedeng magsalita ng politiko dito. pero yan.. yan.. kayong mga Filipino huwag kayong magpaloko dyan sa mga pa-drama magsalita pati kung … nakita ko nga sa facebook kanina lahat ng .. naka-bikini ang gago tapos may isang picture pa doon na sinisilip niya iyong ari nya. ‘Yan ang.. yan ang gusto ninyo? ang training.. parang… para lang.. parang callboy, naghuhubad, nag-pictue, naka-bikini tapos iyong garter tinatanggal niya, tiningnan niya iyong .. apat magsama sila ni Paredes. Tingnan ninyo sa Facebook, nandiyan. Nandiyan iyong mga picture nya tapos iyong sinisilip niya iyong… iyan ang training ng Presidente. Maghubad at magpa-picture at magsilip, magyabang sa kanilang ari kagaya ni Paredes,” litanya ng Pangulo.
Sa kabilang dako, sinabi naman ng DILG na ipalalabas ang ayuda sa mga low-income households sa National Capital Region (NCR) na apektado ng Enhanced Community Quarantine, bukas, araw ng Miyerkules, Agosto 11.
Tinatayang may 11 million NCR residents ang makikinabang sa ayuda o cash assistance, ayon kay DILG Spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya.
Ang cash aid ay “P1,000 per individual” o hanggang “P4,000 maximum per household.” (Daris Jose)